Share

Chapter 1 (Unexpected)

"Good morning," Bungad ko kay Aya. "I already cook breakfast tsaka nag timpla narin ako ng favorite coffee mo then pag katapos mong mag breakfast go and take your shower at mag palit ka ng pajamas." Diretsong Sabi ko.

Nabalitaan ko na agad sa TV na wala munang pasok ngayon dahil sa malakas na hangin at konting ulan.

'Akala ko ba summer? '

Tanong ko sa sarili at napa irap nalang. Alam kong puyat si Aya dahil nakita ko pa siyang nag babasa ng historical books kaninang madaling araw. Ganyan talaga siya, hindi kompleto ang araw niya kapag hindi siya naka basa ng twenty to fifty pages ng history books niya.

Nang lingunin ko siya ay naka tayo parin siya doon at tila nag tataka kung bakit pajamas ang sosoutin niya imbes na uniform. "Wala nga kasing pasok. Cancel daw." Explain ko.

Lumapit siya sakin at tiningnan ang nasa table. "Anong niluto mo?" Tanong niya at kumuha ng fork saka tinusok ang hotdog at sinubo.

"Anong kinakain mo?" Pilosopong Tanong ko.

Napa tingin muna siya sa hotdog na nasa fork at tumingin sa akin. "Hotdog."

"Edi hotdog ang niluto ko! Ikaw talaga sa kakabasa mo ng history books lutang kana! Baka lumipat sa ibang mundo 'yang utak mo ha!" Natatawang sabi ko.

Umupo narin ako at sabay na kaming kumain. Hindi ko mapigilang lingunin si Aya na may hawak na agad na libro habang umiinom naman ng coffee niya. Kung titingnan si Aya ay  mukha siyang mean girl. Curly hanggang sa dulo ang buhok niya at mabibilog ang mga mata. Mas mataas siya sakin at mas malalim ang boses niya. Mahilig siya sa Black shirts or crop top kaya mas lalo siyang mean girl kung titingnan.

Ako naman ang mukhang pa soft girl kahit mean girl naman talaga. Mahilig kasi ako sa yellow na shirts at white skirts. Palagi akong nag sosout ng glasses kasi medyo Malabo ang mata ko kaya yung iba ay inakalang nerd ako, Ayaw ko namang mag contact lenses at baka ma stuck sa mata ko. May dimple din ako sa magkabilang pisnge na sobrang lalim lalo na kung tatawa ako. Straight ang buhok ko hanggang sa balikat lang at Wala akong balak na pahabain ito. . . . Well maybe soon.

Madali lang natapos si Aya sa pag breakfast kaya pumasok na agad siya sa Shower. Ako na ang nag hugas ng mga pinggan. Pag labas naman ni Aya ay tapos narin ako mag hugas kaya nilingon ko na siya para sabihing ako naman ang susunod.

"Tapos ka-" I froze when I saw the pajamas that Aya were wearing. It was the pajamas that I brought from Sidney. Color black ito at may design na sun.

Hindi na ako nag salita pa at diretsong kinuha ang pajamas ko na color yellow at may design na moon. Matchy-matchy kami ni Aya which made me so happy! Hindi na ako nagpa ligoy-ligoy pa at pumasok na sa Shower para maligo.

Pag labas ko ay naka ngiting naka tingin sakin si Aya. "Ang ganda ng Bestfriend ko," She suddenly said which made me in Awwee.

"Ikaw din, Aya. You look stunning kahit pajama Lang ang sout mo." Hinahawakan ko ang buhok niya dahil iyon ang paborito ko.

"I have to tell you something," Sabi niya at umupo sa couch.

Napa kunot ang noo ko dahil tila kinakabahan si Aya. I covered my mouth when an idea came into my mind. "Buntis ka?!" Sigaw ko at nilapitan siya para sana e congrats.

"Gaga! Hindi," Sagot niya. "I have a boyfriend." Mahinang sabi niya na halatang kinakabahan parin.

"Oh, tapos?" Lumapit ako sakanya sa couch. "Edi sanaol."

She looked at me with an astonished face. "Hindi ka galit?" Tanong niya.

Inirapan ko siya. "Ba't naman ako magagalit e boyfriend yun ng best friend ko." Sagot ko sakanya.

She smiled which made me smiled too. "Pakilala mo naman sa akin." Excited na Sabi ko.

"Oo naman! He's from Europe, actually lumipat siya dito sa Pilipinas at dito na rin nag aaral, school mate Lang natin siya." Sagot niya at tila nahihiya.

"School mate? Aba e nagkikita na pala kayo?" Excited na tanong ko.

She covered her face pero pansin ko parin ang pamumula niya.

'Ang cute ng bestfriend ko.'

"Oo, Nagkikita na kami."

"Ano ba ang pangalan niya?"

"Ah si-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Aya nang tumunog ang phone niya. "Wait sasagutin ko lang."

I nodded at pinanoud siyang tumayo saka sinagot ang phone niya.

"Wait, now? Ok I'll be there in a minute." Binaba niya agad ang phone niya at pumasok sa room. Nang lumabas na siya ay may dala na itong Bag.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Hindi agad siya naka sagot dahil sunod sunod na ang text na natatanggap niya. "Daddy needs me, may problem daw sila."

"H-ha? I thought nasa Province siya?" Nag tatakang tanong ko at kumuha agad ng dalawang umbrella para samahan siya. "Here." Binigay ko sakanya ang Isa. "The rain is heavy already at mas malakas ang hangin, sasamahan nalang kita."

"Wag na Andi, nasa bahay sila Daddy ngayon. Lumuwas daw sila dito the other day kaya kaya ko nang mag isa. I can call an Uber to pick me up," Diretsong Sagot niya.

"Are you sure?" She nodded. "Ok here's my jacket, wear it." Sinout niya naman agad ito at lumabas na.

Sinara ko na ang pinto at bumalik sa room ko para humiga but I saw Aya's wallet kaya kinuha ko ito at dali daling lumabas ng Condo at baka ma abutan ko pa siya. Nang naka labas na ako sa Elevator ay diretso na akong lumabas sa building but a huge amount of people ang bumungad sa akin.

Lahat sila ay naka tingin sa kalsada kaya sumiksik pa ako para makita ang tinitingnan nila.

"Anong meron?" Tanong ni Aya na nasa likod ko na pala. "I was about to go back sa unit mo but I saw you running dala dala ang wallet ko kaya sinundan nalang kita."

I smiled at binigay sakanya ang wallet niya. "May nasagasaan ata." Sagot ko sa tanong niya. Napa takip ako sa bibig ko nang makita ang lagay ng lalake na nasagasaan. Putol na ang mga paa nito dahil isang bus pala ang nakasagasa. Sumisigaw pa ito sa sakit kaya dali dali namang tumawag ang mga tao ng ambulance.

"Gosh! Andi I really need to go na talaga! Promise I'll be right back." Paalam niya at hinalikan ang pisnge ko. But before she even turned her back at me ay hinawakan ko na agad ang kamay niya kaya napa kunot ang noo nito. "What do you need Andi?"

"Please be careful, Take care. Come back safe, ok?" Sabi ko sakanya pero ang tingin ko ay nasa lalaking nasagasaan na hindi parin na rerescue ng ambulance.

Hinawakan niya rin naman ang kamay ko ng mahigpit. "I will," Saka ko siya binitawan at tiningnan siyang naglalakad palayo.

Bumalik na ako sa unit ko pero lutang parin ang isip ko.

'Sana sinamahan ko nalang siya.'

Humiga ako sa couch at nanonoud ng Netflix. Nakita ko agad ang Attack on Titan pero I decided not to watch it until Aya comes back kaya nanonoud muna ako ng Bungo stray dogs para pampalipas ng oras.

Medyo na bored ako kaya pinause ko nalang muna ang  pinapanoud ko at tinext si Aya. "Where are you now? Everything good?" At saka ko sinend.

Hindi naman nag tagal ay nag reply agad siya. "Yes, everything's good. Don't worry." I sighed in relief.

I decided to bake chocolate cookies para pag dating ni Aya ay kakain kami. I like baking but I love to bake Cookies more kasi ito ang favorite ni Aya. Meron pa namang Kisses mini chocolate dito sa ref ko kaya ito nalang ang ginamit kong toppings.

Hindi naman matagal mag bake ng Cookies kaya madali lang akong natapos. Nilagay ko na ito sa table na nasa tapat ng TV at nag timpla na ng favorite coffee namin. I decided to call her if pauwi na siya para e set up ko na ang Attack on Titan sa Netflix.

The rain became even more heavy. Hindi ko na nakikita ang daan sa ibaba ng building nang tinanaw ko ito sa bintana.

Ring~ ring~

Ring~ Ring~

Ring~ Ring~

"Yes? Andi? What is it?" Sagot ni Aya.

I smiled.  "Pauwi kana?" Tanong ko at kumain ng isang cookies.

'Mmm, Sarap.'

"Yes, Actually nasa tapat na ako ng building. Tatawid lang ako," Hindi ko masyado dinig ang boses niya dahil din siguro sa lakas ng ulan.

"Ok sige. I baked cooki-" My heart stopped beating when I heard a loud noise and a beep from a car and then the phone hang up.

Hindi na ako nag alinlangan at dali daling bumaba ng building. Just like what happen earlier ang daming mga tao ang bumungad sakin. Lahat sila ay naka tingin din sa kalsada at naka takip sa mga bibig nila. Malayo palang ako ay nakita ko na ang Van at ang mas malaking bus na sira sira na.

Lumapit pa ako at para akong mahimatay sa nakita ko. Nanginginig at tila nawalan ako ng lakas sa aking nakita.

It was Amaya. . . . One of his hands was crushed and half of his body was under the big wheel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status