Share

Chapter 3

BREE’S POV

Unang beses kong makapunta sa Palace Midas noong kinasal ako dito. Aside from the fact na nasa Krystal City ito, wala naman kasi akong gagawin sa hotel. It’s not like I had a lot of time when I was in college to on a lot of parties as I was focused with my studies.

Isa sa mga bilang na pag-uusap namin ni Heath ay kung saan ko siya pwedeng tawagan at puntuhan tuwing may emergency kaya alam ko kung nasaan ang opisina niya. Nasa thirtieth floor ito ng hotel.

Nasa likod at kasunod kong maglakad si Rainer na hindi manlang umiimik. Hinarang ako ng babae sa reception area. “Good afternoon, do you have an appointment with someone?” magalang ang pagngiti nito at perpekto ang pagkakapusod ng buhok.

“I need to see Heath Carnell.”

“Do you have a meeting with him?”

Tinaas ko lang ang ulo ko. “No.”

“I’m sorry, ma’am. Mr. Carnell is very busy. I hope you can understand. You may call his secretary and schedule an appointment with him. Here’s the number.”

Nginitian ko lang siya. “Can you call him? It’s an emergency.”

“I can get in touch with his secretary po.”

“Tell her to tell him that his wife is here.”

Parang nalaglag ang panga ng babae sa sinabi ko.

“Go on,” sabi ko kasabay ng pag-udyok ng aking mga daliri. “Call.”

Habang naghihintay, sulyap pa nang sulyap sa’kin ang babae habang nasa telepono. Iniisip siguro nito na baliw ako. Baka nga security na ang tinatawag niya at bigla na lang nila akong kaladkarin pababa ng ground floor. Pero wala pang dalawang minuto, isang babae ang lumabas.

“Hello, Mr. Carnell will see you now.”

Nagpasalamat ako sa naunang babae at sinundan ang pangalawa. Mahaba ang hallway na nilakad ko at puno ng mga taong nagtatrabaho. Sa dulo, mas tumahimik at mayroong isang pintuan.

“In you go, ma’am,” sabi ng babae na malamang ay ang sekretarya ni Heath.

“Dito ka lang ba?” tanong ko Rainer.

“I’ll guard the door,” sabi nito na parang sarkastiko pa.

Pumasok na ko sa loob at nakitang nasa likod ng malaking lamesa si Heath. “What do you want?” agaran na tanong nito sa’kin.

“Hey,” masiglang bati ko sa kaniya. “Naisip ko lang baka gusto mo kong samahan mag-grocery.”

“Grocery?” paglinga niya sa’kin mula sa kaniyang computer screen. “I’m in the middle of work, Brianna.”

“It’s Bree,” pagtama ko sa kaniya. Ilang beses ko na kasing inuulit na ang tatay ko nga lang ang tumatawag sa’kin ng Brianna. “Willing naman akong maghintay.”

Papunta na ko sa couch set niya nang makita kong hindi lang pala kami ang tao sa loob ng kwarto.

“Oh,” lumabas sa bibig ko. “Hi.”

Tumayo ang babaeng naka-paldang masikip at coat. Inabot nito ang kaniyang kamay. Maganda ang babae at buhay na buhay ang kaniyang mga mata. May kung anong yabang sa pagkilos ng katawan nito na hindi ko malaman kung ano. “Rosetta Albright, Heath’s lawyer.”

“I see,” sabi ko at sinamaan ng tingin si Heath. He should not have entertained me kung may kasama naman pala siyang iba.

“I heard you’re his new wife?” tanong nito.

Kinailangan ko pang pwersahin ang salitang yes para lumabas. “How long have you been Heath’s lawyer?”

“Since I passed the bar,” sabi nito at bumalik sa kaniyang pagkakaupo.

“Is there something I should know about?” tanong ko at naupo na din. Gusto ko lang makichismis. “Nasangkot na ba siya in anything illegal?”

Natawa si Rosetta at may kung anong pangit na emosyon ang nagmula sa’king dibdib. From the way that she laughed, I knew that there was something. Like some sort of a joke that I am not a part of. She likes it that she knows something about Heath that I don’t. Hmmm…

“Wala kang dapat ipagkaalala,” tugon nito nang matapos ang kaniyang halakhak. “Maayos ang records ni Heath. He’s clean.”

Tinango-tango ko ang aking ulo. “Good to know,” sabi ko nalang.

Tsaka ko na uusisain ang mga naging kaso ni Heath kung mayroon man. Hindi ko naman siguro ako ipakakasal ng tatay ko sa isang kriminal.

Binaling ko ang atensyon ko sa aking asawa. “So, groceries?”

“Brianna,” panimula nito. “I’m a busy man. That’s why I hire people to do these menial tasks for me.”

“Wala pa nga tayong maids eh.”

“Magpasama ka sa bodyguard. I heard he arrived today,” sabi nito, ang karamihan ng atensyon nito ay nasa kaniyang computer screen pa din.

“His name is Rainer,” sabi ko. “He’s outside your door.”

“Good, may makakasama ka. I’ll be home by dinnertime.”

“But I can wait.”

Heath exhaled like his patience is running thin. Tumayo siya at akala ko nagwagi na ko. Pero nang makalapit siya sa’kin, hinawakan niya lang ako sa braso at tinayo ako. Nilakad niya ko papunta sa pintuan.

“Honestly, what are you doing here?” tahimik niyang singhal sa’kin. “You’re not supposed to be here! Aren’t you the one who wanted na walang makaalam sa kasal natin? Why are ambushing me like this?”

Totoo naman nga ang mga sinasabi niya. Ayoko kasi na may magtatanong sa’kin kung bakit biglaan akong kinasal. Lalo na’t hindi ko naman gusto ang kasal na naganap. Kaya sinagot ko din siya ng katotohanan. “I just want to be friends!”

“I’m married to you! We can’t be friends!”

“But you’re friends with your lawyer! Is that even allowed?!”

“Kababata ko si Rosetta,” sabi niya at binuksan na ang pinto.

“Ah, that explains everything then,” sabi ko lang.

“Alin?” pagkunot ng kaniyang noo.

Bumulong ako at pasimpleng sumilip sa loob ng kwarto. Parang nagmamatiyag si Rosetta mula sa loob. “She has that look in her eyes. Stars, the sun, and the moon.”

Tumaas ang parehong kilay ni Heath.

“She wants you,” I concluded for him.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nayanig ‘yung dibdib ko nang marinig ko ang tawa niya. “You’re crazy! Walang gano’n ‘no! I’ll see you at home.”

Isasara na sana niya ang pinto pero hinatak ko ito pabalik. “My offer? Friends?”

Nawala ang bakas na tuwa sa mukha niya at naging inis na naman ang ekspresyon. “Brianna, I suggest you just stop trying.”

Inalis niya ang kamay ko sa doorknob.

“This is not some sick fairytale wherein we’d fall in love in the end.”

Then, he shut the door to my face.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
may something ba kay heath at sa lawyer nya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status