Share

IKALIMANG KABANATA

VISITORS

Tulala

Tulala ako nang bumalik ako sa selda.

Alam ko naman na may tao ang Boss namin dito pero ang hindi ko inaasahan ay isa si aling Marites at ang grupo niya, akala ko hindi na siya connected sa grupo dahil tinanggal na siya.

Muntik na iyon. Matik na ang ako ang target saksakin ng babae kung hindi lang siguro siya nagkamali ng nasaksak.

Hindi ko alam kung saan dinala si Dahlia pero sana ay okay lang siya. Hindi naman malalim pero may umagos na dugo at nabalya siya kanina kaya tiyak na masakit iyon.

I feel guilty. Gusto kong magpasalamat na walang nangyareng masama sa akin pero naguiguilty ako dahil may isang tao ang nadamay. Though, the wound is not that deep but it doesn’t change the fact na napunta sa kaniya ang dapat ay sa akin.

“Anong nangyare, Kane? Ano ‘tong nabalitaan kong nasaksak daw sa balikat si Dahlia?”

“Pasensya na po, Nay Bilog. Nag Cr po kami ni Dahlia kanina pagkatapos kumain pero may gulo po sa labas ng CR tapos nagkabitawan po kami kasi may tulakang naganap tapos nung nagpaputok ng baril naawat ang gulo pero paglingon ko kay Dahlia, may dugo na po na umaagos sa balikat niya.” Sumbong ko kay Nanay Bilog.

“Nako! Kawawa naman iyon. Malalim ba iyong sugat ng batang iyon?”

“Good thing hindi naman po malalim.”

“Sino bang gumawa? Nahuli ba? Kasi sabi mo may tulakan, Hindi ba?” Hindi ko alam kung sasabihin ko na may kinalaman sa akin kung bakit si Dahlia nasaksak. Nakakahiya pero hindi naman pwedeng hindi ko sabihin dahil may kinalaman ito sa akin.

“Nahuli po. Kinuha po siya ng pulis na nagdala sa akin dito kanina.” ”Pasensya na po, Nay Bilog. Hindi po dapat siya ang masaksak pero nagkamali ang babae kaya siya ang nasaksak.”

Malas.

Wala pa akong isang araw pero feeling ko sobrang dami nang naganap para ngayong araw, hindi man lang ipinagpabukas o kaya Hindi na lang sana nangyare.

“Nako! Wag mong sisihin ng sarili mo. Hindi mo naman ginusto ang nangyare. Buti na lang ay hindi naman pala ganun kalala ang natamong saksak ni Dahlia.” Tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako.

“Iyon ba ‘yung kanina pang tingin ng tingin sa’yo sa canteen?”

Siya iyong kanina.

“Yeah. Sila nga po.”

“May kinalaman ba yan sa kaso mo? Kasi kung meron, talagang dapat kang mag-ingat dito. Protektado pa naman yan sila dito.”

Inisip ko rin yan. Kung tama ang hinala ko, baka wala rin silang parusa sa naganap kanina dahil nga may mga connection sila dito.

Lumipas ang ilang oras ay wala pa rin si Dahlia. Hindi ko alam kung dito pa rin ba siya matutulog o hindi dahil maaring hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin ang sugat niya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako kinain ng antok.

Nagising ako sa malalakas na tawanan at usapan. Ang agang chismisan naman nito. Wala pang breakfast pero energetic na sa chismisan. Hinanap ko if andito na ba si Dahlia pero wala pa rin daw. Hindi rin nila alam kung saan ba dinala kasi wala naman daw clinic dito sa loob.

Inayos ko na lang ang higaan ko at nag unat-unat. Ginala ko ang aking mga mata sa selda namin, pinagmasadan ko ang bawat isa. Si May na nakikipag chismisan kasama ng ibang preso. Si Ate Saddy na nagbabaraha mag-isa. Si Ate Josie na tulala at si Nanay Bilog na nagpapaypay.

Nang dumating ang police na nakatoka para dalhin kami sa cafeteria, binalaan niya kami about sa wag magsisimula ng gulo dahil na rin sa gulo na nangyare kagabi. Pagkatapos niya magsermon ay pinapila niya na kami para pumuntang cafeteria. Nanghiram ako ng damit sa isa rin naming ka selda. Kay Nanay Belen, Matagal na rin pala siya dito. Mabait naman siya. Pinahiram niya ako ng damit kasi sinabi ko na wala akong pamilyang magdadala ng mga gamit ko dito.

Pagkatapos kumain balak kong mag Cr para maligo. Hindi na ako maliligo mamayang hapon baka magkasalubong kami ng oras ng pag ligo ng grupo ni aling marites, mabuti nang umiwas.

Pumunta na kami sa Cafeteria. May nakita akong grupo ng mga lalaki na naglalagay ng pagkain sa plato ng mga preso. Mga anak daw ito ng mga isang high ranking official, kapansin-pansin naman ang lalaking nasa gitna, sa tansiya ko ay nasa late 30s na ito. Maputi, gwapo at matangkad. Birthday daw nito at dito ginustong mag celebrate ng birthday niya kasama ng mga kaibigan nito na anak din ng mga official.

Inferness sa kaniya, hindi naman siya ganung parang matapobre kung titingnan mo. Pala kaibigan siya kung tumingin pero halatang playboy ang lalaki base na rin sa aura na nakikita ko sa kaniya.

Nang nasa harap na niya ako ay hindi pa niya ako napansin dahil nakikipag-usap pa siya sa isang lalaki, kundi pa siya siniko ay hindi pa mapupunta sa akin ang paningin niya. Para siyang na statwa nang tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at para naman siyang naasinan dahil nagmadali siyang lagyan ng pagkain ang plato ko.

Spaghetti, Pansit at 3 puto ang nilagay niya. Nag usal ako ng pasasalamat at umalis na sa harap niya.

Nakaramdam ako ng panlalamig sa hindi malamang dahilan. Ipinagsawalang bahala ko ito at dumeretsyo na lang sa pwesto ng iba ko pang kasama.

Kanina pa ako hindi mapakali. Parang may nanunuod sa akin mula sa kung saan. Tiningnan ko ang grupo ng mga lalaking nagbibigay ng pagkain. Wala namang kakaiba sa kanila maliban na lang yung pagsulyap-sulyap sa akin ng lalaki kanina at pagsulyap nito sa kung saan. Tiningnan ko ang sinulyapan nito pero wala naman akong nakitang kakaiba. Weird.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng umagahan para makaligo na, natatakot ako na maligo mag-isa tapos makasalubong ko yung grupo nila aling marites tapos masundan iyong nangyare kagabi.

Natapos ako sa mabilis na paraan, para ngang di ko pa tuluyang na digest ‘yung kinain ko nang nagpaalam na akong mauuna na at maliligo pa ako. Gusto sana akong samahan ng ilan sa kasama ko baka daw mamaya makasalubong ko ‘yung nagtangkang manaksak sa akin pero sabi ko ay hindi na, kita ko namang gusto pa nilang umisa ng pila dahil masarap ang handa tapos iistorbuhin ko pa para samahan ako tapos may madamay na naman.

Pagpunta ko sa Cr ay wala namang kakaibang eherhiya akong nasasagap. Sumulyap-sulyap ako sa loob ng Cr pero hindi ko nakita ang kahit isa sa mga babae kagabi.

Kumuha na ako ng timba at naglagay ng tubig mula sa drum. Walang shower dito sa selda, ang tubig na pinapanligo ay galing sa drum at may naka konekta lang na hose mula sa labas. Ang Cr naman ay medyo madumi at may kaliitan. May sampong hati bawat pader, sa kaliwa ay ang liguan at sa kanan naman ang mga gustong umihi at tumae.

Sa kalagitnaan ng pagligo ko ay may narinig ako na tila nag-uusap, hindi ko masyadong marinig dahil mahina lang pero mayamaya ay may narinig akong pumasok at isinara ang pinto ng CR. Kinabahan ako ng isipin na baka isa iyon kila aling marites kaya dali dali akong maligo at magbihis.

Paglabas ay siyang pagtama ng aking mata sa lalaking matagal ko nang pilit kinakalimutan. A-nong p-aanong andito siya?

Nakasuot siya ng isang faded maong pants at isang V-neck t-shirt na hapit sa kaniyang pangagatawan. Ibang-iba na siya ngayon. Mas tumingkad ang kulay ng kaniyang balat. Tumangkad din siya ng kaunti at sobrang lalim na kung tumitig.

Parang nanghina bigla ang aking tuhod. Sinubukan kong magsalita ngunit walang mapiling salita kaya itinikom ko na lang ang aking bibig.

“B...abe.” Kumirot ang aking puso sa isang salita. Ang hapdi, pait at sakit ay biglang nanumbalik lahat. Pinilit ko nang kalimutan eh. Okay na eh. Ano na naman ba ito?

Pinikit ko ang aking mata at yumuko, panay ang aking iling. Don’t... just.. don’t.

“I- I- I already know what happen. Sorry.” Pinuntahan niya ako at dinamba ng yakap, dahil sa panghihina ay hindi ako gumalaw. Nawalan ng silbi ang pagpipilit kong kalimutan ang lahat sa kaniya.

Isiniksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg. Panay ang sorry na kailan man ay hindi ko na hiningi.

“I-m S-orry. Give me some time, Inaayos ko na para makaalis ka dito.”

“H-indi k-ita k-ailangan.” There I said it. Tapos na ako sa kaniya, sa kanila at sa lahat. Hinigpitan niya ang yakap at wala pang balak pakalawan. Naramdaman kong umaalog ang kaniyang balikat pero wala na akong pakialam. Nang makabawi ng lakas ay pinipilit ko siyang itulak ngunit sadyang matigas ang lalaki kaya ‘di ko siya mapaalis. Kung hindi lang sumigaw ng 3 minutes ang sa tingin ko’y gwardiya ay Hindi siya kakaalas sa yakap niya sa akin. Sila yata ang narinig kong naguusap kanina habang nagliligo ako.

Pansin ko ang pagpula ng kaniyang mata at ang paglandas ng masaganang luha.

“N-o, I will explain everything and make it up to you but first let me handle your case para maalis ka dito. I will never leave you again, kane. Promise me you’ll protect yourself while I handle everything.”

Iniwasan ko nang tumingin sa kaniya at itunuon ko na lang ang aking mata sa drum. Ayoko nang maniwala sa kahit anong sasabihin niya, the last time na naniwala ako ay binigyan ako ng sobrang sakit na experience.

“I-m sorry, Babe. Gagawin ko lahat para mapabilis ang paglabas mo dito.”

“Umalis kana.” Tiningnan ko siya gamit ang nakaka-iritang expression. Tila napahiya naman siya at lumayo ng kaunti. Igting ang panga pero malambot ang expression. He looked hurt and sad pero that’s the last thing that I should sorry for.

“Sir. Time is up na po. Paparating na po ‘yung mga Inmate na gagamit ng CR tsaka baka mahuli tayo dito, Sir. Bawal po ito, ako mapapagalitan. Pasensiya na po.” Wala mang nagawa kaya unti-unti siyang tumalikod sa akin. Hindi pa man tuluyang nakakalabas ng pinto ay nilingon niya ako at tiningnan sa huling pagkakataon.

Naghintay lang ako ng ilan minuto bago ko napagpasiyahang lumabas na. Nag emote at nagpalakas lang ako ng tuhod para makahakbang man lang. I feel like kasama niyang umalis ang lakas ko. Nadatnan ko pa ang guard na nagbantay sa amin dito. She escorted me back to our cell and leave after.

Nadatnan ko na andun na si Dahlia sa pwesto niya at may cast ang balikat niya. Tinanong ko kung bakit wala siya dito and umiling lang siya kaya hindi na ako nagtanong pa baka ayaw niya na rin pag-usapan. Nag sorry din ako ng paulit-ulit and sinabi na hindi talaga para sa kaniya ang dapat na saksak and sa akin dapat iyon pero napagkamalan lang siya na ako. Okay lang daw sa kaniya dahil hindi naman malalim ang sugat and buhay pa naman daw siya. She warned me to protect myself dahil na rin sure daw siya na babalikan ako ng mga iyon.

“Peña Vega. May naghahanap sa’yo, abogado mo raw.”

Kumunot ang aking nuo sa kaniyang sinabi. Wala naman akon-- “N-o, I will explain everything and make it up to you but first let me handle your case para maalis ka dito. I will never leave you again, kane. Promise me you’ll protect yourself while I handle everything.”

Adrian.

I’m sure, siya ang nagpapunta ng abogado dito.

Tumayo na ako lumabas ng selda. Pinosasan ako ng babaeng pulis at inescourtan papuntang visiting area. And there, I saw a man in his late 50s. Naka formal attire ito and naka clear glasses.

Inakay lang ako ng Pulis and pinaupo sa harap ni attorney. Hindi na rin tinanggal ang posas sa aking kamay. Nginitian ko ng bahagya ang lalaking abogado ngunit seryoso lang itong tinanguan ako.

“Good day, Miss.Peña Vega. My name is Atty.Miguel Santos, pinapunta ako dito ni Mr.Adrian Clarkson to handle your case and i want to be honest with you... mabigat ang kaso mo, Iha.” Deretsyo lang siyang tumingin and hindi nagpakita ng kahit anong emosyon.

“Alam ko naman po iyon.”

“Good. Now, I want to discuss your case. Ang kaso mo ay section 5 and section 11 ng anti illegal drugs of R.A 9165. You violated the section 5 since you’re selling and delivering the drugs, umamin na rin ang kasama mo na nagsumbong sa Pulis about sa’yo and sa organization na kinabibilangan mo and for section 11 naman, you are caught in the act and nakuha rin ng mga Police ang bag na kung saan andun ‘yung mga drugs na dapat mong idedeliver.”

“Sad to say, your case is non bailable. It is life imprisonment with 12-20 years.”

I wanted to cry for this moment. Ang marinig na maari akong makulong ng ganung katagal ay parang hinihiwa ang puso ko. I wanted to be free dahil maari rin akong mapatay dito ng mga tauhan ng boss ko.

Wala akong ginawa kundi tumahimik at yumuko. Ngunit sa kasunod niyang sinabi ay siyang nagpalakas ulit ng pag-asa sa puso ko.

“Don’t worry, Miss Peña Vega. Though, your case is non bailable, we can perform petition for a bail and if hindi pa rin talaga then pupunta tayo sa pinaka huling hope natin which is the plea of bargaining.”

Napaawang ang bibig ko. Pwede pa! May pag-asa pa!

“We can go for our last resort which is aamin ka sa kasalanan mo and magiging guilty ka agad but ang kagandahan ay maari kang makapag-piyansa at maibaba ang kaso mo for 6 months to 1 year but I wanna be honest with you for the second time.” Huminga siya at mas lalong sumeryoso. “Ang mag hahandle ng Case mo ay si Judge Romulo, kilala ‘yon na hindi pumapayag sa plea of bargaining and pinaka ayaw niya ay ang kaso na may kinalaman sa drugs. Mahihirapan tayo makiusap. Maraming may case sa katulad sa’yo na siya ang humandle and hindi lahat ay pinayagan niya ng ganun sabayan pa na mataas sa 5 grams ang nakuha sa’yo.”

“Magkano po ba ang magagastos ko sa lahat ng ito, Atty?”

“More than 200,000.”

“Pero...wala po akong ganung kalaking pera, Atty.”

“Don’t worry, Miss.Peña Vega. Ang lahat ng magagastos ay sasaluhin ni Mr.Clarkson. So all i want you to do is to be strong sa mga hearing mo. Protect yourself dahil gagawin namin ang best namin para mapababa ang kaso mo.”

“Thank you, Atty. I’m Sorry i-i- I don’t know what to say. Hinanda ko na ang sarili ko na makukulong ako dito ng mahabang panahon pero may pag-asa pa pala.”

He smiled at me and tap my hand.

“Pray and believe that you will be free by the end of this month.”

“Thank you, Atty.”

“Just Thank Mr.Clarkson dahil pinagbantaan ako nun na i wiwidraw ang lahat ng shares ko sa company niya pag hindi kita nalabas dito.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status