Share

[TRIST] Part1.3: Santa Demon Resort

PAGSIKAT ng haring araw, maagang nagsipaggayak ang lahat upang lisanin ang resort. Subalit sa kasamaang-palad nagulat ang lahat nang mabasa nila ang nakasulat sa gate.

"This is begin to hell," malakas na basa ni Paul. Nakaguhit ang mga salita sa big letter na may halong dugo. "Grabe hindi na 'to nakakatuwa." Dagdag komento nito at bahagya pang umiling.

"Trist, anong ibig sabihin ng mga salitang 'yan?" Apila ni Ynaria.

Humugot ng hininga si Trist. "Hindi ko alam kung sinong gumawa niyan." Inosenteng tugon nito.

"So, di mo maipapaliwanag samin?" Sarkastikong singit ni Helen. "Alam mo bang tiniis namin yung takot kagabi para lang magising ng kinaumagahan, tapos.. ayan yung mababasa namin!" Galit na turan nito.

"Hon, huminahon ka, okay?" Pagpapakalma ni Dylan kay Helen. Nagbuntong hininga na lang si Helen at di na nagkomento pa.

"Umalis na tayo," Ani Clement. Nagtungo ito sa gate upang buksan ngunit hindi nito iyon mabuksan kung kaya't natigilan ito at di maiwasang kabahan. "Guys, may problema." Seryosong saad nito.

"Anong nangyari?" Mabilis na tanong ni Wendy.

"Hindi tayo makakalabas mukhang may naglock satin dito." Sambit ni Clement.

"Sabihin mo nagbibiro ka lang!" Tila hindi makapaniwalang usal ni Wendy. Ngunit tanging pag-iling lang sinagot ni Clement dahilan upang hinalamutak ni Wendy ang kanyang mukha, sabay baling kay Trist. "Boss, ang taas ng respeto ko sa'yo pero masisiguro kong kasalanan mo 'to!" Pansisisi nito kay Trist.

"Wendy, kalma ka lang, okay?" Malumanay na wika ni Ryan.

"Tama, kasalanan ko na dinala ko kayo dito, pero wala akong kinalaman sa mga nangyayari satin dito." Kalmadong pagpapaintindi ni Trist sa kanyang mga trabahador.

"Okay!" Sarkastikong sagot ni Wendy tsaka nito tinignan ng masama si Trist bago bumalik sa cottage bitbit yung bag nito.

Nagbuntong hininga na lang si Trist dahil sa inasta sa kanya ni Wendy. "Hayaan natin siya mapag-isa."

"Ano gagawin natin?" Kibitbalikat na tanong ni Dylan.

"Mabuti pa, bumalik na lang tayo sa cottage." Suhestyon ni Clement.

"Ayos, makakapag-enjoy na rin sa wakas." Natatawang komento ni Paul.

"May naalala ako," biglang sambit ni Ynaria dahilan para mapunta ang atensyon nito sa mga kasamahan. "Last night, nung pagpunta ko dito sarado yung gate tapos di ko mabuksan. Then may mga kaluluwang nagparamdam sakin." Kwento nito.

"Ibig sabihin hindi totoong may hinahanap ka? Pero bakit nakabukas yung gate?" Nagtatakang tanong ni Trist.

"Teka, naguguluhan ako," singit ni Helen. "Ynaria, ang pinupunto mo ba dito ay kakagawan ito lahat ng mga multo, tama?"

"Imposible," Komento ni Ryan.

"Sa palagay ko," kibitbalikat na bahagyang umiling pa si Ynaria. Tila di sigurado sa sagot nito. "Nakikita ko sila, I mean.. sa totoo hindi lang naman ako nag-iisa, pati si Boss." Nagpapakatotoong dagdag nito.

"Wow!" Manghang komento ni Paul.

"Bakit di niyo sinabi samin?" Di makapaniwalang usal ni Helen.

"Totoo yung sinabi niya," ang tinutukoy ni Trist si Ynaria. "Pero naniniwala akong---"

Hindi naituloy ni Trist yung karugtong na sasabihin nito nang makarinig sila ng sigaw galing sa loob ng cottage. Sabay silang lahat lumingon sa pinanggalingan ng sigaw tsaka sila nagmadaling nagtungo sa cottage ngunit sa kasamaang-palad nakasarado ang pinto. Naririnig nilang humihingi ng tulong si Wendy kasabay ng pagkalabog ng mga gamit sa loob. Sa pagkakataong iyon nais man nila pumasok upang malaman yung nangyayari sa loob ngunit wala silang magawa, tanging pag-aalala at pagsigaw ng pangalan ni Wendy ang lumabas sa mga bibig nila. Mga natataranta at natatakot ang kanilang mga nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Ayaw pa rin mapihit ng seradula!" Pagpipilit ni Ryan sa pintuan na baka sakaling mabuksan ito.

"Wendy, anong nangyayari dyan sa loob?" Kuryos na sambit ni Paul, kinakalampog nito ang pinto.

Sina Trist, Ynaria at Dylan ay nasa bintana nakapwesto pinipilit din ng mga ito buksan ang bintana ngunit hindi rin mabuksan kung kaya't kinalampog na lamang nila ang bintana. Samantala, si Helen ay umiiyak na lamang sa takot sa isang tabi nakatayo ito sa likod nina Ryan at Paul. Habang si Clement hindi mapakali tumingila ito sa  ikalawang palapag sinusuri nito kung saan pwede roon pumasok.

Nabuhayan ng pag-asa si Clement nang makita ang balkonahe sa ikalawang palapag. Ngunit napaisip ito ng maaalalang walang maaakyatang bagay. Nilapitan nito si Trist tsaka ito nagtanong.

"May hagdan ka?"

"Nasa gilid ng puno malapit sa gate," sagot ni Trist. "Teka, bakit mo pala natanong?"

"Naisip ko baka maaaring dumaan sa ikalawang palapag. Nakita kong nakabukas yung balkonahe." Tugon ni Clement.

"Magandang ideya 'yan," sang-ayon ni Trist. "Sige na, kunin mo na."

"Salamat." Wika ni Clement tsaka ito nagtungo sa direksyon na ibinigay ni Trist.

Humahagulhol na lamang sa iyak si Wendy sa gilid ng pinto habang yakap nito ang sarili, takot na takot ito dahil ang mga gamit ay kusang gumagalaw, umaangat tapos biglang babagsak ito dahilan upang masira. Sa mga sandaling iyon, naniniwala na siya sa multo dahil hindi lang naman ito ang unang beses na naranasan niya. Iyon ay ang kagabi kasama nito si Helen.

"Tama na please.." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Wendy. "Itigil niyo na ito, pakiusap!"

Mas lalong nanginig sa takot si Wendy nang makitang pinalipad ang plato sa bintana dahilan upang mabasag ito. Kasunod niyon ang Kutsilyo na tatama sa kanyang direksyon upang mawalan ito ng malay.

Sa wakas tuluyan ng nakaakyat sa balkonahe si Clement, kasunod nito sina Ynaria, Trist at Ryan. Naiwan naman sa labas maghintay sina Paul, Helen at Dylan.

"Lakasan niyo lang yung loob." Ani Ynaria sa mga kasama nitong lalaki.

"Sino bang nagsabing natatakot kami?" Komento ni Ryan.

"Nandito tayo para kay Wendy, okay?" Paalala ni Trist.

"Sundan niyo ko." Saad ni Clement. Ito ang unang pumasok sa loob na sinundan nina Trist, Ynaria at Ryan. Dahan-dahan ang paglakad nila hanggang sa pagbababa nila ng hagdan. Nang tuluyang makababa bumungad sa kanila ang mga sirang gamit, tila dinaanan ito ng malaking bagyo.

"Oh my god, anong nangyari dito sa mga gamit ko?" Di makapaniwalang komento ni Trist. "Lahat nasira."

"Guys, si Wendy!" Agaw pansin ni Ynaria. Nakita nito si Wendy na nakahandusay sa semento malapit sa pinto.

Tumakbo si Ynaria sa kinaroonan ni Wendy, sinundan naman lapitan ito nina Trist, Ryan at Clement. Tinapik-tapik ni Ynaria ang pisngi ni Wendy para magising ngunit bigo ito. Binuhat nina Trist at Ryan si Wendy sa pahabang sofa tsaka nila ito hiniga, pero ang ulo nito ay nasa lap ni Ryan.

"Wendy, Wendy wake up!" Nag-aalalang wika ni Ynaria.

"Buksan niyo yung pinto!" Natatarantang utos ni Trist.

Tutungo na sana si Clement sa pinto para buksan ito nang bigla gumalaw ang single-sofa dahilan para harangin nito ang pinto. Tila natuod sa kinatatayuan si Clement sa kanyang nakita, maging sina Ynaria, Trist at Ryan ay halata sa kanilang mga mukha ang pagkagulat kung paano nagawang gumalaw ng upuan.

Sa pagkataong iyon, sinalakay sila ng takot dahil sa nangyayari sa kanila ngayon. Sapagkat di nila alam kung anong gagawin at paanong pahihintuin ang mga kaluluwang nagpaparamdam sa kanila.

"Trist, samahan mo ko sa basement," sambit ni Ynaria. "Kayong dalawa dito lang, okay?" Tukoy ni Ynaria kina Clement at Ryan.

"Anong gagawin niyo?" Kuryos na tanong ni Clement.

"Hindi ako sasama." Umiiling na pagtanggi ni Trist.

"Nakikita mo naman siguro di ba? Nandoon sila sa tapat ng basement!" Pagtataas ng boses ni Ynaria kay Trist. Pumikit ito sandali tsaka hinugot ang hininga upang pakalmahin ang sarili. "Parehong nakikita natin ang mga kaluluwang ito. At ngayon nais kong makipagcooperate ka sakin para matapos na 'to at makauwi na tayo!" Malumanay at nagpapaintinding sambit ni Ynaria.

"Ynaria, kung ayaw ni Trist ako na lang sasama sa'yo," Prisinta ni Clement. "Kahit di ko sila nakikita maaaring makatulong ako sa'yo."

Bumuntong hininga si Ynaria, tsaka ito nag-isip. "Mukhang wala na kong magagawa." Bahagyang umiiling na sagot nito. Sinamaan muna ng tingin ni Ynaria si Trist, bago nito hinarap si Clement. "Tapusin na natin 'to!" Seryosong anito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status