Share

Chapter 2

CHAPTER 2

            ‘Joana, please. Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. Baka kapag hindi ko ‘to ginawa, mamamatay ako.’

            Iyon ang mga salitang binitawan ni Jonelyn nang makiusap ito sa kanya na pansamantalang palitan niya ito sa pagpapakasal kay Castiel Revamonte. Hindi na raw nito kinakaya ang pagmamanipula ng kanilang mga magulang sa buhay nito.

            Naiintindihan niya ang kapatid dahil iyon din ang dahilan kung bakit sa edad na disi-otso ay naglayas siya sa bahay nila. Binuhay niya ang sarili, pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Lumipad siya papunta ng Canada para doon mag-aral ng kolehiyo.

            Noon pa man ay siya na ang rebelde sa pamilyang Interino. Siya ang matigas ang ulo, palasagot at pilya. Habang si Jonelyn naman ang mabait na anak, masunurin.

Magkaibang-magkaiba sila mula sa pananamit at sa ugali.

            Mabuti na lang at nasa Maynila na siya nang umiiyak na tumawag ang kanyang kapatid. Agad siyang nag-file ng leave sa Vesarius Airline kung saan siya nagtatrabaho bilang piloto at umuwi sa Camarines Sur.

            Nagkita sila ng kakambal sa Mall ng probinsya at doon nagpalit ng pagkakakilanlan.. Walang ibinigay na eksaktong lokasyon kung saan pupunta ang kakambal niya. Basta ang sinabi lang nito ay gusto nitong magbakasyon dahil sakal na sakal na ito sa kanilang mga magulang.

            Nang umuwi siya sa bahay ng mga Interino, sinalubong siya ng make-up artist dahil kasal na raw niya ng araw na iyon. Natagpuan na lang niya ang sarili na ikinakasal kay Castiel Revamonte na ewan ba naman niya kung bakit ang talim-talim ng tingin sa kanya nang mga panahon na iyon.

            Iyon pala ay dating syota ito ng kakambal niya. Nalaman niya sa mayordoma ng Ancestral House ng mga Revamonte na ipinagpalit “niya” si Castiel sa ibang lalaki matapos perahan.

            Gusto niyang sabunutan si Jonelyn sa pagtataka kung bakit nito iyon ginawa. Hindi ba naibibigay ng mga magulang nila ang mga pangangailangan nito?

            The Interino’s owned most of the supermarkets in town. At ang alam niya, bukod sa mga negosyo ng mga magulang ay may mga pera itong nakalagak sa bangko. Nalaman niya iyon nang minsang walang pahintulot na nakapasok siya sa opisina ng ama dahil tinataguan niya ang ina niyang pilit siyang pinapasuot ng dress noong fifteen siya.

            Nakakita siya ng passbook na milyon-milyon ang laman. Naiintindihan niya ang mga iyon dahil palagi niyang nakikita ang panganay na kapatid ng kaibigan niya sa eskwela na nagco-compute ng mga ganon.

            Her parents should pamper her twin because she is a good daughter. 

            Sinigurado niyang naka-lock ang pintuan ng closet bago niya binuksan ang pinakaibabang cabinet. Hinalungkat niya ang mga damit na naroroon bago kinuha ang maliit na bag na naglalaman ng mga dokumento at ID niya.

            She is Captain Joana Interino, one of the best pilots of Vesarius Airline.  

            Kinuha niya ang cellphone na itinago niya roon matapos mag-text sa kanya ang kakambal na gusto na nitong bumalik matapos ang ilang buwan.

            Natakot siya at nahiya dahil pakiramdam niya ay sinulot niya ang asawa nito.

            Nahulog siya kay Castiel. Mahal na mahal na niya ang lalaki na hindi naman dapat. Tinuktukan niya ang sarili dahil hindi niya dapat iyon ginawa!

            ‘Bakit hindi kita ma-kontak? Is there any problem?’ ang huling text message sa kanya ng kakambal matapos ang sandamakmak na tawag.

            Bahagya pang nanginig ang kamay niya nang mag-reply siya sa text. Nagdahilan na nag-iingat siya dahil palaging nasa paligid si Castiel.

            Ilang sandali pa ay tumawag ito. Nagkausap sila na next two weeks pa raw ito makakauwi. Nang tanungin niya ito kung bakit hindi niya makontak nitong nakaraang buwan, pasimple na iniwas nito ang usapan.

            Marami siyang gustong itanong. Katulad ng hindi nito pagsabi sa kanya na may anak na pala ang babae na nasa pangangalaga ng matalik nitong kaibigan na si Luis.

            Nang matapos ang tawag, agad siyang nagbihis para puntahan ang pamangkin na walang kalam-alam na hindi siya ang ina nito.

            “Where are you going?”

            Nagulat pa siya nang makita si Castiel na papasok ng bahay. Akala niya ay sasama ito sa pag-deliver ng mga produkto sa kabilang bayan.

            “May bibilhin,” sagot niya sa kaswal na tinig.

Ayaw kasi nitong pumupunta siya kina Luis. Nang minsan nitong makitang nakikipag-usap siya sa lalaki, ay napang-abot ang dalawa. Naiintindihan naman niya ito dahil si Luis ang dahilan kung bakit nagkahiwalay si Castiel at si Jonelyn.

“Sasamahan kita.”

“Hindi na. Madali lang ako. At saka dadalawin ko rin sina Mama.”

Lihim siyang napalunok nang maangas na humalukipkip ang asawa sa harap niya at pinasadahan siya ng tingin.

            Nginitian niya ito na kita ang gilagid kaya mas nagmukha iyong ngisi. Naningkit ang mga mata ni Castiel kaya pinakurap-kurap niya ang mga mata at naglalambing na niyakap ang braso nito na namumutok sa mga ugat dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay sa Rancho.

            “May gusto kasing sabihin sa akin si Mommy. Private daw.”

            Totoo iyon. Tumawag ang ina niya noong isang araw na puntahan niya ito sa main branch ng supermarkets. Sa klase ng boses ng ina, alam niyang seryoso iyon.

            “Fine.” Bumuntong-hininga ang lalaki at kinabig siya sa baywang. “Just come back here before dinner.”

            Tumingala siya at maliit itong nginitian. “Okay.”

            Hindi na siya naghintay na tuluyang maabot ang labi nang yumuko ito. Siya na mismo ang tumingkayad para salubungin ng halik ang labi ng asawa.

            “Bye,” buong lambing niyang ani bago siya nito tuluyang bitawan.

            Nakasunod pa rin ng tingin ang lalaki nang pausadin niya ang sasakyan palabas ng Rancho. Kung noon niya ito pinaggagawa, siguradong masusuka siya sa pagigingg clingy at malambing niya kay Castiel Revamonte.

            Nang mga panahong ka-kasal pa lamang nila, kulang na lang ay magg ilitan sila ng leeg sa labis na inis sa isa’t isa. Sinubukan niyang gayahin ang mahiyain at mabait na si Jonelyn pero hindi niya talaga kaya ang kaarogantehan ni Revamonte.

            Para silang mga manok na magsasabong!

            Tinawag siya ng lalaki na gold digger at nasaktan siya para sa kakambal niya. Kaya nahulog ang lalaki sa hagdan nang malakas niya itong inupper-cut. Nabalian ng buto at mas tumalim ang tingin sa kanya.

            Hindi niya alam kung paano nangyari pero naging mabait sa kanya si Castiel pagkalipas ng mga araw. Nagsimula lang naman iyon nang muntik na siyang malunod sa Hulugan Falls. Malay ba niyang medyo malakas na pala ang agos sa parting iyon.

            Hanggang sa tila sineryoso na nito ang pagiging mag-asawa nila. Palagi na siya nitong sinasabayan kumain, palaging nagde-demand na sabihin niya kung saan siya pupunta at pilit na tinatabihan siyang matulog kahit madalas ay sa sofa ito.

            “Ma’am Jonelyn kanina ka pa po hinihintay ni Madam Lucy. Mainit po ang ulo,” salubong sa kanya ng sekretarya ng ina.

            Mahiyain siyang tumango at nakayukong pumasok sa loob ng opisina ng ina na kahit kailan ay hindi nagka-amor sa kanya.

            Awtomatikong napaiwas siya nang sumalubong ang lumilipad na vase sa direksyon niya. Kumalansing ang pagkabasag niyon sa likuran kasabay ng pagkulo ng dugo niya.

            “Boba! Tanga!” galit na sigaw sa kanya ni Lucia Interino. Dinuro siya ng babae. “Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na didiretso sa atin ang mga produkto ng Rancho?”

            Mas lalo niyang iniyuko ang ulo at itinago ang pagngingitngit ng mga ngipin. “S-Sorry, Ma.”

            “Sorry? Kahit kailan talaga stupido ka!”

            “S-Si Castiel—”

            “Wala akong pakialam! Akitin mo ang Revamonte na ‘yon. Magh ubad ka, mag-asawa naman kayo. Huwag kang magmalinis. Magpagamit ka ng paulit-ulit para mapa-ikot mo ulit ang lalaking iyon.” Gigil na dinuro siya ng babae.

            “Nasaan na ang sampung milyon na hinihingi ko sa ‘yo? Baka gusto mong maulit ang ginawa naming sa ‘yo ng papa mo?! Huwag mo kaming susubakan, Jonelyn.”

            “M-Ma…”

            “Lumayas ka! Huwag kang babalik dito kung wala kang dala. Kung hindi mo kayang kuhanin ang Revamonte na iyon, mas mabuti pa sana na ipinakasal ka na lang sana namin sa iba.”

            Nang hindi siya agad gumalaw, lumalagatak ang takong ng kanyang ina lumapit sa kanya at mahigpit siyang hinawakan sa braso. Hinablot ng isa nitong kamay ang buhok niya at hinila palapit rito.

            “Kung ayaw mong sabihin ko sa asawa mong iyon ang sikreto mo, sundin mo kami ng ama mo. Ayaw mo naman sigurong malaman ng lalaking iyon at buong pamilya niya kung gaano ka kadumi.”

            Pigil na pigil niya ang sariling sumabog. Nang pakawalan siya ng babae, nanginginig siya sa galit na lumabas ng opisina.

            Nang malakas na lumagapak pasara ang pinto ay tumalim ang mga mata niya at nagkuyom ang mga kamao.

            “P-tangina Jonelyn! Paano mo natitiis ang k-demonyohan ng mga ‘to?”

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Marylyn Española Cudilla
ahh kakainis naman Kong kailan mahal Mona Chaka pa babawiin ...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay parang magkatulad ang ina ni atashia at mqgkambal na sina jonelyn at joana parang binibugaw ang anak anong klaseng ina yan
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
may gantong Magulang pala talaga no ansama ng ugali
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status