HINDI makapaniwalang bumitaw si Ynaria sa kamay ni Lilia nang malaman ang kalunos-lunos na nangyari kay Dylan. Maging sina Clement at Paul, gano'n din. Kapagkuwan ay nanghihinang napaatras si Ynaria dahilan para mabilis na saluhin siya ni Paul."Bakit nangyayari 'to?" Naghahangos na sabi ni Ynaria."Hindi siya titigil hangga't 'di niya kayo nauubos." Pahayag ni Lilia."Gusto niya kaming lahat patayin?" Biglang tanong ni Paul. "Pero bakit niya ginagawang pumaslang ng inosenteng tao?" Kuryosidad na tanong pa nito."Sorry, kung nadamay kayo," paghingi ng paumanhin ni Clement. "Nagpaliwanag na ako kanina kung bakit siya pumapatay.""Manager Clement, dahil sa laro, right?" Seryosong sambit ni Paul.Humugot ng malalim na hininga si Ynaria kapagkuwan ay sinenyasan nito si Paul na huwag na siyang alalayan pa nito kung kaya't binitiwan siya ni Paul, saka siya umayos ng tayo. Ngunit natigilan si Ynaria nang makaramdam muli ng panlalamig sa paligid, habang sina Clement, Paul, at Lilia ay patuloy
MAPAIT na ningitian ni Trist si Clement, saka ito tumayo't hinarap ang kaibigan. "Bakit, umuurong ka na ba sa laro?" Sarkastikong tanong ni Trist."Bakit ka nagsinungaling? Bakit hindi mo sinabi ang totoo na ikaw ang pumatay kay Chris." Seryosong usal ni Clement. "Sabihin na lang natin no choice," kibit-balikat na sagot ni Trist. "Clement, hindi ko sinadyang patayin siya." Nagpapaintinding dagdag na sabi nito."Alam mo nagmukha kaming t*nga dahil akala namin pinatay siya ng kung sino!" Galit sambit ni Clement. "Ngayon malalaman ko na kung sino pa 'yong taong mas malapit sa'kin siya pa ang pumatay sa kaibigan ko!" Mariing sumbat nito.Nagsisimula ng mangilid ang mga luha ni Clement, tila bumalik sa kanyang alaala ang kasinungalingan kung paano inulat ni Trist ang pagkamatay ni Chris. Lahat silang magkakaibigan ay nakiramay sa pagkawala ni Chris, at nang dahil sa laro ay tinupad nila ang kanilang pangako sa isa't isa. Ngunit sa hindi nila inaasahan pagkakataon nang dahil sa laro ay unt
SYNOPSISMay anim na magbabarkada ang masayang nagbabakasyon sa isang villa, kung saan may ilog na tatanging ganda kaya sila nagtungo doon. Ngunit sa kanilang pagbabakasyon ay mauuwi lamang sa madilim na karahasan at kalunoslunos na magtatapos sa kanilang buhay.Pano kaya nila matatakasan yung killer? At sino si Samuel?~*~PAPUNTA ang van na sinasakyan nina Kailyn Montez sa isang liblib na daan patungo sa gubat. Malawak at patag ang daan na walang gaanong sasakyan ang dumaraan, tanging van lamang nila. Madaling-araw pa lang ay bumiyahe na sila kung kaya’t mahigit pitong oras na silang nasa biyahe at kalahating oras na lang ay malapit na sila sa kanilang destinasyon. Lumipas ang kalahating oras at sakto naman 7:23AM ng umaga sila nakarating sa villa.Ang villa ay isang tagong ilog sa kalupaang bahagi ng Pangasinan sa San Pablo. Hindi ito masyadong pamilyar sa ibang tao sa bayan dahil malayo ito at iilan lamang ang nakapupunta, mga taong nagbabakasyon lang. Bukod pa roon, ang lugar na
LAKING gulat ng magbabarkada nang may magsalita sa bahagi ng counter. Pagbigkas pa lang ng bawat salita nito ay nakakikilabot na at nakatitindig-balahibo. Maging ang kaniyang ngipin ay manilaw-nilaw na may halong itim sa bahaging gilid. Maganda ang mukha nito na tila perpekto ang hugis at anggulo. Matipuno ang pangangatawan at ang kasingkinis ng artista ang balat at pati kulay nito. Sadyang ngipin lang nito ang pangit.“Ano ang aking maipaglilingkod, mga binibini at ginoo?” magalang nitong saad. “Huwag kayong mag-aalala, hindi ako cannibal para mangain ng mga tao,” birong sabi pa nito habang tumatawa pa.Nagkatinginan ang magbabarkada sa isa’t isa bago maglakad patungo sa counter na pinangunahan ni Prelim, kasunod si Kailyn, Cassandra, Tisay, Johan, at Benjamin.“Ma-may itatanong lang sana kami,” utal na sabi ni Prelim nang makalapit na sila. Lumingon pa siya sa mga kasamahan na binigyan lang siya ng tango.“Tawagin niyo akong Samuel,” pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay kay Preli
NANG sumapit ang dilim, nakapalibot ang mga magkakaibigan sa bonfire. Nag-iinuman at nagkukuwentuhan silang lahat.“Hey, guys, laro tayo!” wika ni Cassandra, animo’y lasing na.“Game, ano bang laro ’yan?” tugon ni Johan habang niyayapos niya si Tisay.“Truth or dare.” Pinulot niya pa ang boteng wala nang laman at itinaas iyon. “Alam n’yo siguro yung laro sa bote thingy, ano?” dugtong ni Cassandra. Tumango-tango naman ang mga kasama nito.“Sige, sige, simulan mo na!” parang inip na sambit ni Benjamin. Tinungga nito ang alak na hawak niya at humithit pa ng sigarilyo sabay buga sa kung saan.“Okay,” aniya ni Cassandra at ipinaikot ang bote. Matapos niyon ay tumapat ito sa harap ni Benjamin.“Oh f*cking hell! Ako talaga?” di-makapaniwalang angil nito.“Alangan na sa ’min?” pambabara ni Cassandra. “Truth or dare?” dagdag pa niya.“Hmm... Dare!” sagot ni Benjamin. Akmang magsasalita na sana si Cassandra nang unahan siya ni Prelim.“Yakapin mo si Cass nang limang minuto,” utos ni Prelim kay
HATINGGABI na ngunit hindi pa rin makatulog si Kailyn. Gusto niyang hintayin ang pagbabalik ng kaibigan niyang si Cassandra ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Di na niya maiwasan ang makaramdam ng pagkabagabag.Wala sa sariling bumangon siya at lumabas ng tent. Napayakap na lang siya sa kaniyang sarili nang salubungin siya ng malamig na hangin. Napatingala tuloy siya sa langit at nakita ang liwanag ng buwan. Sana walang masamang nangyari kay Cassandra, hiling ng isip niya. Habang nakatingala at pinagmamasdan ang buwan ay nakarinig siya ng kaluskos sa bandang kagubatan kaya’t napalingon siya roon.Curiosity ang mas nangibabaw sa nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kagubatan, at nang malapit na siya ay nagulat siya nang may bumulaga sa kanya.“S-Samuel!” tanging nasambit niya.Humalakhak si Samuel na tila isang baliw kung kaya’t 'di niya maiwasang mangilabot dahil sa pagtawa nito. “Hatinggabi na, binibini. Bakit gising ka pa nang ganitong oras?” wika ni Samuel
ABALA si Samuel sa pagbibilang ng pera niya sa counter nang may isang lalaki ang pumasok sa store niya. Huminto siya sa ginagawa niya nang maramdaman ang presensiya ng isang lalaki.“Buhay ka pa pala?” anang baritonong boses ng lalaki. Umangat ang tingin niya sa lalaki na papalapit sa kanya habang may hawak itong palakol sa kanang kamay at sa kaliwang kamay naman ay sigarilyo. “Hindi ko maintindihan kung bakit napaka unfair talaga ng mundo, ano?” dugtong nito at humithit ng sigarilyo nang huminto ito sa tapat ni Samuel.“Kakambal ko, hindi ko maunawaan ang iyong sinasambit” tila inosenteng wika ni Samuel.“Napakapurol talaga ng utak mo, Samuel,” nakangising usal ng kakambal ni Samuel. “O, sadiyang nagmamaang-maangan kang animal ka?”“Simon, kung ano man yung nangyari noon, kalimutan mo na lamang,” kalmadong tugon ni Samuel.Tumiim ang bagang ni Simon sa sinagot ni Samuel sa kanya at mas humigpit ang hawak niya sa palakol. Magbabayad ka, Samuel. Papatayin kitang hayop ka! timping sambi
MAHIGIT isang oras nang nasa loob ng van si Benjamin habang humihithit ng sigarilyo. Panglima na niyang gamit iyon buhat nang umalis siya at iwan ang mga kaibigan niya. Nananatiling nakahinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada upang doon siya magpalipas ng oras.Maya-maya pa, matapos maubos ang sigarilyo ay napagpasyahan niyang pumunta sa store ni Samuel. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa store. Pagkarating niya ay open ang store kung kaya’t madali na lamang siya nakapasok sa loob pero hindi nakabukas ang ilaw kaya madilim nang pumasok siya.“Samuel...” tawag niya sa pangalan ng may-ari ng store. “Samuel...” Ulit pa niya ngunit walang Samuel na sumasagot.Kahit madilim ay naglakad siya nang dahan-dahan at nangapa dahil hindi sapat ang maliit na bintana sa tabi ng counter upang makita niya ang kabuuan ng supplies sa loob ng store. Tanging sa counter lang talaga ang may bintana.“Yoo-hoo? Samuel...? Nakabukas ang store mo kaya pumasok ako!” sambit niya sa kawalan habang nagl