Share

[TRIST] Part4.3: Killer Attack

NAPAGPASYAHAN nina Ynaria, Clement, Paul at Ryan na puntahan nila si Wendy sa bahay nito. Nang marating nila ang destinasyon ay nagtataka at kunot-noong tinignan nila ang labas ng bahay ni Wendy, nakabukas ang pinto at madilim ang loob ng bahay.

"May party ba sa bahay ni Wendy? Nakapatay lahat ng ilaw." Inosenteng komento ni Paul. Bahagya pa itong sumilip sa nakaawang na pintuan ng bahay ni Wendy.

"Hindi ko alam," sagot ni Ryan. "Siguro umalis nga sila ng pamilya niya at emergency ang nangyari kaya hindi agad isinara ang pinto." Panghuhulang sabi nito.

"Bakit hindi man lang siya tumawag?" Kuryos na tanong ni Clement.

"Ang totoo niyan tumawag siya sa'kin kagabi, humihingi siya ng sorry sa pagkawala ng kapatid ko at ang sabi niya pa, hindi na kami magkikita kahit kailan." Pagkukwento ni Ryan.

"Ibig sabihin, hiwalay na kayo ni Wendy? Bakit parang ang bilis naman niya 'ata magsawa." Komento ni Paul.

Naniningkit na mga matang napatingin si Ynaria sa pintuan ng bahay ni Wendy nang marinig a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status