Share

Chapter 11

"Mama!!!"

Mahigpit niyang niyakap ang kanyang baby boy, ang isa sa kambal na isinilang niya noon. Pinaulanan niya ito ng halik sa mukha dahil sobra niyang namiss ang anak.

Akala nila isa lang ang batang na sa sinapupunan niya. Ngunit ng sumigaw siya ng pagdadalamhati sa pagkawala ni Lian, lumabas si Liam bago siya tuluyang nawalan ng malay. Kay Liam siya kumuha ng lakas para labanan ang sakit sa pagpanaw ng kapatid nito.

"How's your tour? Hindi ka ba naging pasaway kay Nana Saling?" Tanong niya kay Liam.

"Hindi po, Mama. Behave po ako," umiiling nitong sagot.

Ngumiti siya at bahagyang pinisil ang matambok nitong pisngi. Namumula pa iyon dahil sa init ng araw.

"Naku! Napakabait ng anak mong 'yan, Eiress. Natutuwa ang mga nagpapagamot dahil sa pagiging bibo niya." Sambit naman ni Nana Saling.

Kasama ni Nana Saling si Liam at dalawa nitong anak patungo sa Luncan upang manggamot doon. Gusto naman ng kanyang anak na sumama para mamasyal sa ibang lugar. Ayaw niya itong payagan d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status