Share

CHAPTER 2

KHEENE'S POV

ALMOST quarter to ten na nang matapos ko lahat ng nakatambak sa lamesa ko kagabi kaya sobrang late na rin nang makauwi ako. Nagluto pa ako ng pagkain ko bago ako tuluyang makapagpahinga.

Ngunit bawat overtime ay may kapalit kinaumagahan…

Halos mag-aalas nuebe na nang magising ako kinabukasan. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil sobrang late na ako sa trabaho. Diretso na agad ako sa banyo pag-bangon ko sa higaan.

Kasalukuyan akong abala sa pag-susuot ng sapatos nang biglang tumunog ang cellphone ko, inilinga ko ang aking paningin at hinanap kung  saan nang-gagaling ang tunog, at nakita ko iyon sa kama.

Inayos ko muna ang suot kong necktie bago lumapit sa kama at kunin iyon.

*Jace Calling...*

Napangiti ako bago sinagot iyon. "Yes, hello?" bungad ko. Lumapit ako sa may study table at kinuha ang ibang gamit ko doon.

"(Bro, kamusta? Free ka ba tonight?)" tanong ni Jace mula sa kabilang linya.

"Oo naman… siguro…" Hindi siguradong sagot ko.

Narinig kong tumawa siya. "(Awit! May siguro pa! Kita tayo mamayang gabi sa Juxe Bar!)" untag niya.

Kinuha ko na ang gamit ko na nasa kama at lumabas ng kwarto. "Susubukan ko," sabi ko habang bumababa.

"(Tss. Huwag mong subukan. Pumunta ka ah? Hihintayin kita! Sige.)"

"Sige sige," huling sabi ko at ibinaba na ang tawag. Sh*t! Late na late na ako!

Halos paliparin ko na yung kotse ko sa daan makarating lang sa opisina nang biglang mag-ring ulit ang cellphone ko. Pero dahil may kasamang vibration iyon, gumalaw iyon ng gumalaw hanggang sa mahulog sa dashboard.

Argh! Kung minamalas nga naman!

Kinapakapa ko yung cellphone ko habang nagma-maneho pa din. "Tss. Nasaan na ba kasi 'yon?" Saglit kong inalis ang paningin ko sa kalsada at tinignan kung saan nahulog yung cellphone ko, pero nang maibalik ko yung tingin ko sa daan, agad kong inapakan ang preno.

Nanlalaki ang mata ko na napatingin sa taong muntik ko nang masagasaan. Buti na lang at mabilis kong naapakan ang preno. Kundi…

"Woy! Lumabas ka d'yan! G*go ka, ah?!" Sigaw nung babae sa labas habang pinapalo ang hood ng kotse ko.

Lumabas ako at hinarap siya. "Sorry, miss." Nahihiyang sabi ko.

Tinignan naman niya ako. "Loko ka, ah? Muntik na 'kong masagasaan ta's sorry lang ang sasabihin mo?!" sigaw niya sa akin.

"Sorry talaga, miss. Hindi ko sinasadya..." Paghingi ko ulit ng pasensya.

Ngumisi siya. "Miss?" Pagak itong tumawa habang umiiling bago muling bumaling sa akin. "'Wag mo nga 'kong matawag-tawag na miss, masasapak na talaga kita!" sigaw niya ulit. "Bayaran mo yung galos ko!" Sabay turo sa binti niya.

Napamaang naman ako nang marinig ang sinabi niya. Hinagod ng tingin ko ang kaniyang kabuuan, at nang makitang walang sugat o ano man doon ay napangisi na lang ako.

"Excuse me, miss. Pero sa tingin ko wala ka namang sugat o ano mang galos na natamo… Or is it a kind of modus? Budol-budol?" Pagak naman akong tumawa at lumapit sa pinto ng kotse ko. "Pasensiya na, miss, pero wala akong oras para sa mga manlolokong katulad mo. Humanap ka na lang ng ibang ma-bibiktima, yung hindi mali-late sa trabaho para mapa-kagat mo d'yan sa modus mo." Binuksan ko na ang pinto ng kotse at pumasok na sa loob. Baka mamaya hindi pala siya nag-iisa, dambahin na lang ako bigla.

Halatang natigilan siya sa mga sinabi ko, natauhan lang siya nang buksan ko na ang makina ng kotse at paaandarin iyon.

"Woy!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas. "Woy! Aba't! 'Wag mo 'kong takasan!" sigaw niya pa habang kinakalampag ang  binata ng kotse ko. Hindi ko na siya pinakinggan pa at pinaharurot na ang kotse ko paalis.

Pagdating ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Secretary Anj. Sumalampak muna ako sa couch para magpahinga sandali.

"Sir Kheene, late na po kayo nakapasok," sabi ni Secretary Anj na nakatayo sa harap ko.

Tumango ako. "Yeah. Tinanghali ako ng gising," tipid kong sagot. "By the way, may balita na ba tungkol kay Mr. Samañego at Mr. Do?"

Umiling ito. "As of now wala pa po. Wala pong makitang clue ang mga taga-marketing team kung saan pwedeng magpunta si Mr. Samañego o dahilan kung ba't siya nawala bigla. Ganoon din kay Mr. Do."

"Ganoon ba?" Malalim akong napabuntong-hininga. "Mukhang mahihirapan akong humanap ng idadahilan sa board tungkol sa issue na 'to…"

"Saka nga pala, nasa may conference room si boss, hinahanap ka."

Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. Si papa? "Bakit daw?" tanong ko

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Baka nalaman niya na po yung tungkol sa pagka-wala ni Mr. Do."

"I see… Sige, pupunta na ako do'n," sabi ko at tumayo na.

Lumabas ako ng opisina, nasa likod ko naman si Secretary Anj at nakasunod sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa conference room, mayroon kaming nakasalubong na mag-asawa. Mukha silang karespe-respetong tao dahil sa kanilang kasuotan, pero ang nakakapagtaka doon ay nakangiti sila habang nakatingin sa akin.

Nang matapat kami sa kanila ay huminto sila sa harap ko at bumati. "Goodmorning, Mr. Kheene Cuenco." Bati sa akin nung ginang na mukhang ka-edaran lang ni mama.

Naiilang naman akong sumagot. "Goodmorning, Ma'am...?"

"I'm Claire Siqua, and this is my husband, Russell Siqua." Magiliw na pagpapakilala niya at sa kaniyang asawa.

Ngumiti naman ulit ako at binati sila. "Goodmorning, Mr. and Mrs. Siqua." Tapos ay nakipag-kamay sa kanila.

"So, you're the son of Mr. Cuenco?" tanong ni Mr. Siqua.

Tumango-tango ako at ngumiting sumagot. "Yeah. The one and only."

Mahina namang napa-hagikhik si Mrs. Siqua at bumulong sa asawa niya. "I told you! Bagay talaga sila ni Ashlee, hon," sabi nito habang nakangiti pa rin sa akin.

Medyo naiilang ako sa paraan ng pag-tingin nila sa akin, samahan pa ng kanilang ngiti. Naguguluhan na rin ako sa sinasabi nila. Kanino raw ako bagay?

Bigla ay pumasok sa isip ko na pinapatawag pala ako ni papa, kaya nagpaalam na ako sa kanila. "By the way, ma'am and sir. I have to go, I hope you don't mind." Paalam ko.

Ngumiti naman si Mrs. Siqua. "Oh, sure. We'll see you again, young man."

"Have a safe trip."

"Thank you!" sabi nito at umalis na sila. Naglakad na din kami papunta kay papa.

Pagdating namin sa conference room ay nagpa-iwan na lang si Secretary Anj sa labas, kaya ako na lang ang pumasok sa loob mag-isa. Pagpasok ko, agad bumungad sa akin si Secretary Gino, sekretarya ni papa. Tinanguan ko lang siya saka ako dumiretso kay papa.

"Goodmorning, dad. Hinahanap mo raw ako?" tanong ko kay papa.

Tumango naman siya at itinuro ang bakanteng upuan na katabi niya. "Have a sit."

Umupo naman ako at tumingin sa kaniya. "So, what is it papa?" tanong ko.

Tumikhim muna siya bago nag-salita. "Nakarating sa akin ang problema dito sa kompanya. Biruin mo iyon, hindi pa man nakakalapag sa lupa ang eroplanong sinasakyan ko, panibagong problema na agad ang sumalubong sa akin."

"I'm sorry, dad."

Bumuntong-hininga si papa. "'Di bale, nand'yan na 'yan e. Might as well find a solution. Ano nang ginagawa mo ngayon?"

"Sa ngayon ay pinapa-imbestigahan ko na ang dahilan nang pagka-wala ni Mr. Samañego, ganoon rin yung kay—"

"Oh, not that. What I mean is… ikaw, anong pinagkaka-abalahan mo sa buhay bukod dito sa kompanya?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni papa. Medyo nagulat ako sa biglaang pagbabago ng ekspresyon niya. Natauhan lang ulit ako nang tawagin niya ako.

"Kheene…"

Medyo nag-aatubili pa akong umiling. "A-Ahm… wala namang iba bukod sa trabaho—"

Mas lalo akong nagulat nang bigla siyang tumawa. "Ang boring naman ng buhay mo, 'nak. Wala ka bang girlfriend ngayon?"

"P-Po?" nagugulat pa rin na tanong ko.

"Girlfriend kako, wala ka? Nakwento sa'kin ng mama mo ang napag-usapan niyo kagabi…"

Umayos ako ng upo at binuksan ang unang dalawang butones ng suot kong polo. "Dad, hindi pa muna sa ngayon. Saka sakit lang iyon sa ulo e. Kung maggi-girlfriend man ako, gusto ko yung matutulungan tayo dito sa kompanya," nag-bibirong sagot ko na mukhang sinang-ayunan naman ni papa dahil napatango siya.

"Sabagay. Aanhin mo nga naman ang babae kung sakit lang ng ulo ang ibibigay sa'yo, 'di ba?"

"Yes, dad. Absolutely." Sang-ayon ko.

"Sakto. May good news ako." Pang-bibitin ni papa sa sasabihin.

"Ano po 'yon?"

Makahulugan siyang ngumiti sa akin saka tumayo. Inayos pa niya ang suot na coat bago nagtungo sa likod ko at nagpalakad-lakad doon.

"Alam mo naman siguro na mayroong problema ang kompanya natin ngayon, 'di ba?" tanong niya, tumango lang ako. "Binawi ni Mr. Do ang ininvest niya dito sa kompanya. Dahil sa pagbawi niyang iyon, halos malaki-laki din ang nawala sa'tin. You know Mr. Do, he's one of our biggest investors here," aniya.

"So? Ano ang dapat kong gawin para mapunan iyong nawala?" tanong ko. Nahinto si papa sa paglalakad at muling naupo sa harap ko.

Matagal muna siyang tumitig sa'kin bago mag-salita. "Gagawin mo ba ang sasabihin ko?" Nakangising tanong niya.

"Kung iyon po ang paraan para maibalik ang lahat sa dati, why not?"

"Well, willing tayong tulungan ni Mr. and Mrs. Siqua, one of my friends since college. Magi-invest sila dito sa kompanya, sila ang papalit sa iniwang pwesto ni Mr. Do. Pero sa isang kondisyon..." Binitin na naman ni papa ang sinasabi niya.

Bigla naman akong kinabahan at napa-isip. Anong kondisyon naman kaya iyon?

"What condi—"

"They want you to marry their daughter," sabi niya, saglit akong natigilan.

"A-Arrange-marriage, you mean?" I asked. Dahan-dahan namang tumango si papa bilang sagot.

Well, hindi naman na ito ang unang beses na inalok ako ni papa na magpa-kasal sa mga anak ng kasosyo niya sa trabaho. Hindi ko na rin maalala kung pang-ilang beses na rin ito mula nang mag-hiwalay kami ni Soph— nung ex-girlfriend ko. Kahit papaano ay sanay na rin ako sa ganitong set-up, kasi sa huli ay hindi rin naman natutuloy.

"Iyon lang po ba?" nakangiting tanong ko.

Mukhang natuwa siya sa reaksyon ko. "Looks like pumapayag ka na sa kondisyon nila…"

Ngumiti lang ako. Panigurado naman kasi na hindi na naman matutuloy iyon sa huli.

"But there's a twist in here…"

"What do you mean?" Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi.

"She's not a typical girl, Kheene, I told you. Iba siya sa mga babaeng ini-arrange-marriage sa'yo noon."

"Anong pinupunto mo, dad?"

"What I meant is… she's not… straight. You know…"

Nangunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni papa. "What?" Kinakabahan na rin ako. "I-I don't k-know."

Napabuntong-hininga si papa at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. Nalilito man ay ginawa ko pa rin. Medyo nabigla pa ako nang bigla niyang hatakin ang kwelyo ng polo ko at itapat ang bibig niya sa tainga ko.

"She's a lesbian," bulong niya saka ako binitawan.

Agad nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Nagpabalik-balik sa tainga ko yung huling salitang binigkas ni papa.

What the? Lesbian?

"What?" Hindi ko sinasadya na mapa-lakas ang boses ko.

"Iyon ang kondisyon nila," sabi ni papa.

"Pero pa, wala na bang iba?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. As far as I know, she's the only daughter of Siqua, kaya I think wala nang iba. Ewan ko lang. Pero ikaw, nasa sa'yo iyon. Kung papayag ka e tutulungan nila tayo. 'Pag naman hindi, bahala nang bumagsak itong kompanya natin," sabi niya.

Kino-konsensya mo ba ako, dad?

"I want your decision now..."

Napamaang naman ako. "What? Agad-agad naman."

"Yes or no lang, Kheene." Nakangising sabi niya. "Saka mukha ka namang sang-ayon kanina ah?!"

That was earlier! Nung hindi ko pa alam na tibo ang papakasalan ko!

Dahil sa sinabi ni papa, parang mayroong biglang namuong iritasyon sa loob ko. Mabilisang pagde-desisyon ang gusto niya. God! Okay lang naman na magpakasal ako... pero hindi sa lesbian!

"I'm waiting..."

Napabuga na lang ako ng hangin. Too much pressure for today.

Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil pini-pressure niya ako. Panay siya tanong! Baka mamaya mapa-oo na lang ako bigla.

Tss. Bakit ba kasi iyon pa ang naging kondisyon, marami namang iba...

"Kheene, yes or no lang na—"

"Oo na po. Yes. Payag na 'ko sa kondisyon nila," ura-uradang sagot ko.

Nagulat ako nang biglang tumayo si papa at niyakap ako, tinapik-tapik niya pa yung likod ko bago ako bitawan.

"I'm so proud of you, son!" Nakangiting sabi niya. "By the way, mamaya may dinner tayo with them. 7pm at Sean's Resto. Don't forget. See you there!"

"Okay." Tipid kong sagot. Mukhang alam na ni papa na papayag ako sa kondisyon na iyon dahil may pa-dinner-with-them agad. Tsk!

Tumayo na ako at nag-paalam sa kaniya. Nang-lulumo akong lumabas sa conference room. Sinalubong ako ni Secretary Anj na may nag-tatanong na ekspresyon, pero umiling lang ako at naglakad na pabalik sa opisina.

Pagpasok ko sa loob, pabagsak akong naupo sa swivel chair. Nakatulala lang ako sa kawalan, iniisip kung tama ba ang naging desisyon kong pumayag sa kasal na iyon.

Kheene... Para sa kompanya. Gagawin mo 'yun para sa kompanya... Wala nang iba.

ASHLEE'S POV

"What?!" sigaw ko sabay tayo.

"Ash, kailangan nila ng tulong ng kompanya natin. Nakaka-konsensya naman kung hindi tayo tutulong, gayong kaya naman natin silang tulunga—"

"Pero, wala na bang ibang paraan para tulungan sila? Bakit kailangan ako pa ang maging kondisyon?!" hindi ko mapigilan na pagtaasan sila ng boses.

Napabuntong-hininga si dad, halatang nagpipigil ng galit sa akin.

"Anak, nasa tamang edad ka naman na, tumatanda na din kami ng daddy mo. Kailan ka pa namin makikitang mai-kasal? Kapag naghihingalo na kami?" tanong naman ni mama.

Kasal? Tss.

"Mama, alam niyo naman po na babae ang gust—"

Biglang humirit si dad. "At alam mo din na hindi pwede sa'min iyon," seryosong sabi niya.

Napailing na lang ako. Fvcksh*t! Babae at lalaki lang ba ang pwedeng magpa-kasal... Hindi ba pwede babae sa babae, same sex marriage. Gano'n?!

"Mag-ayos ka na. Magdi-dinner tayo ngayon sa labas, 7pm sa Sean's Resto. At kasama natin sila," mariing sabi ni daddy sa huling salita.

Tinignan ko muna sila bago ako tumayo. Naiinis akong pumunta sa kwarto ko.

Padabog kong isinara ang pinto kaya nag-dulot iyon ng malakas na tunog tapos ay nagtungo ako sa kama. Marahas akong napabuntong-hininga habang nakakunot ang noo ko na tumingin sa kawalan.

Iba talaga kapag mayaman ka. Ia-arrange-marriage ka na lang ng magulang mo sa taong 'di mo kilala... Napa-kuyom na lang ang kamao ko sa isiping iyon.

Ito ang unang beses na dinawit nila ako na may kinalaman sa kompanya namin. Noon pa man ay alam na nila na ayokong ma-involved sa kahit na anong business namin mapalaki man o maliit dahil ayokong hawakan iyon in the near future.

Pero ano ito ngayon? Arrange-marriage? Parang mas masahol pa ito kaysa sa pag-hawak ng kompanya ah?!

Naiinis kong ginulo ang buhok ko sa sobrang frustration. Sirang-sira na ang araw ko ngayon. Kainis!

Lumapit ako sa side table at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at agad idi-nial ang numero ng taong mahal ko.

"Hello, love." Bati ko nang sagutin niya.

"(Hello, l-love...)"

Napangiti ako, ngunit agad din nawala nang may maalala. "Love..."

"(May problema ba?)" tanong niya. Bigla akong nagdalawang-isip.

Sasabihin ko ba? Sasabihin ko? Sasabihin ko na nga...

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Love, nag-plano ang parents ko ng fixed marriage para sa'kin. Gusto nila akong ipakasal sa taong 'di ko kilala... ang masama, lalaki pa."

Narinig kong tumawa siya mula sa kabilang linya. "(Oh, ayaw mo ba no'n? May instant husband ka?)"

Napasimangot ako. "Love naman. Alam mo namang ayaw ko sa lalaki. 'Tsaka pwede ba? 'Wag ka ngang magsalita ng ganiyan." Nagtatampong sabi ko.

"(L-Love, listen. Ginagawa nila iyon para sa'yo, tumatanda na sila tita... At saka umpisa pa lang, alam naman natin na tutol sila tito sa relasyon natin, 'di ba?)"

"Alam ko naman 'yon. Pero paano ka? Paano tayo? Alam mo naman na mahal na mahal kita, 'di ba?"

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "(Mahal nga natin ang isa't isa  kaso tutol naman sila,)" sabi niya dahilan para hindi ako maka-imik. Iba ang tama ng pananalita niya para sa akin.

Pakiramdam ko parang pabor siya sa kasal ko. Tss.

Nabalik ako sa realidad ng magsalita ulit siya. "(Sige na. Mag-usap na lang tayo bukas, marami pa akong gagawin.)" Paalam niya.

Tumango ako. "Sige, sige. Bye. Mahal kita…" Naglalambing na sabi ko.

Umasa ako na mayroon akong matatanggap na tugon mula sa kaniya, pero nagkamali ako. Simpleng bye lang ang sinabi niya at pinutol na ang linya.

Matagal kong tinitigan ang screen ng cellphone ko, bago ako tumayo at nag-ayos para sa dinner na sinasabi nila mama kanina.

Iika-ika akong naglakad papunta sa banyo para maligo. Bigla kong naalala yung nangyari kaninang umaga kaya hindi ako makalakad ng ayos ngayon.

Isa pa 'yong bwiset na lalaking iyon. Porket walang sugat na nakita sa akin, nilayasan na lang ako... Palalampasin ko na lang sana 'yon e, kaso lintek! Sinabihan pa 'kong manloloko? Mukha ba 'kong kasapi ng budol-budol gang?

Tumingin ako sa salamin at sinuri ang mukha ko. Sa gwapo kong 'to? Ito ba ang mukha ng isang mang-gagantyo? Tsk! Napailing na lang ako at nagsimula ng maligo.

After 30 minutes…

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa sala. Naabutan ko doon ang magulang ko. Nangunot ang noo nila at bahagyang nanlaki ang mata nang makita akong pababa na ng hagdan.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong sa'kin ni mama.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Sneakers. Ripped jeans. At sweat shirt na kulay maroon. May mali ba sa suot ko?

Tumikhim si papa. "Magpalit ka doon ng damit, yung maayos," utos niya.

"Maayos naman ho 'to ah," pa-inosenteng sagot ko.

"I mean, mag-dress ka..."

Tss. May dress code ba doon sa kakainan namin? Hindi ba ako papa-pasukin kapag ganito ang suot ko?

"Ayoko nga. Maayos na nga itong suot ko eh, papa-palitan niyo pa." Nakangusong sabi ko.

Napabuntong-hininga si mama. "Magpalit ka na doon at baka ma-late tayo sa dinner!" sigaw niya.

Ngunit hindi ako nagpatinag at tinignan lang sila. Kahit anong pilit niyo sa'kin... Hindi ako magpa-palit.

"Ashlee..." Si mama.

Napangisi ako, yung nakaka-asar. "Pinakialaman niyo na nga ho ang lovelife ko, pati ba naman pananamit ko, pakikialaman niyo din—"

"Ashlee!" Hindi na napigilan ni papa ang galit niya, nasigawan na niya ako.

"Tama na 'yan. Umalis na tayo," sabi ni mama, hindi na niya pinilit na magpalit pa ako ng damit.

Inakay na niya si papa palabas, sumunod na din ako sa kanila.

Habang nasa biyahe, patuloy pa rin sila sa pagpapa-alala sa akin kung ano ang dapat kong i-akto sa harap ng mga Cuenco.

"Ayusin mo ang bibig mo, Ash. Baka hindi nila magustuhan ang paraan mo ng pananalita," bilin ni papa.

Hindi na lang ako kumibo. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Bakit kailangan ako ang mag-adjust? Sila ang humihingi ng tulong, edi dapat sila ang mag-adjust sa'kin...

Tahimik lang akong naka-upo sa likod, hanggang sa marating na namin ang Sean's Resto.

This is it. Kung sino ka man' lalaki ka. Once na mai-kasal ako sa'yo, gagawin kong impyerno ang buhay mo...

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status