Share

[TRIST] Part3.1: The Plan Is Already Beginning

BUMUHOS ang malakas na ulan habang binabaybay ni Trist ang daan patungong Laguna kung saan naroon nakatira ang kaibigan nitong si Chris. Bagamat madilim ang paligid at madulas ang kalsada tila walang pakialam si Trist. Ang mahalaga para kay Trist ay makarating ito sa destinasyon.

Sinusubukan ni Trist tawagan si Chris sa kabilang linya ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hanggang sa may isang sasakyan ang lumitaw sa kabilang kalsada dahilan para masilaw siya sa ilaw na nagmula sa harapan ng truck, kasabay ng pagsulpot ng isang tao sa kanyang harapan kung kaya't nahagip niya ito.

Gulat hininto ni Trist ang sasakyan na kalauna'y naramdaman na lamang niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib at habol hininga na sinabayan pa ng pagtagaktak na kanyang pawis dahil sa pagkabigla, lalo na sa taong hindi niya inaasahang sagasaan ito.

"Sana'y patawarin ako sa aking kasalanan!" Humahangos na sambit ni Trist sa kawalan.

Pikit-matang humugot ng hininga si Trist upang palakasin ang loob na harapin ang taong nakasalampak ng dapa sa sahig at duguan. Mabilis lumabas ng sasakyan si Trist at nilapitan ang nakahandusay na tao, bagaman umuulan ay wala itong pakialam kahit mabasa. Nang tuluyang makalapit si Trist ay agad nito tinihaya ang lalaking kanyang nasagasaan ngunit sa pagkakataong iyon, nanlaki ang mga mata ni Trist sa gulat. Tila tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo at kawalan ng pandinig ng ilang minuto nang makilala ang kanyang nasagasaan.

"Hindi! Hindi!" 'Di makapaniwalang sambit ni Trist, umiiling pa. Sinubukan nito yugyugin ang lalaki ngunit tila nagmistula itong lantang gulay. "Hindi pwede!" Maluha-luhang ani Trist.

Luminga-linga si Trist sa paligid kung may ibang tao ang nakakita sa kanya ngunit tila iyong pagdaan lang ng truck ang kanyang napansin. Nang may maisip na paraan si Trist, buong pwersa nito binuhat ang walang-malay na bangkay ng lalaki, saka nito inilagay sa compartment ng kanyang sasakyan. Nagmadali itong sumakay sa sasakyan at pinaharurot patungo sa kung saan.

Pagkarating si Trist sa destinasyon ay agad nito kinuha sa compartment ng sasakyan ang lalaki. Dinala niya ang bangkay sa kagubatan malapit sa bahay ng kanyang kaibigan si Chris. Biglang tumigil ang ulan dahilan para kusang pumatak ang kanyang mga luha habang nakatitig sa walang buhay na lalaki sa damuhan.

NAPADILAT ng mga mata si Trist kasabay ng pagbangon nito dahil sa panaginip. Humahangos, lumuluha at deretso ang tingin sa paanan. Natigilan si Trist nang maramdaman ang likido sa kanyang pisngi, agad niya itong kinapa at nagtatakang tinignan ang mga kamay na basa ngunit isang bagay ang nakaagaw sa kanyang pansin dahilan para matigilan siya't mapaisip. May nakakabit sa kanyang suwero sa kanan ng kanyang kamay. Ngunit kalaunan ay naalala niyang naaksidente siya.

Bumuntong hininga si Trist at yumuko na animo'y may dinadalang problema. Pero iisa lang ang pumapasok sa kanyang isipan, ang tungkol sa kanyang napaginipan na tila limot na niya ang pangyayaring iyon. Pero ang totoo, tandang-tanda pa iyon ni Trist.

Napalingon si Trist sa pintuan nang bumukas ito at iniluwal niyon ang nag-aalalang mukha ni Clement.

"Anong sabi ng doctor?" Bungad na tanong ni Clement kay Trist na makalapit ito.

Pikit-matang umiling si Trist. "Simula nang magising ako, walang doctor ang bumisita sa'kin. Pero sa palagay ko ayos lang naman ang kalagayan ko." Tugon ni Trist.

"Pero may benda ka sa ulo mo, Trist." Bwelta ni Clement.

"Malayo naman siguro sa bituka 'to." Duro ni Trist sa ulo na may benda.

"Baka magkaroon ka ng amnesia o 'di naman kaya maapektuhan ang utak mo?" Hirit pa ni Clement.

"Tumigil ka nga," inis na kunwaring suway ni Trist kay Clement. "Buhay pa ko at may mga dapat pa tayong gawin." Paalala ni Trist.

Buntong hiningang napaupo si Clement sa upuan na katabi lang ng hospital bed ni Trist. "Sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga."

"Mukhang mapapaaga ang paghawak mo sa Seven Restaurant ah!" Biro ani Trist. Ang tinutukoy nito ang sariling restaurant.

"Hindi magandang biro 'yan, Trist." Seryosong sambit ni Clement.

"Alam ko, at sa susunod na buwan pa mangyayari 'yon kaya kailangan mong ihanda ang sarili mo." Habilin ni Trist.

Problemadong napayuko si Clement sa sinabi ni Trist kapagkuwan ay humugot ng hininga't hinarap ang kaibigan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Pagkukumpirmang tanong ni Clement.

"Parang hindi mo 'ko kilala. May isa akong salita." Walang atubiling sagot ni Trist.

Nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto. Nang basagin iyon ng isang doctor na kapapasok lamang ng kwarto ni Trist.

"George?" Takang sambit ni Clement.

Ningitian ni George sina Trist at Clement saka ito naglakad palapit sa kinaroonan ni Trist. "Long time no see."

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Trist.

"Doctor mo 'ko at pasyente kita." Simpleng sagot ni George kay Trist.

"Ibig sabihin, dito ka lang pala sa Maynila nagtatrabaho? George, akala namin nasa Cavite--" Apila ni Clement.

"Biglaan ang pagschedule nila sa'kin," tugon ni George. Saka nito binalingan si Trist. "Don't worry, sa makalawa pwede ka na lumabas. Pasalamat ka maliit lang ang natamong galos sa ulo mo at walang naging epekto." Dugtong na paliwanag nito.

"Mabuti naman, salamat George." Hingang maluwag na sambit ni Clement.

"Maiwan ko muna kayo rito." Paalam ni George. Dahilan para parehas tumango sina Trist at Clement bilang sagot.

Ningitian ni George ang dalawang kaibigan saka ito naglakad patungong pinto ngunit hindi pa man nito napipihit ang seradula nang matigilan ito.

"Mag-iingat ka." Salitang binitiwan ni Trist. Tila ang tinig nito ay may ipinapahiwatig dahilan para matuod sa kinatatayuan si George.

"Trist!" Tila naninitang sambit ni Clement.

"Clement, its my turn. And my decision is not never has changed." Nagpapaintinding usal ni Trist.

Samantala, hugot hiningang pumihit paharap si George kina Clement at Trist ngunit nananatili lang ito sa kinaroonan.

"Magsasakripisyo ka dahil lang sa mga nababalitaan mo?" Seryosong tukoy ni George kina Chris, Samuel at Simon na ngayon ay patay na. "Wala sa plano ang mamamatay isa satin. Pero anong nangyari? May isang nawala at sumunod ang dalawang magkapatid. Tapos..." huminto sa pagsasalita si George nang maramdamang nanunubig ang sulok ng mga mata nito. "Alam niyo parang gusto kong hindi ituloy ang laro. Pero sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon. Parang tinaraydor ko kayo! Syempre, nasa rules iyon. Pero matalik ko kayong kaibigan. Trist, ikaw ang inaasahan namin." Pagtatapos na lintanya ni George.

Parehong nagkatinginan sa isa't isa sina Trist at Clement, kapagkuwan ay marahang tumango si Clement. Tila nabasa ni Trist ang gustong ipahiwatig ni Clement kung kaya't binalingan nito si George.

"Makaasa ka, at sisiguraduhin kong hindi iyon mangyayari." Makahulugang pahayag ni Trist. Halatang pinapakalma nito si George.

"Dapat lang, ikaw ang leader ng grupo," turan ni George. "Babalik na ko sa trabaho." Huling sambit nito bago lumabas ng silid at iwan sina Trist at Clement.

PUMASOK si Ynaria sa restaurant na pinagtatrabuhan nito. Bumungad sa kanyang harapan sina Helen at Dylan na tila mga nag-aalala. Kunot-noong tinignan ni Ynaria ang dalawang magkasintahan.

"Nabalitaan mo na ba yung tungkol sa nangyari kay Boss Trist?" Ani Helen. Tanging iling lang ang tinugon ni Ynaria.

"Hindi mo ba alam nasa hospital siya ngayon dahil naaksidente siya kagabi." Saad ni Dylan.

"Ano?" Bulalas ni Ynaria dahilan para makaramdam ito ng pag-aalala. "Kanino niyo nalaman?" Interesadong tanong nito.

"Kagagaling lang dito ni Manager Clement at sinabi niyang ikaw muna ang bahala dito sa Seven Restaurant." Hayag na sagot ni Dylan.

"A-Ako?" Takang sambit ni Ynaria. Parehong tumango sina Helen at Dylan. "Bakit ako? Nasaan yung iba natin kasama. Alam ba na nila ang nangyari kay Trist?" Hirit pang tanong ni Ynaria. Ang tukoy nito ay sina Wendy, Ryan at Paul.

"Oo, Ynaria at naroon sila sa kanilang mga gawain." Sagot ni Helen.

"So, ako lang pala ang nahuli sa balita. Tutal lagi naman akong late kapag 'di ko kasama si Manager Clement, tama?" Sarkastikong sambit ni Ynaria. Saka ngumiti ng peke.

Buntong hiningang lumapit si Helen kay Ynaria kasabay ng paghagod nito sa likod.

"Nagkataon lang naman siguro, Ynaria. Hindi mo kasalanan na maging late o maagang pumasok. 'Di ba nga sabi mo noon, at least nagtatrabaho ka't maayos kang pinapasahod ni Boss Trist." Pagbibigay payo ni Helen kay Ynaria. Tila pinapagaan ang loob ni Ynaria.

"Oo nga, Ynaria. Ang mahalaga hindi ka nawalan ng trabaho." Komento ni Dylan.

"Gagawin ko na ang trabaho ko," hugot hiningang sambit ni Ynaria. "Maalala ko nga pala, sasamahan niyo ba 'kong dalawin si Trist sa ospital?"

"Symempre, naman!" Sabay na sabi ng dalawang magkasintahan na sina Helen at Dylan.

"Sige na, bumalik na kayo sa inyong mga gawain." Utos ni Ynaria sa dalawang magkasintahan na agad naman sumunod ang mga ito.

Buntong hiningang ibinaling ni Ynaria ang tingin sa ibang direskyon. Tila problemado kapagkuwan ay nagtungo ito sa locker room ng pambabae para magpalit ng uniforme.

Nang magdaan ang lunch break nagpaalam si Ynaria sa mga katrabaho nito na may pupuntahan lang. Hindi naman nahirapan si Ynaria na pigilan siya ng mga ito, sa katunayan nga tanging pagtango lang ang itinugon ng mga ito.

Agad sumakay ng Taxi si Ynaria nang pumara ito. Kanina pa siya hindi mapakali nang malaman niya ang tungkol kay Trist. Tila may nag-uudyok sa kanya na puntahan niya ito. May parte sa pagkatao ni Ynaria na kagagawan ito ng mga kaluluwang hindi matahimik kung kaya't naaksidente si Trist.

Pagkarating ni Ynaria sa nasabing ospital dali-dali siyang lumabas ng Taxi nang pagkabigay niya ng bayad. Lakad takbong tinungo ni Ynaria ang Nurse Station para magtanong kung saan ang room ni Trist. Ngunit sa pagkakataong iyon ay natigilan si Ynaria nang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Ynaria!" Ani ng isang pamilyar na boses. Dahilan para lingunin ito ni Ynaria.

"Clement?" Bigkas na sambit ni Ynaria.

Tumakbo si Ynaria sa kinaroonan ni Clement na ikinangiti lang ng binata. May bitbit na mga pagkain si Clement na binili pa nito sa labas.

"Ang aga mong napadalaw. Hindi ba't ikaw muna ang in-charge sa Seven Restaurant? Dapat mamaya ka pa kasama sila." Tukoy ni Clement sa mga ibang empliyado.

"Siguro hindi lang ako makapaghintay," kibit-balikat na tugon ni Ynaria. "At isa pa, nag-aalala ako para kay Trist." Dugtong pa nito.

Natawa si Clement sa dahilan ni Ynaria. "Ang totoo niyan hindi mo na kailangan gawin 'yan. Nasa maayos siyang kalagayan at kailangan niya ngayon ay magpahinga."

"Kung ganoon, mabuti." Bahagyang tumango-tangong sagot ni Ynaria.

"Sandali, kumain ka na ba ng lunch?" Paglilihis ni Clement sa usapan.

Buntong hiningang ningitian ni Ynaria si Clement. "Ang totoo niyan balak kong dalawin muna si Trist bago ko magtanghalian."

"Siguro nagkataon lang na marami akong biniling pagkain," bahagyang inangat ni Clement ang mga bitbit nitong plastic na naglalaman ng mga pagkain. "Maaari mo ba kaming pagsaluhan?" Dugtong pang tanong ni Clement.

"Oo naman." Nakangiting ani Ynaria dahilan para ngumiti rin pabalik si Clement.

"Let's go!" Aya ni Clement. Saka sila nagtungo sa room ni Trist.

Pagpasok nina Clement at Ynaria sa room ni Trist naabutan nilang naroon ang doctor na si George. Walang ideya si Ynaria na kaibigan ito nina Trist at Clement. Samantala, gulat tinignan ni Trist si Ynaria saka nito binalingan si Clement sa mga mata na tila nagtatanong. Habang tanging pagngiti lang ang itinugon ni Clement kay Trist dahilan para madismaya ito.

Nag-aalalang nilapitan ni Ynaria ang kinaroonan ni Trist kasama ang doctor nito. "Kayo ba ang doctor niya?" Tukoy ni Ynaria kay George.

"I'm George," pagpapakilala nito sa sarili. "Oo, ako nga ang doctor niya." Pormal na sagot ni George.

"Kumusta ang kalagayan niya?" Tanong pa ni Ynaria.

Humugot ng hininga si George kapagkuwan ay ningitian ang dalaga. "Masasabi kong pwede na siyang lumabas bukas." Tugon nito.

"Doc, paano naman yung nasa bendang ulo niya? Walang bang naging epekto?" Hirit pang tanong ni Ynaria.

Muling ningitian ni George si Ynaria saka nito binalingan si Trist na seryoso lang nakatingin kay Clement. "Walang naging problema."

"Mabuti naman, maraming salamat!" Nakangiting tugon ni Ynaria kay George.

"May mga binili akong panglunch para satin. Ang mabuti pa kumain na lang muna tayo bago pa lumamig ang mga ito." Agaw atensyon ni Clement, dahilan para 'di nito mabigong makuha ang atensyon ni Ynaria.

"Salamat, Clement. Sakto kumakalam na sikmura ko." Masiglang ani Ynaria saka ito lumapit kay Clement.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status