TINUNGO nina Clement, Ynaria at Paul ang daan papuntang Laguna kung saan doon nagsimula ang lahat; mula sa kababalaghan hanggang sa pagpatay sa kanilang mga ka-trabaho. Tahimik ang kanilang biyahe nang basagin ito ni Paul."Paano kung totoo ang sinasabi ni Helen?" Tanong ni Paul. Nakaupo ito sa back seat habang si Ynaria ay nasa passenger seat at driver naman si Clement."Clement, hindi naman siguro tayo babalik ng Laguna 'di ba?" Si Ynaria naman ang nagtanong."Nang makita ko ang picture na hawak ni Helen, nahulaan ko kung nasaan si Dylan." Seryosong sagot ni Clement."Sinasabi mo bang sa resort 'yon?" Nag-aalangan na tanong ni Ynaria."Manager Clement, ibig mo bang sabihin si Boss Trist ang pumatay kila Wendy at Dylan?" Tila 'di siguradong saad ni Paul. "Grabe kung ako ang isusunod niya lalabanan ko siya ng patas!" Naghahamong sambit pa nito."Bakit, Clement? Hindi ba magkaibigan kayo?" Seryosong usisang tanong ni Ynaria."Hindi madaling ipaliwanag ang tanong," makahulugang tugon ni
HILA-HILA ng lalaki ang likuran kuwelyo ng damit ni Dylan, habang nagpupumiglas at nagmamakaawa na pakawalan ito. Ngunit mas lalo lang hinihigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa damit nito. Ipinasok ng lalaki si Dylan sa basement na balibag na binitiwan ng lalaki si Dylan, nakadapa ito dahilan para idaing nito ang dalawang tuhod na tinamaan ng bala ng baril. Paakyat na sana ang lalaki palabas ng basement nang matigilan ito at marinig ang pakiusap ni Dylan."Please, huwag mo akong iwan dito." Nagmamakaawang sambit ni Dylan.Tinignan lang ng lalaki si Dylan kapagkuwan ay walang salitang lumabas ito ng basement. Nagtungo ang lalaki sa stool bar; umupo't kinuha ang bote ng wine saka nito isinalin sa kupita, pagkatapos ay nilagok ng deretso. Muling tumayo ang lalaki, pumunta ito sa bahaging likod ng cottage kung saan mayroong maliit na bodega. Pumasok ang lalaki at may hinanap na materyal na bagay. May kinuha ang lalaki na itak saka ito lumabas ng bodega ngunit napahinto nang may maisip na
HINDI makapaniwalang bumitaw si Ynaria sa kamay ni Lilia nang malaman ang kalunos-lunos na nangyari kay Dylan. Maging sina Clement at Paul, gano'n din. Kapagkuwan ay nanghihinang napaatras si Ynaria dahilan para mabilis na saluhin siya ni Paul."Bakit nangyayari 'to?" Naghahangos na sabi ni Ynaria."Hindi siya titigil hangga't 'di niya kayo nauubos." Pahayag ni Lilia."Gusto niya kaming lahat patayin?" Biglang tanong ni Paul. "Pero bakit niya ginagawang pumaslang ng inosenteng tao?" Kuryosidad na tanong pa nito."Sorry, kung nadamay kayo," paghingi ng paumanhin ni Clement. "Nagpaliwanag na ako kanina kung bakit siya pumapatay.""Manager Clement, dahil sa laro, right?" Seryosong sambit ni Paul.Humugot ng malalim na hininga si Ynaria kapagkuwan ay sinenyasan nito si Paul na huwag na siyang alalayan pa nito kung kaya't binitiwan siya ni Paul, saka siya umayos ng tayo. Ngunit natigilan si Ynaria nang makaramdam muli ng panlalamig sa paligid, habang sina Clement, Paul, at Lilia ay patuloy
MAPAIT na ningitian ni Trist si Clement, saka ito tumayo't hinarap ang kaibigan. "Bakit, umuurong ka na ba sa laro?" Sarkastikong tanong ni Trist."Bakit ka nagsinungaling? Bakit hindi mo sinabi ang totoo na ikaw ang pumatay kay Chris." Seryosong usal ni Clement. "Sabihin na lang natin no choice," kibit-balikat na sagot ni Trist. "Clement, hindi ko sinadyang patayin siya." Nagpapaintinding dagdag na sabi nito."Alam mo nagmukha kaming t*nga dahil akala namin pinatay siya ng kung sino!" Galit sambit ni Clement. "Ngayon malalaman ko na kung sino pa 'yong taong mas malapit sa'kin siya pa ang pumatay sa kaibigan ko!" Mariing sumbat nito.Nagsisimula ng mangilid ang mga luha ni Clement, tila bumalik sa kanyang alaala ang kasinungalingan kung paano inulat ni Trist ang pagkamatay ni Chris. Lahat silang magkakaibigan ay nakiramay sa pagkawala ni Chris, at nang dahil sa laro ay tinupad nila ang kanilang pangako sa isa't isa. Ngunit sa hindi nila inaasahan pagkakataon nang dahil sa laro ay unt
SYNOPSISMay anim na magbabarkada ang masayang nagbabakasyon sa isang villa, kung saan may ilog na tatanging ganda kaya sila nagtungo doon. Ngunit sa kanilang pagbabakasyon ay mauuwi lamang sa madilim na karahasan at kalunoslunos na magtatapos sa kanilang buhay.Pano kaya nila matatakasan yung killer? At sino si Samuel?~*~PAPUNTA ang van na sinasakyan nina Kailyn Montez sa isang liblib na daan patungo sa gubat. Malawak at patag ang daan na walang gaanong sasakyan ang dumaraan, tanging van lamang nila. Madaling-araw pa lang ay bumiyahe na sila kung kaya’t mahigit pitong oras na silang nasa biyahe at kalahating oras na lang ay malapit na sila sa kanilang destinasyon. Lumipas ang kalahating oras at sakto naman 7:23AM ng umaga sila nakarating sa villa.Ang villa ay isang tagong ilog sa kalupaang bahagi ng Pangasinan sa San Pablo. Hindi ito masyadong pamilyar sa ibang tao sa bayan dahil malayo ito at iilan lamang ang nakapupunta, mga taong nagbabakasyon lang. Bukod pa roon, ang lugar na
LAKING gulat ng magbabarkada nang may magsalita sa bahagi ng counter. Pagbigkas pa lang ng bawat salita nito ay nakakikilabot na at nakatitindig-balahibo. Maging ang kaniyang ngipin ay manilaw-nilaw na may halong itim sa bahaging gilid. Maganda ang mukha nito na tila perpekto ang hugis at anggulo. Matipuno ang pangangatawan at ang kasingkinis ng artista ang balat at pati kulay nito. Sadyang ngipin lang nito ang pangit.“Ano ang aking maipaglilingkod, mga binibini at ginoo?” magalang nitong saad. “Huwag kayong mag-aalala, hindi ako cannibal para mangain ng mga tao,” birong sabi pa nito habang tumatawa pa.Nagkatinginan ang magbabarkada sa isa’t isa bago maglakad patungo sa counter na pinangunahan ni Prelim, kasunod si Kailyn, Cassandra, Tisay, Johan, at Benjamin.“Ma-may itatanong lang sana kami,” utal na sabi ni Prelim nang makalapit na sila. Lumingon pa siya sa mga kasamahan na binigyan lang siya ng tango.“Tawagin niyo akong Samuel,” pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay kay Preli
NANG sumapit ang dilim, nakapalibot ang mga magkakaibigan sa bonfire. Nag-iinuman at nagkukuwentuhan silang lahat.“Hey, guys, laro tayo!” wika ni Cassandra, animo’y lasing na.“Game, ano bang laro ’yan?” tugon ni Johan habang niyayapos niya si Tisay.“Truth or dare.” Pinulot niya pa ang boteng wala nang laman at itinaas iyon. “Alam n’yo siguro yung laro sa bote thingy, ano?” dugtong ni Cassandra. Tumango-tango naman ang mga kasama nito.“Sige, sige, simulan mo na!” parang inip na sambit ni Benjamin. Tinungga nito ang alak na hawak niya at humithit pa ng sigarilyo sabay buga sa kung saan.“Okay,” aniya ni Cassandra at ipinaikot ang bote. Matapos niyon ay tumapat ito sa harap ni Benjamin.“Oh f*cking hell! Ako talaga?” di-makapaniwalang angil nito.“Alangan na sa ’min?” pambabara ni Cassandra. “Truth or dare?” dagdag pa niya.“Hmm... Dare!” sagot ni Benjamin. Akmang magsasalita na sana si Cassandra nang unahan siya ni Prelim.“Yakapin mo si Cass nang limang minuto,” utos ni Prelim kay
HATINGGABI na ngunit hindi pa rin makatulog si Kailyn. Gusto niyang hintayin ang pagbabalik ng kaibigan niyang si Cassandra ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Di na niya maiwasan ang makaramdam ng pagkabagabag.Wala sa sariling bumangon siya at lumabas ng tent. Napayakap na lang siya sa kaniyang sarili nang salubungin siya ng malamig na hangin. Napatingala tuloy siya sa langit at nakita ang liwanag ng buwan. Sana walang masamang nangyari kay Cassandra, hiling ng isip niya. Habang nakatingala at pinagmamasdan ang buwan ay nakarinig siya ng kaluskos sa bandang kagubatan kaya’t napalingon siya roon.Curiosity ang mas nangibabaw sa nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kagubatan, at nang malapit na siya ay nagulat siya nang may bumulaga sa kanya.“S-Samuel!” tanging nasambit niya.Humalakhak si Samuel na tila isang baliw kung kaya’t 'di niya maiwasang mangilabot dahil sa pagtawa nito. “Hatinggabi na, binibini. Bakit gising ka pa nang ganitong oras?” wika ni Samuel