Share

Parent's Plans 2.0

Hindi maiwasang mapangiti ni Xavier dahil sa pinanggagawa ni Islet, he's aware of her plans. Akala siguro nito ay walang tao sa baba. Inutusan pa nito si Yaya Tessy, buti na lang at hindi siya napansin ng matanda.

Grounded ngayon ang dalaga dahil nagpalit ang ama nito kaya ngayon ay nagkulong lang ito sa kwarto, sigurado siyang tatakas na naman ito para makapag-bar. Hindi siya pumasok sa opisina dahil pinakiusapan siya ng mga magulang nito na siya muna ang magbantay sa dalaga. He's baby sitting the spoiled brat.

Dahan-dahang bumaba ang dalaga sa hagdanan, she looks like she's sneaking into someone else's house. Para itong pusa na dahan-dahang naglalakad para hindi matunugan ng asong nag-aabang. Ingat na ingat ito para hindi makalikha ng ano mang ingay. Nakita niya pa ang satisfaction sa mukha ng dalaga ng tuluyan na itong nakababa sa hagdanan.

Nang papunta na ito sa gate ay agad naman siyang naging alerto at sinundan ito. When she was about to open the gate ay duon na siya nagsalita. He wants to burst into laughter nang makita niya ang gulat na mukha nito.

"Trying to escape, are we?" Tanong niya pa dito.

"What the fuck Xavier! Gusto mo ba akong mamatay?" Sigaw sa kanya ng babae

"Bilin sa 'kin ni Tito na bawal ka daw umalis ng bahay ninyo, unless isama mo ako. So if you have plans on going out better ask me to accompany you. Alam ko naman na sa bar ka pupunta so it's a no for you." Sagot naman ni Xavier at pumasok ulit sa kabahayan.

"You moron! Alam mo ba kung bakit ako aalis ha?" Singhal na naman ni Islet dito.

"Islet, maglolokohan pa ba tayo dito? What's new? Yan naman ang daily routine mo diba? Bars and boys?" Sagot naman nito.

Nanlilisik ang matang tumingin siya sa lalaki, hindi niya akalain na nandito lang pala 'to. Kung alam niya lang sana ay hindi na sana siya nag-aksaya ng oras para makapag-ayos. Ponyetang Xavier talaga! Nakakagigil!

"Alam mo, grabe ka talaga kung manghusga. I was about to trace you and find you dimwit dahil gusto kitang makausap. Tawag ako ng tawag sayo nandito ka lang pala!" Singhal niya pa dito.

"Now we are talking. Ano pa ba ang gusto mo?" Walang ganang sagot nito.

Bwesit na bwesit siya kaya pasalampak na naupo siya sa malapit na sofa. Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay nag-aagaw buhay na sana itong lalaking nasa harapan niya ngayon. Pa simpleng umupo ito sa tapat niyang pang isahang sofa.

"Anong gusto mong pag-usapan natin Isla?" Seryosong tanong ni Xavier sa dalaga.

Ha! And ito na naman ang pagtawag-tawag ng lalaki sa nickname na ginawa nito para sa kanya. Noon kasi'y nahihirapan si Xavier na tandaan ang pagkakabigkas ng pangalan niyang aylet kaya ginawan siya nito ng sariling palayaw at yun ang Isla.

"Fine! I want to ask you something." Sabi niya pa.

Napaayos naman ng upo si Xavier at mataman siyang tinitigan, siya na ang nag-iwas ng tingin dahil naasiwa siya sa mga titig nito. She don't feel comfortable around him, parang na co-conscious siya sa mga galaw niya kapag nandiyan ang lalaki. 

"What is it?" Tanong nito.

"Bakit ka pumayag sa kasal?" Tanong niya pabalik sa lalaki

"I don't want to answer that." Maikling tugon nito.

Napaawang naman ang bibig niya dahil sa sagot ng lalaki. Seriously? Yun lang ang sasabihin nito? This is a serious matter at sasabihin lang nito na ayaw niyang sabihin ang rason kung bakit siya papakasalan ng lalaki? Ano ba ang tingin nito sa kasal? Joke joke lang?

"You know what Xav, save me from all your bullshits! I just want to know why you agreed on marrying me. Halata naman mashado na naiirita ka sakin yet you still want to tie a knot with me? Para mo na ding pinukpok ang sarili mo ng bato sa ulo." Wika niya pa.

"Paniwalaan mo na lang kung anong gusto mong paniwalaan, basta hindi ko sasabihin sayo kung bakit ko gagawin 'to." Walang ganang sagot ni Xavier

She walked out from Xavier with rage in her eyes, dumiretso siya sa kusina at doon nagsisigaw. Medyo natakot pa ang mga kasambahay nila dahilwsa ginawa niya. Baka akala ng mga ito na pagbubuntungan niya ito ng galit. Doon na siya nagkampo at inabala ang sarili sa pagluluto ng kung ano-ano. She needs to do something in order to stay sane.

Napag-isipan niyang nag bake ng cookies at ginawa na din ng mango tapioca. She enjoys cooking and baking before but when her priorities started to shift ay parang makakalimutan niya na ding pumasok sa kusina at magluto. Aside sa kwarto niya ay ang kusina din ang pinakapaborito niyang lugar sa bahay nila. Kahit noong maliit pa sila ay gustong-gusto niya na dito kaya nagpapaturo siya sa yaya niya paano gumawa ng pagkain.

She happily placed the cookie dough inside the oven, parang unti-unti na ring nagsu-subside ang inis na nararamdaman niya kanina dahil satisfied siya sa ginagawa ngayon. Ang mango tapioca niya naman ay pinapalamig na lang niya sa ref. Tamang-tama din dahil after 20 minutes ay paniguradong luto na ito.

"What are you making?" Tanong pa ni Xavier na parang kabote, sumusulpot na lang bigla.

Muntik niya ng mabato ang hawak na spatula dito dahil sa gulat. Gusto ba talaga ng lalaking 'to na mamatay siya? Bakit lagi na lang itong nangugulat? Lumapit ito sa oven at tiningnan ang ginagawa niya.

"You're making cookies pala. Can I have some?" Tanong pa nito habang ang mga mata ay nasa niluluto niya pa din.

Inirapan niya ito, ang kapal naman ng mukha nitong manghingi sa kanya gayong kani-kanina lang ay ininis siya nito. Kahit noong maliit pa sila ay ganito talaga itong si Xavier, laging nanghihingi sa niluluto niya. 

Nung tumunog ang oven ay napangiti siya, hudyat kasi it na tapos na ang 20 minutes at pwede niya ng kunin ang cookies para palamigin and it's good to go! Hindi pa man lang lumalamig ang cookies ay pinupulot na ito ni Xavier, yan napaso tuloy.

"Obvious naman siguro ano na kakakuha ko lang niyan sa oven ede paniguradong mainit talaga yan." Talak niya pa dito while rolling her eyes.

Hindi naman na nag-react si Xavier at nakahalukipkip lang sa gilid habang hinihipan ang napaso niyang mga daliri. Hinanda niya kaagad ang mango tapioca na ginawan niya din kanina. Buti na lang talaga at dinamihan niya kundi, hindi magkakasya sa kanilang dalawa iyon.

"Mmm, this is good." Sabi pa nito habang kagat-kagat ang chocolate cookie na gawa niya.

Pagkatapos kumain ay bumalik kaagad si Xavier doon sa sala at parang may-ari ng bahay na naupo sa sofa at nanood ng TV. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon, hindi man lang nagpasalamat sa kanya pagkatapos kumain.

Pagkatapos niyang maligpit at mahugasan ang mga ginamit kanina ay umakyat na siya sa kwarto niya para makapagpahinga. Minuto pa lang ang itinagal niya doon ay parang gusto niya na namang lumabas. Nababagot siya at wala siyang nagawa sa buhay.

She got up at nag scroll na lang sa mga social media accounts niya, andami niyang na receive na chat galing sa mga kakilala niya. Nagyayaya ang mga ito na mag-inom, gustong-gusto niya mang pumunta at hindi naman pwede dahil nakabantay sa kanya si Xavier at alam niyang hindi niya ito matatakasan.

Na bored na naman siya sa social media niya kaya naisipan niyang manuod na lang ng mga videos ngunit hindi pa din sapat. Nababagot na talaga siya kaya lumabas siya at pinuntahan si Xavier na manonood pa rin ng palabas sa TV.

"I'm bored." Anunsiyo niya pa sa harap nito.

Sinadya niya talagang harangan ang pinapanood nito para napansin siya agad ng lalaki. Effective naman iyon dahil agad na nag-angat ng tingin ang lalaki sa kanya. Agad na kumunot ang noo nito, nagtataka sa ginagawa niya.

"So? You can watch TV shows with me here." Walang ganang sagot nito.

Dismayado siya sa sagot nito, ano naman ang ineexpect niya sa isang katulad ni Xavier. Wala ata itong fun sa katawan, sobrang seryoso. Nakabusangot lang na naupo siya sa tabi nito. Sinikap niyang manood ng TV ngunit hindi niya talaga maintindihan ang pinapalabas.

"Fine! But no alcohol and silly bar hopping Islet." Saad nito.

Nagliwanag naman agad ang mukha niya at patakbong pumunta sa kwarto niya para makapagpalit at kunin ang bag nito. Naisipan niyang mag-shopping at gumala sa mall dahil hindi naman pupwede sa bar dahil ayaw ni Xavier.

"I haven't taken a bath yet." Reklamo pa ni Xavier ng makitang ayos na ayos na siya para sa lakad nila

Sinabihan niya na lang ang lalaki na hihintayin niya ito. Sumama siya sa bahay nito at doon naghintay. Walang kaso naman sa kanya dahil simula pa noon ay labas-pasok siya sa bahay nina Xavier ganun din ito sa bahay nila. Inaliw niya na lang ang sarili sa pagtitingin ng mga lumang litrato nilang dalawa habang hinihintay ang lalaking matapos.

Isang photographer kasi ang mommy ni Xavier noong hindi pa ito nagkaasawa, kaya laging sila ni Xavier ang napagdidiskitahan nitong kunan ng larawan noong mga bata pa sila. Napapangiti siya sa bawat larawan, naalala niya kasi kung gaano sila ka close dati. Pinakapaborito niya talaga sa kuha ni Tita Lisa ay yung tinulak niya si Xavier sa swing noon.

"Halika na." Tawag pa ni Xavier sa kanya na ngayon ay nakabihis na.

Nanuot sa ilong niya ang bagong ligong amoy ng binata sabayan mo pa ng mamahaling perfume na gamit niya. Sumunod naman siya dito at pumasok na din sa kotse nito. Sa shotgun seat na talaga siya naupo dahil baka bigla na naman itong magalit.

"Dadaan muna tayo sa opisina. I need to sign some papers." Wika pa ng binata. 

Her eyes twinkled upon hearing his words. Ngayon lang siya makakapunta sa opisina nito. Sa tinagal-tagal nilang magkakilala ay kailan ma'y hindi niya nabisita ang opisina ng lalaki. Siguro dahil hindi na sila gaanong ka close mula nung magkaroon ito ng posisyon sa kompanyang ipinundar ng mga magulang nito. 

Para siyang batang first time makapasok sa isang mataas na building, palinga-linga siya sa bawat sulok ng building. Hindi niya akalaing ganito pala ang itsura ng kompanya nito, glass wall lahat! Kaya kita niya ang mga pinanggagawa ng mga tao sa bawat floor. Pati elevator ay see through!

"Sir ito po yung contract na kailangan ni Mr. Toshiba ngayon— oh my babae!" Gulat na sabi ng sekretarya ni Xavier.

Nakatakip pa ito ng bibig ng humarap ito sa kanya. Siya naman ay naguguluhan dahil sa reaksiyon ng babae. First time ba nitong makitang may dinalang babae si Xavier dito? Napalingon  naman ang mga employees na napapadaan malapit sa kanila. Nakikita niya din ang gulat sa mga mukha nila.

"Come on Stacy, don't scare her will you?" Sabi pa ni Xavier sa sekretarya.

"Girlfriend niyo po sir?" Tanong nito sa mahinang boses

"Tss, hininaan pa eh rinig ko naman!" Sabi niya pa sa sarili.

"No. She's not my girlfriend." Sagot pa ni Xavier

"Ah akala—" Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang nagsalita si Xavier.

"She's my fiancee." Dagdag pa ng lalaki.

Mas lalo tuloy nagulat ang sekretarya nito. Nakita niya naman kung paano nagkagulo ang mga empleyadong nakikinig sa usapan nila. Siguradong headline na sila ng chismis ngayon dahil sa sinabi ng lalaki. Gusto niya tuloy pitikin ang noo nito, kung ano-ano ang sinasabi. Ayaw niya ngang makasal dito!

"Hala sir? Paano po si Ma'am Kristein niyan?" Tanong pa ng sekretarya nito.

Hindi naman sumagot ang binata at pinermahan lang ang mga dokumentong pinunta nila dito. Na intriga tuloy siya kung sino ang Kristein na iyon, baka yun ang girlfriend ni Xavier! Kailangan niya itong makilala, baka ito na ang makatulong sa kanya para hindi matulog ang kasalan nila ng lalaki.

Curiosity filled her system and hindi na niya mapigilang usisain si Xavier kung sino ba si Kristein sa buhay nito. She needs to confirm it from him kung totoo nga bang ito ang girlfriend ng binata.

"Sino si Kristein?" Tanong niya pa sa lalaki pagkapasok nila sa kotse nito.

"Why? Are you jealous?" Pabalik na tanong nito 

"Ang kapal naman ng mukha mo. I'm just asking." Sagot niya pa sabay irap.

"She's no one. If you think she can help you escape our upcoming wedding ay nagkakamali ka. We are not romantically involved so kung ano man iyang binabalak mo ay wag mo ng ituloy." Wika pa nito.

Napahalukipkip na lang siya sa loob ng kotse. Paano na ito ngayon? Wala na siyang ibang option para makatakas sa plano ng mga magulang na ipakasal silang dalawa. At teka lang, paano nito nalaman ang binabalak niya? Can he read someone's mind?

Tiningnan niya ito ng masama, she can't believe na malaman agad ng lalaki ang mga pinaplano niya dahil lang sa nagtanong siya. Ganoon ba ka transparent ang mga plano niya?

"What are you glaring at me?" Tanong pa nito.

Inirapan niya lang ito at hindi na pinansin. Naiirita na tuloy siya. Kung kanina ay gustong-gusto niyang gumala, ngayon naman ay uwing-uwi na siya dahil pakiramdam niya kukulo lang ang dugo niya.

Unlike Manila, hindi marami ang malls sa city nila kaya wala kang ibang choice. Parang apat lang ata ang malalaking malls dito, yung iba ay hindi gaanong malaki. May isa din but wala sa city proper.

Sa Alta Citta sila nagpunta dahil may David Salon Doon at nais niyang magpahair treatment. Naisipan niya ding magpalinis ng kuko.

Xavier didn't argue with Islet kahit pa nababagot na siya sa paghihintay sa babaeng ngayon ay nagpapakulay ng mga kukobat mukhang relax na relax. Pagkatapos doon ay nagyaya naman itong magfood court.

Bago sila tumulak papuntang food court ay nahagip naman ng atensiyon ng dalaga ang nagpapafree taste ng alak doon.

"Ma'am, try niyo po ang premium red wine namin." Yaya pa ng promodised

"Can I have two shots?" Tanong pa ng dalaga na agad namang tinanguan ng promodiser.

"Islet, diba napag-usapan na natin na—" He tried to stop her.

"Xav, I'm just trying their product, ang sabi mo kanina ay bawal akong mag bar, but you did not mention na bawal akong uminom, and chill, will you? Hindi naman ako malasing sa dalawang shot lang." She cut him off.

Wala na siyang nagawa dahil kaakibat na ata ng buhay ni Islet ang alak. Tuwang-tuwa naman ang dalaga dahil wala siyang nagawa sa pag-inom nito ng alak. Yayayain din sana siya ng promodiser ngunit sinamaan niya ito ng tingin.

"Gusto niyo pa po ma'am?" Tanong na naman nito kay Islet.

"That's enough for you lady, and pwede ba marami ka pang pwedeng bigyan niyang product mo, hindi lang ang fiancee ko." Sabi niya pa sabay hila kay Islet.

"Ang sungit mo naman! He's just doing his job!" Wika nito.

"Are you trying to defend that—" 

He was not able to finish his words dahil tinalikuran na siya ng babae. Tinawag niya ito ngunit hindi man lang siya pinansin ng babae. Damn this vixen!

"Please order the pork siomai for me." Bulong niya kay Islet na ngayon ay nakabusangot pa din habang nakapila.

"Fine! But bumili ka doon sa Potato Corner. Shoo!" She said as she shoo him away.

Nasa isang mesa na si Islet ng matapos siya sa pagbiki ng fries na gusto nito. Akala niya ay hindi na siya bibilhan nito ngunit nakita niyang may pork siomai sa order nito. May kasama ding dalawang buko shake ang dalaga.

"Here's your fries madam." Sabi niya pa at ibinababa sa mesa yung binili.

Napatingin naman sa kanya ang babae at agad nilantakan ang binili niya. While they were munching their food ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. He excused himself and answered the call.

Nilapitan niya si Islet pagkatapos ng tawag. Tinanong niya naman ang dalaga kung tapos na ba itong kumain dahil may pupuntahan na naman sila.

"Where are we going?" Tanong naman nito.

"Passiflora." Maikling tugon niya.

Nagliwanag naman ang mukha nito at agad nagkwento tungkol sa mga paborito nito sa cafe na iyon tulad na lamang ng carbonara, salmon salad at homemade nachos. But her mood went sour at kitang-kita niya kung paano napalitan ng pagtataka ang mukha nito pagdating nila doon.

"Mommy, Tita? Nandito din kayo?" Tanong pa ni Islet

"Yes. Sisimulan na natin ang wedding preparations." Their mother answered in sync 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status