Share

THIRD

NAKAYUKO AKO HABANG NAKAUPO.

Nasa harapan ko na sya, totoong totoo. Hindi nalang basta gawa ng imahinasyon ko dahil sa guilt.

"When are you going to speak?" Napakislot ako nang magsalita sya. Magkaharap kaming nakaupo sa upuan. Kahit naman sya ay ngayon lang din ulit nagsalita matapos nya akong mahuli sa pagtakbo ko sana kanina. Pinilit nya akong umupo sa isang upuan, siguro ay hinihintay ang sasabihin o paliwanag ko.

Pero wala akong sasabihin. Wala akong masasabi. Hindi ko pwedeng ilaglag si Jveo lalo ngayon na alam ko talagang ginagawa nya ang best nya, malapit ko na ring makasama si dad ayon sa kanya.

Looking at Rajiv, hindi ako nagtataka na nandito sya. Their family name is known in the business world. Alarcon, included as one of the wealthiest family in Asia at ang kaisa-isang tagapagmana ng lahat ng iyon, one of the wealthiest bachelor in the Philippines--- Rajiv Xen Alarcon. Wala akong alam sa mga may kinalaman sa business pero nang matapos kong pigilin ang kasal nya, hindi ko maiwasang magtanong kay Jveo ng mga tungkol kay Rajiv.

Tumingin ako sa librong nasa harapan ko at nakalapag sa mesa. Nakatitig lang ako roon sa ilang minuto hanggang sa may kamay na kumuha roon kaya napasunod ako ng tingin.

Tumaas ang kilay nya habang nakatingin sa pamagat. Bahagya pa syang ngumisi saka tumango-tango.

"Obsession by Karen Robards." Tumingin sya saakin, pinilit kong salubungin ang mata nya. Kinaya ko naman pero nanginginig pa rin ako deep inside. "Have you finished this?" Umiling ako. "This is a great book."

"Rajiv I can't tell you---"

"Do you know that this is a romance-thriller book? That Katherine Lawrence is different from Katherine Lawrence." Hindi ko maiwasang tumaas ang kilay ko.

Binasa ko ang nasa likod pero naguguluhan pa rin ako. All I know is the book seems so interesting. It has something to do with CIA stuffs. Pero page 71 pa lang ako, naguguluhan pa ako sa mga pangyayari. I also love reading books and I hate spoilers.

"Stop." I said bravely but he continued.

"The protagonist is Jenna, disguised as Katherine and Nick as Dan. They are ---"

"What the heck, dude, stop spoiling that great book!" Sigaw ko.

Tumingin sya saakin at natigilan naman ako. Nawala ulit ang tapangsa mukha.

"You can scream at me. I think you can explain too."

Patay na. Napipi na naman ako. Basta hindi ako magsasalita kahit anong mangyari.

Pumikit ako at nagmamakaawang tumingin sakanya. Nilunok ko na ang lahat ng hiya ko tutal pumayag naman akong pumasok sa sitwasyon na 'to.

"You know my name, you know about my supposedly private wedding---"

"I really can't tell---"

"Why did you do that?" Hindi mukang galit ang mukha nya. He's on a poker face. Pero malamang ay pinipigilan nya lang ang emosyon nya, as of now, I think he wants to choke me already.

Tumayo ako. "If I need to do this... I will."

Lumapit ako at napuno ng pagtataka ang mukha nya kaya naman napatayo sya mula sa pagkakaupo. Pinapanood nya ang susunod kong gagawin.

Nang malapit na malapit na ako ay lumuhod ako sa harap nya. Tumingin ako sa mata nya habang nakayuko syang nakatitig saakin. Kita ko ang paggalaw ng Adam's apple nya nang lumunok sya.

Pero hindi ko inaasahan ang susunod nyang ginawa. Sinimulan nyang tanggalin ang suot nyang belt saka ihinagis iyon sa inuupuan nya kanina.

"Wait, what are you---"

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi ko maialis ang tingin ko sakanya dahil sa pagtataka.

"You wanna give me a blow job? Okay, fine." Ibinaba nya ang zipper nya. Nakanganga ako habang nanlalaki ang mga mata.

"Sorry po!" May sumigaw bandang likod nya. Napalingon ako sa katulong na tulad ko ay nanlalaki rin ang mga mata at pulang pula ang mukha dahil sa narinig.

Tumayo ako at agad na tinuhod ang gitna ng hita nya.

"Bastos!" Sigaw ko bago magtatakbo palabas. Nakaapak na ako sa lupa nang marinig ang malakas nyang sigaw.

"You! Woman! You'll pay for this!"

//

"DON'T WORRY, HE CAN'T COME HERE AGAIN." Alo saakin ni Jveo. Napilit nya akong bumalik sa tinutuluyan ko dahil sinabi nyang wala na roon si Rajiv. Nasabi na daw ng katulong ang nangyari kaya naman nagmamadali syang pumunta rito.

Hapon na at sa katatakbo ko kanina ay hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Basta nagtago lang ako sa lugar na maraming mga puno ng niyog. Nang makarating daw si Jveo ay wala na si Rajiv kaya ang sunod nyang ginawa ay pinahanap ako.

Nakatingin lang ako sakanya,  I know that tiredness is already visible on my face. Ang dumi ko na rin. Tumalikod sya saakin saka bahagyang yumukod.

"Sakay ka na." Wala na akong pake kahit muka syang mabango at malinis tapos ako naman ay madusing. Pagod na ako at hindi ko na kayang maglakad pa kaya naman sumampa ako sa likod nya.

Umalis na rin ang mga tauhan na kasama nya kanina sa paghahanap saakin.

"I am sorry for this. Wag kang mag-alala. Nakabanned na si Rajiv. Hindi na sya makapupunta pa rito kahit anong sasakyan pa ang gamitin nya."

"May kasalanan ako kaya hinahabol nya ako ngayon. Nagkita kami kanina tapos nadagdagan pa ang kasalanan ko." Naalala ko na naman na sinipa ko ang 'eggballs' nya. Sa inis na rin at takot, alam kong napalakas yon.

Tumawa si Jveo. "Ano ba kasi talagang nangyari? Wala naman nabanggit si manang kung anong napag-usapan nyo pero ang nasabi nya ay yung tinuhod mo daw yung..." tumawa na naman sya na parang naaaliw.

"Wala sya noong una e may binibili. Dumating si Rajiv tapos... pinagsasalita nya ako."

Kinwento ko ang lahat sa kanya. Pati na rin nang lumuhod ako bilang paghingi ng tawad pero iba pala ang nasa isip nyang balak kong gawin. Tawa lang nang tawa ang kausap ko pero ako ay hindi ko naiwasang kabahan.

Maimpluwensya syang tao at mayaman. Sa sandaling panahon ay nahanap nya ako dito sa isla kaya hindi ko maiwasang mag-alala na baka gantihan ako.

Problemado na nga sa safety namin ni dad, nagdagdag pa ako ng bagong tao na kelangan pagtaguan.

In-assure saakin ni Jveo na hindi na ako mapupuntahan ni Rajiv dito sa isla. Pero hindi lang pala pagpunta ng personal ang balak nyang gawin. Dahil nang mismong gabi rin na yon, balak kong uminom ng tubig pero nagulat ako sa tunog ng land line phone sa sala.

Nagdadalawang-isip pa akong sagutin noong una pero naisip ko na baka wala namang nakakaalam ng number non kundi si Jveo. Baka may tawag about kay dad o anuman.

Hindi ako nagsalita pero itinapat ko sa tenga ko ang phone. Hindi rin nagsasalita ang tao sa kabilang linya noong una pero halos maibagsak ko iyon nang bigla nitong binanggit ang pangalan ko.

"Tracy, right?" Nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar na boses at name ko ang binanggit nito.

"S-Sino to?" Kahit alam ko na ay gusto ko pa ring nakasigurado.

"Oh, you just kicked my balls and just forgot about me?" Ngumiwi ako. Dahan-dahan ko na sanang ibababa pero nagsalita ulit sya. "Don't you ever cut this call because I still have hundreds of thousands of ways to talk to you."

Tama sya. Kapag hindi sa phone call na ito, baka naman puntahan nya ulit ako rito para singilin ang MGA kasalanan na nagawa ko? And worst, malaman nya ang kalagayan ko ngayon at gamitin nya bilang advantage.

"I am really sorry Rajiv, hindi ko sinasadya yung kanina. Luluhod lang naman ako para humingi ng tawad e---"

"It's always 'i am sorry.' Sabihin na natin na nagkamali ako kanina kaya mo ginawa yon. Pero bakit mo pinigilan ang kasal ko?"

Hindi na talaga to matatapos. Mangiyak-ngiyak na ako, wala akong paliwanag don. "I can't really tell you."

"Okay. Then just help me. Kapag tinulungan mo ako ngayon, kakalimutan ko na yon at pati ang muntik mo nang pagtapos sa pagkalalaki ko kanina."

Kinabahan ako. Ayaw ko nang pumasok sa isang deal na mapapasubo ako gaya ng nangyari kay dad sa Henry na yon, maging sa sitwasyon ko ngayon.

"I can't ---"

"Kapag hindi ako pinatawad ng pamilya ko, gagawin kong miserable ang buhay mo." Walang emosyon ang boses nya, halos manlamig ako. Nandito na naman ako sa part na wala akong choice kung hindi ang pumayag.

Napakagulo na ng buhay ko. Sa pagpipilit kong maayos ay parang mas nadaragdagan ang gulo.

Bakit ba kung saan-saan ako napapasok?

"Ano ba yon? Kung kaya ko naman, s-sige." Pikit mata kong sabi.

"Kaya mo to kasi nagawa mo na. This role will fit you." Halata sa boses nito ang ngisi. "You just have to pretend that you are pregnant with my child?"

"What!?" I am furious!

"Istrikto ang family ko sa usapang pamilya. Nang lumabas ka sa kasal ko, hindi na nila inisip ang hindi natuloy na kasal kung hindi ang 'anak' ko na 'dinadala' mo. My grandparents are very angry at me. Pinahahanap ka nila saakin para 'panagutan' ka."

"You can always tell them that I am a scammer or what---"

"Tingin mo maniniwala sila saakin? Iniisip lang nila na inaabandona ko ang babaeng nabuntis ko at tinatanggi yon. Hindi sila maniniwala sa salita ko. Unless ikaw mismo ang magsasabi?"

"No!" Mabilis kong sabi. Umiling pa ako na para bang nasa harapan ko sya. Mayaman sila at sikat ang kinabibilangang pamilya. Kung umamin ako tungkol sa nangyari, sigurado akong makukulong ako o kung hindi naman ay mababalita. Hindi pwedeng mangyari yon, may pinagtataguan akong mga tao.

Kung sakaling magmakaawa, hindi rin ako sure kung papayag sila.

"So it's a deal then? I know I am banned already to that island. Masyado rin naman akong busy ngayon kaya hindi muna kita 'dadalawin.' I called because I heard that mom already located you. You'll meet them face to face tom." Anito saka ibinaba ang tawag.

Napaupo ako sa sahig saka natulala. Hindi ako makakaalis sa isla na to ngayon. Nagpaala din si Jveo na magiging busy sya kaya naman baka hindi ko sya macontact ng dalawang araw pagdating nya sa Maynila. Sya nalang daw ang ko-contact saakin.

Hindi ako makakaalis sa isla na to. Pupuntahan ako ng parents ni Rajiv at higit sa lahat, kailangan kong magpanggap na buntis at karelasyon nya.

Sinabunutan ko ang sarili ko.

"Shit, kailan ba to matatapos? Argh!"

Sa pagod kaiisip, nakatulog na ako sa kwarto. Kinabukasan ay antok na antok pa ako pero maaga akong nagising. Naghilamos lang ako at toothbrush. Naghihikab pa ako habang papunta sana sa kusina para magtimpa ng kape nang marinig kong may kausap si manang.

Parang slow motion naman na lumingon ako sa sala at ganon nalang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ang mga di inaasahang bisita.

Muntik pa akong mapamura nang magtagpo ang mata namin ng isang pamilyar na babae.

Ngumiti saakin ang ginang na siguro ay nasa edad otsenta na, estimate ko lang pero hindi naman ganoon katanda tingnan. Kahit nakaupo ito sa isang upuan na gawa sa rattan ay halatang mayaman ito ay sosyal, nagkikinangan pa nga ang perlas na kwintas nito.

Dahil doon, sumunod ang tingin ng tatlo pang mga katao. Bale dalawang babae at dalawang lalaki sila.

Parang gusto ko na ulit matulog or bigla nalang maglaho. Napatingin silang lahat saakin, sunod ay sa tiyan kong matambok dahil nilagay ko ang fake baby bump kagabi, susukatin ko lang sana ulit pero nakatulog na ako.

"Oh, hija, gising ka na, buti naman."

Shit, shit, shit.

Omg no. Sana panaginip lang lahat to. Sana hindi totoong kaharap ko ngayon ang  parents at grandparents ni Rajiv!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status