Share

Chapter 22

Pamilyar na dilim, maruming paligid at malansang amoy ang sumalubong kay Eiress ng dalhin siya sa lumang bodega. Tagong parte iyon sa likod ng mansyon.

Itinulak siya sa loob ng dalawang guwardiya. Tuwang-tuwa naman si Cristein ng mawalan siya ng balanse at natumba sa sahig.

"Hanggang sa muli!" Kumaway pa ito sa kanya bago isara ang pintuan.

Tumayo si Eiress at pinagmasdan ang buong paligid. May maliit na bintana roon kung saan nagmumula ang kakarampot na liwanag. Sumandal siya sa dingding at pinalipas ang oras. Kung plano ito ni Lorrein, sigurado siyang pupunta roon ang babae. Kailangan muna niya itong kausapin bago lumabas sa bodega. Hindi naman iyon mahirap para sa kanya. Kaya niyang buksan ang pintuan o kaya naman ay dumaan sa maliit na bintana pero hindi niya muna gagawin iyon. Hihintayin niya ang babae at lilinawin ang lahat.

Tulad ng inaasahan ni Eiress, muling bumukas ang pintuan makalipas ang ilang oras. Nakangising mukha ni Lorrein ang bumungad sa kanya kasama ang kaibigan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status