Share

OBOAM #4

Little details is part of the process, pay attention to it. Good luck.

CHAPTER FOUR :

Aristocrat

Friday noon, the scorching sun heated the entire roadway, accentuating the smell of pollutants and somewhat burning tires. Hidden in the apex of traffic was my heart pounding with such discouragement and dismay. As more beep resound, I mentally counted how many restaurants and fast food chains rejected me—4. . . 5?

The jeep, without any signs, suddenly stopped abruptly. Kaya bago pa ko makapagpigil, nabangga ko na ang lalaki sa kaliwa. Dahil may suot akong mumurahing itim na heels, nawalan ako ng balanse. And I fell in the middle. Shit!

With my awkward position, may narinig akong maliliit na mga ngisi.

"Gang, okay ka lang?" I looked at him and nod. Tinulungan niya ako sa pag-upo at bumalik na sa pagtingin ng cellphone niya. I inhale and exhale, nonchalantly.

"Bakit tayo huminto, Manong?" I gazed to the woman who asked. Mabuti na lang at nagsalita siya, hindi ko kaya ang kahihiyan sa nangyari. 

The driver didn't respond. Ang pasahero sa harapan ang sumagot. "That jeep suddenly stopped din kasi, eh," turo niya sa harap namin.

Napatingin ako sa labas nang mapansin ang pagdami ng taong papalapit sa unahan namin. 

"May naaksidente na naman siguro. Itong mga driver minsan wala talagang kadala-dala, kung maka-drive parang kanila ang kalsada!" asik ng babae sa tabi ko.

"Jusko! Anong oras daw matatapos? May ambulance na ba? Late na naman ako nito!" The man with suit mumbled. 

Wala na bang igaganda ang araw na 'to?

"Anong oras na po, Sir?" tanong ko sa lalaking tumulong sa akin kanina. Nakasuot siya ng Jersey shirt at pants, ang tapang rin ng amoy ng gamit niyang perfume. 

"Alas dose y media, Gang. Model ka?" tingin niya sa suot ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at natawa rin. 

"Ahh, hindi po. Pero salamat."

Medyo natagalang naayos ang nangyari bago pa man kami nakausad.

Sa gitna ng paglalakad ko papuntang apartment nahagip ko ang isang bar na sirado pa. Naghahanap kaya sila ng waiter or kahit dishwasher man lang? 

May organisadong bakanteng semento sa harap nito, parking area. Sa taas ng establishimento mahahagilap ang malaking 'The Block Bar' na pinapailaw tuwing bukas na sila. Hindi kita ang loob bukod sa isang transparent door na nasa gitna. 

Overall, the place look cozy and luxurious. Mataas kaya pasahod nila?

Sa pagsiyasat ko sa buong gusali biglang may lumabas na dalawang lalaki sa pintuan. I immedietely turned my back, baka mapagkamalan nilang miyembro ako ng intelligent unit o hindi kaya look-out ng robbery group. I sighed after I made the third step, relieved. Not until. . .

"Pst, Miss!" tawag sa akin.

I'm not safe, afterall.

I faced him with a smile. He was wearing a gray polo shirt, jean and black leather shoes. Average looking man na naka-pushback ang buhok. 

"Rust, I'm hungry." 

While on the other hand, the guy behind him was. . . out of words.

Hindi ako madaling ma-attract sa mukha lang, I must say ngayon lang. He have this kind of magnetic aura. Aura that I need to resist.

His aristocratic.

"Bro, sandali lang. . ." The man named Rust whispered the remaining words, kaya hindi ko narinig. I don't know but I was offended nang umismid ang lalaki sa likod niya at bumalik sa loob ng gusali.

"May maitutulong ba ako sa 'yo, Miss. . ."

"Pria, ho."

"My goodness! Ho? As in 'po' na medyo slang?" I smiled, awkwardly.

Hihingi na sana ako ng tawad nang marinig siyang tumawa nang malakas. Dahil na rin sa kawalan ng ingay, umalingawngaw ang tawang iyon.

"Pasensya na." Nag-bow ako sa kaniya.

He walked to made our distance even close. "Gusto mong magtrabaho dito? Actually, our dancers are complete na. Pero if gusto mo talagang kumita—"

Both our attention directed to the towel na tumama kay Rust at sa lalaking naghagis nito. "Corny mo, boy!"

Rust looked at him meaningfully, then he sighed out of frustration when his request was dismissed. "Ahm, Pria, ang gusto kong sabihin is—"

"Gusto ko niyang maging personal dancer," the other guy expressed with so much exasperation with my mere existance. 

May galit ba siya sa 'kin?

I swallowed hard. Dalawang beses niya na akong nao-offend sa loob lang ng limang minuto.

"Bro, shut up!" Rust giggled but I know he was tensed, makikita sa pagpapawis niya kahit hindi mainit dito sa labas dahil maraming kahoy.

I respectfully butted in. "Hindi po ako nandito para maging dancer. Gusto ko po sanang mag-inquire kung may bakanteng pwesto para sa waiter o pwede ring dishwasher." 

The whirling wind managed to fill the dead air.

They gave me a look, probably wierded out. "Dishwasher? No, no! Waiter na lang, G?" Rust offered.

"Wala tayong bakante." He glaced to the other guy. 

"We can dadag na lang her. I am able to compensate." Then to me. "Kailan mo gusto mag-start?"

Upon hearing na wala silang bakante at si Rust na mismo ang magpapasahod sa akin, I am convinced to decline it. I might be desperate for job pero I can't compromise with my own philosophy and standard. I want my money to be hard-earned, nang walang mahihila na iba.

"Salamat na lang, Rust. Hindi ko matatanggap ang offer mo lalo't galing pa mismo sa bulsa mo ang ipampapasweldo sa akin kung nagkataon." Ngumiti ako para ipakita ang pagpapasalamat. "Kampante naman akong may mahahanap," I said with a smile. "Salamat din," lingon ko sa lalaking nasa likod niya. 

He just stared at me but never spoke.

"Are you sure na? Wala talagang problem sa akin."

Iyon ang huling pangungumbinsi niya sa akin na agad kong hinindian. May binigay siyang calling card na tatawagan ko raw kapag kailangan ko ng tulong o magbago ang isip ko. Tumigil din ako sa iba pang mga tindahan o 'di kaya kahit anong establishimento na tingin ko ay nagha-hire ng mga bagong manggagawa pero wala talagang tumanggap sa akin.

It's either hindi ko raw kaya ang trabaho at wala na silang bakante.

Tahimik akong humiga sa higaan at tinititigan ang kisame. Mabuti na lang at may mapapasukan ako bukas at sa linggo, medyo komportable akong makakatulog nang hindi iniisip kung anong kakainin namin next week.

Nasa trabaho pa ang dalawa kaya masyado akong nangungulila dito sa loob ng apartment. Naninibago rin ang katawan ko na walang ginagawa, hindi nga ako mapakali kanina kaya nalinis ko na ang buong kwarto. Nalabhan ko rin ang lahat ng mga damit na nagamit na, pati rin siguro ang ilang mga damit na hindi pa nagagamit.

Tinignan kong muli ang orasan—8:36.

Ang aga pa para matulog. Tumayo ako at lumabas ng apartment. Napagdesisyonan kong lumabas muna at nagbabakasakaling may mapagkakaabalahan. 

"Oy, taga looban, oh!" turo sa akin ng isang matandang lalaki habang sina-shot ang isang baso ng alak. Kaya napatingin din ang ibang mga kasamahan niya.

Tumango lang ako at ngumiti. "May nobyo kang hinihintay dito, Ineng?" tanong din ng isa. 

Nasa tapat kami ng isang sementadong kalsada at nag-iinuman lang sila sa gilid. Ilang beses ko na rin naman silang nakitang nagkakasiyahan at wala pa din naming nangyaring hindi maganda. Kaya hindi ako natakot na baka may gawin silang masama.

"Wala po akong boyfriend," sabay tawa.

"May anak akong gustong magdoctor, Hija. Kilala mo si Martin, siya na lang!" 

"Ako din may anak akong gwapo!"

"Ang pangit mo, may anak kang gwapo?" I bit my lower lip para hindi matawa sa sinabi ng isa. 

Tumayo ang lalaking pinagkakatuwaan nila at ipinagyabang ang mukha niya. Maging ang tiyan ay pinakita niya rin. "Hija, anak ko asawahin mo, huh? Sasabihin ko sa kaniya, para naman ganahan mag-aral."

"May kalyo na talaga 'yang mukha mo, Mario!" naghiyawan ulit sila at umiling na lang ako. Pumunta ako sa isang tindahan at nakinood ng palabas sa telebisyon. Nang matapos, bumalik na ako sa apartment para matulog na sana. 

Pero bago pa man ako makapasok, nanliit ang mga mata kong napansin ang dalawang babae na kapwa nakasimangot. Maaga pa para makauwi sila, hindi ba sila pumasok?

Agad akong lumapit. "Maaga kayong pinauwi?"

Nagtulakan sila kung sino ang sasagot sa simpleng tanong ko. Sa huli si Lei ang umismid sa kapatid at may sinabing nagpakunot sa noo ko.

"Madaming tao kaya madaling naubos ang pagkain, pinauwi kami ng maaga."

Binalingan ko ng tingin si Shantal dahil hindi kapani-panila ang binigay na paliwanag ng kapatid. She then immedietely hugged me and cried so hard. "Anong nangyari?"

"T-Tinanggal din kami sa trabaho," she said in the middle of sobbing.

"Ano?!"

"Tinanggal na kami sa trabaho, Pria." Lei answered in monotone pero mapaghahalataan ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Bakit?"

"May h-in-ire silang bago, pagdating namin kanina, w-wala na." My world suddenly stopped. Isang problema na naman ang dumagan sa akin, hanggang kailan ba matatapos 'to?

"Huwag kang mag-aalala, maghahanap naman kami," si Lei.

"Mahihirapan kayong maghanap niyan." I held both of their hands. "Tara muna sa loob."

After I heared their side, pinatulog ko na ang dalawa at ako naman ngayon ang hindi makakatulog. In instant, punong-puno na naman ako ng iisipin. Kailangan kong magbayad ng tuition, gagastos ako sa thesis, hindi magtatagal magbabayad na naman ulit ako para sa apartment, ang pagkain ng dalawa, madami pang ibang gastusin.

Tatanggapin ko ba ang offer sa bar?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status