Share

[TRIST] Part1.2: Santa Demon Resort

2:30am, mahimbing ang tulog nina Helen at Wendy nang magising ang mga ito dahil sa mahinang pag-alog ng kanilang kama. Sinabayan pa nito ng pagpatay sindi ng ilaw. Parehong bumangon ang dalawa.

"Ano 'yon?" Takang sambit ni Wendy.

"Naramdaman kong may umalog." Ani Helen.

Muling umalog ng malakas ang kama dahilan upang sabay sumigaw ang dalawa. Parehong napayakap ng isa't isa habang umiiyak at sinabayan pa ng pagtili ng mga ito dahil sa sobrang takot.

Bumukas ang pinto dahilan upang matigil sa pag-alog ang kama at pagpatay sindi ng ilaw. Nag-aalalang pumasok sina Clement, Trist at Dylan sa kwarto, kung kaya't parehong kumalas mula sa pagkakayakap ng isa't isa sina Helen at Wendy.

"Anong nangyari dito?" Nag-aalalang tanong ni Trist.

"Hindi namin alam," umiiyak sa takot na sambit ni Helen. "Nagising na lamang kami na umaalog ng malakas yung kama tapos.. nagpatay sindi yung ilaw." Paliwanag nito.

Inakap ni Dylan si Helen upang mawala yung takot nito. Hindi naman tumanggi si Helen sa halip pabor sa kanya ito dahil boyfriend naman niya ang kayakap.

"Bakit kayong dalawa lang? Nasaan si Ynaria?" Singit na tanong ni Clement.

"Paggising namin wala na siya sa tabi namin." Sagot ni Wendy.

"Titignan ko sa baba," prisinta ni Trist. "Dito lang kayo." Paalalang dagdag nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"Natatakot ako, Dylan." Humahagulhol na turan ni Helen.

"Wag ka mag-alala nandito ako sa tabi mo." pagtatahan ni Dylan kay Helen habang nakayakap ito at inaalo ang likod nito.

"Puntahan ko lang sina Ryan at Paul. Dylan, ikaw na muna bahala sa kanila." Ani Clement. Tanging tango lang ang sinagot ni Dylan, kung kaya't walang salitang lumabas ng kwarto si Clement.

Pagpunta ni Clement sa labas ng kwarto nina Paul at Ryan kakatok pa lamang ito ng bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang bagong mulat na si Paul, habang si Ryan naman ay tulog pa rin.

"May narinig akong ingay, ano ba 'yon?" Bungad na tanong ni Paul. Kinukusot-kusot pa nito ang kaliwang mata.

"Hindi ka maniniwala," Marahan iling na sagot ni Clement. "May nangyari kina Wendy at Helen, takot na takot sila habang umiiyak. Tapos si Ynaria, hinahanap siya ni Trist." Paliwanag ni Clement.

Napakunot noo si Paul. "Teka, di kita maintindihan, anong kinatatakot nina Wendy?"

Humugot ng hininga si Clement, "Alam ko nahihirapan ka, kahit ako ganun din."

"Anong ibig mong sabihin?" Kuryos na tanong ni Paul.

"Ang mabuti pa gisingin mo na si Ryan, napakatulog mantika niya."  Ani Clement kasabay ng pagtap nito sa kanang balikat ni Paul.

Natigilan sina Clement at Paul nang mapansin nilang nagmamadaling umakyat si Trist sabay takbo nito papunta sa sariling kwarto nito. Di nila maiwasan magtaka sa ikinikilos ni Trist at sa itsurang pag-aalala nito. Pagkalabas ni Trist sa kwarto nagkaroon ng pagkakataong harangin ni Clement si Trist.

Hindi pa man nakakapagsalita si Clement nang sinagot ito ni Trist. "Si Ynaria," hingal na sabi nito. Nakaramdam ng kaba si Clement sa anumang sasabihin ni Trist. "Wala ng oras!" Umiiling na dagdag nito tsaka ito patakbong umalis at iniwan si Clement.

"May nangyari kay Ynaria." Turan ni Paul.

Walang salitang tumakbo pababa si Clement kasunod nito si Paul.

[PREVIOUS SCENE]

Nakarating si Trist sa labas ng kanilang cottage nang di nito makita si Ynaria sa sala at kusina. Huminto ito sa tapat ng pool dahil sa kawalang pag-asa na hindi mahanap si Ynaria. Bumuntong hininga ito't nagpasyang pumasok sa loob ng cottage. Dumiretso ito sa kusina ngunit natigilan nang may marinig na pagkalampag sa kung saan. May naririnig din siyang  boses na tila humihingi ng tulong kung kaya't sinundan niya yung ingay.

Natigilan si Trist nang malaman nito na galing sa basement yung naririnig na ingay. Kinabahan ito nang maalala na baka si Ynaria yung nasa loob ng basement. Lumapit ito sa pinto at pinihit ang doorknob ngunit sa kasamaang-palad di nito magawang buksan ang pinto.

"Ynaria, ikaw ba 'yan?" Sigaw ni Trist. Sinalakay ito ng pag-alala nang walang sumasagot ngunit patuloy pa ring pagkalampog sa pinto. "Ynaria, ako 'to si Trist!" Dagdag nito.

Nang sandaling iyon, nawala ang pagkalampag mula sa pinto. Sinundan ito ng isang pamilyar na boses. "Trist, tulungan mo ko! Pakiusap.."

Matapos marinig ni Trist ang boses ni Ynaria ay natatarantang pumunta ito sa kanyang kwarto upang hanapin yung susi ng basement. 

NAGKAROON ng pag-asa si Ynaria nang marinig ang boses ni Trist. Bagamat nararamdaman pa rin nito ang presenya ng mga kaluluwa, lakas loob nito muling nilingon ang mga multo. Nagtaka si Ynaria nang may tinuturo ang mga ito sa bahaging kaliwa. At dahil nanaig ang kanyang kuryosidad tatlong beses ito humakbang pababa upang silipin yung itinuturo ng mga ito. Nanliit ang kanyang mga mata nang makita ang litrato ni Trist, nakapatong ito sa ibabaw ng lumang piano. Sa pagkakataong iyon napakunot noo si Ynaria sapagkat di maunawaan kung bakit tinuturo ng mga multo si Trist.

Napatingin ito sa pinto nang muling makarinig ng boses kung kaya't patakbong lumapit ito sa pintuan kasabay ng pagkalampag. "Pakiusap, buksan niyo 'to!" Muling lumingon si Ynaria sa kinaroonan ng mga kaluluwang nagparamdam sa kanya. Hinugot niya ang kanyang hininga nang biglang mawala ang mga ito.

Bumukas ang pinto, bumungad sa kanya ang mukha ni Clement na di maitago ang pag-alala. Sina Trist at Paul ay nasa likod ni Clement, halatang mga nag-aalala din. Biglang humagulhol ng iyak si Ynaria habang naghahabol ng hininga nang yakapin ito ni Clement. "Natatakot ako.. akala ko di na ko makakalabas." Sinisinok na sambit ni Ynaria.

"Don't worry nakalabas ka na, okay?" Pagtatahan ni Clement kay Ynaria.

"Hindi ko maintindihan, ano ba talaga nangyayari dito? At bakit mga babae yung natatakot?" Out of curiosity na tanong ni Paul.

Tumigil sa pag-iyak si Ynaria dahil sa tanong ni Paul, kumalas ito mula sa pagkakayakap kay Clement tsaka nito hinarap si Paul. "Anong sinabi mo?" Tila pinapaulit ni Ynaria yung sinabi ni Paul.

"Wala akong alam pero ang sabi nila, takot na takot daw sila Wendy at Helen." Kibitbalikat na sagot ni Paul.

Nagtatakang binalingan ng tingin ni Ynaria sina Trist at Clement. "May nangyari ba sa kanila?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi sumagot ang dalawa kung kaya't nagsimula itong magpanic. "Pupuntahan ko sila."

"Sandali," Pigil ni Trist kay Ynaria. "Paano ka nakapasok sa basement?" Tanong nito.

"Hindi kayo maniniwala," Umiiling na sambit ni Ynaria. "May mga nakikita ako dito sa resort."

"Anong nakikita mo?" Ani Clement.

Sa halip sagutin ni Ynaria yung tanong ni Clement ay naglakad ito papunta sa sala na sinundan naman nina Trist, Clement at Paul. Umupo si Ynaria sa pahabang sofa, maging si Trist ay tumabi kay Ynaria habang sina Clement at Paul ay nakatayo lang sa harap ni Ynaria.

"Mga kaluluwang hindi matahimik." Simpleng tugon ni Ynaria.

"Ibig sabihin may gumagalang multo dito?" Mabilis na reaksyon ni Paul. Tumingin ito sa paligid at umaktong natatakot. "Mukhang mali yata yung lugar na pinagcelebrate natin ng anibersayo ah!" Komento pa nito.

"Paul, tawagin mo yung mga iba nating kasamahan at kailangan lahat tayo ay magsama-sama ngayon. Naiintindihan mo?" Utos ni Trist.

"Aking isusunod ang pinag-uutos mo Boss!" Ani Paul, nagsalute pa ito bago umalis.

"Hindi ikaw ang nag-iisa," panimula ni Trist. Dahilan upang gulat na lingunin ito ni Ynaria. "Marami sila."

"Kayong dalawa, nakakakita kayo ng multo?" Di makapaniwalang usal ni Clement. Umupo ito sa single-sofa.

"Akala ko namamalikmata lang ako." Komento ni Ynaria.

"Nakita ko sila sa kwarto ko. Pati na rin ang kaibigan kong si Chris." Ani Trist.

"Sino si Chris?" Kuryos na tanong ni Ynaria.

"Kaibigan namin," Si Clement ang sumagot. "Namatay siya dahil sa sunog, 6years ago at aksidente lang ang lahat."

"Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit ikinalulungkot ko yung sinapit ng kaibigan niyo." Malungkot na sambit ni Ynaria kasabay ng pagbuntong hininga nito.

Wala ng nagtangkang magsalita sa kanilang tatlo kung kaya't binalot sila ng katahimikan habang hinihintay ang iba nilang mga kasamahan. Mga ilang saglit pa ay dumating sina Paul, Dylan, Ryan, Helen at Wendy.

"Boss, kompleto na tayong lahat!" Sambit ni Paul kay Trist.

"Okay, umupo kayong lahat at may importante akong dapat niyong malaman," Seryosong panimula ni Trist. Nang masipagsunuran lahat ng trabahador nito ay nagsimula itong magsalita. "Una, gusto kong sabihin sa inyo na ang resort na ito ay pag mamay-ari ko."

Ang lahat ng trabahador ni Trist ay mga hindi makapaniwala sa narinig ng mga ito, tila mga nasusupresa. Maliban lang kay Clement na ito ang unang nakakaalam.

"Pasensya na, hindi ko agad sa inyo sinabi yung totoo. Pero kailangan na natin lisanin ang lugar na 'to at pasensya na rin sa mga nangyayari sa inyo dito, hindi ko na sana kayo dinala pa dito." Kalmadong lintanya ni Trist.

"Boss, hindi ba't bukas na yung ikalimang anibersayo ng ating restaurant?" Katwiran ni Ryan.

"Alam ko," tumatangong tugon ni Trist. "Kailangan natin ngayon ipagpaliban."

"Pero hindi pa kami nag-eenjoy sa outing na 'to!" Apila ni Paul.

"Sige, maiwan ka dito kasama sila." Simpleng sagot ni Trist.

"Sinong sila?" Kunot-noong tanong ni Wendy. Dahilan upang walang nakasagot sa tanong nito.

"Kahit sino sa inyo, sabihin niyo nga sakin kung ano ba talaga nangyayari dito?" Walang muang na sambit ni Ryan.

"Natanong ko na 'yan kanina." Kibitbalikat na komento ni Paul.

"Sundin na lang natin si Trist, okay? Wag na kayo maraming tanong pa. Naudlot man ang ating selebrasyon ngayon, maaari nating ipagpatuloy sa ibang araw." Tila nagpapaintinding saad ni Clement.

"Bumalik na kayo sa inyong mga kwarto at mag-impake, bukas iuuwi ko na kayo." Ani Trist.

Hindi na nag-apila pa ang mga trabahador ni Trist, sa halip walang salitang nagsipagbalikan ang mga ito sa kanilang mga kwarto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status