Share

Preparations 2.0

"Have you finally made up your mind about our marriage?" Tanong pa ni Xavier sa kanya na may makahulugang tingin sa kanya. 

Inirapan niya na lang ito at pumasok na sa sarili niyang kotse. Convoy silang dalawa papunta doon sa nakareserve na restaurant para sa meeting nila kasama ang wedding organizer na si Cassidy. Sa Chido ang reservation nila, nakasunod lang siya sa sasakyan ni Xavier dahil hindi siya partikular sa lugar na iyon.

"How's your dad?" Tanong ni Xavier nang maupo na sila doon sa table na para sa kanila.

One thing that she noticed ay hindi ito gentleman, hindi siya hinihintay nito kung naglalakad sila at hindi man lang siya pinaghihila ng mauupuan, but what is she expecting, a lovey-dovey Xavier?

"Can you please stop talking to me? You annoy the shit out of me." Sagot niya pa dito sabay irap.

"Easy there Islet, I'm just worried about your dad. Isa ba siya sa rason kung bakit ka pumayag sa kasal? Are you afraid that he'll go through even worse kung hindi mo siya susundin this time?" Tanong na naman nito.

"My decision is mine alone Xavier at please lang wag mo na akong kausapin." Sagot niya naman.

Buti na lang at tumahimik na ito at pasimple lang siyang tinitingnan habang hinihintay ang wedding coordinator nila. Pagkarating ni Miss Cassidy ay magiliw nila itong binati at nagsimula na nga ang kanilang pagpaplano.

"Diba gusto mo ng beach wedding noon Isla? Why don't we book our wedding in Panglao?" Suggest pa ni Xavier.

Kanina pa siya napipika dito dahil lagi nitong bini-bring up ang mga gusto niya noong mga bata pa sila. Things changed for the two of them at hindi na siya ang Islet na napakahopeless romantic at naniniwala sa happy ever after. 

"No Xav, I prefer an intimate wedding and this time gusto ko sa church and yung sa reception naman, gusto ko yung malapit lang sa simbahan para less hassle." Ika niya pa.

"May napili na ba kayong simbahan ma'am?" Tanong naman ni Cassidy while taking down notes sa matepad nito.

Gusto niya sanang doon sa simbahan kung saan siya bininyagan ngunit wala namang malapit na lugar for the reception at ayaw niyang ma hassle ang mga guests nila sa while moving from one place to another. 

"Let's find somewhere in the city or in Panglao na lang." Sagot niya pa.

"Can we just held the reception sa Panglao Isla? I badly want to be close to the sea after our wedding." Pakikiusap pa ni Xavier sa kanya.

Pumayag na lang siya dahil baka may plano itong magpakalunod pagkatapos ng kasal nila. They just invited over 100 guests, gusto sana ng parents nila na dagdagan pa ang mga iyon but the two of them agreed na mas mabuting hindi ganoon ka dami ang magiging bisita nila.

Nang araw ding iyon ay binisita nila ang isang souvenir shop na gumagawa ng mga customized items for occasions like weddings, birthdays and events. Gusto niya sanang personalized pallet ang ipamimigay niya but she realized hindi naman lahat mahilig sa art so she choose a wooden spoon with their lady guests names engraved specifically for them. Sa mga gentleman naman ay mini wine and bottle opener ang ipapamigay nila.

They visited the restaurant that will help them with their catering needs at yun nga, nag food taste sila ng mga putahe na gusto nilang iinclude sa mga iseserve na menu sa kasal. Yung cake naman ay yung Mommy na ni Xavier ang nag-asikaso, yun daw ang gift nito para sa kanila.

Pagod na pagod siya dahil sa mga ginawa nila kaya naman naisipan niyang mag distress muna saglit sa paborito niyang bar— sa Atmosphere. Hindi niya naman napansin na nakasunod pa pala ang sasakyan ni Xavier sa kanya, akala niya ay umalis na ito at pumunta sa kung saan.

"Did you forgot na bawal kang mag bar?" Biglang sabi nito sa likod niya.

"What are you doing here?" Gulat na tanong niya.

"I could ask the same thing to you Islet, what are you doing here?" Pabalik na tanong nito sa kanya.

Nilagpasan niya lang ito at umalis na sa parking area. Dumiretso siya agad sa entrance at sumunod naman agad si Xavier sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakasunod pa din sa kanya. Binibilisan niya ang lakad niya para sana ay maiwala ito doon sa loob ngunit alisto ito at ang lalaki ng mga hakbang nito kaya hindi siya makakatakas.

She found an empty couch kaya doon siya umupo at syempre umupo naman si Xavier na nakakunot pa din ang noo at halatang hindi nagugustuhan ang environment na kinaroroonan nila.

"Pwede ka namang umuwi kung ayaw mo dito. Don't make me feel like you are babysitting me." Wika niya pa.

Umingos lang ang lalaki at hindi man lang nakinig sa kanya. She ordered a drink nung may nagdaang waiter. Agad naman itong bumalik dala ang order niyang Rémy Martin Brandy na inorder niya. 

"You want to get drunk?" Tanong ni Xavier sa kanya na mas lumalala pa ang pagkunot ng noo habang tinitingnan ang brandy na hawak niya.

Wala na atang architect na kayang idrawing ang mukha nitong hindi na pwedeng ipinta dahil sa pagiging OA nito. Hindi siya nakinig dito at sinunod-sunod ang paglagok ng alak. 

"Alright! Let's make the dancefloor heat in beat!" Sigaw pa ng DJ at pinatugtog ang musikang nagpapaindak sa mga taong naroroon.

She stood up, raised her glass and shouted with the DJ. Wala na siyang pakialam kahit pa nandiyan si Xavier malapit sa kanya. She wants to distress and she will, hindi siya mapipigilan nito.

"Islet, tama na yang alak mo! For Pete's sake it's your 5th glass now!" Awat pa nito sa kanya.

"Shut up Xav, wag kang mag-alala kompleto ako sa health insurance at nakaunli ako sa liveraid kaya kung magkasakit man ako sa atay in the future ay secured ka parin." Sagot niya naman at iniwan ito at nagpunta sa gitna ng dancefloor.

Hindi niya naman nakita itong sumunod sa kanya or maybe sumunod ito ngunit nawala lang dahil sa dami ng tao na nandoon. Inaliw na lang niya ang sarili at sumayaw doon, may mga lumalapit sa kanya at pasimpleng nagbabakasakali na maisayaw siya ngunit tinatanggihan niya naman agad. Susuntukin niya sana iyong isang lalaking humawak sa kanya when she realized it was Damien.

"Fancy seeing you here Nova." Bulong nito sa kanya.

Nakalabas na pala ito, sigurado siyang nilinis agad ng Dad nito ang pangalan ng binata dahil ayaw nitong mabahidan ng kung ano mang issues ang pangalan gayong papalapit na ang eleksiyon. 

"It's been a while Damien." Bulong niya din dito.

Gumiling-giling siya habang nasa batok ni Damien ang mga kamay niya. Nawala na sa isip niya na nandito pala si Xavier na ngayon ay madilim ang mukha habang nakatingin sa kanila. Doon niya lang naalala ito ng hinila nito si Damien at agad pinaulanan ng suntok ang mukha.

"Stay away from my fiancée!" Malutong na sabi nito.

"Easy there Lozano, I was just dancing with her mukhang bored kasi eh. Hindi ka siguro marunong kaya naghahanap ng iba." Sagot naman ni Damien habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi nito.

"What did you say! Gusto mong makatim—" Sigaw ni Xavier na akmang susugurin na naman si Damien, buti na lang at nahila niya ito palayo doon.

"Ano ka ba! You caused a scene there! Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nandoon?" Talak ni Islet kay Xavier.

"Ano ang sasabihin ng ibang tao? Naisip mo ba yan Islet when you let that bastard hold you? May fiancée ka na't lahat-lahat nakikipagsayaw ka pa din sa iba na para bang inaakit mo ito?" Sigaw naman ni Xavier sa kanya.

"Shut up Xavier! Magkaibigan lang kami ni Damien, nothing less, nothing more!" Wika niya.

"Oh really? Wala sanang mangyayaring ganito ngayon kung hindi mo lang naisipang magbar." Ika naman ni Xavier.

Hindi makapaniwalang tiningna ni Islet si Xavier. Bakit parang pinapamukha nito na kasalanan niya? Hindi naman siya ang nanuntok na lang bigla ng isang taong sumasayaw lang naman sana doon sa dancefloor kanina.

"What? Bakit kasalanan ko? I wanted to distress myself so I took a trip here, hindi ko kasalanan kung bakit ka nandito gayong hindi mo naman pala gusto." Sagot niya pa.

"First of all Islet, I don't like bars because it's not good for me, alam mo naman siguro diba kung bakit? And second, nandito ako kasi nandito ka and I know you're gonna be reckless and I guess I'm right. Kung gusto mo palang magdistress dapat sa dagat ka nagpunta o sa budok or even to place na peaceful hindi sa ganitong parang jungle of maniacs." Wika naman nito sabay hila sa kanya.

Nagpumiglas siya at pilit kumawala sa pagkakahawak nito ngunit sadyang malakas si Xavier, idagdag mo pa ang legs niyang wobbly na dahil sa mga ininom kanina. Xavier proved his strength once more when he easily deposited her to his car.

"Hey! What about my car?" Reklamo niya pa habang sinusubukang makatakas sa kotse nito, but it's too late dahil naka lock na iyon at tanging si Xavier lang ang makakabukas.

"Drink this and to sobber up Islet." Wika pa nito sabay abot sa kanya ng isang bottled water na hindi niya alam kung saan nito napulot.

"No, I don't need that! I'm perfectly sobber at aalis na ako dito sa sasakyan mo. I have my own car, and I can drive!" Sigaw niya pa.

"Drink this Islet!" Singhal nito sa kanya while his face turned dark. 

Hindi niya ito pinansin at binato lang ang tubig na inabot nito sa kanya pabalik dito. Nagulat naman ang lalaki sa ginawa niya na tinamaan sa braso dahil hindi ito nakailag sa pagbato niya.

"Ayaw mo talagang uminom ha? Pwes, pasenshahan tayo." Wika pa nito at inimom ang tubig na binato niya.

Maya-maya pa'y kinabig siya ni Xavier at agad ginawaran ng halik sa labi, no, no, it's not a kiss, pinapainom siya nito mula sa sarili nitong bibig! What the f*ck he's taking advantage of her drunken state! Ang dali niya tuloy nahimasmasan dahil sa ginawa nito, pulang-pula ang mukha niya kakaisip sa ginawa nito.

"Now sit still and I'm taking you home!" Wika pa nito at pinaharurot ang sasakyan.

Tahimik lang siya sa kinauupuan niya at nakatingin lang sa labas ng kotse, tinatanaw ang dinaraanan nila. Ngayon ay naaapreciate niya ang view ng dinaraanan nila, ewan niya ba wala naman siyang pakialam dito noon, baka wala lang talagang ibang mapagkaabalahan ang utak niya kaya ganoon.

Tumigil ang kotse ni Xavier sa harap ng bahay nila, hindi niya na hinintay itong pagbuksan siya ng pinto dahil kaya niya naman at alam niyang hindi siya ipagbubukas nito. Dire-diretso siya sa kwarto niya at nilock agad iyon, kaya panay katok ngayon si Xavier sa labas ng pinto niya.

"Islet, talk to me! Mag-usap tayo!" Sigaw nito sa labas ng pinto niya.

"Get your ass off my house Xavier! I'm tired and I don't want to hear your nonsense!" Sigaw niya naman mula sa loob. 

Narinig niya pa ang ilang ulit nitong tawag sa kanya ngunit hindi niya pa din pinagbuksan ito. Napagod na din siguro ito kakahintay sa kanya dahil narinig niya ang papalayong yabag nito. She sat emptily on her bed, wala siyang makapang emosyon para sa mga nangyari, the recent incidents made her numb or maybe she's just suppressing all the emotions dahil ayaw niyang maramdaman ang mga iyon. 

Hindi siya makatulog and she needs to free the pain, the confusion and the uncertainties from her body at ang ginawa niya para matugunan iyon is to paint. Yes, art allows her to scream all her silent cries, dito niya nalalabas lahat ng frustration niya, lahat ng hinanakit niya.

Naisipan niyang gamitin ang mga regalo ng kaibigang si Justine. She started creating outlines and then layers after layers of paints followed. She is overly satisfied with the gloomy atmosphere of her work. 

"What should I call you?" She mumbled to herself. 

She then smiled and in an instance an idea came into her. Emotional whirlwind, yes that's right.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status