Share

Chapter 5

Dalawang araw makalipas ang huling trabaho ni Eiress, nanatili siya sa mansyon ng Ama. Dalawang araw na rin niya iniisip kung paano alisin ang tracking device sa kanyang ngipin. Maaaring mahalata ng Ama kapag tinanggal niya iyon ng sapilitan. 

Marahang katok ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. 

"Ma'am, pinapatawag ka po ni Sir," 

"Sige, susunod na ako!" Sagot niya sa kasambahay. 

Mabigat ang mga hakbang siyang naglakad patungo sa opisina nito. Akala niya matagal itong mawawala sa mansyon dahil sa business trip nito pero narito na agad ang kanyang Ama. 

"Dad," bati niya pagpasok sa opisina nito. 

Napapikit si Eiress ng tumama ang kumpol ng papel sa kanyang mukha. 

"You've made a mess, Eiress! How can you explain this? How?!" Muli nitong ibinato sa kanya ang pinulot na dyaryo sa sahig. 

Nakita naman niya kung ano ang headline roon. Ito ang ginawa niyang pagpapasabog sa sasakyan ni Mr. Hariwa. 

"Do you know who's conducting the investigation? It's the Wilt heir! Gumawa ka ng kalat sa harap ng building nila! Hindi ka nag-iisip!" Galit nitong sigaw. Dinuro-duro pa nito ang kanyang sentido pero wala siyang reaksyon kundi nakayuko lang. 

Iniisip niya na iyon marahil ang dahilan kaya siya binalaan ng lalaking iyon na huwag gagawa ng gulo sa party, dahil pag-aari nito ang building na pinagdarausan ng kasiyahan. 

"Sa teritoryo nila namatay ang mag-asawang Hariwa kaya hindi nila hahayaan na makaligtas ang may kagagawan n'on! Naiintindihan mo ba? Naiintindihan mo ba kung anong ginawa mo?!" 

Marahan niyang inangat ang ulo at tumingin sa galit niyang Ama. 

"Are you one of the suspect, Dad?" Bahagya itong nagulat sa tanong niya. "If not, your anger is useless. If they found I did the mess, I know you can save your ass by abandoning me, right?" 

Marahas nitong hinawakan ang mukha niya. Naramdaman niya ang sakit doon pero hindi niya ipinakita sa Ama. Walang emosyon siyang nakatingin dito habang galit na galit ito sa kanya. 

"Dahil sa kalat na ginawa mo, hindi mo makikita ang iyong Ina!" Bumaling ang kanyang mukha ng marahas nitong bitawan iyon. Nalasahan niya ang kalawang sa bibig kaya alam niyang dumugo 'yon.

"Do I have a Mom or you're just using her to control me?"

Lumapat ang palad nito sa pisngi niya. Umigting ang panga ni Eiress at mahigpit na naikuyom ang kamay. 

"Don't question me, Eiress! Utang mo ang buhay mo sa'kin!" 

"Thank you, Dad." Walang buhay niyang sabi pero unti-unting tumalim ang tingin niya rito. "Thank you for giving me this f'cking life!" 

Naramdaman na naman niya ang hapdi sa mukha ng muli siya nitong sampalin. 

"Go back to your room! You can't get out without my permission! Now!"

Mabigat ang loob niyang lumabas sa opisina nito. Tulad ng sinabi nito, nagkulong siya sa sariling kwarto. Binuhos niya ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak. 

"You're crying over and over again for the same reason, Eiress." Saway niya sa sarili habang pinupunasan ang kanyang pisngi. "If he doesn't love you, let him and don't beg for his love. He's aware of what he's doing but you need to wake up. Waking up to the reality that he wouldn't change. Business is more important than you." Patuloy niya sa sinasabi habang patuloy rin pinupunasan ang pumapatak na luha. 

Sa isang buwan na pananatili ni Eiress sa kanyang kwarto hindi na siya nag-sayang ng luha para sa Ama. Maluwag na niyang tatanggapin na puppet lang ang tingin nito sa kanya. Wala rin siyang balita sa nangyaring imbestigasyon sa pagkamatay ng mag-asawang Hariwa. Kahit matagal siyang nanatili sa kanyang silid, nakabuo naman siya ng plano para umalis sa puder nito. 

Lumabas si Eiress sa sariling silid alas kwatro ng hapon dala ang inayos niyang bulaklak. Mabilis naman siyang hinarangan ng mga guwardiya. 

"Bawal pong lumabas Ma'am," 

Seryoso niya itong tiningnan. "Isang buwan akong nakakulong sa aking silid, hindi nyo pa rin ako papalabasin?" 

"Mahigpit po iyong bilin ni Sir Luciano," nakayuko nitong sabi. 

"Pupunta lang ako sa sementeryo, sumama kayo kung gusto nyo." Utos niya bago lumabas ng bahay. 

Napangisi si Eiress ng makitang sinusundan siya ng mga tauhan ng Ama. Marahan lang ang pagpapatakbo niya sa sasakyan pero ng narating niya ang palikong daan, sinagad niya ang engine ng kotse. 

Napansin niya ang malaking distansya sa pagitan ng mga sasakyan nila. Hindi niya sinayang ang oras. Kinuha niya ang binunot na ngipin na nakalagay sa kanyang bulsa. Maayos pa ring nakalagay doon ang tracking device. Itinapon niya iyon sa loob ng kanyang kotse.

Bahagya naman siyang sumulyap sa dalang bulaklak. Naroon ang isang device na magpapatigil sa function ng ibang devices sa loob ng sasakyan. Kinapa niya rin ang mga nakatagong cards na idinikit niya sa katawan. Iyon ay sarili niyang pera na hindi alam ng kanyang Ama. 

Nang siguradong maayos na ang lahat, inalis niya ang seatbelt. Pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa bangin. Bago pa ito mahulog, tumalon na siya palabas. 

Nagpagulong-gulong siya sa lupa pero agad din siyang nagkubli ng tumigil ang sasakyan ng mga tauhan ng kanyang Ama. Nakatingin ang mga ito sa tuloy-tuloy na pagkahulog ng kanyang kotse. Maya-maya pa, isang pagsabog ang naganap sa ibaba ng bangin. 

Napangiti siya ng masilayan ang mga tarantang tauhan. Hindi rin nagtagal ay umalis na ang mga ito. Iyon naman ang hinihintay na pagkakataon ni Eiress. Lumabas siya sa pinagtataguan. 

Inabot na siya ng gabi sa daan ngunit wala pa rin dumadaan na sasakyan. Nagugutom na rin siya at nauuhaw. Nanlalabo na rin ang paningin niya. 

Nanghina ang kanyang mga tuhod at tuluyang bumagsak sa daan. Bago mawalan ng malay nakita niyang tumigil ang isang sasakyan.

...

Biglang bumangon si Eiress ng maramdamang gumagalaw ang kanyang paligid. Napapikit naman siya ng makaramdam ng hilo. 

"Kamusta ang pakiramdam mo, Iha?" 

Tumingin si Eiress sa matandang babae. Lumang duster ang suot nito at may kayumangging balat. 

"Nasaan ako?" Nagtataka niyang tanong. 

"Na sa sasakyan tayo. Nakita ka namin sa daan at walang malay kaya isinakay ka na namin. Ako nga pala si Nana Saling, anong pangalan mo?" 

"Eiress po," 

"Taga saan ka ba Iha?" 

"Saan po patungo ang sasakyang ito?" Tanong niya sa matanda ng hindi sinasagot ang tanong nito sa kanya. 

"Patungo ito sa bayan ng Luncan, pero patungo kami sa dulong bayan, ang Chipan."

Hindi pamilyar kay Eiress ang mga lugar na iyon.

"Malayo po ba iyon sa syudad?" 

"Oo, Iha. Bakit mo naitanong?" 

"Maaari po ba akong sumama sa inyo?" 

Bahagyang nagulat ang matanda, pero agad din itong ngumiti sa kanya. 

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, Iha. Kung desidido ka talaga, pwede ka naming isama. Kaya lang mahirap ang buhay sa Chipan. Kakayanin mo ba?" 

"Opo!" Nakangiti niyang sagot. 

"Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit umalis ka sa inyo?" 

"Gusto ko po ng tahimik na buhay," tapat niyang sabi. 

Hinawakan nito ang kanyang kamay. 

"Kung iyan lang ang nais mo, makakamtan mo iyon sa Chipan. Tahimik ang aming bayan lalo na't malayo iyon sa kabihasnan. Pangangaso ang aming hanapbuhay at pagbebenta ng prutas at gulay, pero sa sitwasyon mo ngayon, hindi ka pa maaaring magtrabaho."

"Kaya ko pong gawin ang mabibigat na bagay," sambit niya. May halong pangungumbinsi ang kanyang boses. 

Baka hindi ito pumayag na isama siya sa malayong lugar na iyon. Kung mananatili siya sa siyudad, baka mahanap agad siya ng Ama kahit kasamang sumabog ng sasakyan ang tracking device na nasa ngipin niya. 

"Nakikita kong malakas ang iyong katawan. Ngunit hindi natin alam kung kakayanin niya."

Nagtaka si Eiress sa sinabi ng matanda. 

"Ano pong ibig mong sabihin?" 

"Isa akong manggagamot sa bayan ng Chipan. Marami na akong nakadaupang palad katulad ng sitwasyon mo."

"A-ano pong sitwasyon ko Nana Saling?" Kinakabahan niyang tanong. Huwag sana ang iniisip niyang bagay ang tinutukoy nito. 

Ngunit ang kompirmasyon nito ang nagpaguho sa kanyang mundo.

"Buntis ka Iha, at mahina ang kapit ng bata."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status