Share

[TRIST] Part2.2: The Return

PAGLABAS ni Ynaria sa restaurant nakaramdam ito ng inang kalikasan kung kaya't muling bumalik ito sa loob upang umihi. Nadatnan pa nito sina Dylan, Helen at Paul na abala sa pagkukwentuhan, tila mga walang balak umuwi ng bahay. Sina Ryan at Wendy naman ay naunang umuwi dahil may date pa ang dalawa. Lumabas ng cubicle si Ynaria matapos umihi tsaka ito nagtungo sa lababo para hugasan ang kamay. Ngunit natigilan nang magpatay sindi ang mga ilaw dahilan para matigilan siya't napaangat ang tingin sa mga ilaw.

Binalewala ni Ynaria ang pagpatay-sindi ng mga ilaw at pinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay. Nang matapos muling natigilan na naman nang makaramdam ng malamig na hangin mula sa kanyang likuran, tila may dumaan. Ang pakiramdam na iyon ay di na bago sa kanya at alam nito na may kasama siya. Deretso ang kanyang tingin sa gripo habang nakatungkod ang parehong mga kamay sa lababo; nakikiramdam, napapalunok, pinagpapawisan ng malamig at higit sa lahat bumalatay ang kanyang takot.

Marahang inangat ni Ynaria ang kanyang ulo upang makita sa salamin ang mga kaluluwang nagpaparamdam sa kanya. Sa pagkakataong iyon tila nabagaksakan ito ng malamig na tubig sa katotohanang muling nagparamdam ang mga kaluluwang nagpakita sa kanya noong nasa Laguna sila. Ang Santa Demon Resort. Sa mga sandaling 'yon bigla na lamang napaluha si Ynaria, sapagkat hindi umipekto ang kanyang nalalaman patungkol sa mga kaluluwang di matahimik at patuloy na gumugulo.

Mariing napapikit si Ynaria sa pag-asang nawa'y mawala sa kanyang likuran ang mga kaluluwa. Ramdam ang pangingilid ng kanyang luha at ang panginginig ng kanyang labi. Mula sa kanyang pagdilat, tuluyan na itong nanghina dahilan para mapasalampak ng upo sa tiles. Bumalik sa dati ang kanyang pakiramdam. Bagama't hindi nabigo ngunit naroon pa rin yung takot sa kanyang dibdib na baka anumang oras ay muling magparamdam ang mga multo sa kanya.

NAGLILIGPIT ng mga dokumento si Trist nang may malamig na bagay ang humawak sa kanyang balikat dahilan ng kanyang paghinto. Hindi man nakitaan ng pagkatakot ay bumuntong hininga na lamang si Trist, kasabay ng pagpikit ng mga mata nito. Tila dinamdam ang anumang bagay na nakapatong sa kanyang balikat dahilan ng pagbigat nito.

"Huwag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako natin sa isa't isa," sambit ni Trist sa kawalan. "Kung sakaling ako na ang susunod mawala sa mundong 'to. Ang matagal ng nakaplano ay ipapaubaya ko na lamang sa kung sinuman ang maiiwan." Makahulugang dagdag pa nito.

Ang kaninang mabigat na pakiramdam sa kanyang balikat ay biglang gumaan at nawala ang lamig. Bagama't kilala nito ang taong nasa kanyang likuran lamang kanina. Alam nito kung anong nais ipahiwatig ng kaluluwang nagparamdam sa kanya. Di na bago sa kanya iyon, dahil simula bata pa lang ay nakakakita na siya ng mga multo.

Muling pinagpatuloy ni Trist ang gawain at nang matapos nagtungo ito sa pintuan sabay switch-off ng ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan diretsong nakatingin lamang ito sa kanyang desk. Bagama't sinakop ng dilim ang kabuuan ng kanyang opisina, tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang nagsilbing ilaw upang kanyang maaninag ang tatlong anino. Wala sa sariling napangiti si Trist nang masilayan ang kaluluwa nina Chris, Simon at Samuel na deretsong nakatingin sa kanya. Nabalik tanaw si Trist--ang mga alaalang di malilimutan na pinagsamahan nilang magkakaibigan. Pumatak ang kanyang luha matapos maalala ang masasaya na kanilang pinagsamahan. 

"Noon pa lang. Ang mga pangarap natin ay matagal ng sira at kailanman di na iyon mangyayari upang bumuo ng bagong henerasyon." Anito sa kawalan. Pinunasan nito ang kanyang luha tsaka ito lumabas ng opisina.

Napansin pa ni Trist, si Ynaria na kalalabas pa lamang nito mula sa comfort room. Kanyang nakitaan ang pagkabalisa ng dalaga kung kaya't kanya itong nilapitan.

"Anong nangyari sa'yo?" May pag-aalalang sambit ni Trist.

"Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin ito, Trist. Kasi.. a-akala ko natapos na. Akala ko iyon ang paraan para di na sila mangambala." Naguguluhang tugon ni Ynaria.

Nangunot-noo si Trist dahil sa sinasabi ni Ynaria. "Sinong sila yung tinutukoy mo?"

Pikit-matang humugot ng hininga si Ynaria bago nito simulang magsalita. "Hindi ka maniniwala," umiiling na saad nito. "Naalala mo yung nasa Santa Demon Resort tayo?" Bahagyang tumango si Trist bilang sagot sa sinambit ni Ynaria. "Sinundan nila tayo."

"Mga multo?" hulang sagot ni Trist. "Imposible!" Di makapaniwalang turan nito.

"Alam ko. Sa palagay ko gusto nila tayo pabalikin doon, Trist!"

Napahimalimos na lamang ng mukha si Trist gamit ang palad, marahil sa sinabi ni Ynaria. "Maaari bang i-sekreto muna natin ang bagay na 'to, Ynaria? Hangga't di pa tayo nakasisiguro, naiintindihan mo?"

"Hindi ka naniniwala?" Seryosong sambit ni Ynaria.

"Ayoko lang madamay ulit sila, Ynaria!" Nagpapaintinding usal ni Trist. "Lalo na kina Wendy at Helen, alam mong na-trauma sila pagbalik natin dito sa maynila." 

"Tapos ako, hindi?" Kibitbalikat na sumbat ni Ynaria. May himig ng pagkasarkastiko.

Natigilan si Trist sa paraan ng pananalita ni Ynaria sa kanya. Napatingin ito sa kawalan dahil lamang sa walang maisagot sa sinambit ng dalaga.

"Tama ka, wag na natin sila idamay pa rito." Ani Ynaria bago nito iwan si Trist at dire-diretsong lumabas ng restaurant.

Bumuntong hininga si Trist bago nito habulin si Ynaria palabas ng kanyang restaurant. "Sandali, Ynaria!"

Huminto si Ynaria nang pigilan ito ni Trist, ngunit nananatiling nakatalikod kay Trist. Kapag kuwan natigilan naman si Trist nang maabutan nitong naroon sa labas ng restaurant ang iba nitong empliyado na sina Paul, Helen at Dylan. Lumapit ang mga ito sa kinaroonan nina Trist at Ynaria. Mariing napapikit si Ynaria bago ito pumuhit paharap kay Trist at sa iba pa nilang kasamahan.

"Hello, Boss Trist," paunang pagbati ni Paul. "Kanina pa namin kayo hinihintay, may gusto kaming sabihin sa inyo." Dugtong pa nito.

"Tell me," tipid at walang ganang sambit ni Trist.

"Gusto namin kayo yayain bukas magbar. I mean, tayong lahat. Dahil hindi natin isinelebrasyon ang ika-limang anibersaryo ng Seven Restaurant, baka naman kahit gumimik na lang tayo," suhestiyon ni Paul. "Anong sa palagay niyo, Boss Trist?" Tinaas baba pa nito yung isang kilay.

"Oo nga Boss. Sayang naman yung ipinunta natin doon sa resort niyo. Kung pwede naman tayong gumimik, di ba?" Sang-ayon ni Dylan.

"Nakamove-on na kami sa nangyari last month. At isa pa, sasama rin si Ynaria." Komento ni Helen dahilan para magulat si   

Ynaria.

"H-Hindi ako makakasama." Pagtanggi ni Ynaria.

Pumunta si Helen sa tabi ni Ynaria tsaka nito ikinawit ang kamay sa braso ni Ynaria. "Minsan lang naman 'to kaya pumayag ka na!" Pagpupumilit ni Helen kay Ynaria dahilan para mag-alinlangan ito.

"Libre ko." Sambit ni Trist dahilan para matuwa sina Helen, Paul at Dylan.

"Talaga?" Di makapaniwalang turan ni Paul. Tumango si Trist bilang tugon nito kasabay ng masayang palakpak ni Paul. "The best ka, Boss!" Thumbs up nito.

"Narinig mo yung sinabi ni Boss, Ynaria?" Tila pangungumbinsing sabi ni Helen.

"Sige na, sasama na ko bukas," pagpayag ni Ynaria. "Pero sasaglit lang ako kasi hihintayin ko pa umuwi kapatid ko naghiking siya ngayon kasama mga kaibigan niya."

"Alright, uuwi na kami see you tomorrow!" Nakangiting paalam ni Helen. Bago umalis hinila pa nito sina Dylan at Paul.

Naiwan naman sina Ynaria at Trist, pareho silang nakatanaw sa papalayong rebulto nina Helen, Dylan at Paul. Mga ilang segundo lang, seryosong binalingan ni Ynaria si Trist.

"May gusto ka pa bang sabihin?"

"Wala," sagot ni Trist. "Isasarado ko lang itong restaurant tapos ihahatid na kita pauwi." Dugtong pa nito.

MARAHAN binuksan ni Ynaria ang pintuan ng restaurant tsaka ito tuluyang pumasok, ngunit sa pagkakataong iyon biglang nag-iba ang lugar na kanyang kinatatayuan. Nagtatakang inilibot ni Ynaria ang buong paligid. Pamilyar sa kanya ang basement. Sa mga sandaling 'yon takot ang bumalatay sa kanyang pagkatao nang humangin ang paligid dahilan upang maramdaman ang malamig na temperatura at yakapin ang sarili.

"Kung sino ka man, pakiusap. Patahimikin mo na ko!" Lakas loob na sambit ni Ynaria sa kawalan. "Maaari kang magpakilala upang sa gayon ay matulungan kita!" Hirit pa nito.

Ilang saglit pa nawala ang hangin na bumalot sa buong silid ng basement. Pinalitan iyon ng likidong dugo dahilan upang mabilis itong tumaas, mistulang dagat na sinabay pa ng pag-alon. Umabot ang tubig na may dugo sa kanyang beywang, tila ang pangyayaring iyon ay deja vu. Nagmamadaling tinungo ni Ynaria ang pintuan ng basement ngunit sa pagkakataong 'yon hindi nito mapihit ang seradula. Kinalampag pa nito ang pintuan dahil sa pagkataranta kasabay ng paghingi ng tulong, ngunit kahit anong buka ng bibig ni Ynaria tila nabingi ito dahil walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig. Hindi maiwasang mapaluha si Ynaria dahil sa nangyayari sa kanya habang patuloy na tumataas ang tubig.

Pakiramdam ni Ynaria nauubusan na ito ng pag-asang makalabas pa ng basement. Sa kadahilanang kahit anong gawing paghingi ng tulong ay walang tutulong sa kanya. Halos tanggap nito ang kanyang kapalaran, ngunit ang tanging magagawa na lamang nito ay hintayin na makapos ng hininga. Umabot ang tubig sa kanyang leeg hanggang sa unti-unting lumagpas sa kanyang ulohan. Mabilis lumangoy paangat si Ynaria upang makahinga ngunit sa pagkakataong iyon may isang kamay ang humawak sa kanyang paanan dahilan ng kanyang pagpumiglas. Kahit nauubusan ng lakas at kapusin ng hininga, ibinaba ni Ynaria ang tingin sa taong pumipigil sa kanya para makaahon. Laki gulat na lamang ni Ynaria na hindi kilalang lalaki ang pumipigil sa kanya. Sa mga sandaling 'yon unti-unti ng nanghihina si Ynaria at mawalan ng malay.

Agad napabalikwas ng bangon si Ynaria, tagaktak ang kanyang pawis na sinabayan pa ng paghabol ng kanyang hininga. Mariin pang pumikit ito't dinamdam ang napanaginipan nito. Ilang segundo lang ay dumilat si Ynaria at kinalma ang sarili.

Napatingin pa si Ynaria sa wall clock, ngayon lang napagtantong isa't kalahating oras na lamang ay male-late na ito sa trabaho kung kaya't mabilis itong tumayo patungo sa palikuran para maligo.  Kahit araw ng linggo ay mayroon pa rin silang pasok, mas matumal kapag wekeend dahil maraming costumer ang nais kumain sa kanilang restaurant. Kinailangan pang magmadali ni Ynaria sapagkat wala si Clement para sunduin, tumawag sa kanya ang binata kagabi at nagpaalam itong may aasikasuhin lang.

Pagpasok ni Ynaria sa loob ng Seven Restaurant bumungad sa kanya ang masiyahing mukha ni Helen. Tila good mood ang kanyang kaibigan ngayon. Ningitian ito ni Ynaria pabalik kahit pa ang kanyang pakiramdam ay inaantok.

"Good morning, Ynaria!" Pagbati ni Helen. "Bakit kapag hindi mo kasama si Manager Clement ay parati kang late pumasok?" Kuryosidad na tanong ni Helen.

"Hindi ko alam," umiiling na sagot ni Ynaria. Nagtungo ito sa girls locker room kasama si Helen. Pagkapasok nadatnan pa nila si Wendy na abalang nagpapalit ng damit na pang uniporme. "Siguro dahil mabagal ako kumilos." Dugtong pa nito.

"Don't tell me nahuhulog ka na kay Manager Clement?" Panunukso ni Helen dahilan para parehong matigilan sina Wendy at Ynaria.

Binalingan ng tingin ni Wendy si Helen tsaka nito pinaningkit ang mga mata. Samantala si Ynaria 'di na lang nagkomento sa halip inabala nito ang sarili magpalit ng uniporme.

"Maalala ko nga pala, sabi ni Boss Trist tuloy yung gimik natin mamaya. Oh siya sige, mamaya na tayo magchikahan. Magwowork na ko." Paalam ni Helen bago ito lumabas ng girls locker room.

Inayos muna ni Wendy ang suot na uniporme bago ito lumapit sa kinaroonan ni Ynaria.

"Alam mo ba kung bakit pinagtutulakan ka ni Helen kay Manager Clement?" Seryosong ani Wendy.

"Huh?" Nagtatakang sambit ni Ynaria. Halatang walang ideyang nabubuo dahil sa ipinapahiwatig ni Wendy sa kanya.

Ngumiti ito ng makahulugan. "Simple, interesado si Manager Clement sa'yo. Pero kung ako ang tatanungin mas bet ko si Boss Trist para sa'yo," sambit ni Wendy. "See you later!" Paalam pa nito tsaka ito lumabas ng girls locker room.

Napaisip si Ynaria sa sinabi ni Wendy. "Imposibleng magkagusto silang dalawa sakin." Bulong ni Ynaria sa sarili. Pagkatapos ay umiling ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status