Share

SECOND

I THOUGHT HE WAS JUST JOKING YESTERDAY.

Nawalan ako ng malay sa kotse n'ya, parang makalimutan ko nang magdalawang-isip dahil sa sobrang pagod. Wala akong kadala-dala at walang panlaban kung sakali. I am so hopeless. Mabuti nalang at paggising ay nalaman ko kung sino talaga s'ya.

He is Jveo Abanzon, 28, a well known businessman. Ama n'ya ang may-ari ng pinakamalaking oil company sa asia. Merong doktor sa tabi ko mula pagmulat ng mata at sinigurado n'yang ibibigay ang lahat ng kailangan ko para matulungan ako. I also told him about my dad and he assured me that he'll do everything about it.

Pero inulit n'ya ang sinabi n'ya kahapon. Paggising ko palang ng umaga ngayong araw ay binigay n'ya agad saakin ang isang damit at fake baby bump, sinabi n'ya rin saakin ang plano n'ya.

"What the heck? Why do I— are you serious?"

Namewang s'ya sa harapan ko saka inayos ang suot n'yang salamin sa mata. Napahalukipkip naman ako sa pagkakaupo sa kama saka tumingin sa gilid ko.

"You need to do this, you promised me yesterday." Tinignan ko ulit s'ya na nakakunot ang noo. Hindi ako sure kung nangako ako pero dahil sa sobrang desperasyon ay hindi imposible ang sinasabi n'ya.

"You didn't really want to help me."

"No, I want to help you. Gusto talaga kitang tulungan kahapon kaya tinulungan nga kita. I am just asking for a little favor here."

Nilingon ko ulit ang fake baby bump na nakalagay sa kama.

"Little favor?" Hindi makapaniwala na tanong ko. "I am 23 years old and a hopeless romantic, how can you stop me someone else's wedding?"

Sa tingin ko, imposible ang hinihiling n'ya. Ang to think na kaibigan n'ya ang ikakasal mamayang gabi? Paano n'ya magagawa yon sa kaibigan n'ya?

"But Ms. Tracy— how about your dad?" Nagbago ang tono n'ya, tila nagbabanta. "You want to assure his safety, right?"

I clenched my fist. Gumuho ang magagandang tingin at pagkakakilala ko sakanya.

"Don't think like I am using your situation to ask for a favor. I am a well known selfish businessman but I will make an exemption to you. Walang mawawala sa'yo, sinisigurado ko yan. Gagawin ko lahat para maprotektahan at masiguradong ligtas kayo ng ama mo. You will benefit here, ang kailangan mo lang gawin ay pigilan ang kasal nila."

Hindi ko alam kung nasaan ang hindi paggamit sa sitwasyon ko ang tinutukoy n'ya. I don't want to stop anyone's wedding after all ang pangarap ko talaga ay makasal sa taong mahal ko kaya paanong magagawa kong— shit, but dad is in danger. Our lives.

"Shit, shit, shit."

"Kung ayaw mo, maghahanap ako ng ibang gagawa ng plano mo. Pero hindi ko masisigurado na tutulungan pa kita, I want giving and taking favors."

Hindi ako makapag-isip nang maayos, napepressure ako. Pumikit ako nang mariin habang humihingi ng tawad in advance sa kaibigan n'ya. Huminga ako nang malalim.

"B-But why do I need to stop it? He's your friend!"

"Ah..."

Tinanggal n'ya ang salamin n'ya at napansin kong wala naman iyong grado hindu tulad ng suot n'ya kahapon, napansin ko rin na iba na ang kulay ng mata nya ngayon. He's wearing a contact lense.

"I understand that you're helping me so you want me to help you too but I want to make sure about your motive."

Isinabit n'ya ang salamin sa bulsa ng suot n'yang polo. Nagkamot s'ya ng batok na para bang stress na stress at ayaw sabihin iyon saakin.

"Kahapon pa ako nag-iisip kung paano ko mapipigilan ang kasal nila, nang makita kita at tulungan kahapon, naalala ko kung gaano ka-istrikto ang mga angkan nila sa pag-aasawa at pananagutan kaya—"

"That's not what I am asking!" Frustrated na rin na tanong ko. Isa akong malaking hangal. Payag na rin naman ako pero gusto ko pa ring malaman ang totoo na para bang kapag hindi maganda ang narinig kong sagot ay uurong ako.

"What?"

"Why do you want to stop the wedding?"

"Because I..." Tumingin s'ya sa ceiling na parang nandoon ang sagot sa lahat ng tanong ko. "I am... in love with the bride." Pikit matang pag-amin n'ya.

Kahit medyo expected ko na baka ganoon ang isagot n'ya ay nagulat pa rin ako.

///

Malaki ang simbahan habang tinitingnan ko iyon mula sa labas palang. Maganda at bongga. Bukas ang pinto kani-kanina kaya naman kita ko ang ayos noon, enggrande. Night wedding, very romantic.

Kabadong-kabado ako habang nakatingin mula sa bintana ng sasakyan. In-assure saakin ni Jveo na walang isa man na reporter doon, wala rin ang mga taong pinagtataguan ko. Wala na naman akong choice kaya gagawa na naman ako ng isang malaking bagay na pwede kong pagsisihan sa huli.

Pero wala akong ibang magagawa bukod dito. I want our safety.

Hinimas ko ang tumbok sa tiyan ko sa ilalim ng dress ko. Kung susumain ay para akong anim na buwang buntis dahil dito. Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang lumingon ulit ako sa simbahan at nakitang dumating na ang bridal car.

Pinaandar ko ang kotseng pinagamit saakin ni Jveo at nag-park sa gilid ng simbahan. Nanginginig akong bumaba sa sasakyan. Napakaliwanag ng paligid, bukas lahat ng ilaw sa palibot ng simbahan kaya hindi ako nahihirapang makakita.

Naririnig ko ang tugtog mula sa loob at, bumukas ang dalawang pintuan ng simbahan at naglakad ang bride, yumuko ang ng konti habang nakatingin roon. Sinarado na ulit ang pintuan pero nakita ko na marami nang tao sa loob, halos mapuno iyon.

Gustong-gusto ko nang umatras habang naririnig ang tugtog habang naglalakad sa aisle ang bride. Pero pumapasok sa isip ko si dad. He's a good man. Nakagawa lang s'ya ng mga maling desisyon. Nasaktan lang s'ya but he's a great father to me.

Patuloy akong nananalangin hanggang makatayo ako sa harap ng saradong simbahan. Nagsign of the cross pa ako habang taimtim na humihingi ng tawad saka tinulak pabukas ang pinto.

Sobrang liwanag ang bumungad saaking mata kaya naman bahagya akong nakapikit. Nagmulat ako nang makarinig ng mga bulungan at napansin na lahat ng atensyon ay nasaakin na.

Naglakad ako sa aisle habang deretso at taas ang noong nakatingin sa harap.

Lahat tayo ang nagiging biktima ng pangit na kapalaran. Lahat tayo ay nagkakaproblema nang malaki pero merong kasabihan na dapat maging matatag ka at matapang kung gusto mong manatiling buhay.

Lumakas ang mga bulungan, lahat ay tinatanong kung sino ako. Hahawakan sans ako ng mga bodyguards nang senyasan ko ang mga ito habang dahan-dahan tumutulo ang aking mga luha. Sumenyas ang isang matandang babae sa mga ito kaya nagsilayuan sila saakin. Kahit nagtatala s'ya ay tila gusto n'ya pa ring malaman ang dahilan ko ng pag-agaw ng atensyon nilang lahat.

Unang pumasok sa isip ko ay ang magandang mukha ng bride, nawala ang kanina ay matamis n'yang ngiti. Ang ganda-ganda ng gown n'ya ang ang kasal na to ay ang masasabi kong pangarap ng maraming mga kababaihan. Nangunguna na ako roon.

Sa tabi n'ya ay ang groom na nakakunot ang noo habang nakatingin saakin. Ang brown n'yang mga mata ay para bang binabasa ang hanggang sa kaloob-looban ko. Nag-iigtingan din ang panga n'ya at kita ko ang kuyom ng kanyang kamao.

"What are you doing?!" Asik agad saakin ng bride na bahagya pang lalapit sana saakin pero hinawakan s'ya sa braso ng groom na ngayon ay nakatutok na sa tiyan ko ang atensyon.

"Julianna!"

"Miss, leave! Are you nuts? Don't you see what is happening here—"

"I know." Medyo paos na sabi ko, lumunok ako habang nanginginig sa mga luha na patuloy umaagos mula sa mata ko. "It's your wedding, right?"

Hindi nagsalita ang groom, nakatingin lang s'ya saakin. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan sa uri ng tingin n'ya. Siguradong hinuhusgahan n'ya ako. Kung hindi n'ya ako kilala, he's probably thinking that I am just some random girl in a club na nabuntis n'ya, or isang babae na ni hindi n'ya kilala at hindi nakatalik pero gusto syang siluin sa leeg.

"Guards!" Sigaw ng bride at hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso.

"You can't marry her, Rajiv!" Sigaw ko habang humihikbi.

I am sorry, I'm sorry. Sorry for messing up this. Sorry, I don't have a choice.

Iyak ako nang iyak pero sigaw din ako nang sigaw. Nagawa ko na kaya hindi na ako pwedeng sumuko pa.

"I am... I am carrying your child, you can't marry someone else! Nangako ka saakin na ako ang pakakasalan mo! Paano na ang batang dinadala ko!"

Nagsinghanapan ang mga tao sa paligid at napatingin sa groom na ngayon ay mukhang galit na pero wala pa ring sinasabi.

Patuloy ang paghila saakin palabas at naramdaman ko ang sakit sa aking braso, gayunpaman ay hindi ako tumigil.

"Rajiv! You promised! You can't just marry someone else! Rajiv!"

Napalabas ako sa simbahan at nagmamadali akong pumasok sa sasakyan saka iyon pinaandar. Pinanood lang ako ng mga body guard na makaaalis, siguradong masyadong shock ang mga tao para isipin pang humabol.

Nagtagumpay ako, siguradong hindi na tuloy ang kasal ngayon. But I am aware that it's not something to be proud of. I am a romantic woman who just ruined a wedding. Really? Life is so ironic.

Umiiyak pa rin ako habang nagmameho. Chineck ko at wala ngang nakasunod saakin.

Nang mag red light ay agad kong tinawagan si Jveo.

"Is it successful?"

"Y-Yeah..." Gusto ko syang suntukin nang deretso at hard sa oras na to pero nagmamahal lang din naman s'ya.

"Good. Now, go to the Lighnien Building, sa rooftop, naroon ang private helicopter ko. Nandoon na rin ang tauhan ko, s'ya ang magpapalipad n'yan at dadalhin ka sa ligtas na lugar habang inaayos ko naman ang sa dad mo."

"S-Salamat." Lumabas nang kusa sa bibig ko. Kahit naiinis ako ay tunutulungan n'ya naman talaga ako at iyon ang goal ko. Sisinghot-singhot ako habang naghihintay ng sasabihin n'ya pa.

"No, it's a thank you. You did well, thanks."

Sinunod ko ang sinabi n'ya at lumapag ang helicopter sa isang isla na merong ilang kabahayan, ang pinakamalaki ay ang pag-aari daw ni Jveo at doon ako tutuloy kasama ang isang katulong, kumpleto na ang mha kakailanganin ko at ang dapat ko nang hintayin ay ang ligtas na pagdating ni dad, ayon na rin sa pangako ni Jveo.

Isang linggo na ako ay hindi ko magawang lumabas kahit alam ko na na ligtas ako, hindi maalis sa isip ko ang ginawa kong pagtigil sa kasal at ang guilt ay unti-unting kumakain saakin.

Nakaupo ako sa sala ng bahay, rinig ko mula sa labas ang hampas ng alon ng dagat dahil medyo malapit lang kami roon. Nagpaalam ang katulong na mamimili sa malapit lang na pamilihan habang ako naman ay nagbabasa ng libro, ang tanging mapaglilibangan ko dahil wala namang kuryente.

May kumatok sa pinto at tinatamad kong inilapag ang libro sa mesa.

"Wait lang!"

Patuloy ang pagkatok at palakas pa ng palakas. Nakaramdam ako ng inis, naging mainitin ang ulo ko dahil halos hindi ako makatulog nang maayos. Bukod sa pag-aalala kay dad ay halos bangungutin ako gabi-gabi ng naudlot na kasal nang nakaraang linggo.

"Wait nga ano bang—"

Napahinto ako sa pananalita at natanggal ang inis sa muka, napalitan iyon ng gulat at takot nang bumungad sa harapan ko ang taong laman ng ala-ala at bangungot ko.

Isasarado ko sana ang pinto pero tinulak n'ya iyon nang malakas at napabagsak ako sa sahig habang nanlalaki ang mga mata. Nanginig ang katawan ko sa kaba habang pilit iniiwasan ang mapanghusga niyang kulay kayumangging mga mata.

Those brown eyes...

"R-Rajiv..."

Sambit ko sa naaalala kong pangalan n'ya.

Umupo s'ya sa harapan ko saka ngumisi nang mala-demonyo.

"So it was you... The 'pregnant woman' who stopped my wedding."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status