Share

Kabanata 10

“Masakit pa rin ba?”

Sa maliit na kwarto sa taas, lumuhod si Luna sa harap ni Nellie habang maingat siyang naglagay ng ointment sa munting bata gamit ang bulak.

“Ang sakit!” tumingin si Nellie kay Luna ng luhaan. “Mommy, masakit po.”

“Shh.” sumimangot si Luna at nagtaas isang daliri at nilagay ito sa mga labi niya. “Mag ingat sa mga sinasabi mo. Ako ang yaya mo, kaya’t tawagin mo akong Auntie.”

“Ah.”

Pinunasan ni Nellie ang mga luha sa malaki niyang mga mata na puno ng pagkabalisa. “Auntie, ito po ang unang beses na sinaktan ako ng isang tao simula nung pinanganak ako.” nanginig ang maliit niyang katawan habang umiiyak.

Kumirot ang puso ni Luna habang naging pink ang dulo ng ilong niya.

Kasalanan niya ang lahat ng ito.

Hindi niya na dapat iniwan si Nellie ng mag isa sa villa para mabawasan ang paghihinala sa kanya ni Joshua.

Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ni Nellie, sinisisi niya ang kanyang sarili. “Hindi mo ‘to kasalanan; dahil lahat ito sa masamang babaeng ‘yun.”

Tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi. “Galit ako sa kanya.”

“Hindi ka na pwedeng magsalita ng ganito sa susunod.” tinikom niya ang kanyang mga labi at nagpatuloy siya, “Siya ang gusto ng daddy mo. Kapag inaway mo siya, mahihirapan lang si daddy, kaya’t lumayo ka na lang sa kanya sa susunod, okay?”

Matanda na si Aura at pinamihasa siya ni Joshua nitong mga nakalipas na taon, habang si Nellie ay isang munting bata lamang na kakabalik lang sa kanya.

Kung hindi niya maiiwasan na mapunta sa masamang panig ni Aura, dapat niya na lang iwasan ito.

“Opo, alam ko. Sa susunod na makita ko po siya, lalayo na lang po ako.”

“Good girl.”

Huminga ng malalim si Luna at nagpatuloy siyang gamutin ang pinsalang tinamo ni Nellie.

Sa labas ng pinto, may matangkad na lalaking nakatayo. Nakinig siya sa usapan nila habang dumilim ang mga mata niya.

Sa loob ng study room, mahinang sinabi ng lalaki, “Lucas, humanap ka pa ng nababagay na katulong para sa Little Princess.”

Nabigla si Lucas. “Sir, si Luna ay…”

Tumingala si Joshua at tumingin siya kay Lucas. “Ang isang babaeng damating na may pakay. Hindi ko siya hahayaang manatili dito ng matagal.”

“Yes, Sir!”

......

Pagkatapos ilagay ang gamot, humiga si Nellie sa kama at nakatulog na siya ng malalim. Pagkatapos ayusin ni Luna ang kama, bumalik siya sa kwarto ng katulong na hinanda para sa kanya ni Lucas.

Malinis at matino ang kwarto, kahit na maliit lang ito, nandito na ang lahat ng kailangan niya.

Tinanggal niya ang kanyang mga damit, tumalikod sa salamin, at tiningnan ang sugat sa kanyang likod.

Sinipa siya ng buong lakas ni Aura, at tumama ito sa dati niyang sugat. Nagbuntong hininga si Luna sa nakita niyang pasa sa salamin. Umupo siya para hanapin ang gamot sa first aid kit.

Nung binuksan ni Joshua ang pinto, nakita niya si Luna na nakaupo sa sahig at suot lamang ang underwear, nakaharap ang likod ni Luna sa kanya.

Mas maputi pa sa niyebe ang balat niya, kabaliktaran ng pasa na natamo niya mula sa sipa ni Aura.

Sumimangot ang lalaki. “Anong ginagawa mo?”

Napahinto si Luna nang marinig niya ang boses ng lalaki sa loob ng kwarto. Tumayo siya at napaharap siya kay Joshua. “Mr. Lynch.”

Wala siyang suot kundi ang isang puting bra, masyadong nakakaakit ang mahugis niyang katawan. Maganda ang mga kurba ng kanyang katawan, nakakabighani talaga ang tanawin na ito.

“Kahit ngayon, sinusubukan mo pa rin akong akitin?” lumiit ang mga mata ni Joshua habang nakahalukipkip siya at nakasandal sa gilid ng pinto, punto ng panunukso ang kanyang mga mata.

Ngayon lang napagtanto ni Luna ang kasuotan niya.

Nagmadali siyang nagsuot ng jacket. “Bakit nandito kayo, Mr. Lynch?”

Tumingin si Joshua sa bakas ng palad sa mukha ni Luna—pula at namamaga. “Masakit pa rin ba?”

Sinundan ni Luna ang tingin ni Joshua at hinawakan niya ang mukha niya.

Nagaalala lang siya sa pasa sa likod niya at nakalimutan niya na ang sampal na natamo niya mula kay Aura. Tila namamaga pa rin ang mukha niya.

Ngumiti si Luna. “Hindi, hindi na po masakit.”

Pumasok si Joshua sa kwarto at umupo siya sa tabi ng kama.

“Bakit mo kami nirecord?” tumingin siya ng malamig kay Luna. “Hindi iisipin ng ordinaryong tao na mag record sa bawat oras, at sa bawat lugar.”

Alerto pa rin si Joshua sa mga taong nasa paligid niya.

Lumiit ang mga mata ni Luna dahil dito, ngunit nagbigay pa rin siya ng mapagkumbaba na ngiti sa kanyang mukha. “Noong pinag uusapan po namin ni Lucas ang sahod, natatakot ako na hindi niya tatanggapin ang mga pangako lang sa susunod, kaya’t palihim ko pong nirecord ang pag uusap namin.”

“Sa hindi inaasahan, nakatanggap po kayo ng tawag tungkol sa sitwasyon ni Ms. Nellie, at sumunod po ako, pero naka-on pa rin ang recording at nakalimutan ko pong patayin.”

“‘Yun lang?” pumunta ang lalaki sa harap niya at tinitigan siya na para bang nababasa ang lahat ng iniisip niya.

Hindi kumportable si Luna sa tingin ni Joshua at napalingon siya palayo para umiwas sa tingin. “Opo, ‘yun lang.”

“Ayaw ko sa mga babaeng may pakana.” tumaas ang kamay ni Joshua at hinawakan niya ang baba ni Luna para iharap ang mukha nito sa kanya. “Itago mo lang ang mga pakana mo. Pwede ko gawing langit ang buhay mo sa Blue Bay, o pwede ko rin gawing impyerno ang buhay mo sa Banyan City.”

Pagkatapos, malamig siyang bumitaw at umalis.

Nakatayo lang si Luna habang nakatingin sa paalis na hugis ni Joshua, tumulo ang malamig na pawis sa kanyang katawan.

Sa sandaling ito, nag ring ang phone niya.

Dahil lang dito, bumalik na sa sarili si Luna at sinara niya ang pinto sa kanyang kwarto.

Nanggaling ang tawag mula kay Anne.

“Tapos na sa klase si Neil at pinauwi ko na siya. Wala ka ba sa bahay?”

“Anne.” huminga ng malalim si Luna. “Sasamahan ko dito si Nellie ngayong gabi. Pwede mo ba akong tulungan na alagaan si Neil at kumain kayo sa labas?”

“Sige!”

Nang matapos ang tawag, tinaas ni Anne ang kanyang kamay para himasin niya ang ulo ni Neil. “Tara, dadalhin ka ni ninang para kumain tayo ng masarap na pagkain!”

Tinikom ni Neil ang kanyang bibig at umiwas siya sa kamay ni Anne. “Hindi po ba uuwi si Mommy ngayong gabi?”

Tumango si Anne. “Oo daw. Matutulog ka sa bahay ko ngayon gabi!”

Sumimangot si Neil at nag buntong hininga siya. “Ang lungkot naman maging ako.”

“Hoy, bata ka, bakit naman naging malungkot na makasama ako?” gumulong ang mga mata ni Anne at dinala niya si Neil sa malapit na shopping mall. Pagkatapos bumili ng mga bagay para kay Neil, dinala niya ito sa restaurant sa pinakamataas ng palapag ng mall para kumain ng hapunan.

Pagpasok nila ng restaurant, nakita ni Neil si Aura na nakaupo sa isang sulok.

Hinila niya si Anne para umupo sa hindi malayo sa pwesto ni Aura.

May kausap sa phone si Aura habang ginigitgit ang ngipin. Mula sa posisyon ni Neil, mariring ng malinaw ang boses niya.

‘Hindi ko inaasahan na nakaligtas siya sa aksidente nitong mga nakalipas na taon, at nagkaanak pa siya ng isang babae. Ngayon ay pinapauwi niya ang anak niya, para lang makuha niya ang teritoryo niya, para malaman ko na buhay siya, at para ipakita sa akin na may anak siya!

“Dahil pinili niya na hindi mismong bumalik dito at pinadala niya lang ang anak niya, paano ko siya papahirapan kung hindi ko papatayin ang bwisit na bata?”

“Ang bwisit na batang ‘yun. Isang sampal lang ang naibigay ko sa kanya ngayon.”

Nanginig ang kamay ni Neil na may hawak ng menu habang may bahid ng lamig sa kanyang madilim at malaking mga mata.

Sinaktan niya si Nellie?

Kaya pala gustong ni Mommy na kasama si Nellie at kaya hindi siya uuwi ngayong gabi.

Tinikom ng bata ang kanyang bibig at may kinuha siya sa kanyang bulsa.

Maghihiganti siya para sa kapatid niya!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Leila Amaro
sobrang haba pla ng story na to
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe ang kasamaan mo aura nasa iyo na nga si joshua pati ba naman si nellie magagawa mong ippatay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status