Share

SIXTH

GAYA NG INAASAHAN KO, WALA TALAGA SYANG PAKE SAAKIN. Hindi naman sa gusto kong magkaroon ng pake dahil alam ko para saan kami nagpakasal.

But he's too cold. He's colder than before. Or baka ganito naman talaga sya noon pa?

Isang linggo na kaming magkasama pero ni hindi nya ako kinakausap. Parang hangin lang akong dumaraan sakanya. Pero noong isang araw naman na dinalaw namin ang lola nya sa bahay nila, kung makakapit sa bewang ko e parang mawawala ako.

I was almost deceived. The way he snakes his arms around my waist screams possessiveness. Medyo mahina na ang lola nya at hindi na gaanong nakakalakad kaya naman nang yayain nya ako sa garden na kaming dalawa lang ay tinulak ko sya.

Kasama ni Rajiv ang mga pinsan nya non sa sala at nang makita nyang magkasama kami ng lola nya ay tiningnan nya ako nang makahulugan.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng lola nya non. Matapos ang matagal na katititig sa mga halaman habang ako ay nakatayo sa likuran nya, biglang nagsalita ang lola ni Rajiv.

"My grandson is lovable person, isn't he? He's cold when it comes to business and other people but he's possessive on his love ones."

Hindi ako sumagot non. Hindi ako nag-agree o kumontra. Basta naghintay lang ako sa iba pa nyang sasabihin.

"Hindi na ako magtatagal sa mundo. Pero masaya akong aalis dahil alam kong may kasama na ang apo kong 'yon. I have a favor for you. Please don't leave Rajiv. Kung sakaling magkaroon kayo ng away o tampuhan, pag-usapan nyo dahil ganon naman talaga ang mag-asawa. Do not leave him and give him many kids. Kahit hindi nya sabihin, alam kong nalulungkot sya na mag-isang anak lang sya. Nagpapasalamat ako dahil meron pa rin syang mga kaibigan."

Nakinig lang ako non. Sa mga sinasabi nya, sa mga payo nya, sa mga pabor nya. Hanggang sa dumating na si Rajiv at inaya kami sa loob.

Na-touch ako sa mga sinabi ng lola nya. Ang balak ko non e kausapin sya kahit papaano at maging mabait. Ang kaso, pagkauwing-pagkauwi namin e pinalinis nya saakin ang pool dahil trip nya daw mag-chillax mamayang gabi at magswimming.

Bigla na naman tuloy kumulo ang dugo ko at binigyan sya ng walang humpay na pag-irap.

Hanggang sa ngayon nga na isang linggo na kami dito sa bahay hindi kami talaga naging okay.

Malaki ang bahay ni Rajiv. Hindi naman kalayuan sa bahay nila. Katunayan, dalawang subdivision nga lang ang pagitan. Merong tatlong palapag at napakalawak. Halata sa loob na walang tao lagi.

Sabi nya nga, sya lang mag isa at nagpapalinis lang minsan, ni walang kasambahay. Ngayong nandito na ako e ako na ang gumagawa ng gawaing bahay. Sobrang lawak pero hindi naman dumihin kaya di matrabaho.

Ang problema ko lang ay hindi ako marunong magluto. Narealize nya na yata yon nung unang araw namin dito at pinagluto nya ako pero nahiwa ako. Ending, nagpapadeliver sya ng pagkain mula sa resto ng isa nyang kaibigan.

Napapraning pa nga ako nung una kasi nga e baka masundan ako rito ng mga tauhan nu Henry. In-assure nya ako na matibay ang security dito sa subdivision at safe na safe dahil pinababantayan nya maging ang galaw nila Henry.

"Acy!" Napairap ako nang marinig ang palayaw ko mula sa kanya. Nandito na pala sya, nakauwi galing opisina.

Ngayon nya lang ako tinawag at palayaw ko pa talaga. Saan nya kaya nalaman yon?

Pero mukang ang mas magandang tanong ay: ANO PA BA ANG HINDI NYA ALAM SAAKIN?

Gaya ng gusto nya, umalis ako mula sa pagkakatunganga ko sa harap ng mini bar at pinuntahan sya. Nakatayo sya sa sala at kaagad tila nakahinga nang maluwag nung makita ako.

Hindi man totoo, gusto nya pa rin na maging isa akong mabuting maybahay kaya nilapitan ko sya saka kinalas ang neck tie nya. Nakatitig sya saakin kaya naman naiilang ako. Bakit ba ganto sya makatingin ngayon? Sya nga tong nagsabi saakin na dapat pagdating nya e salubungin ko sya at tanggalan ng necktie.

"Ano bang tinitingin-tingin mo dyan?" Masungit na tanong ko. Inabot ko sakanya ang tinanggal kong tie.

"I thought you left the house."

"Bakit naman ako aalis?"

"I don't know." Nagkibit balikat sya saka umupo sa sofa. "Everytime I came home for the past days, you're always here in the living room. Sitting in this exact place." Iminwestra nya pa ang kinauupuan nya. "Reading a book while sipping your coffee."

Napaisip ako. Napapansin nya pala yon? Mahilig kasi talaga akong magbasa at uminom ng kape sa umaga at gabi. Sakto naman na uuwi sya sa gabi ay ganon nga ang ganap ko. Madalas pa naman na uwi nya ay alas syete ng gabi dahil minsan ay 9 or 10 am na rin naman sya umaalis.

But today's different. I feel like I don't wanna drink coffee but drink wine instead. Para bang may hinahanap-hanap ako. Para may inaasahan akong kakaiba. Siguro dahil masyado nang monotonous ang buong linggo ko.

Nagkibit balikat ako. "I am bored as hell. Wala naman akong makausap. Tinatamad akong magbasa ngayon."

Hindi mo rin naman ako kinakausap nang mga nakaraang araw. Kaya nga kataka-taka na may dila ka naman pala ngayon.

"You... your hair is now on curl."

"Ah, yes. I am bored, I told you."

Pati buhok kong kinulot, nakita. Hindi na yata ako hangin ngayon?

"It suits you."

"Ano yon?" Nag-iwas sya ng tingin. Nabingi ata ako. Or namali ng dinig. Sinabi nya nga bang bagay saakin to? Parang imagination ko lang nga.

Tumingin na sya saakin, halatang hindi alam ano ang sasabihin or kung may dapat nga ba syang sabihin. Ano pa bang aasahan ko sakanya? Matapos ang cold treatment nya ng buong isang linggo e biglang magbabago na parang magic lang? Katol pa more. Krimstix? Imagination ang limit?

Tumayo na ako at tumalikod papunta sa kinalulugaran ng landline phone. "Anong pagkain mo? I don't have the appetite to eat tonight---"

"Actually, nag-order na ako." Nilingon ko sya dahil sa gulat sa lakas ng boses nya. Nasa likod ko na pala sya at may hawak syang dalawang paper bag na may logo ng restaurant ng kaibigan nya. "Baka kasi nagugutom kana rin kapag dumarating ako ng late so from now on, you don't need to eat with me. Ikaw ang bahala mag order ng gusto mo at kumain kahit wala pa ako."

Hindi ako nakaimik sa gulat. Just what the hell? Sya tong napakaraming demands pagdating palang namin dito. Ngayon, babawiin nya? Hindi na kailangan na sabay kaming kumain?

Omg yes, magugutumin pa naman talaga ako. 5 or 6 pm pa lang gusto ko na mag-dinner. But---

"Where the hell is the real rajiv Xen Alarcon?"

"Excuse me?" Lumakad sya papuntang kusina at nakasunod lang ako.

"Who are you and where did you hid Rajiv's body? Tell me. Because I don't think the real Rajiv will just change his rules after thinking that I might be already hungry while he's still in his company so..."

Sya ang kumuha ng mga plato at nag-ayos ng pagkain sa mesa. Napakarami niyon at hindi lang mukang pang-dinner. Bukod sa isang buong manok, rice, dalawang coffee lattè, fruit salad at shanghai, may isa pang di kalakihang chocolate cake na inilagay nya sa ref.

"Ikaw ata ang gutom eh."

"Just eat." Umupo sya at nagsimula nang kumain. Kahit napapantastikuhan ay kumain na rin ako.

Mukhang may magic nga ata.

Hindi ko gaanong pinansin ang kabaitan nya ngayon dahil baka mausog pa. Kumain nalang ako at nag-enjoy. Ngayon nalang ulit ako nakakain ng shanghai dahil usually, kumakain ako nito kapag may handaan non sa bahay. Kapag wala kasing celebration e parang nakakatamad kumain neto. Pero ngayon ay mukhang na-miss ng panlasa ko.

Medyo nakakahiya dahil nakain ko na ang kalahati ng nakalagay sa mangkok pero bitin pa rin ako. Wala pang nakakain si Rajiv kahit isa kaya naman hindi na ako kumuha pa.

Sumimsim nalang muna ako ng coffee lattè habang masamang nakatingin sa shanghai na mukhang kumakaway pa saakin.

Nang mapatingin ako kay Rajiv ay nakatingin na sya saakin habang nakataas ang kilay. Inalis ko ang tingin sakanya pero inusog nya bigla ang mangkok ng shanghai.

"What are you doing? You need to eat that. Ubusin mo yan dahil hindi naman ako kumakain nyan."

Imbes na mainis ngayon sa masungit na tono nya ay napangiti pa ako. Nilantakan ko na ang shanghai hanggang sa maubos ko..

Nang matapos ay hinintay kong sya naman ang mayari dahil liligpitin ko pa ang mga pinagkainan.

Gaya ng inaasahan, hindi naubos ang pagkain kaya nilagay ko ang mga iyon sa ref. Nilinis ko ang mesa pero sya ay nakatayo pa rin sa tabi.

"What?" Tanong ko nang sisimulan ko na sana ang paghuhugas.

"After that, go to the third floor's balcony." Tumango ako saka sya umalis.

Siguro ay may iuutos or ibibilin. Pwede rin naman na may pupunahin. Tapos na siguro ang kabutihan nya for this week. Minuto lang ang tinatagal tapos expired na kaya naman hinanda ko ang sarili ko sa kung anumang pwede nyang sabihin.

Nang makarating sa 3rd floor ay dumireto ako sa balcony. Nandoon sya at nakaupo sa sofa habang nakatingala. Pero nang mas lumapit, nakita ko lalo ang itsura nya. Nakadipa ang magkabila nyang kamay sa ibabaw ng sandalan at maging ang ulo nya ay nakapatong don habang naapikit ang mga mata.

Tulog pala sya, taliwas sa iniisip ko noong una na baka pinapanood nya amg mga bituwin.

Pero in fairness, napaka kapal talaga ng kilay ng lalaking ito, mahaba ang pilik mata at napakatangos din ng ilong. Bahagya pang nakaawang ang mapula nyang labi at kitang-kita ko ngayon ang leeg nya pati ang tumbok ng Adam's apple nya. Mukha syang soft person kapag natutulog. Lalo na kapag nakikipagtitigan sa brown nyang mga mata.

Naaalala ko nung una ko syang nakita sa simbahan. Ang iniisip ko non, halatang galit sya dahil sa inudlot kong kasal pero gwapo pa rin naman sya. Ngayon, hindi pala sapat na tawagin syang gwapo lang. Napakaperpekto ng itsura nya. Maging mga nunal nya sa mukha e pogi. Hindi ko lang madalas i-appreciate kasi puro kasamaan ng ugali at kawalang-modo nya ang pinakikita nya saakin.

I already saw his body too. Noong gabi matapos ang kasal namin ay nakita ko ang maganda nyang katawan. Wala talaga maipipintas sa pisikal na anyo nya. I even tasted that red lips already too.

"It's weird staring at sleeping people." Nakapikit pa rin sya nang biglang magsalita. Napatalon ako at mabilis na umupo sa katabi nyang sofa.

"Why are we here?" Tanong ko nalang. Mula sa peripheral vision ko ay kita kong gumalaw sya mula sa pwesto nya kanina.

"Did you know that today is August 27?"

Sumimangot ako. "August 27. Friday. Yeah, yeah, I know. We have calendars here." Walang gana ko syang tiningnan.

"Do you want to talk to your dad?"

Napatayo ako at isang iglap ay nasa harapan ko sya. "Wow! Really? I can talk to him right now?" Tumango sya habang nakatitig lang saakin. "Ofcourse, I would love to!"

"I already know who's protecting him." Nawala ang ngiti ko. "I already talked to him at sinabi nga ni Jveo na pwede mong kausapin ang dad mo ngayon. Fortunately, nakahanap sya ng paraan para i-block ang existence ng isa nyang phone sa kahit na anong system kaya ligtas na kahit mag-communicate kayong mag-ama."

Hindi ko alam ang irereact. Masaya ako dahil doon pero nalaman nya nga ang tungkol kay Jveo. Malamang alam nya na rin na ang kaibigan nyang yon ang nag-utos saakin na pigilan ang kasal nila.

I don't like Jveo at first because I feel like he used my situation. Pero tinulungan nya ako at dahil sa pag-ibig nya kay Julyanna kaya nya naman nagawa yon. I also don't like Rajiv because of his coldness. He even blackmailed me!

But he's helping me right now. They helped us at hindi nila deserve masira ang friendship nila.

"About Jveo, I can't say don't be angry at him but please let him---"

"Do not explain for him." Nakagat ko ang labi ko at tumungo. Inabot nya saakin ang cellphone nya na ngayon ay nagri-ring ang nasa kabilang linya. "Thank you."

Lumakad ako papunta sa sulok mg balkon saka tumitig sa mga ilaw ng mga bahay sa ibaba.

"Hello?"

Agad namuo ang luha ko nang marinig ang boses ni dad. It's been more than a week since I last heard his voice. Wala na akong nararamdaman kahit na maliit na tampo, ang nararamdaman ko ay pangungulila.

Kami nalang dalawa ang magkasama. Ngayon ay kailangan pa naming maging malayo sa isa't-isa.

"Dad..." nabasag ang boses ko at rinig ko agad ang pagsinghot nya. "After this mess, I promise to hug you 100 times!"

"I am still sorry for what happened but I promise to be a better father."

Sandali pa kaming nagkamustahan. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. Usually flashbacks when mom's still alive.

Nang magpaalam tuloy sya dahil late na raw ay saka ko na realize na umiiyak ako habang nakangiti.

"We can talk again tomorrow then the next day, next next day, next next next day..."

"Yes! Manifesting!" Masigla kong sigaw. "Goodnight, dad. Take care. I love you."

"I love you too, Acy. Good night. Don't let bed bugs bite."

Tumawa ako nang mahina saka ibinaba ang cellphone. Pinunasan ko ang luha ko saka humarap kay Rajiv.

"Thank you. Eto phone mo." Pero hindi nya iyon tinanggap. Nakatitig lang sya saakin saka tumayo.

"Sayo na yan. Use that to talk to your that so you won't be bored again."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Pero mas hindi ako makapaniwala sa susunod nyang ginawa.

Bigla nya lang naman pinunasan ang mga luha ko sa mukha gamit ang kamay nya. Nang matapos ay parang napapaso syang lumayo saakin.

"T-Thanks."

Para akong kinuryente. Hindi ko tuloy alam kung tama pa ba ang ginagawa ko ngayon sa haral nya. Pakiramdam ko kasi nakalutang ako ngayon.

Ang kaso, bigla syang umalis. Parang gusto  ko tuloy matawa nang mahina habang tinitingnan ang dinaanan nya. Bumalik ako sa harapan ng balkonahe at humawak sa harang niyon. Tiningala ko ang mga bituwin, ang gaganda kami. Ang daming bitwin at kumikinang silang lahat.

Parang si Rajiv lang. Kumikinang-ina.

Siguro naman ngayon e expired na talaga ang kabaitan nya saakin?

Busy ako sa pagtingin sa taas nang marinig ko ang boses nya.

"Do you know what date today is?" Pasimple kong tiningnan ang oras sa cellphone na hawak ko. 12:01 am. August 28 na.

Hindi ako umimik. Naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na sya.

"Today is August 28." Humarap ako, balak ko sana syang tarayan at sabihan na aware naman ako pero sinalubong ako ng nakangiti nyang mukha.

Ikalawang beses kong makita ang genuine smile nya habang may hawak syang chocolate cake sa harapan. May nakasindi rin doong kandila.

"A-Anong---"

Hinalikan nya ako nang mabilis sa pisngi. Ngumiti sya kasabay nang mabilis na pagtibok ng aking puso ay nagwala ang aking sistema.

"August 28, happy birthday, wife. Now, make a wish."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status