All Chapters of Exchanged Heart: Chapter 21 - Chapter 30
45 Chapters
Chapter 21
SINUBUKAN ni Hannah mag salita pero lalo lang nitong pinagdiinan ang dalawang daliri sa labi niya. "Sige pa, mag salita ka pa. Hahalikan kita sa labi para manahimik ka!" tila pananakot pa nito sa kanya.Inis na inalis naman niya ang mga daliri nito pero hindi siya nag salita. "Nanahimik kana diyan? natakot ka bigla na baka halikan kita ano?"Alam naman niyang hindi iyon gagawin ng binata. Lalo na at maraming tao sa bulwagan. "Akala ko ba ayaw mo akong isayaw?" "Ayoko nga!"Nairita siya sa sagot ni Duwayne."Oh, e ano ito'ng drama mo at may pa change parter ka pa diyan?!" Kanda haba ang nguso niya sa inis dahil sa pagka-insulto."Ang alam nila ako ang boyfriend mo, kaya hindi ka puwedeng sumayaw ng sweet sa ibang lalaki!" Pabulong na sabi nito pero dinig niya ang pagkiskisan ng mga ngipin nito. Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Alex na nahuli din niyang nakatingin sa kanya. Ngumiti pa nga ito sa kanya.
Read more
Chapter 22
HINDI naman tumanggi si Duwayne. Bigay todo ito sa pagkanta, kahit na nga kanda piyuk-piyok ito. Masaya nilang ipinag patuloy ang kantahan. Awitin naman ni Jerry lee lewis ang binanatan nito ang 'Great Ball Fire,' talaga naman mapapaindak sa simula pa lang ng kanta.Tawa siya ng tawa habang pinapanood sa pagkanta ang binata, kanda piyok ulit ito at kita na niya ang mga litid nito sa leeg. Tapos ang table ginawa pa nitong piano habang kumakanta.Kuwela naman palang kasama ang binata. Panay pa nga ang tawanan nila na para ba'y sarili nila ang mundo, basta ang gusto lang nila ay mag saya.Hindi niya maiwasan na ikumpara ito sa dating nobyo. Kung si Froilan ang kasama niya sa sing-along tiyak na panay na ang reklamo nito, walang mahalaga dito kundi ang career nito.Marahil ay hindi kasing saya nang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, kapag si Froilan ang kasama niya limitado bawat galaw nila, 'yong walang kalayaan para magpakasaya.Nakali
Read more
Chapter 23
INIS na muling dinampot ni Hannah ang isa pa niyang tsenilas at ibinato iyon nakasarado nang pinto.HINDI naman mapigil ni Duwayne ang sarili na mapangiti habang binabaybay ang hagdan pababa. Nakasalubong pa niya ang lola niya na paakyat naman ng hagdan."Mukhang ang saya-saya ng aking apo?" puna nito sa kanya. "Nagustuhan ba ni Hannah ang tinimpla mo na kape?""Opo La, sobrang nagustuhan niya!" Nakangiting sagot naman ni Duwayne na mabilis na humalik sa noo ng abuela. "Pahinga ka na po, goodnight La!"Pasipol-sipol pa si Duwayne nang ipagpatuloy ang pagbaba ng hagdan. Nasundan naman ito nang tingin ni Senyora Candeda na napapangiti na din dahil sa nakikitang sigla ng apo. Hindi pa din mawala ang inis na nadama ni Hannah para kay Duwayne. Bawat higop nito ng kape ay sumasagi sa isip nito ang tagpong naganap sa kuwarto na iyon. Sa totoo lang, dinaan niya lang sa inis ang nadarama niyang hiya para sa binata.Ayos lang sana kung naki
Read more
Chapter 24
SANDALI na natigilan si Duwayne, nag dalawang isip kung itutuloy pa ba ang balak na pag angkin sa dalaga."You still a virgin,"Hindi siya sumagot, pero ginalaw niya ang ibabang bahagi ng katawan niya upang ipagpatuloy nito ang naudlot na pagpapaligaya sa kanya."Please go on...."Sa narinig na iyon ni Duwayne ay nawala na ang pag aalinlangan nitong tuluyang angkinin ang dalaga.Muling kumilos sa ibabaw niya si Duwayne, banayad ang ginawang pag-kilos nito hanggang sa bumilis ito sa tindi ng paghahangad. Para silang nasa dance floor na sinasabayan nang indayog ng kanilang katawan ang bawat ungol na lumalabas sa kanilang mga bibig.Parang nagkaunawaan ang kanilang mga katawan nang magkapanabay ang mga itong kumilos tungo sa kaganapan ng kanilang pangangailangan sa isat-isa. Namumungay ang mga mata ng binata na pinakatitigan siya hanggang sa magkasabay nilang narating ang sukdulan ng kaligayahan na dulot ng pisikal na pagsasanib.Lupaypay na ib
Read more
Chapter 25
"NAISIP ko lang, bakit kaya hindi tayo mag pa survey sa mga netizens?" Si Lady Z."What do you mean by that?" tanong naman ng talent manager ni Maricar."Well, hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na kay Hannah ngayon ang simpatya ng mga tao. Naisip ko lang mag pa survey kung sino kina Maricar Asuncio at Hannah Lindsey ang magiging final female lead sa upcoming movie na 'Summer Love?' ""What?!" Panabay na react nina Maricar Asuncio at ng talent manager nito."Ibig sabihin magiging option nalang itong alaga ko?""Hindi ako makakapayag kung mag papalit kami ng role ni Hannah!" Pasinghal na sabi ni Maricar. "Tinaggap ko ang offer niyo saakin dahil akala ko ako na ang magiging female lead, tapos ngayon gusto ni'yo na naman baguhin?!""Ano ba ang mas mahalaga? ang magiging role ninyo sa movie o maging mabenta ang movie ninyo?" Tumigil sa paghakbang si Lady Z sa harap ng nakaupo na si Maricar Asuncio. "Kapag bumenta ang movie niyo sa mga tao, lahat tay
Read more
Chapter 26
HINDI maiwasan ni Hannah na pagmasdan si Duwayne sa tuwing naggagapas ito ng mga damo. Pakiwari niya, ang simpleng paghanga na nadarama niya para dito ay lumalalim na.Saan naman kaya siya dadalhin nang paghanga na nadarama niya para kay Duwayne?"Ang lalim yata ng iniisip mo?"Hindi niya namalayan na nakaharap na pala sa kanya si Duwayne."Nakakatuwa ka lang pagmasdan," pag-amin niya. Nakita niya ang simpleng ngiti na gumuhit sa labi nito."Ngayon ka lang ba nakakita nang guwapo at macho na katulad ko, na nililinis ang dadaanan mo?" Panunudyo pa nito sa kanya."Ang corny mo!" pairap niyang sagot. Sa loob-loob naman niya gusto niya sabihin dito, na ngayon lang talaga siya nakaranas na pagsilbihan ng isang lalaki na katulad nito. "Malayo pa ba tayo?""Malapit-lapit na," sagot nito. Muli nitong isinukbit sa gilid ng bewang ang hawak nitong itak. "Pagod kana siguro ano?"Kibit-balikat ang isinagot niya sa tanong nito.Lumapit si Duw
Read more
Chapter 27
"MGA limang pulgada lang naman ang haba ng butas na ito hanggang sa dulo nito. Paglapat ng mga paa mo sa mga bato, makikita mo na ang Serpent Water na sinasabi ko saiyo."Nanghalukipkip siya."Paano na lang kung pagpasok natin sa butas na iyan ay siya naman pasok ng malaking ahas sa dulo ng butas na ito? Paano pa ako makakasigaw ng help! kung naunang pumasok ang ulo ko sa bunganga ng ahas?" Habang nagsasalita ang dalaga ay minumuwestra naman nito ang mga kamay. "Hannah, dont lose your head,""What?" nandidilat ang mata ni Hannah."Este- huwag kang praning," agap na sabi ni Duwayne. "Hindi totoo ang malaking ahas gawa-gawa ko lang iyon para hindi ka sumama saakin."Mabilis na hinuli ni Hannah ang isang tainga nito at piningot."A-aray!" reklamo ng binata. "Kainis ka!" kanda haba ang nguso na singhal niya dito. Binitiwan niya ang tainga nito. "Kanina pa binabalot ng kaba ang buong katawang lupa ko dahil sa fake snake
Read more
Chapter 28
TILA nag isip naman si Hannah, feeling naman niya siya ang sadya ng panauhin."Ganun po ba, e sino po ba ang panauhin?"Kumibit-balikat ang kaharap."Hindi ko natanong Ineng, pero maganda siya medyo may pagka masungit nga lang."Maganda? ulit niya sa sarili, ibig lang sabihin babae ang panauhin. Wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon, pero hula niya na baka si Duwayne ang hanap nito.Baka si Maricar? panghuhula niya ulit. Pero malabo naman mangyari iyon, ano naman ang gagawin nito sa probinsiya? At isa pa in relationship na ito sa dating nobyo niya at abala ito sa shooting ng upcoming movie na "Summer Love"."No, no, no, no, no." Umiiling na bulong ni Hannah."Magandang hapon Iho," narinig niyang bati ni Aling Lilia kay Duwayne ng makalapit ito sa kanila."Anong meron?" tanong pa ng binata."Nabanggit ko lang kay Hannah na may dumating na panauhin. Babae at mukhang galing ng Maynila." Sagot naman ni ALing Lilia. "Maiwan ko
Read more
Chapter 29
"Promise wala ka magiging problema sa pananatili ko dito. Gusto lang kita makasama, maiintindihan naman siguro ni Hannah iyon." Sabi pa ni Maricar."Okay, three days is enough." Sagot naman ni Duwayne.Lihim naman na nag diwang ang puso ni Maricar sa pagpayag ng binata sa pananatili niya sa bahay ng lola nito. Hindi niya sasayangin ang mga araw na makakasama niya si Duwayne.HINDI mapakali sa loob ng inuokopa niyang kuwarto si Hannah. Kanina pa ito nag palakad-lakad sa loob ng kuwarto, maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan ng dalaga."Haist!" nanlulumong pahigang ibinagsak ni Hannah ang pagal na katawan sa ibabaw ng kama.Ano nga kaya ang totoong dahilan ni Maricar, bakit ito naandito sa probinsiya?Ano nga kaya ang nangyari pagkatapos niyang ma-post ang live video niya na nakikipag-usap sa dating nobyo at kay Maricar?Sa pagkakatanda niya may relasyon na ang dalawa ng umalis siya sa condo unit ni Froilan. Tapus ngayon s
Read more
Chapter 30
HINDI sumagot si Duwayne, pero binawi nito ang kamay na hawak ng dalaga. Walang namutawing salita sa binata ng talikuran nito ang luhaan ng si Maricar. Lumabas ito ng kuwartong iyon at pabalibag na isinara ang pinto.Napapitlag naman sa gulat si Maricar dahil sa lakas ng pagkakasara ng pinto. Gamit ang hintuturo na daliri, pinunasan nito ang luhaang mga mata. Inis na ibinalibag ni Maricar ang dalang luggage bag sa ibabaw ng kama. Masyado siyang naging kompiyansa sa sarili na hindi siya makakallimutan ni Duwayne. Naging sunod-sunuran sa kanya ang binata noong may relasyon pa sila, nagmumukha na nga itong aso kabubuntot sa kanya sa tuwing may shooting siya o kaya pictorial.Malaki ang naging pagkukulang niya sa dating nobyo dahil walang mas mahalaga sa kanya kundi ang career niya sa showbiz lalo na noong kasagsagan pa ng kasikatan niya. Mas pinili din niyang isekreto ang relasyon nilang dalawa dahil ayaw niyang maapektuhan ang career niya.Aminado siyang
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status