KABANATA 5:KITANG-KITA ko ang pagkunot ng noo ni Blake dahil sa matalim na titig ni Dustin. Tumikhim ako. Magsasalita sana ako kaso naunahan ako ni Dustin."Who is he? I didn't know you were dating someone?" He said using his powerful voice, and his eyes narrowed at me.Nagkatinginan kami ni Blake. Ngumiti ako sa kanya pero para bang ngiwi iyon. Hindi ako sanay sa ganitong side ni Dustin. Sobrang seryoso niya. Medyo natakot ako bigla."Uh, I believe you—"Dustin cut him off. Iritado nitong niluwagan ang necktie niya habang pinapatunog ang leeg na tila ba pagod siyang makipag-usap kay Blake kahit na hindi pa nga nakakasimula."Are you Cassiedy?""Dustin," I warned him. Tumayo na ako at hinawakan siya sa braso. Nahuli ko pang napatingin si Blake doon, bago nag-angat ng tingin sa akin. Naningkit ang mga mata niya kay Dustin pero tila ba walang pakialam ang isa. Bumaling sa akin na hindi maipinta ang mukha niya."Don't scare him, please. He's my suitor—""You're what?" Nagsalubong ang ki
KABANATA 6:HINATID ako ni Dustin nang gabing 'yon sa condo at umuwi na rin agad. Pagpasok ko sa condo, tawag agad ni Crystal ang bumungad sa akin. She asked me questions about Blake. Of course, alam niya kung anong nangyari dahil binalita ni Dustin iyon sa kanya agad.We talked and I told her my sentiments about her husband's rudeness. Isa pa, pinaintindi ko sa kanya na pareho lang kami ng edad at hindi big deal kung makipag-date ako o mag-boyfriend na ako. Siya nga kasal na. Hindi ko nga alam na kinasal na pala. May sinabi ba akong masama sa kanila? Nangialam ba ako? Hindi naman, 'di ba?"I'm sorry. Maybe I was just too worried about you. Baka kasi masakta—"Napapikit ako bago ko pinutol ang sasabihin niya."Crystal, I won't learn anything if you guys will interfere with my love life. It's actually none of your business. We're both adult. Kung nasa college tayo at pinapakielaman niyo ko. Baka maintindihan ko pa. Pero ngayon? Ano 'yon? Gumawa ng scene si Dustin kanina. Nakakahiya sa
KABANATA 7:GULAT ako nang mapagbuksan ko siya ng pinto. Bumalik siya pero para sa naiwan niyang wallet sa sofa. Hindi ko napansin iyon kanina. "Sure ka? Wala ka nang naiwan?" paninigurado ko sa kanya.Tinapunan niya ng tingin iyong sofa bago muling bumaling sa akin habang nakapamulsa.Humalukipkip ako habang nakatagilid ang ulo, pinagmamasdan siya na umiwas ng tingin.“Wala na…” maos niyang sabi.Tumango ako at nilagpasan siya para pumunta sa pinto. Paglingon ko ay nakatingin pala siya sa likod ko. Bumuntong-hininga siya.“Hmn?” I tilt my head to one side.“Cass, I’m sorry. Alam kong nainis ka sa ‘kin kanina,” anito at hinagod ng daliri ang buhok nito. Napatingin tuloy ako sa kamay nitong malapad. Iniwas ko ang aking tingin.“That’s fine. Okay na ko,” sabi ko na lang and I tried to smile at him to give him assurance na everything’s okay. Para kasi akong nahihiya kung sasabihin kong hindi. Tsaka ang awkward na. Edi okay na lang para matapos na.Humakbang siya palapit sa akin. Medyo
KABANATA 8:BLAKE and I continued with out courting stage. He exert efforts talaga at nakikita ng iba 'yon."Siya ba 'yong bago? She's not even that pretty!""Shh!"I pretended that I didn't hear anything. Nakapikit ako at inaayusan ni Mela. Dalawa kaming nasa loob ng dressing room para sa gaganaping fashion show for a lingerie. Alam ko na ako naman iyong pinag-uusapan nila. Kanina pa nila ako tinitignan.I tried to be friendly lalo na noong nagkatinginan kami ni Angelica. Iyong matagal na ring nagmomodelo at nakikita na rin sa mga commercials. Kilala na siya talaga kumpara sa akin na nagsisimula pa lang.Alam ko naman na hindi niya ako gusto dahil hindi man lang niya ako nginitian kanina at maski tapunan ng tingin. Hinayaan ko na lang. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya kaya lang nang nalaman ko kay Emily na pinag-usapan ako ng ibang models sa labas dahil pinuntahan ako ni Blake kahit na hindi naman siya part ng show.Noong nalaman nilang nariyan si Blake, marami nang kumausa
KABANATA 9:SINILIP ako ni Crystal habang nag-aayos ako ng buhok. "Don't peak, just get in," sabi ko at sinulyapan lang siya saglit sabay balik sa pagkulot ng aking buhok."Sabi ko na, kaya hindi muna ko maliligo kasi mukhang matagal ka. Mababagot lang ako kakaantay sa 'yo. Ilang oras pa 'yan?" tanong niya at marahang umupo sa gilid ng aking kama.Bakas ang aliw sa mga mata habang pinapanuod ako. Nilingon ko siya saglit."You haven't taken a bath? I can finish this within thirty minutes, Crystal. Maligo ka na kaysa ako mag-antay sa 'yo, iiwanan kita," sabi ko sa kanya.Hindi kasi ako mahilig mag-antay. Mabilis ako mainip. Tumayo tuloy si Crystal."Ang tagal mo kasi talaga kumilos. Tignan mo pagtapos ko, may ginagawa ka pa rin. Maaga ka pang nagising sa amin pero busy na busy ka pa rin."I shrugged. Hindi na ko nakipagtalo. Noon, medyo matagal din si Crystal mag-prepare sa sarili pero kung ikukumpara sa akin. Mas matagal ako talaga. Dalawang oras minsan ang tinatagal ko sa preparation
KABANATA 10:IT was awkward for me pero para kay Dustin, nakikita ko naman ay hindi. Siguro para sa kanya, wala lang talaga ang nangyari. Medyo tumatak sa isip ko 'yong sinabi niya sa akin kahapon na naguguluhan na rin siya madalas sa amin ni Crystal. I still don't get that because they were living in the same roof for how many years. Hindi pa rin niya kabisado ang asawa niya?"That's my gift when I was in college, right?" Nagulat ako nang makitang suot ni Dustin iyong regalo kong relo sa kanya noon pa.Tsaka ko lang napansin iyon nang kumakain na kami sa resto. Napadapo ang mga mata ko sa kamay niya.Dustin grinned."Of course, you're my best friend. I treasure everything you gave to me. Kaunti na nga lang hindi ko pa gagamitin," sabi niya sabay hagod ng daliri sa buhok nito.Sumimangot ako at natigil sa pagkain ng ceasar salad."No, I was just joking." He laughed. "Alam kong hindi na tayo ganoon ka-close simula nang naging malapit ako kay Crystal but Cassy, I still consider you as a
KABANATA 11:TUMUWID ang tayo ko nang marinig ang malakas na boses ni Dustin. Sumipa ang kuryosidad sa akin at hindi maiwasang lumabas nang kwarto para silipin silang dalawa na nagtatalo na sa hallway.Nakatalikod si Dustin sa akin at nakaharap sa kanya si Crystal. Masyadong matangkad si Dustin kaya naba-block niya ang view ko sa kapatid ko."Don't make it an issue. Ano bang nangyayari sa 'yo?""I didn't change. Binabaligtad mo lang, eh. Aminin mo na sa akin, Dustin!" Tumaas ang boses ni Crystal dahilan para maglakad na ako at magpasya na awatin silang dalawa."Why are you guys fighting?"Kitang-kita ko 'yong pagkabigla ni Crystal nang sumulpot ako. Mula sa galit na ekspresyon at pagkagulat, mabilis na nag-shift iyon sa pagngiti."Sorry, naistorbo ka namin. Uh, don't mind us," sabi ni Crystal.Binalingan ko si Dustin na nakatingin sa ibang direksyon pero halatang malalim ang iniisip. Hinagod ng daliri nito ang buhok bago bumuntong-hininga at pumasok sa kabilang kwarto. Hindi man lang
KABANATA 12:PINAGMANEHO ako ni Anthony papuntang hospital. Hindi ko kasi kaya iyong magmaneho ng ganito kaya pinili ko na makisuyo sa kanya. Umuwi rin agad si Blake matapos makiramay. Lilipad siya patungol Caticlan para sa isang event nang apat na araw. I understand, and I still have my relatives and friends who will support me during these times. Wala akong gana pa sa ngayon makipag-usap sa iba at sa totoo lang ay gusto kong mapag-isa pero alam kong hindi p'wede. Marami akong i-e-entertain hanggat hindi pa naililibing si Crystal."You want me to come with you?" Anthony asked, but I shook my head and smiled."I'm fine. P'wede ka bang mag-antay dito sa lobby? Mabilis lang naman yata. I just need to check Dustin's condition too.""Sure. Tawagan mo lang ako," he said.Kaya iniwan ko si Anthony sa lobby at mag-isang pumunta sa recovery room. Naabutan ko agad si Tita Tamara at Tito Joaquin na nasa labas at nag-aantay marahil sa akin. Napatayo agad si Tita Tamara para salubungin ako."How