Share

Chapter 35

"Mama, mag-ingat ka po ah. Tawagan mo ako lagi sa selpon ni Tita Aline. Mamimiss po kita." Malungkot na sabi ni Liam.

Aalis na ang grupo ni Eiress para sa business meetings ni Lord Scion sa labas ng Argenxican. Magkakaiba sila ng sasakyan. Bilang shadow guard, hindi siya kabilang sa mga ito. Gagamit siya ng motorsiklo at magpapanggap na normal na motorista.

Niyakap ni Eiress si Liam. Sa totoo lang, mabigat sa kanyang loob ang iwanan si Liam. Ngayon lang sila magkakahiwalay ng anak niya.

"Syempre lagi akong tatawag. Magpakabait ka kay Tita Aline ah. Huwag kang magpapasaway." Bilin niya rito.

"Opo, Mama!"

Hinalikan ni Eiress si Liam. Bumaling naman siya kay Aline. Niyakap niya ang kaibigan.

"Don't worry. Hahanap ako ng paraan." Bulong niya rito.

Tumango si Aline habang nakayakap sa kanya.

"Mag-iingat ka." Bilin din nito sa kanya.

Nang handa ng umalis ang lahat, nagpaalam na si Eiress kay Aline at Liam.

"Sandali lang po!" Sigaw ni Liam.

Akala ni Eiress siya ang tinutukoy ni Liam. Inalis
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Kristine Sharmaine
update po please Ms.Author
goodnovel comment avatar
Kristine Sharmaine
wala pa din pong update......?????
goodnovel comment avatar
Kristine Sharmaine
Ms.Author......ang ganda po ng kwento nyo please po pa update .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status