"Is it possible to love someone whom you had been with for a single night?" ♥︎♥︎♥︎ Dahil sa isang pangyayari, naipilitan si Calley na ipagbili ang kanyang sarili. Sa loob ng isang gabi, nakasama at naangkin siya ng misteryosong lalaki na nagpakilala bilang "Z". At sa loob lamang ng isang gabi, ay minahal niya ito. And worst, umasa siya sa pangkong binitiwan ng hindi nakikitang lalaki. Sa paglipas ng panahon, kahibangan mang maituturing, ngunit pinaghawakan ni Calley ang pangako iyon ni Z. Lalo pa't ang isang gabing namagitan sa kanila nito ay nagbunga. Hanggang sa napadpad si Calley sa Paradise Island at doon nakilala niya ang magkapatid na Zack at Zayne. Naging malapit ang dalawang lalaki sa kaniya, lalo na sa kaniyang anak. Dahilan upang paghinalaan niyang baka isa sa mga ito si Z na ama ng kanyang anak. Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita? Ang lalaking minahal niya sa kabila ng nakapiring niyang mga mata? O muli niyang pagbubuksan ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig?
view more“Maraming salamat po Doc Zack dahil dumayo pa kayo rito sa El Nido para operahan ang anak ko," umiiyak na sambit ni Aling Nathy. Nagreklamo kasi ang batang si Jacob sa kanyang ina sa matinding sakit ang ulo kaya naman mabilis na kinontak ni Aling Nathy si Analeigh na kapitbahay nito sa El Nido upang saklolohan sila. Alam kasi ng ginang na may kakilalang doktor ang dalaga. Apart from that, he has been in El Nido several times because he is close to Analeigh's mom. Sa hospital niya napagdesisyonang gamutin ang bata dahil kumpleto ang kanilang mga medical equipment at bukod pa roon ay libre niyang ginagamot ang mga batang may karamdaman. Si Jacob ay may na-diagnosed niyang mayroong stage 2 brain cancer kaya dali-dali niyang inilipad ang mag-ina sakay ng kanyang private jet papunta sa Coron. Isa pa'y kailangan din nitong sumailalim sa chemotherapy pagkatapos ng operasyon upang mapigilan ang pagkalat ng cancer cells sa utak ng anim na taong gulang na paslit. Mayroon din namang malalaking
HINDI man magandang pakinggan, pero pakiramdam ni Calley ay mas naging komportable siya ngayong kasama nila si Monica, ang modelo at ex girlfriend ni Zayne. Ito ang babaeng bumungad sa kanila paglabas ng evelator. Nagkataong modelo rin pala ito ng agency kung saan magpo-photoshoot kanyang anak. Hindi na lumayo kay Zayne ang babae simula nang magkita ang mga ito. Palaging nakakawit ang braso ni Monica sa kanyang boss at tila bang naka-glue ang dalawa at hindi na maipaghihiwalay pa. Nakakatawa mang aminin pero wala siyang nararamdamang selos para kay Monica. Yes, she's beautiful, matangkad, at sexy pero wala siyang nararamdamang insecurity para rito. The thruth is, mas nakahinga siya ng maluwang ngayong magkasama ang dalawa at siya naman ay abala sa pag-aasikaso kay Callyx na ngayon ay nag-uumpisa na ang shoot. Hindi siya komportable kapag kasama niya si Zayne at malaking relief na biglang sumulpot ang ex-girlfriend nito at natuon sa babae ang atensyon ng kanyang boss. Ilang oras din
Hello! iamblitzz here. First of all, gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng ganitong talento. Kung hindi dahil sa Kanya, wala sana ako dito sa Goodnovel. Second, gusto kong magpasalamat kay Goodnovel dahil nabigyan ako ng opportunities na ipakita ang talento ko at kahit papaano ay kumita. Pangatlo, sa inyo pong mga readers ko at supporters. Kung hindi dahil sa inyo, kung hindi niyo tinatangkilik ang mga kwento ko lalo na itong HIS VILE CRAVING, wala ako rito ngayon. Hindi po ganun kalaki ang kinikita naming mga non-exclusive writer kapag kami ay nagsusulat kaya bukod po sa pagsusulat ay nagtatrabaho rin po ako. Isa po akong ina na may responsibilidad kaya't sa mga nagbabasa po ng BEHIND THE BLINDFOLD, humihingi po ako ng mahabang pasensya kung hindi ako palaging nakakapag-update. Ginagawa ko naman po ang aking makakaya lalo na sa pagsusulat kapag ako ay may libreng oras. Sa mga working mom po na tulad ko, alam naman po natin na pag-uwi sa bahay mula trabaho a
"GOOD morning, Calley..."Hindi inaasahan ni Calley na si Zayne ang mapagbubuksan niya ng pinto ng umagang iyon. Ang inaasahan niya kasi ay si Zack dahil usapan nilang ihahatid silang mag-ina sa studio para sa photoshoot ni Callyx. Isa pa'y hindi pa siya handang harapin si Zayne pagkatapos nitong umamin sa kaniya tungkol sa feelings nito. Tuloy ay abot-abot ang kanyang kaba ngayong kaharap na niyang muli ang lalaki. Matamis din ang pagkakangiti ni Zayne sa kanya ng mga oras na iyon, bagay na nakapagdulot sa kanya nang matinding pagkailang."Good morning din, Sir Zayne," ani Calley na muntikan pang bumuhol ang dila. "Nakabalik na po pala kayo," dagdag pa niya na ang tinutukoy niya ay ang 1 week business trip ng kanyang boss sa Maynila. "Why are you so formal all of a sudden, Calley?" sa halip ay tanong nito. Bigla ring naging seryoso ang timbre ng boses ng lalaki bagaman naroon pa rin ang ngiti. "May nangyari ba?" tanong pa nito.Mabilis namang umiling si Calley. "Wala naman, Sir Zayn
"Sir Z-Zack... I-Ikaw pala...” Hindi maiwasang mautal ni Calley nang banggitin ang pangalan ng binata ng mga sandaling iyon. Namamawis din ang kanyang mga kamay at nanlalamig habang nakatingin kay Zack na noon ay halatang naghihintay na alukin niyang pumasok sa loob ng tinutuluyan. Hindi maipaliwanag ni Calley ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Halu-halong emosyon ang lumulukob sa kanya na tila ba anumang oras ay sasabog ang kanyang dibdib.Bakit hawak ni Zack ang isang kahon kaparis ng ipinapadala sa kanya ni Z? Iisa nga kaya ang mga ito at kaya naroon ang binata ay dahil handa na itong umamin? At paano kung ito nga si Z na ama ng kanyang anak na matagal na niyang hinahanap? Ano ang gagawin niya? At paano naman kung nagkakamali lamang siya? Iyon ang mga tanong na kaagad pumasok sa isipan ni Calley habang nakatingin sa binata.Aaminin niya, umaasa ang puso niyang tama ang kanyang hinala at iyon ang dahilan ng binata sa pagpunta nito. Isa pa'y may dala itong pink na kahon kaparis
“LOOK, who's coming! Ang Beauty Queen ng taon! Ang buhok 'te, sumasayad sa lupa!” Isang irap at marahang pag-iling lamang ang ibinato ni Calley sa bruhong si Tristan pagpasok niya sa employees lounge kasama ang anak. Samantalang si Maggy naman ay halos mapunit naman ang bibig habang nakatingin din sa kaniya. Mukhang may ideya na siya kung bakit tinutukso siya ng mga kaibigan. Sure siyang nakarating na sa mga ito ang panliligaw sa kan’ya ng CEO. Idagdag pang naging instant model din silang mag-ina na alam niyang kalat na kalat na rin sa mga co-workers niya. Hindi na lang pinansin pa ni Calley ang pang-aasar ng dalawa, at saka tuluyang naupo sa monoblock chair katabi si Callyx na noon ay tahimik lamang na naglalaro ng remote control robot nito. Si Zayne pa ang bumili niyon para sa kanyang anak nang yayain silang mag-ina na dumaan sa mall pagkatapos nilang kumain sa
"NANDITO ako Kuya Zack, para sunduin silang mag-ina. I hope you don't mind. Besides, sabi ng secretary mo tapos na ang photoshoot."Nanatiling palipat-lipat lang ang tingin ni Calley sa magkapatid nang mga sandaling iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit lagi siyang naiipit sa ganoong sitwasyon. Bakit tila laging may alitan ang dalawa sa tuwing naroon siya?"Okay. Do what you want," walang emosyon na sagot ni Zack sa nakababatang kapatid. Matapos niyon ay bumaling naman ito kay Calley. "Thank you for today, Calley. You too did a great job." Ngumiti pa ito ng tipid pagkasabi niyon.Ramdam ni Calley ang pagtutol ng mga sandaling iyon. Kung siya kasi ang tatanungin, mas gusto niyang samahan si Zack na kumain 'tulad ng kanilang usapan kanina lang. Pero paano naman niya iyon sasabihin ng hindi mag-iisip ng kung ano ang dalawang lalaki? Ka
"MAKE your smile more natural, Calley. Don't be nervous."Bagaman hindi sanay si Calley na humarap sa camera ay sinunod n'ya ang sinabi ni Zack. Kinalma muna niya ang dibdib at saka ngumiti ng mas natural sa abot ng kanyang makakaya."Great!" anang Zack kasabay ng pagkislap ng camera na hawak nito. "Very good, Callyx my boy!" dagdag pa nito habang panay ang kuha ng shot sa kanilang mag-ina.May dalawang oras na rin silang nagpi-pictorial at si Zack mismo ang nagsilbing photographer nila. Nadagdagan pa lalo ang paghanga ni Calley sa lalaki nang malamang hindi lang pala ito isang businessman at pediatrician, isa rin pala itong professional photographer.Ayon pa kay Louis na secretary ng lalaki, ay ilang mga artista at modelo na rin ang naging kliyente nito. Bukod pa roon, na-feature na rin ang binata sa isang kilalang magazine sa Pilipinas bilang isa sa pinakabata ngunit matagumpay na person
"WHAT'S your favorite color, Camille?""Uhm, red and yellow," sagot ni Calley sa tanong na 'yon ni Z. Pinanindigan na rin niyang Camille ang kanyang pangalan katulad ng nauna niyang pakilala rito. "Eh, ikaw?" balik-tanong niya.Naramdaman niyang marahan nitong hinagod ang buhok niyang nakaladlad sa malambot na kama bago sumagot. "Black and blue..."Calley doesn't know why pero napakakomportable ng pakiramdam n'ya ng mga sandaling 'yon habang nasa bisig ng hindi nakikitang lalaki. Hindi man niya ito nakikita dahil sa mga matang nakapiring, tila kuntento na siyang tanging malamyos na tinig lamang nito ang kanyang nauulinigan."Eh, favorite food mo?" tanong niyang muli."Anything. 'Di naman ako mapili sa pagkain," ani Z na bakas din sa tono ang pagkaaliw. Lihim pa siyang napangit ng hapitin siya nito sa baywang na para bang ayaw nitong humiwalay sa kaniya. "How about you?""Same tayo," ani Calley na isiniksik din ng husto ang mukha sa matipunong dibdib nito. "Hindi rin ako mapili sa pagka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.