Share

Chapter 2: Bar

Chapter 2

Bar

Pagkatapos ko pumunta sa office ni Mrs. Salazar ay dito na agad ako sa bar dinala ng mga paa ko. It's already eight in the evening, at ayoko pang umuwi. Ayoko ipakita sa kaibigan ko na nasasaktan ako ngayon. Na umiiyak ako ngayon.

Damn! Sana tuluyan na lang akong nawala. Kesa ang maranasan ko ang ganitong sakit na pinaramdam niya ngayon sa akin.

I wipe my tears as I drink my wine as if para lang akong uminom ng purified water. Biglang gumuhit ang pait sa aking lalamunan. For many years, ngayon ko na lang ulit ito natikman. And I like it bago sa panlasa ko.

I drink, dahil gusto ko magpakalunod sa alak kahit bawal na bawal sa akin ang uminom, lalo na ang matatapang na alak. Pero ginawa ko because I want to erase all the pain I’m feeling right now.

I know this is not the right place for me to forget the pain. Pero minsan lang naman ito. Gusto ko lang talaga makalimot sa lahat ng pinagdaanan ko sa buong buhay ko.

I drink my second order. Straight tulad ng nauna, napapangiwi pa nga ang babaeng bar tender sa aking ginagawa.

Well, this is me before. A call girl, a whore, a slut who needs money to survive in life. Madalas akong umiinon noon sa bar. Logan and I met at the Bachelor's VIP's bar. Sa isang napakasikat na bar na pang-mayaman na tulad niya.

He's always my customer every other night. Every other night lang din kasi ang duty ko sa bar na 'yon. Logan is friendly, hanggang sa naging ito na ang regular customer ko. Hindi ako ang tipo na nakikipagkaibigan sa mga customer. But Logan is different, he's a good person, a perfect gentleman. Also, he's different among the other billionaire's who I've encountered. Kaya madali niyang nakuha ang loob ko. Kahit pa pinakapinigil-pigilan kong mahulog sa kanya nang tuluyan.

Logan knows everything about me and my messy whole life.

I'm only 19 years old back then, and he's five years older than me. Tuwing Martes, Huwebes at Sabado lang ang pasok ko sa VIP'S Bar noon dahil estudyante rin ako sa umaga.

I need that job back then to survive, kahit ayoko sana sa trabahong 'yon dahil nakakabastos at nakakapanliit ng sarili. But I have no other choice. ‘Yon lang kasi ang madaling hanap-buhay na madali.

I know there's another job, pero ‘yon ‘yong instant na malaki ang kita. Hindi na kasi uso sa panahon kong iyon ang dignidad ko. Practical, ‘yon na kasi ang uso. At iyon ang pinairal ko. But I'm standing proudly with my pride, kasi buong-buo pa ang pagkatao ko nang ipagkatiwala ko ang lahat-lahat noon kay Logan.

Ulilang lubos na ako noon, and since I was young ay palaboy-laboy na talaga ako. Nasubukan ko na rin ang iba't ibang pagmamaltrato ng ibang tao. Kinupkop ako noon ng mag-asawang walang anak. They educate me to serve them in return. Lumaki at tiniis ko ang lahat sa kamay ng umampon sa akin, until I was second-year high school, hindi ko na nakayanan at lumayas na ako ng tuluyan sa puder ng mag-asawa. I did that because nasa punto nang nanghaharas ang kinikilala kong ama. He almost take my innocence at bigla akong nandiri sa amang kinilala ko.

My only dream back then was to finish my studies, ‘yon naman talaga ang gusto ng lahat ng kabataang tulad ko na gustong makaahon sa hirap ng buhay.

Sa paglalayas ko ay may nakilala ako noon na isang babae, limang taon lang ang tanda sa akin. She helps me in everything, she warmly opens his door for me. Napakabait niya sa akin at matulungin, even if she doesn't know me, even were not a family ay binihisan, inaruga, pinatira at pinag-aral niya ako. Tinuring din niya akong parang totoong nakababatang kapatid nito. But it's so unfair, kung kailan nakahanap na ako ng taong karamay sa masalimuot kong buhay ay s'ya namang pagkawala nito. Nasa second-year college na ako nang mawala ito. Pinatay siya ng mayamang matanda na naging customer niya sa club. Naging obsess kasi sa kanya ang customer niyang iyon na ikinapahamak niya.

Masakit para sa akin. Kasi siya na nga lang ang naging kapamilya ko ay nawala pa. On that time, I need to work on my own to live. I have no choice, kundi pasukin ‘yong trabahong pinakaayaw nitong pasukin ko noon.

Because I have an angelic beautiful face, sexy perfect curves, stunning personality and etc, ay nakapasok agad ako sa bar na napakalaki at napakasikat noon.

Tinunga ko ang ika-limang order ko na wine. This time nag-init na ang buong katawan ko. But still, I continue drinking and smoking. Lahat ng ito bawal sa akin. Siguro ‘pag nalaman ito ni Brianna, tiyak magagalit ‘yon at katakot takot na sermon ang matatanggap ko doon.

Nahihilong tumayo ako para pumunta sa banyo. I manage to walk straight, kasi sanay naman ako. Agad akong naghilamos para maibsan ang aking pagkahilo. I retouch my make up to emphasize my beaautiful face. And when I'm done ay lumabas na ako at bumalik sa pwesto ko.

"Hi." Someone sits beside me.

Nilingon ko lang ‘yong lalaki, saka uminom ulit ng ika-amin kong tagay.

Not bad, the guy is handsome, but not my type.

"Do you mind if I join you here, Ms. Beautiful?" nagsalita ulit ito.

I shake my head no. "No thanks. I'm with someone. With my boyfriend," sagot ko para iwan na niya ako.

"Ow, really? But you're all alone. Kanina pa kita napapansin at pinagmamasdan." Ngumisi ito sa akin.

I raised my eyebrow. "So. Stalker kita?"

He sexily smirks. "Simula nang pumasok ka dito kanina. Oo."

Magsasalita pa sana ako when someone's arm held me around my waist. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang dark aura ni Logan. Pero binalik ko agad ang nakakaloko kong ngiti saka hinarap ang lalaki.

"See. I told you. I'm with my boyfriend. Shoo!" Tinaboy ko ‘yong lalaki. But he just simply winks. Ramdam ko ang paghagpit ng hawak ni Logan sa aking baywang.

"Oh. I thought you're all alone, lady, and you need someone's company."

"Go. She doesn't need you here," maotoridad na pagkakasabi ni Logan rito.

Napapailing na lang na umalis ‘yong lalaki. But he sexily smirks at me before he go. Nginitian ko rin naman ito ng matamis and I respond his wink.

Inisang tunga ko ang pang pitong baso ng alak.

"You don't need money? Para namang mayaman ‘yong lalaki ah," he immediately insulted me when the guy gets away.

Sumulyap lang ako sa kanya at ngumisi. Bahala na nga s'ya kung ano ang isipin niya.

My mind gets dizzy and my legs getting weaker. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alak o dahil nandiyan si Logan sa tabi ko.

He sits beside me. Hindi ko pa rin ito kinikibo at nagpatuloy lang sa pag-inom at paghithit ng sigarilyo. I know he's still looking at me, but hell, I don't care.

"You still haven't changed, yeah?" Hinarap ko ito at binugahan ng sigarilyo sa mukha. "Nagpakalulong ka sa bisyo mo at trabaho mong ito?"

I smirk. "That's your opinion and I don't care. This is me, dito mo ako nakilala. Kaya wala ka ng pakialam sa anumang gagawin ko sa buhay ko. And you shouldn't be surprised because this is the only way why I’m surviving," sabi ko, but he laughs sarcastically.

"Yeah, I know, gusto mo ang madaling pera. And let me correct you, lady. Everything about you is not even my concern now."

Hell! That's foul! That's so foul!

"So, why you're here, hm?" kalmado kong tanong sa kanya.

He frowns. "Why you're asking me? Bawal bang pumasok sa ganitong pampalipas oras?"

"Hindi naman." Umiling ako. "Baka kasi sinusundan mo ako, that's why you are here now. At nahiya ka lang magsabi sa akin ng totoo."

"Don't assume lady. I will never do that, follow where you are. NEVER. Baka ikaw, inalam mo na ang pupuntahan ko," supladong pagkakasabi nito.

"I also didn't follow you. NEVER!" Binalik ko lang ang sinabi niya, para sa gano’n ay makaganti naman ako.

Nagsalubong ang kilay nito. "Sabagay. Kasi pang-iiwan ang ginagawa mo ‘pag nagkakapera ka na sa isang tao. Am I right?" He's not asking, but it sounds insulting.

I sigh. "Again to that issue huh? Pero sabagay, ‘yon ang tingin mo sa akin. So, bahala ka sa-"

"You work here as a part-time prostitute. Yeah?" Napadiin ang hawak ko sa kopita ko. Shit! He really believes I'm still working here to survive. "I need an expert slut to entertain me tonight bago pa ang kasal ko, pwede ka na ring pagtiyagaan ko. Magko-condom na lang ako to avoid any dirt from you," pang-iinsulto nito sa akin. Hindi man lang tinanong kung papayag ba ako o hindi.

Napangiti ako ng pilit sa harapan nito. Pero ang totoo gusto ng mahulog ang mga luha ko sa pinagsasabi nito. Hindi n'ya lang alam, sa bawat masasakit na salita niya, sa bawat paratang ay katumbas no’n ang isang tarak ng punyal sa puso ko.

I still want to act as if I'm not really affected anymore. Manhid na ako sa alak na nainom ko. Kaya dapat manhid na ako at ang puso ko sa paratang nito. Ngunit ang pinakagusto kong gawin, sampalin siya nang paulit-ulit, hanggang mawala ang sakit sa puso ko ngayon. "Just tell me how much your tag is! Kaya kitang bayaran, kahit sa malaking halaga pa." He then grabs my cigarette and sips it. Inagaw rin niya ang isang basong order ko saka diretsyong tinunga.

"Sa dinami-daming pwede diyan. Bakit ako pa ang babayaran mo para pasayahin ka? Maraming iba Logan. Sila na lang, huwag ako, dahil marumi akong babae." Then I hardly breath and I calm my nerves and heart.

"Oh, c'mon Klara. Malaki akong magbayad malaki rin akong mag-tip. Hindi na lang ako Vice- President ngayon. Ako na ang namamahala ng kompanya namin. Kaya buong pagkatao mo ay kaya kong bayaran. Kahit buhay mo pa. Mababayaran ko na." He smirks, then he drinks my wine.

Napalunok ako. That was a hot move. My dear Logan. He really knows how to get my attention in just a click of his finger. This is how we used to be before, parang bumalik ‘yong dati na customer ko siya at ako ang ka-table niya buong gabi.

"Why so desperate to have me in your bed, Logan? Na miss mo ba ako?"

Dumilim ang mga mata nito. "I do not. I just need someone to pleasure me tonight, at ikaw ang nakita ko pagkapasok ko dito. That's all."

Hm. Why not. Okay, be his slut. I am really missing this man. Papalampasin ko pa ba? This is the only way to get near him. Bago pa man siya matali sa iba.

Ngumiti ako nang nakakaakit. I want to do it again, ‘yong ilabas ang other side ko sa kanya. Kahit ngayon man lang. Kahit sa huling sandali na lang.

I stand up. Inilapit ko ang bibig sa kanyang tainga and lick it. "Kahit walang bayad ay kaya kitang pasayahin, kaya kong gawin ang lahat. To please you, to serve you and to pleasure your needs before your wedding day. Just tell me kung ngayon na ba, kung dito ba mismo?" I playfully tease him with my seductive evil side. Mas nag-init ang buo kong katawan sa aking pinagsasabi at ginagawang paglapit sa katawan niya.

Ramdam ko ang pagbigat ng hininga nito.

"What? Have you change your mind now?" tanong ko nang tinititigan lang niya ako ng matiim. I grin. "I'm still delicious like before, Logan. I still know your favourite move when it comes to me. I can do everything. Everything you want-"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong kabigin sa batok. He kisses me hard and wild like a dangerous animal. May panggigigil at nakakasakit. But I ignore it. Basta sinuklian ko rin ang halik niya in a way he wanted. He pulls my body in front of his glory at kinabig ko rin ang batok niya. We are enjoying what we are doing. Napaungol pa ako ng maramdaman ng hita ko ang buhay na buhay na alaga niya.

"Prove it to me then Klara. Prove it to me!" sabi nito saka pinagpatuloy ang paghalik ng mariin sa labi ko.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gie
how to unlock all the chapterz
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
hmm pagsisihan mo rin ang ginawa mo logan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status