Ang kanyang kasintahan at ang kanyang kapatid na babae ay magkasama sa iisang kama, kaya nilakasan na lamang niya ang kanyang loob at nagpakasal sa nakakatakot na negosyanteng si Gideon Leith. Hindi lamang kasikatan ang naabot niya, naging anyo siya ng publiko at isang entreprenyur? Isang magaling na race-car driver? Isang tanyag na gold-medalist designer sa buong mundo?! Sino nga ba ang babaeng ito at saan nagmumula ang kanyang kinang!!! Mula sa pagiging kaawa-awa naging isa siyang diyosa na tinitingala ng libo-libong mga tao. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit mula Jincheng hanggang Kyoto ang pila ng mga tagahanga niya. Si Leith, na nakakita sa diyamanteng ito, ay mabilis na isinuksok ang dalaga sa kanyang mga braso. “Nell, kailangan kitang itago nang mabuti. Sa akin ka lang!! "
view more“Hoy, anong pag-uusapan nila?”Napatitig si Jante kay Nell at sa pinto.Pagkatapos, bumulong siya, “Gustong ilipat ni Liam ang headquarters niya pabalik ng China. Nag-aaway sila ng mga elders ng Griffins dahil dito, kaya gusto niyang makausap si Gideon para humingi ng payo.”Alam ng lahat na hindi seryosong napalago ng Old Master ang Leith Corporation sa kanyang mga kamay.Matapos ang lahat, nanggaling siya sa military. Kaya niyang pamunuana ang isang hukbo sa digmaan, pero wala siyang talento sa pagnenegosyo.Prangka siyang magsalita at hindi siya marunong magkalkula ng tao. Habang siya ang namamahala sa kumpanya, mas binibigyan niya ng pansin ang mga koneksyon kaysa kumita ng pera.Dahil lamang sa yaman ng pamilya Leith kaya nagawa niyang ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kumpanya.Subalit, iba si Gideon.Isa talaga siyang negosyante at mahigpit ang kanyang estilo pati mga pamamararaan. Dahil dito, nagagawa niyang baliktarin ang isang sitwasyong hindi naaayon sa kanya.Kung gu
Inulit ni Nell ang kanyang mga salita, “Lumabas ka na. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako.”Hindi mapigilang mapangiti ni Gideon sa itsura ng babae.“Sige, mag-ingat ka. Tawagin mo na lang ako.”“Mmhm.”Binuksan ni Gideon ang pinto saka siya lumabas.Pagkatapos ng tatlong minuto, maririnig ang nahihiyang boses ni Nell mula sa loob.“Tapos na ako.”Nang magbukas ang pinto, pumasok ang lalaki, inayos niya ang damit ni Nell, saka niya ito binuhat papunta sa labas.Nakahiga na si Nell sa kama nang biglang nagising ang mga bata sa kuna.Kinuha ni Gideon ang mga bata at sinunod niya ang direksyon ni Nell sa pagpapalit ng diapers at pagpapakain sa kanila.Masyado pang maliliit ang mga sanggol, at dahil kambal sila, hindi pwedeng si Nell lamang ang pinanggagalingan ng kanilang nutrisyon.Kaya, pareho silang sumususo sa ina at umiinom ng powdered milk.Mabuti na lang, malusog ang dalawang bata. Mahigpit ang kanilang hawak sa bote at halos hindi ito mahila ni Nell palayo minsa
Pagkaupo ni Cathy, agad na naghawak kamay ang dalawang babae at masaya silang nagkuwentuhan.Wala ng iba kundi pamilya at mga bata ang kanilang pinag-uusapan.Subalit, magkaiba si Cathy at Nell ng pagkatao, nasa bahay lamang si Cathy madalas at wala siyang mga opinyon.Banayad ang kanyang karakter, tradisyunal ang kanyang pag-iisip, at nakaayon ang kanyang prinsipyo sa pagsunod sa kanyang asawa.Kung hindi siya ganito, imposible sanang masaktan siya nila Shaun Jennings at Sylvia Walker.Dati, hindi talaga maunawaan ni Nell kung bakit ganito ang kanyang ina.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi lumalaban si Cathy kahit alam niyang tarantado at g*go si Shaun.Kinalaunan, nang magkaroon siya ng anak, tila ba dahan-dahan niya nang naiintindihan ang puso ng kanyang ina.Dagdag pa roon, maswerte lang talaga si Nell na nakatagpo siya ng isang mabuting lalaki na gaya ni Gideon Leith.Natural lang talaga na hindi siya magdusa pagkatapos niyang ikasal.Subalit, hindi ganito ang tad
Napailing si Lizzy.“Ganito kaliit ang mga sanggol. Ganyan ka rin noong bata pa.”Gulat na gulat si Viemond nanag marinig ito.Kahit mataas ang kanyang IQ, isa pa rin siyang bata at wala siyang masyadong alam sa kanyang paligid.Matapos ang lahat, kulang na kulang pa siya sa karanasan sa buhay.Sa kanyang opinyon, nakakamangha na may maliliit na mga bata sa mundo.Subalit, dahil nasaksihan ni Lizzy ang pagpapanganak kay Viemond, madali niyang natanggap ang ganitong katotohanan.Nakadikit lamang ang dalawang bata sa kuna, kaliwa’t kanan silang sumisilip sa mga sanggol.Sinubukang sundutin ni Viemond ang pisngi ng kanyang ina, pero agad siyang napaatras nang maramdaman niya ang malambot nitong balat.Mukhang iiyak na sana ito, pero dahil masyado itong inaantok, agad itong pumikit ulit.Pinanood nilang dalawa ang mga sanggol hanggang sa tawagin sila ni Nell.“Kayong dalawa, tama na iyan. Huwag niyo nang istorbohin ang mga kapatid niyo. Dito kayo maglaro!”Agad na sumunod ang m
Nang makitang ganito ang pag-iisip ni Nell, wala nang masabi si Gideon sa puntong iyon.Napatanong na lamang siya sa pag-aalala, “Nagugutom ka ba? Magpapakuha ako ng pagkain.”Tumango si Nell. “Sige, magpakuha ka na.”Nang lumabas si Gideon, marahang tumayo si Nell para silipin ang dalawang batang nasa kuna.Nakatikom nang mahigpit ang mga palad ng dalawang bata na para bang mga maliliit na dumpling sila.Natunaw ulit ang puso ni Nell. Tila ba nawala ang lahat ng mga negatibong emosyon at sakit sa kanyang puso.Sampung minuto ang makalipas, hindi lamang pagkain ang dala ni Gideon kundi isa ring doktor.Nang malaman nilang gising na si Nell, agad na tumungo ang doktor para suriin ang sugat ng babae at ang kalagayan ng katawan nito.Gustong siguruhin ni Gideon na walang problema sa kanyang asawa saka siya tatawag ng lactation consultant para tulungan si Nell na magpiga ng gatas sa kanyang dibdib.Sa pagkakataong iyon, sinabihan ng doktor si Nell kung ano ang mga bagay na dapat n
Tinitigan ni Gideon si Nell. Pagkatapos ng ilang sandali, napagtanto niyang nanginginig pala ang kanyang katawan.Tumango siya.Si Nancy ang nagmamaneho ngayon. Nang marinig niya ang mga sinabi ni Nell, napatikom ang kanyang bibig at muli niyang tinapakan ang accelerator.Ganoon din, sinabihan ni Nell si Gideon na tawagan ang kanilang pamilya.Kahit anong mangyari, premature ang mga batang ipapanganak niya. Isang buwan at kalahati pa dapat bago sila lumabas.Kaya, kailangan nilang sabihan agad ang Old Master at Old Madam, pati na rin si Sean at Cathy.Sakaling magkaroon ng aksidente, dapat naririyan si Sean para ayusin ang lahat.Samantala, si Cathy naman ang tutulong para pakalmahin si Nell.Mas mabuting naririto siya sa ospital kaysa mabalisa siya habang nasa bahay.Nakinig si Gideon sa paliwanag ni Nell at ginawa niya ang lahat ng ito.Matapos tawaga ang apat na tao, dumating na rin ang kanilang kotse sa ospital.Dahil tinawagan na rin nila ang ospital habang nasa biyahe,
Para bang lahat ng galit, lungkot, tama, at pagkakamali ay hindi na naging mahalaga.Sa ngayon, ang hiling na lamang ni Gregory ay mabuhay nang masaya si Vickie.Basta ba matupad ang layuning ito, handa siyang magbayad ng kahit ano.Nang mamatay si Jeff Flinders, nakahanap siya ng Money Beads sa tinitirahan nito.Subalit, sapat lamang ang dami nito para magtagal si Vickie sa loob ng isang taon. Nang marinig ng mga miyembro ng Flinders ang insidente, agad nilang pinaghati-hatian ang halaman, tira-tira na lamang ang naabutan nila Gregory.Dahil buhay at kamatayan ang nakasalalay sa Money Bead, walang kahit sino ang muling maglalabas ng halaman.Bukod pa roon, hindi rin magandang pamamaraan na umasa sa Money Bead para mabuhay.Mas mabuting humanap sila ng isang antidote.Subalit, kahit lumipas na ang ilang buwan, wala pa ring progreso.Hindi mapigilang kabahan ni Gregory.Sa kabilang banda, palaki nang palaki ang tiyan ni Nell, kalahating buwan na lamang at manganganak na siya.
Napatitig si Viemond nang seryoso sa tiyan ni Nell saka siya nagsalita, “Gagawa ako ng robots, gagawin ko ang pinakamagandang robots sa buong mundo. Kapag lumabas na ang mga kapatid ko, ireregalo ko ito sa kanila.”Tumawa si Nell, “Paano kung babae ang isa mong kapatid at hindi niya ito magustuhan?”Agad na nanlaki ang mga mata ni Viemond.Gustong-gusto niya ang mga robots, kaya akala niya ito ang pinakamagandang regalo sa buong mundo.Mahirap para sa kanya na isiping may mga taong hindi mahilig sa robots.Nang makita ang itsura ng bata, muling natawa si Nell.Napahalakhak rin si Gideon, “Ayos lang, Viemond. Kung hindi magustuhan ng kapatid mo, pwede mo naman siyang bigyan ng regalong magugustuhan niya.”“Kung galing naman sa kuya niya, sigurado akong magugustuhan niya ito.”Saka lamang naunawaan ni Viemond ang sitwasyon. Sumunod, tumango siya.Habang determinado ang ekspresyon, nagsalita si Viemond, “Mama, papam huwag kayong mag-alala. Aalagaan ko ang mga kapatid namin!”Par
Nanigas nang kaunti si Nell. Tila ba hindi niya nauunawaan ang sinasabi ni Janet.Hindi naman masyadong maganda ang lahat ng kanyang relasyon, lalo na sa kanyang naranasan mula sa tarantadong si Jason Morton.Subalit, sa kabuuan, simula nang maging sila ni Gideon, maayos ang takbo ng kanyang buhay at wala silang masyadong mga hindi pagkakaunawaan.Kaya, sa ganitong paraan niya nauunawaan ang pundasyon ng pag-ibig.Samantala, hindi sumuko si Jeff Flinders na buhayin si Zeezee kahit lumipas ang isang libong taon.Nakakatakot at para bang sira ang ulo ng lalaki.Subalti, sa huli, ang pagmamahal niya pa rin kay Zeezee ang dahilan kung bakit umabot siya sa puntong ito.Kung hindi niya talaga mahal si Zeezee, paano niya nagawang tiisin ang isang buong milenyo?Tinitigan ni Janet ang nalilitong ekspresyon sa mukha ni Nell at naisip niyang hindi pa rin nakukuha ng kanyang kaibigan ang tinutukoy niya.Hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Janet.Banayad ang kanyang boses nang magsal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.