Share

Chapter 5

Natapos ko na lahat nang trabaho ko ngayong araw, alas-nuebe na rin ng gabi. Makakapagpahinga na rin ako dahil sobrang dami kong inasikaso dito sa restaurant. I was shock! Naalala ko bigla, birthday nga pala ni Aya!

She invited me and Paul to celebrate her birthday tonight. Kapag hindi ako pumunta baka magtampo sa'kin si Aya. Matampuhin pa man din siya tsaka soft-hearted. Kahit masigawan siya of mataasan ng boses naiiyak na siya.

Nag-out na ako sa trabaho para makapunta na sa sinabing venue ni Aya. I'm wearing my business formal attire, mukhang kagalang-galang ako mag clu-club ngayon. Bumili na rin ako ng cake dito sa restaurant para ibigay kay Aya.

Paglabas ko nakita ko na naghihintay na pala sa'kin si Paul sa tapat ng restaurant. Nagulat ako dahil wala naman siyang sinabi sa 'kin na susunduin ako or what.

"Gulat ka ba?" he chuckled.

"Yes! Tsaka hindi ako na informed na susunduin mo ako." I said to Paul.

"I forgot my wallet, ikaw magbayad ng gas natin." Sabi niya sabay kamot sa batok niya, tumango na lang.

"Okay. Tara na." Aya ko sa kanya kaya sumakay na kami sa kotse niya. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya tungkol sa gasolina.

I gave him one thousand para sa gas tapos kinuha niya rin agad. Hindi na ako umimik dahil pagod din ako.

"Okay ka lang ba? Pwedi namang umuwi agad after the party ihahatid agad kita." He softly said.

"Ayos lang ako, medyo pagod lang dahil maraming inasikaso sa Restaurant." I answered to him.

Hindi na umimik si Paul dahil alam niyang pagod ako. Kilala niya ako dahil ilang taon na kaming magkakaibigan. Nagtext na rin ako kay Mama na malalate ako ng uwi dahil birthday ni Aya. Even I get older I always update my mom. Paranoid din kasi siya kapag hindi ako nakauwi nang maaga or walang tawag hahanapin niya na agad ako.

Kahit na may anak ako hindi ko maiwasan na tawagan si Mama to update.

Huminto na kami sa isang mamahalin at sosyaling club na venue ni Aya. Minsan lang 'to kaya susulitin ko ang gabing 'to. I saw Paul looking at me.

"Bakit? May dumi ba ang mukha ko?" I asked.

"I'm checking if you are sleeping or nah." I smiled.

"Hindi ako natulog, baliw. Don't worry, okay lang ako. Tara na?" Inaya ko na siyang bumaba at nakatanggap ako ng messege ni Aya na nasa loob na siya.

Si Paul na rin nagdala ng cake at habang naglalakad ako parang may nakatingin sa'kin pero hindi ko alam kong nasaan. Pakiramdam ko lang siguro 'to.

Pumasok na kami sa club at sumalubong sa amin ang makapal na usok at may mga nag ma-make out sa mga gilid. Mukha silang bagets pa lamang, alam kaya ng magulang nila 'to?

"Happy birthday, beshy!" I greeted him loudly dahil sobrang lakas ng music. Yinakap niya ako nang mahigpit dahil mahigit isang buwan kaming hindi nagkita dahil sobrang busy namin sa trabaho.

"Thanks, besh!" she said.

Sobrang saya ko dahil nagsama-sama ulit kami pero kulang dahil wala si Jill.

"Hello, guys!" napatingin kami sa babaeng pamilyar na boses! Speaking of...si Jill 'to!

Niyakap namin agad siya dahil sa sobrang sabik namin sa kanya. Hindi namin siya nakita ng matagal na panahon.

"My gosh! Bakit wala kang pasabi na uuwi ka?" gulat na sabi ni Aya sa kanya at maski ako nagulat pero si Paul hindi.

"Surprise!" she said at patalon talon pa kaming tatlo.

Aya ordered some tequila's and beers, sobrang dami niyang inorder! I think, aabutin kai ng umaga dito dahil sa order niya. Sabagay, minsan lang din kami uminom at lumabas. Double celebration na rin 'to dahil dumating si Jill at birthday ni Aya.

"Kanina ka pa tahimik diyan?" tanong ko kay Paul tapos nahuli ko siyang nakatingin kay Jill.

"W-wala, tara inom na tayo." Nag-aya na siya uminom kaya sinimulan na namin. Namiss ko rin pumarty nang ganitong oras.

"Blow your candle!" I said to Aya dahil sinindihan ko na ang cake. She close her eyes and she wish first.

"Thank you so much!" sabi niya pagkatapos i blow ang cake.

Si Jill sobrang daldal, kinekwento niya lahat nang nangyayari sa bansa nila. Tapos si Paul lagi ko nahuhuli na nakatingin siya kay Jill. By the way, naging sila pala ni Jill bago mag abroad. Alam namin ni Aya 'yon pero hindi namin sinabi kay Jill. Wala pa sa isang buwang break na agad sila ni Jill.

Paul said na may third party at kaibigan ni Paul ang dahilan kong bakit dila nag break. May nakapagsabi kasi na nagkahalikan daw ang kaibigan ni Paul sa kanya. But, Paul admit it. Kasalanan ni Paul at hindi naging aware si Paul do'n. Nagalit din ako kay Paul dahil sa ginawa niya kay Jill.

Nakikinig lang kami kay Jill, napatingin ako sa paligid may nakita akong pamilyar na mukha. Even its dark, I saw him.

"How about you, Almira? May balita na ba sa ex mo?" Napatingin ako kay Jill na nangangamusta.

"Yeah, he's our business partner." Nadulas kong sabi at pati si Paul nagulat sa sinabi ko. Nakalimutan ko sabihin kay Paul kanina.

"Ay sh*t! Talaga? Ano sabi mo? Ano reaction mo?" sunod-sunod na tanong ni Aya sa akin.

"Isa-isang tanong lang!" natawa ako bigla sa sinabi ni Jill. Oo nga naman kasi, isa-isang tanong lang.

"Sasapakin ko na sana kaso trabaho ko nakasalalay." I laughed.

"Tama, isantabi muna ang galit." Jill said at nagtaas ng baso si Jill for cheers.

Hindi na namin namalayan na nakakarami na kami dahil sa sobrang kachismisan namin. Nahihilo na rin ako at umiinit ang katawan ko dahil marami na rin kaming nainom. Gladly, nagsalita na rin si Paul. Lumakas na ba loob niya magsalita dahil naka inom na siya?

"Kamusta naman lovelife mo, Jill?" Tanong ni Aya at nagkatinginan agad kami.

"Single and ready to...mingle!" she shouted at parang may sama pa ng loob siya sumigaw.

"Single daw." I whispered to Paul and he smirked.

"Ikaw, Paul? Kamusta lovelife mo?" nananadya talaga 'tong si birthday girl. Sabagay, birthday niya kaya pagbibigyan siya sa mga katanungan niya.

"Single." Matipid na sagot ni Paul at nagkatingin sila ni Jill.

"Tara, CR tayo." Biglang nag-aya si Aya mag CR kaya tumayo agad kami. Alam ko na kong bakit kami mag c-CR para makapag-usap si Jill at Paul.

Umalis na kami at pumunta sa CR, pero natigil kami sa paglalakad dahil may nakita si Aya na lalake. Friend niya siguro at makayapos nang yakap si Aya parang kilalang kilala.

"CR lang ako." Paalam ko sa kanya.

While walking parang may nakasunod sa akin. Pero hindi ko na lang lingon dahil naiihi na ako. When I enter the CR may nakita pa akong nag ma-make out sa gilid. My eyes!

Pagtapos ko umihi lumabas na ako at may humila sa akin sa gilid. Nagulat ako dahil hindi ko kilala! Nahihilo na ako tapos madilim pa.

"Let her go!" may narinig akong boses na sobrang pamilyar sa'kin.

"No! Who are you?" maangas na sabi nang lalake na humila sa akin.

"Asawa niya ako." Napatingin agad ako kay Adrian! Damn! Asawa? Nananaginip ba siya? Kinuha niya agad ang kamay ko at lumabas na nang club.

What did he say? Asawa? Bakit nakangiti ako ngayon?!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status