Share

KABANATA 4

Kinakabahan si Aira nang dumating ang Wednesday. Maaga siyang nagising para hindi ma-late sa meeting nila ni Samuel. Binigyan pa siya ni Janice ng pang-taxi dahil hindi basta-bastang napapasok ang village ng lalaki. 

“Sure ka na ba riyan?” tanong pa ni Janice sa kanya. Tipid na tumango lang si Aira rito. “Sige, sige, mag-iingat ka, ha?” paalala ulit nito na tinanguan niya lang. Inayos niya ang damit bago tuluyang lumabas ng barong-barong. Hinatid siya ni Janice hanggang sa makasakay siya ng taxi. 

Habang papunta sa village ni Samuel Madriaga ay hindi niya maiwasang hindi mapakali habang ipinopokus ang tingin sa labas ng taxi. Nang makarating siya sa naturang mansyon ay halos malula si Aira sa sobrang laki noon. 

“Salamat po,” aniya sa driver at saka bumaba ng sasakyan. Mahinang naglakad siya palapit sa gate ng mansyon. 

“Sino po sila?” agad na tanong ng guard doon. Napalunok pa siya. 

“Uhh Aira po ang pangalan ko. May appointment po ako kay Mr. Samuel Madrigal.” Nakagat niya ang labi habang sinasabi iyon. 

Saglit na tiningnan siya ng guard bago ito tumango sa kanya at pinapasok siya. Tipid na nginitian niya ang gwardiya at saka nagtuloy na sa loob ng mansyon. Bungad pa lang ay pakiramdam niya ay nasa isang palasyo na siya. 

Umawang ang kanyang labi habang ikinakalat ang tingin sa buong paligid. Hindi pa rin siya makapaniwalang nandito siya sa isang napakalaking mansyon May fountain sa gitna ng entrance papunta sa main door ng mismong bahay. May garden sa may kaliwa niya at sa kanan naman ay ang garahe. Nasapo niya oa ang bibig nang makitang ang daming nakaparadang kotse roon. Iba-iba iyon at hindi siya pamilyar kung ano ang mga iyon pero sigurado siyang puro mamahalin ang mga iyon. 

“Grabe, ang yaman pala talaga ni Sir Samuel.” Nakagat niya ang labi habang dahan-dahang naglalakad papasok ng bahay. Bago pa man siya makakatoko ay pinagbuksan na siya ng pinto. 

Napalunok na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang babaeng kasingtangkad niya lang at kasing-edad din yata. Naka-uniform ito kaya hula niya ay katulong ito roon. 

“Pasok ka. Ikaw ba si Aira?” tanong pa nito. Agad siyang tumango rito. 

“Oo.”

“Oh sige, halika na at hinihintay ka n ani Sir Samuel sa opisina niya.” Pinapasok na siya nito. Mas lalong nalaglag ang kanyang panga nang tuluyan na siyang makapasok sa mansyon. 

Hindi siya makapaniwalang ganoon pala kaganda ang loob. Tiles ang buong bahay at modern ang style noon. Black and white and color scheme ng paligid. May isang malaking L-shaped na sofa sa gitna. High-ceiling pa iyon at ang mga ilaw, nakakasilaw sa ganda at sa laki. 

Manghang napailing na lang si Aira habang pinagmamasdan ang buong paligid. Muntikan pa siyang matulala kung hindi lang siya sinundot ng katulong na sumalubong sa kanya. 

“Halika, rito,” anito at saka iginiya siya papunta sa isang kwartong nasa ibaba ng napakalaking hagdan sa gitna ng bahay. 

Halos mahigit ni Aira ang hininga habang naglalakad sila papunta sa opisina. Kumatok ang kasama niyang katulong. 

“Sir, nandito na po si Aira,” sabi pa nito. 

“Come in,” narinig niyang sabi ng nasa loob na hula niya ay si Samuel. 

As if on cue, binuksan naman nito ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang malaking opisina ni Samuel. Nasa isang malaking swivel chair ang lalaki at may malaking lamesa sa harapan nito. 

Sa gitna naman ng kwarto ay isang malaking sofa at sa likod ni Samuel ay ang dalawang malalaking shelves na punong-puno ng mga libro. 

Ipinaglapat ni Aira ang mga labi at pinagsaklop ang aknyang mga kamay. “Nandito na po siya, Sir,” sambit pa ng katulong bago siya nito iniwan sa kwarto. 

Doon nag-angat ng tingin si Samuel na siyang nakapagpakaba kay Aira. Pakiramdam niya ay nanginig ang buong katawan niya habang nakatayo siya roon sa gitna ng kwarto. Hindi siya makatingin sa mata ng kanyang boss dahil sa sobrang kaba niya. Parang gusto na lang tuloy niyang umurong at umuwi na lang. 

‘Aira naman, nandito ka na, susuko ka naman agad? Ito na iyon! Magkakatrabaho ka na!’

Huminga siya nang malalim. 

“Sit,” mariing sambit nito sa kanya. Bahagya pa siyang napatalon doon pero agad din namang naglakad palapit sa isa sa mga upuan sa harapan ng lamesa ni Samuel. Nag-aalangan man ay umupo pa rin siya roon dahil iyon din naman ang sinabi ni Samuel. “I’m glad that you’re here,” panimula nito. Umayos siya ng upo at kinalma ang kanyang sarili. “Shall we start?” tanong pa nito sa kanya. Doon siya napilitang tumitig sa lalaki, Lumunok pa siya at saka tumango rito. 

“Opo.”

Samuel nodded at her as well. “That’s good. Today we’ll be discussing how this thing will push through. Are you ready?”

“Yes po, Sir.”

Samuel just nodded again. May kinuha itong isang folder at inilapit iyon sa kanya. Kagat-labing kinuha niya naman iyon at binuksan. 

“That’s the information about surrogacy, Miss Peres. The procedure is not that famous here. May mangilan-ngilang mga sumasagawa sa procedure pero mahirap dito. That is why, we will need to go abroad for the procedure. No need to worry because we will take care of your papers. All you need to do is to prepare yourself. Anyway, this meeting will be about the basic information about surrogacy. I don’t know if you have researched about this, but surrogacy is a complicated procedure Miss Peres and I need you to be onboard a hundred percent. Please read that information and tell me again if you’re on this.”

Lumunok siya at saka tumango nang marahan sa lalaki. Isa-isa niyang binasa ang mga nakalagay sa folder. Nandoon na ang lahat ng information pati na ang procedures, side effects at lahat ng dapat malaman kung gusto mong maging surrogate mother. 

Nakagat na lang ni Aira ang labi habang binabasa iyon. Sa totoo lang ay medyo kinabahan siya sa kanyang nabasa, pero kahit na ganoon ay hindi niya pa rin magawang humindi rito. 

“Miss Peres, another thing…” 

Nag-angat siya ng tingin dito. “Sir…” 

“I hope you don’t mind, but I will also need all your documents and I will need to background and health check you,” sambit nito. Napatungo siya at tumango pa rin dito. “I hope I didn’t offend you. It’s just that I am running out of time, Miss Peres. I’m desperate, that’s why I am willing to give you this job even if you are not really from an agency or you’re not really a surrogate by profession.”

“Naiintindihan ko po, Sir,” sa mahinang boses ay sagot niya. 

Tumikhim ang lalaki. “Good. Now I would like to discuss some information that you need to know about this procedure. Also, you will be signing a non-disclosure agreement. Dapat walang makaalam nito, Miss Peres. This cannot go out in public. My wife is still in coma, and I don’t want any ruckus to happen that may affect her condition.”

Bahagyang umawang ang bibig ni Aira. Hindi niya naitago ang gulat sa mukha niya. Hindi siya nagsasalita pero sa titig ni Samuel ay mukhang alam nito na may gusto siyang itanong. 

“My wife is in coma, but she freezes her egg for this. Through invitro fertilization, the embryo will be formed. Once it is successful, doon pa lang ita-transfer sa uterus mo ang bata para ikaw ang magdala nito. With this, I need you to be really healthy. Another thing, ang mga sasabihin ko lang sa’yo ang mga dapat mong malaman. No other questions will be entertained,” sambit nito. 

Halos mahigit ni Aira ang hininga niya. Nakagat niya ang labi at mahinang tumango na rin. 

Napatitig ulit siya sa kanyang hawak. 

‘Jusko, Aira, kayanin mo kaya ito?’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status