Share

Chapter 2 (Acceptance)

"Earlier, a woman was run over by an eight wheeler truck while a large bus was following. Sabi ng mga nakakita ay may hawak pa umano itong cellphone bago nangyari ang aksidente."

Tulala lang ako sa kawalan habang nakikinig ng balita tungkol sa nangyari kay Aya. "Habang nag lalakad yung Babae at may kausap sa cellphone ay naka ngiti siya. Medyo hirap pa nga siya sa paglalakad dahil may dala siyang mga envelope at isang payong na gamit niya. Sa sobrang busy niya dun sa kausap niya at dahil din sa lakas ng ulan ay hindi niya ata narinig ang busina ng sasakyan kaya hindi siya naka takbo o naka iwas man lang."

Nang marinig ko ang sinabi ng babae na inenterview ng reporter ay mas lalo akong naluha. Hindi parin ako maka paniwala na wala na si Amaya. Nanginginig parin ako at mas lalo akong nagagalit sa sarili ko nang ma realize ko na dahil sa kin ay nangyari 'yon Kay Amaya.

'Ako ang huli niyang kausap. Ako din ang dahilan kung Bakit yun ang huli naming pag uusap.'

Hindi parin ako maka paniwala sa aking nakita. Tumakbo na ako palapit kay Amaya. Wala na akong paki alam sa malakas na ulan, Gusto ko siyang lapitan at hawakan. Punong puno na ng dugo ang pajama niya na kanina lang ay masaya naming tinitingnan. Mas sumikip ang puso ko nang malinaw kong nakita ang nangyari sa best friend ko. Durog na durog ang isang kamay niya at paniguradong durog na durog din ang mga binti niya pero Kahit ganon ay pinilit ko paring kausapin siya at nag babakasakaling marinig pa niya ako.

"Amaya Kessy? Baka naman gumising ka? Bakit naman kasi hindi mo ako sinama?" Umiiyak na sabi ko. Pilit na rin akong pina pa alis ng mga tao dahil dumating na daw pala ang ambulance. "I'm sorry, Aya. Kung hindi lang siguro sa pagiging protective ko sayo hindi ito nangyari. I'm so sorry, Kasi hindi ko sinulit ang mga araw na magkasama tayo sa condo kasi palagi nalang akong nasa b-bar," Nahihirapan na akong huminga. "Lord! Please just this ones save my best friend. Diba besty? Sabay tayong pupunta ng Amsterdam? Paris? Norway? Thailand at sa iba pang bansa? Diba pangako natin yun? Please! I'm so sorry, Amaya! Please be alive! Please!"

"Amaya, Anak!" I froze when I heard a familiar voice. "Adrienne? Anong nangyari?! Amaya! Gising." Napa luhod si Mr. Houston sa tabi ko. "Adrienne! Anong nangyari sa anak ko?" Mahinang tanong niya pero alam kong umiiyak na din siya. "Talk to me young lady." Sabi niya na sa tingin ko ay ako na ang kausap.

Bago paman ako maka sagot ay kinuha na nang mga nurse ang katawan ni Amaya. Hindi parin tumigil ang mga luha ko sa pag agos, Maging si Mr. Houston ay umiiyak na dito sa tabi ko. "This is all my fault." Sabi niya at sumakay na sa sasakyan niya para sumunod.

Nag dadalawang isip pa ako Kung susunod ba ako o hindi. Nanginginig ang boung katawan ko at parang hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

'Gusto ko ding masagasaan sa mga oras na ito.'

Sa huli ay napag desisyonan kong bumalik muna sa Condo at bukas na ako susunod sa hospital pero bago paman ako umalis ay may nakita akong lalake na naka tingin sa akin hindi kalayuan, hindi ko na ito pinansin at bumalik na sa unit ko. Hindi ko pa ata kayang maka harap ang Daddy ni Aya. Nakaka takot kung magalit ang Daddy ni Aya lalo na't anak niya ang nabawian ng buhay. Sigurado akong pati sakin ay magagalit si Mr. Houston lalo na't kami ang magkasama. Alam ko ding hindi niya alam na sa condo unit ko tumira si Amaya kaya ganon nalang ang pang hihina ko.

Naka titig lang ako sa cookies na binake ko kanina habang naka harap sa TV.  Nasa screen na pala ang Attack on Titan pero wala akong ganang manood lalo na't wala na akong kasama. Sumasakit ang ulo ko at gusto kong matulog pero ayaw rin naman ng mga mata ko. Sabik na sabik na rin akong pumunta sa hospital pero takot naman ako.

Sa huli ay pumunta nga ako pero nang gabi na iyon. Pag dating ko doon ay may dalawang private guards na naka bantay, sa tingin ko ay nandito parin ang Daddy ni Amaya. Diretso na akong pumasok dahil alam kong kilala naman ako ng dalawang guards sa labas.

Pag pasok ko ay mas lalo akong na iyak sa aking nakita. Naka upo sa gilid si Mr. Houston habang umiiyak na naka harap sa Anak niya. Ang mas matinding sakit na aking nakita naka takip na kay Aya ang puting kumot. Napa hagulhol nalang ako kaya't lumingon sa akin si Mr. Houston.

"Adrienne, you're here." Malamig na bati niya sakin. "Do you know that all of this was my fault? Kung hindi ko lang pina punta si Amaya sa bahay hindi sana nangyari 'to. Kung hindi ko lang sana inuna ang mga documento sana ay.... b-buhay pa ang Anak ko," I can see that Mr. Houston regret everthing. Maging ang sarili ko ay sinisisi Kung Bakit nangyari iyon kay Amaya.

"I know you're h-hurt Sir. So am I, Amaya was my best friend. She's there for me when I needed someone to talk to," Patuloy lang ang luhang dumadaloy sa pisnge ko. "I didn't know that was our last conversation. Sobrang sakit." Napa hagulhol narin ang Daddy ni Amaya sa mga sinabi ko.

Tumayo siya at tiningnan ako. "From the very start I knew you're going to be a great friend to Amaya and I thank you for that," He held my hands. "Thank you for being there beside her."

Kinabukasan ay libing na ni Amaya. We are all here at the most expensive private memorial garden. Her whole family are here and also my parents tsaka ang brother ko. But I didn't pay attention to them 'cause I know babalik lang sila mamaya sa states pagkatapos ng libing.

We gave our last messages to Amaya because we still know she can hear us. Nakapag message na ang ibang friends ni Amaya, her cousins, her whole family and lastly was me.

"Good morning, E-everyone," 'Yan palang ang nasabi ko ay tila na ubos na agad ang luha at ang lakas ko. "Today we all attend to my bestfriend's funeral. This is the last time we will see her. Ok, so let me start from the beginning, Amaya was just a typical girl na palaging nag babasa ng books and solving problems." Napa ngiti nalang ako sa mga sinabi ko. "And me? Wala akong pake alam sa mga books and calculations or any other problems but then when A-Amaya came into my life, I realized something. I realized na kahit gaano ka pa kayaman, Kahit isa kang malaking rango o kahit May connections ang pamilya mo sa government that doesn't mean you can already reach your dreams."

I saw my parents looking at me. "What you need is someone who'll understand you, who'll help you at the hard times, who'll tell you to Keep on studying if you want to reach your dreams. Be yourself kasi hindi lahat ng gusto mo ay makukuha sa pera, and that's what Amaya keeps on telling me."

"And now, let me sing this song while all of you can look at her coffin for the last time." Kinuha ko ang mic at tumabi sa kabaong ni Amaya.

Nag simula na akong kumanta at pilit ko paring pinapatatag ang loob ko dahil sa oras na ito ay iyon ang kailangan ko. This song was made for Amaya. I thank you so much for being my best friend and honestly. . . . Thank you is not enough to say how much I really thank you.

Unang lumapit ang pamilya ni Amaya sa kabaong. Kasunod ng older sister niya ang isa niyang bunsong kapatid na babae na namamaga na ang mata sa kakaiyak, Hindi na siya bata pero sa edad niyang seventeen years old ay nawalan na agad siya ng mahal sa buhay. Nanatili ang bunsong kapatid ni Amaya sa gilid ng kabaong. Ang lakas na ng iyak niya halatang nasasaktan ito kaya hindi namin ma pigilang umiyak din.

Sunod naman ay ang pamilya ko. Tiningnan ako ni Mommy pero nilipat niya naman agad ang tingin sa kabaong. My Kuya hug me tight and kissed my forehead, he knew I was hurt and so are my Dad and Mom but I don't think they care about me.

"There's no mountain, no valley

No time, no space

No heartache, no heartbreak

No fall from grace

Can't stop me from believing

That my love will see me through

Thanks to you, Thanks to you."

Next are Amaya's friends and some of them are our classmates. They were also crying lalo na ang isa ding malapit na kaibigan ni Amaya. The boys that also Amaya's friends sticks a sticker to the glass and when I look at it it was a heart shaped sticker na may nakalagay na 'We will miss you'

Lastly is Me. Habang kumakanta ay nag lalakad din ako paharap sa coffin ni Aya. This will be the first time na makikita ko siya sa loob, This past five days ay ayaw ko talagang makita si Aya na nasa loob pero I will take this chance at tatatagan ko ang loob ko.

Hindi ko na mapigilang yakapin ang kabaong ni Amaya. Her face is still so beautiful, She looks like sleeping at peace. Thank you.

Kakatapos lang ilibing ni Amaya and the people are now going to the big tent kung saan may mga snacks and juices but me? Nag pa iwan muna ako.

"Hayst, Amaya kessy V. Houston, bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo, it's so beautiful." I laugh. "Lalo na ang Amaya which means night rain, tama ba?" Umupo ako sa grass at sinindihan ang mga kandila. "Even our names are bestfriends. Amaya means Night rain, while my name Adrienne means Dark lady from the sea. It's so perfect."

Mga sampung minuto din siguro akong nag stay sa tabi ni Aya when kuya Adron suddenly called me at uuwi na daw. I sighed. "I really don't want to leave here, can I stay with you nalang?" Sabi ko kay Amaya but I froze when I felt a heavy wind na humampas sa mukha ko. "Wow! Did you just slap me?" Tumawa ako "You're still brutal talaga! Sige fine, I'll go home pero bibisita ako dito everyday,"

Napatigil parin ako nang may tumama sa aking maliit na bato. "Not everyday? How about my free time? Sige after school nalang, I'll study well for you and also for me! Is that better?" Naluluhang Sabi ko.

There I felt a soft wind na parang niyayakap ako. "I love you." I whispered. Tumayo na ako at naglakad papunta sa tent but I saw from my peripheral vision na may tao doon. And when I looked back.

There was a guy with a white shirt. Naka hoodie at may sout na cap ito at halatang umiiyak. Napa luhod ito sa lupa at parang may sinasabi. I just shrugged dahil baka isa lang yun sa friends ni Amaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status