Share

KABANATA 3

“Are you amenable with that?”

“Ah O-opo! Opo!”

“Good. I’ll be expecting you in my mansion.”

Napalunok si Aira habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan. Tumango siya rito.

“Pupunta po ako…” mahinang sambit niya rito.

Tumango lang ang lalaki. Huminga siya nang malalim at saka tumayo na roon. Nag-aalangan pa siya kung magpapaalam ba siya o hindi. Hindi niya naman kasi alam kung paano makitungo sa mga gantong mga tao.

Sa huli ay lumunok na lang siya at saka tumalikod na. Nakagat niya pa ang labi at saka nakatungong umalis doon. Abot-abot pa rin ang kaba niya habang pababa siya. Napahawak pa siya sa dingding ng elevator at soon na lang napasandal.

‘Jusko. Anong nangyari? Totoo ba ito?!’

Tulalang nakatitig lang siya sa sahig ng elevator hanggang sa narinig niya na lang ang pagtunog noon. Bumuga siya ng hininga at napahawak pa sa kanyang dibdib. Pagbukas ng pinto ay agad siyang lumabas.

“Hoy! Aira! Okay ka lang ba?” Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses ng kaibigan niya.

Kunot na kunot ang noo ni Janice sa kanya. Hinawakan pa siya ng kaibigan bago siya inalalayan palabas ng building.

“Okay ka lang ba talaga, sis?” tanong pa ni Janice sa kanya, halatang naguguluhan sa inaasal niya.

Huminga siya nang malalim at tiningnan ang kaibigan.

“U-Uhh o-oo. Tara na? Pwede bang bumalik muna tayo sa bahay mo? M-May importante akong sasabihin,” kinakabahang sambit niya.

Saglit na tiningnan siya ng kaibigan. Kunot na kunot pa rin ang noo nito at takang-taka sa kanya. Huminga siya nang malalim at saka tipid na ngumiti rito. Sa huli ay bumuga ng hininga ang kanyang kaibigan at hinila siya sa kamay. 

“Tara na?” sabi pa nito.

Napatango naman siya rito. Umalis sila roon at nag-abang na ng masasakyang dyip. Habang nasa dyip sila ay nakatulala pa rin di Aira at hindi makapaniwala sa nangyari. Iba talaga ang nagagawa ng pagiging desperado. Talagang dire-diretso ang pagpayag niya kanina, e. Pati siya hindi rin makapaniwala sa nagawa niya, e.

Nasapo niya ang noo at napayuko na lang.

“Hay nako, sayang talaga iyong kanina. Nag-cut off, e.” Rinig niyang sabi pa ni Janice. Tiningnan niya ang kaibigan na nakatingin lang din sa labas ng dyip. Bumuntong-hininga siya at namasahe ang kanyang noo.

Hindi na lang muna siya nagsalita. Hinintay niya munang makarating sila sa tinutuluyan nila. Maggagabi na nang makarating sila sa tinutuluyan ni Janice. Agad na sumalampak ng upo si Aira sa papag ng kaibigan habang si Janice ay nagsasalin ng tubig sa may maliit nitong kusina.

“Grabe, nakaka-stress, te. Pumila-pila pa tayo roon, hindi rin naman pala tayo makakakuha ng trabaho. Kaloka,” palatak pa nito. Hindi agad nakasagot si Aira. Nanatili siyang tulala roon at pinagmamasdan ang kaibigan niya. Nilingon siya ni Janice. Napansin na yata nitong wala siya sa sarili kaya nilapitan na siya ng kaibigan niya. Tumabi ito sa kanya.

“Sis, okay lang iyan. Makakahanap din tayo ng trabaho, sis.” Hinaplos nito ang kanyang likod para patahanin siya. Naipikit niya na lang ang kanyang mga mata at napatingin sa kaibigan.

“Jan, may sasabihin sana ako sa’yo,” sambit niya rito.

Natigilan ang kaibigan niya at napatitig din sa kanya. “Ano iyon?”

Nakagat ni Aira ang labi. Huminga siya nang malalim at saka kinuha ang kamay ng kaibigan. Isang pagbugang hininga pa ang kanyang ginawa para lang mapakalma ang sarili.

“Hoy, ano ba? Okay lang ba? Kinakabahan ako sa reaksyon mo, sis!” anito sa kanya.

Mas lalo niyang nakagat ang labi tuloy habang nakatingin sa kaibigan. “May sasabihin ako, Jan,” mahinang sabi niya.

Mas nangunot ang noo ng kaibigan.

“O, ano iyon?”

Saglit na tumigil si Aira at saka bumuga ulit ng hininga. “May trabaho na ako.”

Nanlaki ang mga mata ni Janice. “Ha?!” Nalaglag ang panga nito. “Omg! Edi good news! Saan? Grabe, sana all! Nakuha ka?!” excited na sabi nito.

Bumuntong -hininga siya at ngumuso rito. “Hindi iyong pinag-apply-an natin…”

“Huh? Edi ano? Nag-apply ka ba sa iba?”

Marahan siyang umiling dito. “Doon lang din pero hindi ako naka-attend ng interview. Napadpad ako sa executive floor.”

“Ano?!” Napatayo sa gulat si Janice. Tiningnan ni Aira ang kaibigan.

“Hindi ko naman alam, e. Nakita ko iyong boss ng kompanya…t-tapos napagkamalan pa akong surrogate daw…” Umiwas siya ng tingin dito, inalala ang nangyari sa kanya kanina.

Narinig niya ang pagsinghap ng kaibigan.

“Oh my gosh! Jusko ka! O, e, anong nangyari?”

Nagkibit-balikat siya rito. “Ayun, ang sabi ay nag-back out daw ang dapat na surrogate nila at inalok niya ako…”

“Ha?!” Halos mayanig ang buong barong-barong ni Janice sa sobrang lakas ng boses nito. Halos lumuwa na rin ang mga mata nito sa sobrang pagtataka at gulat.

Aira bit her lip then and stared at her friend who was being hysterical already. She heaved another deep sigh to clam herself. For sure kasi ay mas magiging intense ang reaksyon ng kaibigan niya. “Jan, pumayag ako,” sa maliit na boses ay sabi niya.

“Ano?!” As expected ay mas tumaas pa nga ang boses nito, kung may ititinis pa ang boses ng kaibigan. Napasinghap si Janice at muling tumabi sa kanya. Niyugyog siya ng kaibigan sa magkabilang balikat. “Nakakaloka ka! Surrogate?! Te, alam mo ba iyang pinapasok mo?! Hoy! Magising ka, te!”

Iniwas niya ang tingin dito. “May bayad, Jan. S-Sayang…” Ngumuso siya.

Nang tingnan niya si Janice ay nakita niya ang pagkalaglag ng panga ng kaibigan. “Jusko, Aira! Seryoso ka ba?! Seryoso ka ba talaga?! Alam mo  ba kung ano iyan?! Baka kung anong illegal iyan!”

Kinagat niya ang labi. “Magmi-meeting pa naman kami.” Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ng kaibigan. “Jan, walang kasiguraduhan iyong mga trabaho na titingnan natin. One-time big time na ito. Alam mong walang-wala ako. Hindi tayo makaka-survive kung ganitong panay tayo ng hanap. Andoon na, e. Tinanggap ko na. Sinunggaban ko na lalo pa at sinabi mong wala nag-cut off nga sila. Jan... magmi-meet pa naman kami para sa terms daw. Tsaka nag-research naman tayo sa kompanya di ba? Ito na iyon. Sigurado akong malaki ang bayad dito.”

Hindi makapagsalita ang kaibigan niya sa kanya. Nakatitig lang ito at hindi pa rin makapaniwala sa kanyang sinabi. Ngumuso si Aira.

“Kailangan ko ito. Kailangan natin ito, Janice.”

Nag-aalalang tumitig si Janice sa kanya. “Aira…”

Malungkot na ngumiti siya rito. “Ganito talaga, Jan, kapit sa patalim.”

Bumuntong-hininga ang kaibigan niya at saka tipid na ngumiti at niyakap siya.

“Jusko kinakabahan ako,” anito sa kanya.

“Ako rin naman, pero wala, e.”

Napapikit na lang siya. Ganito nga siguro talaga pag mahirap, susulong ka talaga pag wala ka nang makapitan.

It was a silent evening for the both of them. Hindi alam ni Aira kung paano nakuha ni ang kanyang number pero nang mag-gabi ay may nag-text sa kanya.

From: Unknown

Please go to this address at exactly 8 AM

Brooklyn Village, Forbes, Manila

Napabuga siya ng hininga.

‘Ito na iyon, Aira. Ito na iyon.’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status