Share

Chapter 21

Pagkatapos ng trabaho, dumiretso agad si Eiress sa bahay. Hindi sumalubong si Liam na palagi nitong ginagawa kapag dumadating siya.

"Liam?" Tawag niya sa bata. "Narito na ako, Anak. Nasaan ka?" Tiningnan niya ang kwarto pero wala ito. Maging sa banyo at kusina, wala rin ito.

Muling lumabas ng bahay si Eiress.

"Tatay Norberto, nakita mo po si Liam?" Tanong niya sa matandang kapitbahay.

"Kasama ni Toto at Yoyo." Tukoy nito sa dalawang teenager na apo. "Pupunta raw sila sa lambak. Ayaw pa nga sumama ni Liam dahil magagalit ka raw. Pinilit lang noong dalawa. Kawawa naman daw 'yung at nag-iisa lang sa bahay."

"Sige po, Tay. Salamat po. Pupuntahan ko lang po sila. Malapit na po kasing dumilim." Paalam niya sa matanda.

Karaniwang pasyalan sa Hacienda ang lambak. Maganda ang tanawin doon at mayroong ilog. Malapit lang iyon sa kanilang bahay kaya agad niyang nakita si Toto at Yoyo. Pasan ni Yoyo si Liam sa likuran habang si Toto naman ay may hawak na pamingwit.

"Liam!" Tawag niya rito ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status