CHAPTER 92 HE OFFERED HER MARRIAGE. Napapangiwi si Amelia habang nage-sketch dahil sa kamay niyang nakabenda. Sinapak niya si Kien Massimo kahapon ngunit siya rin naman ang mas nasaktan. Kung hindi ba naman sira-ulo ang lalaking iyon na nag-alok ng kasal sa kanya. Kaya pala nanahimik simula nang magtanong si Tita Joana tungkol sa kasal. Iyon pala ay bumebwelo kahit naman nagsabi ang sariling ina na nagbibiro lang daw ito. Of course, Tita Joana was joking when the woman asked when will they get married. Bakit naman ito aasa na ikakasal sila ni Kien Massimo kung alam nito ang pagkawala ng kanyang anak at ang pagpapabaya sa kanya noon ng matalik na kaibigan. Pero ang panganay nitong anak ay maluwag talaga yata ang turnilyo sa utak. Kung maka-alok ng kasal ay parang wala itong ginawa sa kanyang masama. Akala yata ay porke’t pumayag siyang mag-sex sila ng maraming beses ay abswelto na ito sa mga kasalanan sa kanya.
CHAPTER 93 Nasa Pilipinas na pala si Dominic. Nakita niya sa social media post ng kapati nitong bunso ang larawan ng kanyang ex-husband at ex-bestfriend na magkahawak-kamay habang palabas ng airport. Hindi niya naman magawang i-unfriend si Irish dahil mabait sa kanya ang babae. Isa si Irish sa mga kapatid sa labas ni Dominic. Namatay na ang ina nito kaya sa poder ng pamilya ng kanyang dating asawa nakatira. Mabait talaga sa kanya ang babae. Inaamin nito na talagang ipokrito ang pamilya ng ama kaya talagang magkasundo sila. Matagal na rin silang hindi nag-uusap nito. Nag-chat lang sa kanya nitong nakaraang buwan dahil bumili ng cabinet at mesa. Iniimbita nga siya nitong pumunta sa reunion ng pamilya ng mga ito. Syempre, hindi siya pupunta. Hindi na siya uulit at isa pa, hindi naman na siya parte ng pamilya. “Quin is sleeping.” Naibaba niya ang kanyang cellphone nang marinig niya ang boses ni Kien Massimo sa kanyang likuran. Nakatingin rin ito sa cellphone niya nang nilingon n
CHAPTER 94 “You married that man?” paismid at hindi makapaniwalang wika ni Kismo habang magkatabi silang nakaupo sa overlooking na bahagi ng restaurant ng hotel and resort na tinuluyan nila. “Oo. Ewan kung ano nakita ko sa lalaking iyon.” Tumungga siya sa hawak-hawak na San Mig Light. Namumungay na ang kanyang mga mata at padaldal na rin nang padaldal. Come to think of it. Hindi si Dominic ang standard niya lalaki. Kung ikukumpara ito kay Nikolai Zacharias na long time crush niya ay hindi man lang ito makakapangalahati. Lalo pa kung kay Kismo niya ikukumpara na palagi siyang inuuna noon. Naisip niya na lang na baka sobrang lungkot niya nang mga panahong nakilala niya si Dominic. Naging padalus-dalos ang kanyang emosyon kaya nauwi sa pagpapakasal. Kini-kwestyon niya na rin tuloy ang sarili kung talaga bang minahal niya si Dominic. “Mama’s boy and Papa’s boy ‘yon. Walang bayag.” “Hindi ka naman nasaktan?” Sinipat siya nito sa pang-ilang beses na. “Hindi nga. Isa pa, paan
CHAPTER 95 Ilang sandali pa silang nagtagal sa condo unit ni Nadia. Nagpahuli ulit siya dahil palihim niya pang itinapon kay Nadia ang boxer short na sigurado siyang kay Gozar. Maliksi naman iyong sinambot ng babae. Halos mabali na ang likod nito nang paulit-ulit na yumuko bilang pasasalamat. Natawa pa siya nang bumagsak ito sa carpet nang manghina ang mga tuhod. Kinuha niya ang alcohol sa kanyang bag at nag-sanitize ng kanyang kamay. Kahit alam niyang good hygiene si Gozar, hindi pa rin niya maatim na hawakan ang nasuot ng boxer short ng ibang lalaki. Kung kay Kien Massimo ay pwede pa. Aamuy—yak! “Pakilagay na lang si Quin sa kwarto niya,” wika niya kay Kismo nang makatulog si Quin sa byahe. Nang makapasok ang dalawa ay hinawakan niya ang seradura para sana kabigin ang pinto. Subalit, namataan niya si Giuseppe na bumaba sa pumaradang kotse sa harap ng bahay nito. Wala naman siyang pakialam sa babae dahil hindi naman sila nito magkaibigan. Subalit, rumihestro sa kanyang utak
CHAPTER 96 “We have important things to do tomorrow. Naniniguro lang ako na hindi mo mababangasan si Zacharias,” wika ni Sevirious nang makita nitong nakatingin siya sa lalaki. Naabutan niya si Zacharias na katabi ito. Tila tambutso ang bibig sa buga ng usok ng sigarilyo. Sevirious is the eldest among of them. And he is the most expose to illegal activities. Nang mga bata pa sila, akala niya ay si Nikolai Zacharias at si Gozar ang papalit bilang pinuno ng mafia ng bawat pamilyang kinabibilangan ng mga ito. Alam niya ang tungkol sa illegal na gawain ng pamilyang Funtellion at Ivanovich. Minsan na niya kasing narinig na kausap ng kanyang Daddy Castiel ang ama ni Gozar tungkol sa partnership ng pamilya. Hindi naman lihim sa kanilang magkakaibigan ang tunay na katauhan ng dalawang pamilya. Walang kaso iyon sa kanila dahil alam nilang magagamit at mapoprotektahan sila ng organisasyon. Katulad na lamang kung paano ginamit ng pamilyang Ivanovich ang impluwensya ng mga ito upang ma
CHAPTER 97 Ilang oras lang ang ginugol ni Amelia para makapag-ipon ng mga design na maaring magustuhan ni Kien Massimo. Iniwan siya ng lalaki sa malaking opisina nito. Babalikan raw siya pagkatapos ng mahalagang meeting nito. Pinahiram siya ng laptop na bagong-bago pa kaya naman hindi siya nahirapan na i-log in ang kanyang email para makipagkomunikasyon sa kanyang sekretarya. Sabi kasi sa kanya kanina ni Kismo ay papapalitan din daw nito ang design ng working area ng mga empleyado. It’s kinda a big project for them knowing that Revamonte’s employees are not just hundreds. Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon. Nawala ang hinanda niyang ngiti nang makitang hindi iyon si Kien Massimo. Taray na taray ang kilay nitong nakaguhit. Dati na talagang payat ang babae. Mas payat nga lang ngayon na parang modelong nasobrahan sa pagda-diet. “You never changed. Ikaw pa rin ang babaeng pilit na isinisiksik ang sarili.
CHAPTER 98 Shopping by herself is relaxing. Ginamit niya na talaga ang blackcard ni Kien Massimo kahit pa nag-away sila kanina. Hindi na siya nagpasama sa sekretarya nito. She felt so alive with her new smooth skin and curly hair. Ibinalik niya ang buhok niyang natural na kulot-kulot. Namana niya sa ina ang kulot na buhok. May picture pa nga siya noon na bagay na bagay ang kanyang buhok sa matambok niyang pisngi. “Hindi bagay sa ‘yo.” Natigilan siya sa pagsusukat ng napiling bag. Nilingon niya si Mrs. Rodriguez na mapang-insulto na naman ang tabas ng mukha sa kanya. “It costs millions. Hindi mo ‘yan kayang bayaran. Unless, may ambon na naman ng pera ang asawa ko.” Oh, God! Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin tapos si Mrs. Rodriguez sa paratang nito sa kanya? “Tell me, magkano ang allowance na ibinibigay sa ‘yo ng asawa ko buwan-buwan? Isang milyon? Dalawang milyon kapag maganda ang performance mo sa kam
CHAPTER 99 Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Kismo. Kung siya man ang nasa katayuan nito ay pipiliin niya ring protektahan ang taong nagligtas sa buhay niya. “I’m sorry, Amy. I promise to do everything to protect you from the Rodriguez. But I’ll keep Lea’s secret as long as I can.” Bumuntong-hininga siya bago nagdisisyon na hayaan na lang. Kinuha raw ni Tita Joana si Quin kanina at doon na rin matutulog ang bata. Sanay na sanay na talaga ito sa Lolo at Lola nito. Selfish man pakinggan pero hinihiling niya na sana kung bumalik man si Lea ay huwag na nitong kunin sa kanya si Quin. Hindi niya ibibigay ang batang pinalaki at minahal niya sa loob ng apat na taon. Paniguradong malulugmok ulit siya kung sakali man mawala sa kanya ang baby niya ng ganun-ganon na lang. Quin helped her so much forgetting the sadness of her divorce. Nabaling ang atensyon niya sa pag-aalaga rito na namalayan niya na lang na wala na