Share

Code of Marriage
Code of Marriage
Author: Nicoleiii

Pain in the Ass

Islet went inside the bar like some exquisite-looking diamond, she was sparkling. All eyes were on her, she draws attention too much just by dressing up like that. She took her phone out and reread what her friend told her. She continued walking with her head held high. Finally, she saw Cheska waving at her. 

Lumapit siya sa kinauupuan nito. She sipped into her margarita before she kissed Cheska on her cheeks. She then roamed her eyes around the area to look for familiar faces. A smirk slowly formed on her lips when she saw Damien, a hot man with lean and sexy muscles. Si Damien lang naman ang anak ng may-ari ng club na ito. Islet could not help but imagine if he'll take her to the dancefloor and rock with her.

"Wohoo, I think she has spotted her next victim!" Kantiyaw pa ng kaibigan niya habang pumapalakpak. 

She laughed at her friend's remark, she certainly knows her well! Nagpaalam na siya sa kaibigan and walked towards her target. Napapatingin naman ang iba sa kanya, hindi na naman nakakapagtaka if they stare at her, a dazzling star like her deserves attention. She did not mind all their stares, she's used to it at alam naman niya kung bakit ito napapatingin sa kanya. It's because she's oozing in hotness. 

An acquaintance offered her a drink while she was having her moment walking toward Damien. Medyo nairita pa siya ng kaunti because he broke the momentum that she was in, ngunit ayaw niya namang masabihang rude so she still chugged down two shots of tequila before she waved goodbye to her friend. Napangiwi pa siya when the liquor started burning her throat!

"Hi, Damien!" She greeted him while slowly biting her lips. She's trying to be extra flirty

She is a great seducer at alam niya sa sarili niya na effective iyon because men start going crazy even if she just looks at them, isa lang ata ang kilala niyang hindi tinatablan sa panglalandi niya, but to hell, she cares! She tried to take him off her mind, his name alone irritates her and he will surely ruin this lovely evening! 

"Did the stars just fall down from the skies?" Tanong pa nito sa kay Islet at ipinulupot ang kamay sa bewang ng dalaga

She sat between his lap and she could feel the bulge from her back, she happily chanted victory on her mind when she felt his massive erection. She smiled sweetly when she realized that she was turning him on, well, iyon naman talaga ang plano. 

"Wanna drink?" Tanong naman ni Damien kay Islet

She sweetly said yes and told him what she wants. He gladly obliged at ito pa mismo ang kumuha ng maiinom ng dalaga sa counter. She just sat at their table looking dreamy while her eyes are still fixed on every move Damien makes, iniisip niya na din na kayang-kaya niyang paikutin si Damien. That's right, he should be under her claws. What the star wants, the star gets.

"Can we dance?" She asked Damien while rubbing his thighs

Of course, she was just sending him the initiative that she's bored with just shots, she wants to do something wild, crazy, and worthwhile, probably something chaotic, pang add na din sa book of experiences niya. Damien guided Islet to the dancefloor and she excitedly swayed her hips to the best. Pakiramdam niya ay sinasapian siya ng kung ano mang malalanding elemento kapag nasa dancefloor na siya.

Gosh, she even thought that she'll be a hot stripper if Gagarin niyang trabaho iyon. She giggled lightly. She touched her body while still swaying her hips to the beat. Ang dami ng napapatingin sa gawi niya, some are murmuring nasty things about her but it's turning her on more and more. May nagsasabi pa ngang shit, she's hot! 

Doon niya pa napagtantong kasama niya pala si Damien sa dancefloor when she felt his hands on her stomach and grinding seductively on her back. Sinasadaya pa nitong iparamdam sa kanya ang malaking bukol nito sa harap. He swayed with her and pressed his body against her, napapaungol pa to sa sensasyon na hatid noon.

"Let's go get a room" Bulong ni Damien sa dalaga

A smile appeared on her lips when she heard what he said, well, honey, no one had ever laid her to bed. She had a reputation among boys, a very bad reputation. Yes, she is a seductress, and she successfully seduced a handful of men but she does not fuck. Akala nila ganoon siyang klaseng babae but no, she has self-preservation, hindi nga lang halata. 

She knows that Damien is only after her body, halata naman sa mukha nito na sex lang ang habol nito. That's why her goal is to seduce men like Damien, turn them on, and left them unsatisfied. Tingnan lang natin kung hindi sumakit yang mga puson nila kakapigil sa nararamdamang libog.

"How about public sex?" Bulong ng dalaga kay Damien. Hinahamon niya ito, she wants to see hanggang saan ang kaya nitong gawin.

She saw how his face lit, gustong-gusto ata nito ang ganoong klaseng gawain, but nah, sex is not her thing. Damien is a well-known playboy at karma na lang nito na si Islet ang nakatapat nito ngayon.

Hinila siya nito at idinikit pa lalo ang katawan kay Islet, mas pinag-iigihan pa nito ang pag giling sa likod niya para mas maiparamdam sa kanya nitong pagkalalaki. He touched her hips and he swayed more before he whispered to her ears. 

"Let's go." Pangyayaya pa ulit ni Damien sa dalaga

Hinawakan ni Damien si Islet at hinatak papunta sa mga nakahilerang VIP rooms, papasok na sana sila ng bigla na lang nagtilian ang mga tao. The music stopped and everyone ducked and covered their ears. Kadalasan naman sa mga tumitili ay mga babaeng costumer ng nasabing bar. 

"Shit, shit!" She heard Damien cursing at her side

Even though she's confused about what's happening, she tried to calm down to stay composed. Later on, may mga pulis na na lumilibot sa kabuuan ng place. What the f*ck raid! She never thought that she'll be involved in something like this again, what's wrong with the bars today? Bakit palagi na lang may sabit? Islet is cursing on her mind, iniisip niya na kung ano na naman ang sasabihin ng mommy niya.

Everyone at the bar was escorted out of the place, pinosasan si Damien at dahil kasama siya ng lalaki ay sinama din siya ng mga pulis for questioning. What the hell? Ano na naman and issue nitong Damien na ito? Nakabusangot lang si Islet sa loob ng pulis car. Iniisip niya na agad ang malalang sermon ng mommy niya because of this incident. 

Habang patuloy na nag-iisip si Islet ng kanyang explanation ay naabisuhan naman ang kanyang mga magulang sa nangyari. Nagkasagutan na naman ang mag-asawa at panay sisihan sila kung bakit nagkakaganoon ang kanilang nag-iisang anak.  

"Ayan Romano, inispoil mo kasi ng sobra! Kita mo na ang pinanggagawa ngayon? Damien's father is a syndicate, we could not afford to taint our names dahil lang sa involved si Islet sa lalaking iyon!" Sigaw pa ni Miranda sa asawa

"Alalahanin mong isa ka din sa nagpalaki sa batang iyon! Don't put all the blame on me! Malaki na yang anak mo, she should try to weigh down all her decisions kung tama ba o hindi!" Sigaw din ni Romano pabalik sa asawa

Napahikbi na lang ang ginang dahil nagkasagutan sila ng kanyang asawa. Ayaw niya din namang icondemn si Islet at siguro'y kasalanan talaga nilang mag-asawa dahil agad nilang binibigay ang mga gusto nito.

Dahil wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob ay tinawagan niya agad ang kanyang matalik na kaibigan na siyang laging nandiyan para damayan siya kung may problema siya. Magkatapat lang naman ang bahay nila kaya nung sinabi nang kaibigan niya na pupunta ito at sinabihan niya na lang doon na lang maghapunan.

Nagpahanda siya agad at hinintay ang mga panauhin dahil sinabi ng kaibigan niya na sasama din daw ang anak at asawa nito. Natuwa naman siya dahil makikita niya din pala ang anak nitong si Xavier na kababata ni Islet. Labis niyang hinahangaan ang kasipagan at kabaitan ng batang iyon.

"Ano na naman ang problema Miranda?" tanong ng kaibigan niyang si Bellissa ng dumating ito sa bahay nila

"Alam mo namang si Islet lang lagi ang pinoproblema ko Lisa" sagot naman ng ginang habang hinihilot ang sintido niya

Naikwento niya sa kaibigan ang nangyari at kung paano sila nagkasagutang mag-asawa dahil sa pasaway nilang anak. Tahimik lang naman ang asawa nitong si Fernando at ang anak na si Xavier.

"Hindi na ba talaga magtatanda iyang si Islet Mira?" tanong pa ni Bellissa sa kaibigang problemado pa din

"Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin sa batang iyan! Napaka suwail! Kasalanan din naman namin because we spoiled her too much to the extend na napapabayaan niya na ang future niya. She's not getting any younger and hanggang ngayon party pa din ang inaatupag niya" naiiling na sabi ng ginang sa kaibigan

Ilang beses na atang napabuntong hininga ang ginang sa gabing iyon, problemadong problemado siya, idagdag mo pa ang biglang pag walk-out ng asawa niya kanina. Ni hindi nga nito sinasagot ang mga tawag niya. Nag-aalala siya kung nasaan ito at lalong nag-aalala siya para sa anak na hanggang ngayon ay nasa prisinto pa din.

"Let's talk this over dinner, shall we?" pag-aaya pa ni Miranda sa mga bisita

Dumulog naman sila sa hapag at nagsikain habang pinag-uusapan pa din ang kanyang anak na ubod na ata ang katigasan ng ulo.

"Nakalabas na ba si Islet Miranda?" tanong ni Francisco sa kaibigan ng asawa

"Yun na nga ang isa ko pang problema. Nag walk out si Romano kanina and he is even out of reach. Hanggang ngayon ay nasa station pa din si Islet, I don't know kung ano na ang lagay ng batang iyon" sagot naman ni Miranda

Kahit pa napakatigas ng ulo ng anak niya ay nag-aalala pa din siya sa kalagayan nito. Oo't ilang beses na itong nasali sa mga ganitong eksena, yun bang mariraid ang club at kasali siya sa mga costumer ngunit ito ang unang beses na isinama ito for questioning.

Bakit ba kasi hindi marunong mamili ng lalaki ang anak niya? Maganda naman ito, may pinag-aralan kaya bakit mas gusto nitong mainvolve sa mga lalaking ang papangit ng reputasyon? Nag-aalala na talaga siya sa lagay ng anak ngayon, ni hindi niya na nalalasahan ang pagkaing isinusubo dahil sa pag-aalala. Paano Ito ngayon gayong hindi naman ito sanay doon sa prisinto?

Gusto niya sanang panindigan na hayaan na lang ang anak niyang lusutan at linisin ang sariling gusot ngunit nangingibabaw pa din ang pagiging ina niya. Alam na alam niya sa sarili niya na hinding hindi niya makakayang pabayaan si Islet kahit pa pasaway ito.

"Clyde, why don't you check on Islet? Magkaibigan naman kayong dalawa. Let your Tita Miranda rest for a while" baling pa ni Lisa sa anak

"Sure mom, ako na po ang mag-aasikaso kay Islet" sagot naman ni Xavier

Lumiwanag naman ang mukha ni Miranda ng marinig niya ang sagot ni Xavier, kahit kailan talaga ay maaasahan ang batang ito. Hindi niya pa ata nakitang sumuway ito sa mga magulang niya, bagay na ikinakainggit niya bilang isang ina. Hindi naman sa nagsisisi siya na si Islet ang anak niya, ang nais niya lamang ay sana man lang pahalagahan at sundin din sila ng anak niya.

"Thank you so much Xav, maaasahan ka talaga. I hope Islet is the same as you, ede sana hindi na ako namumurwisyo sa iyo ng ganito" hindi maiwasang ani ng ginang

"Naku mare don't say that! Islet is a nice girl, wag mong hayaang marinig niya na kinumpara mo siya kay Xavier. You know kids are so sentimental these days, konting pangangaral lang dinidibdib na nila" sabi pa ni Lisa sa kaibigan

Napagisip-isip niya din, mali ba ang style ng parenting niya kay Islet? May panahon ba na napaka vocal ng comparison niya kay Islet sa iba na dinibdib nito? She can't stop overthinking kung bakit nagkakaganoon ang kaisa-isang anak because as far as she can remember, if her memory serves her right ay hindi naman pasaway ito noong maliit pa lamang ito, makulit pero hindi pasaway.

&&&_estelle

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status