SAMANTALA, sinamantala ni George ang pagkakataon na binulungan si Trist. "Maganda siya, at nakuha niya yung atensyon ko. Pero sa palagay ko, sa'yo siya interesante." Mapanuksong sambit ni George.
"Imposible!" Bulong na pabalik sagot ni Trist dahilan para mahinang natawa si George."Tignan mo, nag-aalala siya sa'yo. Pero parang magkakaroon ka 'ata ng karibal." Pang-aasar ni George."Ganyan ba ang trabaho ng Doctor sa mga pasyente?" Tila nagsusungit na turan ni Trist kay George. "Bumalik ka na sa gawain mo!" Utos nito."Okay, sige," pagsukong usal ni George. "Goodluck sa'yo!" Nakangiting asar nito bago lumabas ng room.Napabuga na lamang ng hininga si Trist nang lumabas si George. Saka nito binalingan sina Clement at Ynaria na parehong abalang kumakain. Napakahawak siya sa kanyang tiyan nang kumalam ito."Hoy, kayong dalawa, mukhang may kinalimutan kayong pakainin. Ako ang Boss niyo dapat maayos niyong ginagampanan ang mga trabaho niyo!" Kunwaring galit-galitan ni Trist.Parehong nagulat sina Clement at Ynaria sa biglaang pagsigaw ni Trist. Tila yata nakalimutan ng dalawa na may kasama pa pala silang isa."Sorry po, Boss Trist!" Paghingi ng paumanhin ni Ynaria. Tatayo na sana ito para bigyan ng pagkain si Trist ngunit nagprisinta si Clement na ito na lang ang magbibigay."Ano bang pinag-uusapan niyo ni Doc. George, parang ang saya-saya niyo pa." Inosenteng sambit ni Clement na may halong pang-aasar.Inirapan muna ni Trist si Clement bago kuhanin ang pagkaing nakalagay sa Tupper ware na inabot sa kanya ni Clement."Parang ang bilis niyong maging close sa isa't isa." Singit na komento ni Ynaria.Buntong hiningang tumatango-tango si Trist tila nangunguminsi sa dalawang nitong kasama. "Mukhang ako yata ang nakakaistorbo sa moment niyong dalawa. Kumain na nga lang riyan!" Inis na kunwaring usal ni Trist. "At ikaw, Ynaria. Bumalik ka na sa Seven Restaurant para hindi ka paghinalaan ng mga iyon. Tandaan niyo ayoko ng gulo!" Nagpapaintinding dugtong nito."Yes, pero hindi ko kasalanan yung nangyari last night." Bwelta ni Ynaria."Pwede ba ayokong pag-usapan 'yan!" Arubidong ani Trist."Trist, nagsasabi naman talaga ako ng totoo!" Apila ni Ynaria."Sandali, tungkol na naman ba ito sa mga multong nandoon sa Resort?" Singit ni Clement."Nagparamdam ulit sila," seryosong turan ni Ynaria. "Sinundan nila tayo!" Hirit pa nito."Baliw ka na!" Kalmadong sambit ni Trist kay Ynaria. Dahilan para matigilan ang dalaga."Trist!" Suway ni Clement sa kaibigan.Humugot ng hininga si Ynaria saka ito tumayo sa kinauupuan at hinarap ng seryoso si Trist nang magtungo ito sa bandang paanan ni Trist. "Alam mong nagsasabi ako ng totoo pero bakit kailangan mo pang pagtakpan. Trist, may tinatago ka ba samin?" Sarkastikong inis na sabi ni Ynaria.Hindi nakasagot si Trist sa huling isinambit ni Ynaria. Nananatili lang itong seryoso at kalmado."Ynaria, akala ko ba--" hindi natapos ang sasabihin ni Clement nang biglang magpatay sindi ang ilaw sa loob ng room ni Trist.Nagtatakang tumingala silang tatlo sa mga ilaw na tila walang humpay na pagblink ng mga ito. Napayuko na lamang si Ynaria nang maramdaman ang kakaibang lamig sa kanyang likuran. Habang si Clement naman ay nagtungo ito sa pinto at lumabas. Samantalang si Trist halos pigil hiningang nakatingin sa likudan ni Ynaria. Nakikita ng kanyang dalawang mata ang mga tinutukoy ng dalaga.Ilang saglit pa, biglang bumalik sa dati ang ilaw. Lumiwanag na ulit."I saw them." Mahinang bigkas ni Trist."Napakasinungaling mo!" Mariing sumbat ni Ynaria. Saka ito inis na lumabas ng room ni Trist, kasabay ng pagpasok ni Clement."Anong nangyari kay Ynaria?" Inosenteng tanong ni Clement."Wala," buntong hiningang tugon ni Trist. "Ang mabuti pa kumain na lang tayo."Wala na ng nagawa si Clement kundi ay bumalik sa naudlot nitong pagsubo ng pagkain. Kapagkuwan ay hindi ito mapakali na tila kuryos ito sa biglaang pag-alis ni Ynaria."Nakakapagtaka, akala ko sira ang mga ilaw pero bakit bumalik sa dati?" Komento ni Clement."Hindi nagsisinungaling si Ynaria. Totoong binalikan nila tayo." Seryosong sambit ni Trist."Bakit kailangan mo pang tawagin siyang baliw?! Kung alam mong totoo ang sinabi niya, Trist!" Nagpapaintinding sumbat ni Clement."Dahil ayoko na naman mayroong madamay rito!" Bweltang sigaw ni Trist."Paano mo maipapaliwanag sa'kin na may binabalak ka?" Hirit ni Clement. Nanlalaking mga matang nakaduro pa ito sa pinto kaharap si Trist."Wala akong magagawa, Clement," umiiling na sambit ni Trist. "Kung 'di patapusin ang larong ito. Pagkatapos ko sino naman ang susunod; ikaw, si Fackly or si George? Ako ang pasimuno ng larong 'to kaya dapat matapos na 'to sa madaling panahon." Malumanay at mapang-unawang dugtong ni Trist.Saglit natahimik si Clement sa sinabi ni Trist kapagkuwan nagsalita ito. "Hindi ka ba natatakot na baka ikaw ang sumunod sa tatlo?" Tila nag-aalalangan na sabi ni Clement. Ang tinutukoy nito ay sina Chris, Simon at Samuel.Bahagyang natawa si Trist sa tanong ni Clement. "Why would I? At kung may rason para mamatay, iyon ang aking pinasasalamatan." Walang halong pagsisising sambit ni Trist.Tanging pagyuko lang ang itinugon ni Clement sa makahulugang mga salitang binitawan ni Trist.MATAPOS ang trabaho nina Ynaria, Helen, Dylan, Wendy, Ryan at Paul. Sabay silang lahat nagtungo sa kanilang locker room kung saan magkahiwalay ang boys at girls. Nang matapos ay sabay naman silang lumabas, mga tila walang imik silang lahat lalo na si Ynaria.Lalabas na sana silang lahat sa Seven Restaurant nang basagin ito ni Paul. "Alam niyo para kayong namatayan sa mga itsura ninyo. Hindi patay si Boss para magluksa kayo riyan!" Birong sambit nito."Bakit ikaw, hindi ba?" Masungit na barado ni Wendy. Nakahalukipkip pa ito."Hay naku, heto na naman tayo!" Parinig na sabi ni Helen. Bahagya pa ito umiling-iling."Imbis na magtalo-talo na naman tayo. Dalawin na lang natin si Boss sa ospital, okay?" Suhestiyon ni Dylan."Oo nga, parang nagsasayang lang tayo ng oras sa pakikipag-usap." Sang-ayon ni Ryan kay Dylan."Mas mabuting huwag na lang magsalita!" Sarkastikong turan ni Wendy. "Ryan, hindi tayo nagmamadali. Naroon pa rin siya sa ospital, hindi umaalis!" Kibit-balikat na dugtong nito."Wendy!" Nanunuway na sambit ni Helen."Mauna na kayong lahat." Biglang singit ni Ynaria na ikinatigil nina Helen, Wendy, Ryan, Dylan at Paul."Akala ko ba sasama ka?" Tanong ni Ryan kay Ynaria."Hindi ba sabi mo kanina gusto mong magpasama samin?" Smabit ni Dylan."Medyo hindi lang maganda pakiramdam ko." Pagdadahilan ni Ynaria."Parang kanina ko pa napapansin wala ka 'atang sa mood nang bumalik ka rito. Saan ka ba nagpunta?" Pagdududa ni Helen."Maliit na problema lang naman sa pagitan namin ng kapatid ko." Pagsisinungaling ni Ynaria."Sigurado ka?" Nag-aalalang wika ni Helen."Ynaria, magkakabati rin kayo ulit ng kapatid mo." Pagpapagaan loob ni Paul kay Ynaria."Sige na, puntahan niyo na si Trist." Sambit ni Ynaria saka ito pumeke ng ngiti."Ingat ka pag-uwi, Ynaria!" Ani Wendy. "Saka sorry nga pala last night, alam kong guni-guni mo lang iyon, 'di ba?"Marahan tumango si Ynaria bilang tugon nito sa sinabi ni Wendy. "Sorry din.""Alis na kami, ikaw na bahalang magsara ng restaurant!" Paalam ni Ryan kay Ynaria saka ito nagpaunang lumabas ng restaurant na sinundan naman nina Wendy, Helen, Paul at Dylan.Nagpakawala ng hininga si Ynaria nang matanaw niyang nakalayo na ang mga workmate niya. Saka siya nagtungo sa comfort room para sana umihi nang biglang makarinig siya ng kaluskos mula sa hall way patungo sa office ni Trist. Kung kaya't natigilan siya't kunot-noong binalingan ang labas ng opisina ni Trist.Maglalakad na sana si Ynaria papunta sa office ni Trist nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Mabilis siyang pumuhit paharap sa taonng nanggulat sa kanya."Kanina pa kita hinihintay." Ani ng pamilyar na boses."Clement? A-Akala ko ba--" hindi naituloy ang sasabihin ni Ynaria nang yakapin siya ni Clement dahilan ng muling pagkagulat niya."Bakit hindi ka sumama sa kanila? May nasabi ba si Trist na ikinagalit mo?" Malumanay na tanong ni Clement habang nakayakap kay Ynaria.Mariing pumikit si Ynaria sa kabila nang baliktanaw niya sa nangyari sa kanila ni Trist. Kapagkuwan, kumalas ang dalaga mula sa pagkakayakap ni Clement sa kanya."Wala," hugot hiningang sagot ni Ynaria kasabay ng bahagyang pag-iling at ngumiti. "Alam mo pagod lang siguro ako at kailangan ko lang talaga ng pahinga." Pagdadahilan nito."Sigurado ka?" Naniniguradong sambit ni Clement. "Bukas susunduin kita, ihatid natin si Trist sa bahay niya, ayos lang ba sa'yo?""No problem," sagot ni Ynaria. "By the way, may kailangan ka ba kaya bumalik ka rito sa Seven Restaurant?""Ikaw, ang kailangan ko Ynaria. Gusto ko sanang kahit paano may tayo sa isa't isa." Turan ni Clement."Sandali, Clement. Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sambit Ynaria."Isn't obvious? I like you, Ynaria." Pag-amin ni Clement. Dahilan para manlaki ang mga mata ni Ynaria."Pero--"Magsasalita pa sana si Ynaria nang putulin ito ni Clement. Mariing siniil ni Clement ang labi ng dalaga kapagkuwan ay pumalag ito ngunit kalaunan ay bumigay din. Mga ilang minuto nagtagal ang kanilang halik bago nila ipinaghiwalay sa isa't isa ang kanilang mga labi.Nagtama ang kanilang mga mata na para bang nag-uusap, mga ilan saglit pa'y ningitian nila ang isa't isa nang parehong ipinagdikit ang kanilang mga noo't muling nagyakapan."Masaya akong nagugustuhan mo rin ako." Masayang sambit ni Clement nang kumalas sa pagkakayakap."Well, hindi ko itinatanggi." Nakangiti tugon ni Ynaria."So, couple na ba tayo?" Pakukumpirma ni Clement."Kailangan pa ba magpaligaw? Subukan natin kilalanin ang isa't isa na walang ligawan nangyari." Naghahamong sagot ni Ynaria."Deal!" Thumbs up na sambit ni Clement. "Let's go. Ihatid na kita pauwi." Dugtong pa nito.Walang salitang tumango si Ynaria kapagkuwan pinagsiklop nito ang parehong palad nila ng binata saka sila lumabas ng restaurant.KINABUKASAN, maagang nagtungo sina Clement at Ynaria sa ospital para sunduin si Trist dahil ma-didischarge na ito. Hawak kamay naglalakad sa pasilyo ng ospital sina Ynaria at Clement kapagkuwan ay biglang bumitaw ang dalaga nang huminto sila sa tapat ng room ni Trist dahilan para magtaka ang binata."H'wag muna natin sabihin sa kanila." Nakayukong sambit ni Ynaria."Okay, pumapayag akong itago natin ito." Sang-ayon ni Clement dahilan para iangat ni Ynaria ang ulo nito at ngumiti."Thank you!" Giit ni Ynaria."I love you too.." Mahinang tugon ni Clement dahilan para matawa si Ynaria.Pigil tawang umiling ng marahan si Clement saka nito binuksan ang pinto ngunit natigilan nang makitang wala sa kinahihigaan nito si Trist. Maging si Ynaria ay napahinto rin nang makuryos ito kung bakit natigilan ang nobyo."Titignan ko si Trist baka nasa comfort room lang siya, at ikaw, magtanong ka kung lumabas na ba siya." Utos ni Clement kay Ynaria. Ang tinutukoy ni Clement sa huling sinambit ay si Tris
HATING-GABI ng magising si Trist, nananatiling nakahiga kapagkuwan ay sinapo nito ang ulo nang kumirot ito. Mariin siyang napapikit na tila may kung anong bumubulong sa kanya. Pagkatapos ay marahan siyang umiling-iling, ramdam din niyang pinagpapawisan siya ng malamig kahit malakas ang hangin na pumapasok sa kanyang kwarto mula sa labas dahil sa nakabukas niyang bintana. Wala sa sariling naiyukom niya ang dalawang palad hawak kumot. Maya't maya ay bigla siyang bumangon kasabay pagdilat ng kanyang mga mata. Naghahangos na hinahabol niya ang kanyang hininga. Ilang saglit pa, humalakhak siya na animo'y mala-demonyo.MULING bumalik si Clement sa bahay ni Trist para tignan ang kalagayan nito ngunit nang mapansin nito na nakabukas ang pintuan ng bahay ay naghinala siya. Kung kaya't dali-daling nagtungo ito sa kwarto ni Trist pero natigilan din nang madatnang wala na naman ang kanyang kaibigan."Nasaan na naman siya nagpunta?" Nag-aalalang sambit ni Clement sa kawalan.Natatarantang lumabas
MATAPOS ang trabaho ay agad nagtungo si Ryan sa bahay ng nobya nitong si Wendy. Sarado ang bahay na kanyang madatnan at nakapatay ang mga ilaw nito. Sa mga sandaling iyon pagtataka at kunot-noong tinititigan ni Ryan ang labas ng buong bahay ni Wendy. Hindi mahulaan kung saan nagpunta ang nobya. Biglaan ang hindi nito pagparamdam, ni abiso ay walang presensya.Napagpasyahan ni Ryan na tawagan si Wendy ngunit tila naka-off ang Phone nito. Hindi siya mapakali dahil wala naman sinasabi ang kanyang nobya, pero sa halip na maghintay ay umuwi na lamang siya.Pagkauwi ni Ryan sa kanyang condo ay napahinto siya sa tapat ng pintuan nang mapansin niyang may letter sa ibabang pinto ng kanyang bahay. Nagtatakang luminga si Ryan sa paligid, kapagkuwan ay humugot ng hininga siya't pinulot ang letter. Pagkatapos binuklat niya iyon para basahin."Are you ready for the pain? She's paid now!" Mahinang basa ni Ryan sa letter.Halos magkasalubong ang mga kilay ni Ryan matapos mabasa ang letter at hindi ma
KALALABAS lang ni Ynaria sa comfort room nang matapos ito magshower. Nagtungo siya sa window ng kanyang kwarto para sana hawiin nito ang kurtina para takpan ang liwanag na nanggagaling mismo sa buwan. Ngunit napahinto si Ynaria nang makita ang pigurang palaging nagpaparamdam sa kanya mula noong nagpunta sila sa resort. Nakatayo ang lalaking duguan sa harap ng punong Narra at nakatingin sa kanyang direksyon. Inimuwestra ng lalaki ang kamay nito at sa pagkakataong iyon ay may lumabas na isang babae mula sa likod ng puno.Nanlalaking mga matang 'di makapaniwala si Ynaria nang makilala ang babae. "W-Wendy.." Bigkas ni Ynaria sa babaeng kasama ng lalaki. Puro duguan rin ito at kita ang buto't laman.Biglang kumabog ang dibdib ni Ynaria nang makaramdam ng panlalamig na mga kamay at paa. Dahan-dahan siyang umatras nang tumingin din sa kanyang direksyon si Wendy. Kapagkuwan ay mabilis niyang idinampot ang kanyang phone sa ibabaw ng maliit niyang drawer saka niya tinawagan si Wendy. Hindi maga
NAPAGPASYAHAN nina Ynaria, Clement, Paul at Ryan na puntahan nila si Wendy sa bahay nito. Nang marating nila ang destinasyon ay nagtataka at kunot-noong tinignan nila ang labas ng bahay ni Wendy, nakabukas ang pinto at madilim ang loob ng bahay."May party ba sa bahay ni Wendy? Nakapatay lahat ng ilaw." Inosenteng komento ni Paul. Bahagya pa itong sumilip sa nakaawang na pintuan ng bahay ni Wendy."Hindi ko alam," sagot ni Ryan. "Siguro umalis nga sila ng pamilya niya at emergency ang nangyari kaya hindi agad isinara ang pinto." Panghuhulang sabi nito."Bakit hindi man lang siya tumawag?" Kuryos na tanong ni Clement."Ang totoo niyan tumawag siya sa'kin kagabi, humihingi siya ng sorry sa pagkawala ng kapatid ko at ang sabi niya pa, hindi na kami magkikita kahit kailan." Pagkukwento ni Ryan."Ibig sabihin, hiwalay na kayo ni Wendy? Bakit parang ang bilis naman niya 'ata magsawa." Komento ni Paul.Naniningkit na mga matang napatingin si Ynaria sa pintuan ng bahay ni Wendy nang marinig a
NAGLALAKAD pauwi si Dylan nang matigilan ito na parang pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran, bagamat madilim ay wala siyang nakita maski anino. Muling naglakad si Dylan, ngunit sa pagkakataong iyon tila mabigat ang presensyang kanyang nararamdaman mula sa kanyang likuran kung kaya't muli na naman siya huminto sa paglalakad."Sa palagay ko guni-guni ko lang naman ito kapag lumingon ako." Sambit ni Dylan sa kawalan.Muling lumingon si Dylan, ngunit hindi na niya iyon guni-guni. Nakita niya ang isang lalaking nakahood ng itim na jacket."Huwag mo sabihing stalker--" naputol ang sasabihin ni Dylan nang tumunog ang phone nito. Kung kaya't napunta ang atensyon nito sa hawak na phone.At nang masagot ni Dylan ang tawag mula sa unknown number, biglang inangat ng lalaki ang hawak nitong phone para maipakita kay Dylan na ito ang tumatawag."Ikaw.." Gulat na sambit ni Dylan.Sa mga sandaling iyon nakaramdam ng matinding kaba si Dylan sa taong hindi niya kil
TINUNGO nina Clement, Ynaria at Paul ang daan papuntang Laguna kung saan doon nagsimula ang lahat; mula sa kababalaghan hanggang sa pagpatay sa kanilang mga ka-trabaho. Tahimik ang kanilang biyahe nang basagin ito ni Paul."Paano kung totoo ang sinasabi ni Helen?" Tanong ni Paul. Nakaupo ito sa back seat habang si Ynaria ay nasa passenger seat at driver naman si Clement."Clement, hindi naman siguro tayo babalik ng Laguna 'di ba?" Si Ynaria naman ang nagtanong."Nang makita ko ang picture na hawak ni Helen, nahulaan ko kung nasaan si Dylan." Seryosong sagot ni Clement."Sinasabi mo bang sa resort 'yon?" Nag-aalangan na tanong ni Ynaria."Manager Clement, ibig mo bang sabihin si Boss Trist ang pumatay kila Wendy at Dylan?" Tila 'di siguradong saad ni Paul. "Grabe kung ako ang isusunod niya lalabanan ko siya ng patas!" Naghahamong sambit pa nito."Bakit, Clement? Hindi ba magkaibigan kayo?" Seryosong usisang tanong ni Ynaria."Hindi madaling ipaliwanag ang tanong," makahulugang tugon ni
HILA-HILA ng lalaki ang likuran kuwelyo ng damit ni Dylan, habang nagpupumiglas at nagmamakaawa na pakawalan ito. Ngunit mas lalo lang hinihigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa damit nito. Ipinasok ng lalaki si Dylan sa basement na balibag na binitiwan ng lalaki si Dylan, nakadapa ito dahilan para idaing nito ang dalawang tuhod na tinamaan ng bala ng baril. Paakyat na sana ang lalaki palabas ng basement nang matigilan ito at marinig ang pakiusap ni Dylan."Please, huwag mo akong iwan dito." Nagmamakaawang sambit ni Dylan.Tinignan lang ng lalaki si Dylan kapagkuwan ay walang salitang lumabas ito ng basement. Nagtungo ang lalaki sa stool bar; umupo't kinuha ang bote ng wine saka nito isinalin sa kupita, pagkatapos ay nilagok ng deretso. Muling tumayo ang lalaki, pumunta ito sa bahaging likod ng cottage kung saan mayroong maliit na bodega. Pumasok ang lalaki at may hinanap na materyal na bagay. May kinuha ang lalaki na itak saka ito lumabas ng bodega ngunit napahinto nang may maisip na