Share

[TRIST] Part2.3: The Return

LUNCH break nang dumating si Clement sa Seven Restaurant. Napangiti ito nang bumati sa kanya sina Helen, Dylan, Paul, Wendy at Ryan nang makasalubong ang mga ito. Maliban kay Ynaria na tila hindi ito makatingin ng deretso sa kanya at ni pagbati ay wala. Hindi maiwasan ni Clement magtaka sa ikinikilos ng dalaga, para naman may ginawa siya sa dalaga para ganoon ito umasta sa kanya.

Huminto si Clement sa tapat ng pintuan ng office ni Trist. Humugot ito ng hininga bago ipinihit ang seradula at walang pakundangan na pumasok.

"Wala man lang abiso para sana makapaghanda ako." Nakatalikod na sabi ni Trist. Nakapalmulsa ito habang nakatayo sa tapat ng bintana.

"Kilala mo nga talaga ako kahit nakatalikod ka," natatawang sagot ni Clement tsaka ito tumabi kay Trist at tumingin sa kalangitan. "Mukhang maganda ang panahon ngayon ah!" Dagdag komento nito.

"Maganda siguro kung magpalagay ako ng second floor tapos lagyan ko na rin ng veranda, ano sa palagay mo?" Suhestiyon ni Trist.

"Sa palagay ko, ta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status