Share

IKA-PITONG KABANATA

TRUST

Adrian?!!

Bakit siya andito? Gabi na ah.

Nasaan ‘yong hepe? Bakit wala dito?

Hindi naman ako namali ng pasok dahil hinatid pa nga ako ng isang police dito eh.

“A-nong, p-aanong andito ka?”

Tiningnan niya lang ako na parang alam niya kung anong sadya ko dito.

“Ikaw, why are you here?”

Paano ko namang sasabihin na andito ako para pumayag sa deal na makipag s.x kapalit ng pagkakaalis ko dito.

“Wala kana dun. Bakit ka nga andito?” Gabi na ah.

“Umalis kana. Wala kang mapapala sa hepe na ‘yon.” Sagot naman niya.

“A-nong ibig mong sabihin?” Hindi kaya...

“Nasaan na siya?”

“Do you think na wala akong alam about sa deal niyo? Ganyan kaba kababa para pumayag sa kagustuhan niya?! Wala siya dito kaya umalis kana. Kinakausap siya ng kaibigan ko kaya wala ka nang mapapala pa sa kaniya.”

Tinakbo ko ang distansiya namin at sinampal ko siya. Nakita kong namula at tumagilid ang mukha niya sa sampal ko. Masakit yata ang pagkakasampal ko kase nangati at bumakat ang kamay ko sa mukha niya.

Ang kapal ng mukha niya. Oo desperado na ako dahil alin man ang piliin ko feeling ko talo pa rin ako sa huli.

“How dare you! Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa akin, Adrian! Anong pake mo kung makipag deal ako sa kaniya? Nasaan na siya? Kailangan ko siya para makaalis dito kaya nasan na siya?!”

Pinagsasampal ko siya hanggang mapagod ako. Hinawakan niya ang ulo ko at nilagay niya sa d****b niya.

“You don’t need him, Babe. I’m here. Andito ako, gagawin ko lahat to make you out of here. So please, kaunting tiis na lang.” Kumuha ako nang lakas at buong pwersa akong umalis sa hawak niya.

“To get me out of here? Sige nga, pag umalis ako dito. Anong kapalit? Ang buhay ng kapatid ko?”

“Kane, we already have a plan to get your sister pero we need to get you out of here first.”

Tinangka niyang kunin ang kamay ko pero sinasalag ko ang kamay niya.

“Hindi mo ba gets? Sa tingin mo makukuha natin ng ganun-ganun lang ang kapatid ko? Binalaan niya na ako. Once na makipag kasundo ako sa judge at sabihin lahat ng nalalaman ko, ang kapatid ko naman ang malalagot. Sa tingin mo, may choice ako para piliin yun?” Napa sabunot na siya sa kaniyang buhok at tila stress na sa sitwasyon namin.

“Then, what is your solution? Makipag deal sa pulis na iyon para matakas ka dito?! makikipag S.X ka para makatakas? Are you out of your mind, kane?! This is not the only solution for that! for heaven sake!”

“Still! Makakatakas ako! He said na alam niya kung saan ang kapatid ko and hepe siya kaya sure ako na marami siyang connection para makuha ang kapatid ko at mag lilipat ng mga inmate kaya itatakas niya ako.”

“At naniwala ka naman? Kane, tuta iyon ng sindikato! Sa tingin mo tutulungan ka nun? The only thing that he needs from you is your body kaya sa tingin mo tratraydurin nun amo niya?” Pinagduduro ko siya. Nanggigigil na ako sa usapan na ito.

“You’re lying! Hindi siya tuta ng dati kong boss.”

“Sa tingin mo magsisinungaling ako?” dahil sa kawalan ko ng lakas ay mabilis niya akong nakuha at nakulong sa mainit niyang yakap.

He has a point. Nung nakita ko ang pulis na iyon, kasama niya sila aling marites. Inisip ko na rin naman na malaki ang chance na isa siya sa connection ng boss ko dito sa loob ng kulungan pero mas pinili kong maging bulag kasi umaasa ako na pwede akong makalabas at makuha ang kapatid ko.

“Kane. I know, I’ve need a lot of explanation to make pero I would explain it pag nakalabas kana dito.”

“Ayokong lumabas.”

“You need to, babe. Nakausap ko na si atty. Para madaliin ang hearing mo pero hindi sumasagot si judge sa request namin. About naman sa kapatid mo, as i said, we already have a plan para makuha ang kapatid mo. Naghahanap lang kami ng tyempo para makuha siya.”

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya at umiyak sa balikat niya. Tiyaka ko na iisipin ang kasalanan niya sa akin but for now i need his embrace para kumuha ng lakas.

“Nahihirapan kami para makuha si kiana pero gagawin namin ang lahat para makuha siya. Wala na siya sa dating area na pinagbebentahan niya kaya nahihirapan kaming malaman ang new location niya. May hint kami na itinatago siya kaya hindi namin siya mahanap.”

Kumalas ako sa yakap niya, sa nanlalabo kong mata ay inaaninag ko siya.

“Pag-iisipan ko. I’m not going to take that d.mn deal pero pag-iisipan ko if itutuloy ko ang plano niyo para makaalis ako dito.”

“Kane!”

“Adrian, please! Natatakot ako! Kapatid ko iyon eh. Alam mo namang may mga tao anh boss ko dito, ‘di ba? Madali nilang malalaman kung tinuloy ko ang hearing, baka dun palang patayin na nila ang kapatid ko.”

“Kane! Ano ba? Gagawin naman namin lahat eh. Mag tiwala ka naman sa akin.”

“Mag tiwala? Sa tingin mo pagkakatiwalaan pa kita?”

Dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata pero mabilis din itong nawala.

“Mali ako sa part na binigla ko ang sarili ko na makipag deal sa pulis na iyon pero ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat. Its better na andito ako para buhay pa rin ang kapatid ko ”

Halatang na fru-frustrate na siya sa katigasan ng ulo ko. Umiigting na rin ang kaniyang panga.

“Sa tingin mo pag andito ka hindi niya papatayin ang kapatid mo? Umalis ka man o hindi, papatayin niya pa rin ang kapatid mo, kane!”

“Pero nangako siya! hindi niya gagalawin ang kapatid ko pag hindi ko binuking ang lahat.”

“B.llshit! mag-isip ka na man! Madumi makipag laro ang taong iyon kaya alin man ang piliin mo tiyak na may gagawin siyang hindi mo gusto. kaya kung ako sa’yo, piliin mong ituloy ang hearing then pinapangako ko sayong mababalik ko ang kapatid mo ng buo.”

t.ngina! mababaliw na yata ako. Hindi ko na alam kung saan ako maniniwala. Ano bang gagawin ko at kung anong side ang pipiliin ko.

“Kung hindi ka makapag decide then ako ang mag dedecide sa’yo. You cannot force me na hindi ito ituloy because gagawin ko ang lahat para makaalis ka dito kahit ayaw mo.” With the seriousness in his eyes, I doubt if he would listen to any words na sasabihin ko.

“Ad---”

Napahinto ang sasabihin ko sa pagbukas ng pinto. Nakita ko ang pulis na nagngangalang stefan na may nakahawka sa seradura ng pinto. Deretsyo ang kaniyang tingin kay Adrian na ngayon ay walang ibang reaksyon kundi ang pagiging seryoso.

“Napatahimik ko na.” Adrian only nod.

Sa akin naman dumako ang mga mata ng pulis at nakita kong umangat ng bahagya ang labi nito. Parang alam niya kung ano ang nangyayare base sa tingin niya pa lang.

Iyon lang yata ang pinunta at sinarado niya na rin ang pinto.

“Its late. Matulog kana, Pupuntahan ka namin no atty. Para kausapin ka about sa kaso mo. Don’t make any decisions that will harm you. Don’t think to much, Let me handle everything.”

“P-ero-”

Tinaasan lang ako ng kilay nito at hinawakan ang aking kamay para ilabas ng pinto. Nakita ko si stefan na nakasandal sa gilid ng pinto.

“Done? Buddy?”

Napansin ko na nakatingin na ito ngayon sa kamay namin ni Adrian kaya pasimple ko itong tinggal mula sa pagkakahawak ngunit mas lalo lang humigpit ito.

“Tsk. Pakawalan mo na. May bukas pa. ” Adrian only said f.ck you then binitawan niya na rin ang kamay ko. Namula naman ang aking pisnge kaya yumuko na lang ako para itago ang aking mukha sa kahihiyan.

Humarap sa akin si Adrian at hinawakan ang aking baba para magkatinginan kami.

“Ihahatid ka niya sa selda mo. Matulog kana. Iyong usapan natin, please! Kahit ngayon lang magtiwala ka sa akin. Mababawi namin ang kapatid mo kaya wag kang gagawa ng kahit anong desisyon pa katulad nun, I won’t let you, remember that.” Hinalikan niya ako sa nuo at humarap kay stefan.

“Sweet.”

“Bantayan mo baka ano na namang gawin.”

“Tsk.” Nag-usap lang sila saglit at umalis na kami ng kasama ko.

“Ahh ikaw ba ang nagsabi sa kaniya ng about sa deal?”

Ilang segundo matapos kong magsalita kaya akala ko hindi na niya ako sasagutin pa.

“Yeah. Ako ang nagsabi sa kaniya na nakipag deal ka kay chief Mendez kaya sumugod yan dito.”

Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya.

“Pero dapat hindi mo na sinabi sa kaniya.”

“What do you want me to do? Itago? Ako ang nagsabi sa kaniya nang nakulong ka dito. Gusto niyang bantayan kita habang andito ako kaya sumunod ako.”

“Nasan na iyong hepe?”

“Iyon? Buhay pa naman kaso alanganin na ang buhay.”

Napaawang ang labi ko. Ano daw?

“huh?”

He only smirked then lumakad na ulit.

“I still remember nung sinabi ko sa kaniya ang narinig kong usapan niyo kanina nung hepeng iyon. Galit na galit siya and nagtatapon ng mga gamit sa office niya. Nakiusap sa akin na kung pwedeng dalawin ka ng ganitong oras kung kelan kayo magkikita ni chief Mendez and ilayo ko muna ang hepe na iyon para maglaro muna kami.”

Pagkatapos niyang magsalita ay hindi na kami nagkibuan pa. Binuksan nya lang ang bakal na gate at ipinasok ako, nakita ko rin siyang may tiningan kung saan at umalis na agad.

Pinilit kong matulog sa gabing ito at tinanggal ang lahat ng alalahanin sa aking isipan.

Bahala na bukas.

Kinaumagahan ay pumila na kami sa canteen para mag umagahan. Nagkasalubong kami ng grupo nila aling marites ngunit umiwas na ako baka ano na namang sulsul ang gawin niya at mabago na naman ang isip ko.

Pinipilit kong pagkatiwalaan ang sinabi sa akin ni Adrian. Kung ano mang kakalabasan ng plano namin at ng plano niya para makuha ang kapatid ko ay ipinagsasadiyos ko na lang.

“Kane. Napapansin kong hindi mo masyadong ginagalaw ang pagkain mo. May sakit ka ba?”

Nginitian ko lang si Dahlia at sinabing okay lang ako.

“Sure ka, Kane?” Tanong naman ni Nanay Bilog.

“May iniisip lang ako, Nay Bilog.”

“Ganun ba? Oh sige.”

Pagkatapos naming kumain ay naligo na kami at pumunta sa selda. Hinihintay ko na lang na tawagin ako dito dahil sabi ni Adrian ay dadalaw sila ni Atty.

Hindi na rin naman nagtagal at may dumating na pulis at sinabing may dalaw ako.

Nag-ayos lang ako nang kaunti at sumama na ako sa kaniya. Pinosasan niya ako at inakay papuntang visitors area.

Mula sa pwesto ko ay nakita ko si Adrian na nakaharap sa pwesto ko at nag titipa sa kaniyang cellphone at si atty na naka talikod at kinakausap siya.

Napansin yata ni Adrian na parating ako kaya dinako niya ang mata niya sa pwesto ko. Tumayo siya ng nakita ako at sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Pinaupo niya ako sa pwesto niya at hinawakan ang aking kamay, binawi ko naman ito pero mas lalo niyang hinigpitan.

“Good day, Ms.Peña Vega.”

“Magandang araw din po, Atty.”

“I’ve heard na umaatras ka daw sa magiging hearing according to Mr.Clarkson?” Tiningnan niya si Adrian pagkatapos ako.

“Sorry po but yes atty.”

“Pero I believe na umatras ka rin sa decision mo since andito ka ngayon, am I right?”

I only nod at him.

“Now, dahil nakipag decide kana na tumuloy I want us to talk about you case, kane.”

“Katulad ng sabi ko nuon since na ang kaso mo is 5-11 mahihirapan tayo dahil non-bail ang kaso mo but makikipag petition tayo for you to bail pag wala na talaga, mag plea bargain tayo. Thats our last option.”

“Yes, atty.”

“Nag message ako kay Judge Romulo na pwedeng ipaaga ang hearing pero hanggang ngayon ay wala pa akong nakukuhang sagot mula sa kaniya. Wala tayong choice kundi maghintay.”

“Atty. Ilang hearing po ba ang pagdadaan ko?”

“If we don’t direct to our last option magiging matagal and dadaan ka sa maraming process.”

“Makakalaya naman ako, ‘di ba?”

“Of course, Miss Peña Vega. Though, Medyo magtatagal ka dito pero atleast mabawasan ang year ng pag stay mo, bandang huli is I will assure you na makakalabas ka dito.” Atty smiled at me.

“Makakalabas ka dito. We will do everything.” Adrian said.

Makakalabas ako dito.

Kiana, Kunting tiis na lang makukuha kana ni Ate. Kaunting tiis na lang bunso at magkakasama na tayo pangako yan ni Ate.

Humilig ako sa d****b ni Adrian at dun kumuha ng lakas para makapag patuloy sa lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status