PERFECT MISTAKE 11 Hindi alam ni Rosemarie kung matatawa ba siya o sasawayin ang anak nang harap-harapan nitong inirapan si Killian pagkababang-pagkababa pa lang nito ng shuttle service. “Halika na po Mommy. Doon tayo kina Naomi.” Humawak ang bata sa kanyang kamay para igiya siya patungo sa kaklase nito. Lumingon siya at lihim na napalunok nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Titig na titig sa kanya. Umigting ang panga nito nang tumigil sila sa paglalakad. Nang ibinaling niya ang kanyang tingin sa harapan ay nasa tabi na pala sila nina Naomi. Lumabas ang dimple ng lalaki. Maputi ang kumpletong ngipin nang nginitian siya nito. “We haven’t had a chance to introduce properly. I’m Thor.” “Avenger?” Tumawa ito dahilan para mas lalong mawala ang singkit nitong mga mata. “S-Sorry…” “I get that a lot. Mas gwapo ako kay Thor, God of Thunder.” Kung usapang gwapo
PERFECT MISTAKE 12 Bati na ulit si Celine at Killian. Napapailing na lang siya dahil ang rupok ng anak niya. Masinsinan lang itong kinausap ni Killian kanina at nilambing-lambing, ayos na ulit ang dalawa. “Here.” Napatingin siya kay Thor nang inilapag nito ang pagkain sa harap niya. Naglagay ng mga mesa at upuan sa garden ng Ancestral House ang mga tauhan sa Rancho. Bago bumalik sa hotel ay nagpakain muna si Killian. Nagmistulang fiesta dahil sa dami ng mga pagkain na nasa mahabang buffet table. “Thanks,” ngiti niya kay Thor. “Nasaan pala si Naomi?” “She’s with her friends.” Umupo ito sa tabi niya at itinuro ang isang mesa kung nasaan si Naomi kasama ang ilang mga kaklase nito. Wala roon si Celine dahil nakapulupot na naman ito sa ama na parang tuko. “You and Killian Revamonte knew each other?” kuryuso nitong tanong sa kanya. “Secretary niya ako.” “I see. Celine looks up
PERFECT MISTAKE 13 Wala sa tabi ng tulog na tulog na si Celine ang ama nito nang lumabas siya ng closet ni Killian. Akmang sasampa n asana siya sa kama nang makita niya ang pigura ng lalaki sa veranda ng kwarto nito. Hindi yata tinatablan ng lamig si Killian Revamonte dahil h ubad-barong nakatayo ito sa labas habang ang mga mata ay nakatingin sa malawak na lawn. Maliwanag ang buwan kaya kita ang magandang landscape ng front yard ng ancestral house. Doon siya nakikipaglaro sa ibang bata na anak rin ng mga trabahador sa Rancho. Kapag nagbabakasyon ang pamilyang Revamonte, ay palagi siyang pinapahiram ng barbie dolls ng nakatatandang kapatid na babae ni Killian. The Revamontes’ are good to her. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya ang trip na trip na asarin ni Killian. Sa pamilya nito, ito lang ang hindi nagagandahan sa kulot na kulot niyang buhok noon. Walang araw na hindi siya tutuksuhin kapag nagkikita sila. “Hind
PERFECT MISTAKE 14 Napasugod sila ni Auntie Clara sa pinakamalapit na hospital ng wala sa oras. Iyak nang iyak si Tita Joana na nasa Casa Amara, ang pamosong bakasyunan sa Camarines Sur, nang makatanggap ng tawag. Si Chairman naman ay nanatiling kalmado lamang ang bukas ng mukha habang yakap-yakap nito ang asawa. Na para bang sanay na sanay na ito na makita ang mga anak na nakaratay sa hospital bed. “My Baby Killian. My baby!” haya ng ginang habang tinatangka nitong makawala sa yakap ni Castiel para puntahan ang anak na nasa emergency room. Nilapitan ni Auntie Clara ang mag-asawa habang siya naman ay walang nagawa kundi maupo. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas nang marinig ang balita. Nakatulala lamang siya sa kawalan habang pinapakinggan ang mga hikbi ni Tita Joana. Sabay-sabay na nagsilapitan ang mga ito nang lumabas ang doktor. Mas lalong lumakas ang iyak ni Tita Joana “How’s my son? Bumalik ka sa loob? Bakit
PERFECT MISTAKE 15 “You brat!” Itinago niya sa likuran si Celine kahit nanginginig ang kanyang kalamnan sa takot. “H-Hindi mo kailangan sigawan ang anak k-ko.” Sumubsob ang mukha ni Celine sa kanyang likod. “You’re tolerating that brat.” Pumikit ito, malutong na nagmura at napabalik sa pagkakahiga. Mag-aalala sana siya rito kung hindi lang nakakaawa ang hikbi ni Celine. “Get out!” matigas nitong wika, kuyom ang mga kamao habang pikit pa rin ang mga mata. “You heard him,” si Cindy na hawak-hawak pa rin ang nasaktang ilong. Nang hindi pa rin sila kumikilos ni Celine ay malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kanila. “I said get out. You don’t belong here. Bring your devil child with you and never come back.” Tinampal niya ang kamay nito. “Hindi mo kami kailangan ipagtulakan at hindi d emonyita ang anak ko na katulad mo.” “Gagawin ko kung ano ang gusto ko.” “M-M
PERFECT MISTAKE 16 IMPOSSIBLE! Isang malaking impossible ang pinagsasabi ni Antonia kaya ngali-ngaling pukpukin ni Rosemarie ang sariling ulo dahil paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang pinagsasabi nito. She hates him and never in her life that she will romanticize r ape! Hinding-hindi siya mag-iisip na magiging okay ang lahat dahil may anak sila. “Bye, Baby ko. Behave ka ha. I love you,” walang kasinglambing niyang sabi sa anak at pinatakan ng h alik ang magkabila nitong pisngi. “Love you po.” Itinaas niya ang baba nito para magkatinginan sila. “Forget mo na ang nangyari. Nandito naman si Mommy saka makikita mo ulit si Naomi. Di ba friends kayo?” Wala pa ring ganang tumango ito kaya napabuntong-hininga na lang siya. Yumakap lang sa kanya bago pumasok sa loob ng classroom. May mga bumati rito nang makapasok ngunit hindi man lang nagawang batiin pabalik ang mga ito ni Celine. Mabigat ang dibd
PERFECT MISTAKE 17 Napaunat si Rosemarie sa kinauupuan nang matapas ang ika-walong folder na ibinigay sa kanya ni Killian. Tinambakan siya ni Killian ng trabaho at kailangan niya raw iyon matapos bago mag-alas singko. Gusto niyang maiyak dahil alas-tres nan ang hapon ay naka-walo pa lang siya gayong lampas bente yata ang folders na nakapatong sa kanyang mesa. “Rosemarie, ang busy mo naman,” wika ng katrabahong napadaan sa kanyang working place. Hilaw na tumawa ang isa nitong kasama at sinuyod ng tingin ang kanyang kabuoan. “As usual, nagpapa-impress. Pa’no, bumalik na si Chairman at si Sir Killian sa RevTrad. No’ng wala ang mga big boss natin, panay ang gala niyan.” Ano bang ginagawa ng mga ito sa opisina niya? Talaga bang dumaan ang mga ito para pagdiskitahan siya? Utang na loob! Ang dami niya pang gagawin para pagpapansinin ang mga pinagpuputok ng mga butsi nito. “Her hair suits her. Saan ka nagpa-straight?
PERFECT MISTAKE 18 “F-ck this!” malutong na napamura si Killian bago kinabig ang manibela ng kanyang kotse para iliko patungong Northshire Academy. Nakasampung beses na yata siya paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na hinding-hindi niya mapapatawad si Rosemarie at si Celine sa ginawa ng mga ito sa Mommy niya. Hindi niya matanggap na ilang taon ng nagpapaka-martir ang kanyang ina. Rosemarie is such a thick-faced b-tch! Paano nito nagagawang manatili malapit sa pamilya niya kung nakagawa ito ng ganong kasalanan. Paano nito nagagawang tumingin sa mga mata ng mommy niya matapos anakan ng asawa ang babae. P-tangina talaga! Muntik pa siyang mamatay dahil sa sinabi ni Rosemarie. Gulong-gulo siya ng gabing iyon. He was crying like a child while telling his mom how he loves her. Wala siya sa tabi ni Joana nang mga panahong nagloko ang kanyang ama. He was in London that time, kalalabas niya lang ng rehab