Ang Tatay kong CEO

Ang Tatay kong CEO

By:  Wine Warms the Flowers  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.2
Hindi Sapat ang Ratings
1747Mga Kabanata
1.3Mviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Sa araw ng kaniyang kasal, mga hindi kaaya-aya niyang litrato ang nilandtad ng kaniyang matalik na kaibigan, sanhi ng pagiging katatawanan niya sa lahat. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa pagtanggi ng ama nitong panagutan ang bata, bumalik siya kasama ang kaniyang anak at nakabangga ang isang matandang beryson ng kaniyang anak! Nang tingnan ng walang emosyon at gwapong lalaki ang maliit na bersyon ng sarili, pinaningkit nito ang mga mata at mapagbantang sinabi, “Babae, ang lakas ng loob mong tumakas kasama ang anak ko?” inosente siyang umiling bilang sagot, “Hindi ko rin alam ang...nangyayari..” Sa sandaling ito, tumalon ang bata at tinitigan ang estrangherong lalaki. “Sino ‘tong masamang taong umaapi sa nanay ko? Dadaan ka muna sa akin bago mo siya masaktan!”

view more
Ang Tatay kong CEO Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
1747 Kabanata
Kabanata 1
“Sobrang nakakahiya at nakapandidiri.”Ang dapat sana’y romantikong kasalan ay naging isang delubyo.Kasabay ng bulung-bulungan ng lahat, itinaas ni Sharon ang kaniyang ulo upang tumingin sa malaking screen kung saan ipinapakita ang ilang litrato.Siya ang bidang babae sa litrato, at ang lalaking kasama niya sa kama ay hindi ang kaniyang papakasalan na si Howard Zachary!Sa sandaling iyon, nabigla si Sharon. “Ano ang nangyayari? Bakit mayroong ganyang litrato?”Dahil sa paraan ng pagkakuha ng litrato kasama ang lalaki sa kama, nakikita ang lahat ng anggulo ng kaniyang mukha samantalang likod at gilid lang ang makikita sa lalaki.Sigurado siyang hindi niya kilala kung sino man ang lalaking iyon!Hindi niya namalayang napatingin siya kay Howard. Tinitigan siya ni Howard. Dagdag pa rito, dumilim ang mukha nito at nagsimulang mapuno ng galit ang mga mata.“Ikaw na babae ka, paano mo nagawang lokohin ako!”Hindi na nito hinintay ang kaniyang sagot, binigyan siya ni Howard ng isang ma
Magbasa pa
Kabanata 2
Lumipas ang limang taon.Kakaanunsyo pa lamang ng airport terminal ang pagdating ng eroplano. Hindi nagtagal, isang grupo ng mga pasahero ang lumabas mula sa security checkpoint."Mummy, mainit. Gusto ko ng ice cream." Narinig ang inosenteng tinig ng isang bata habang hawak-hawak ni Sebastian Jeans ang kamay ng kaniyang ina. Pakurap-kurap ang kaniyang bahagyang basang mga mata.Tiningnan ni Sharon ang kaniyang anak. Bumigay siya sa nakakaawang ekspresyon nito kahit alam niyang hindi ito totoo."Isa lamang ang pwede mong bilhin." Kumuha siya ng perang papel sa kaniyang pitaka at sinabi sa bata, "Bumalik ka pagkatapos mong bumili. Hihintayin kita rito." Hila-hila ni Sharon ang bagahe."Roger! My honorable mother" Binigyan ni Sebastian ng halik sa hangin ang kaniyang ina bago magsimulang tumakbo habang hawak-hawak nang mahigpit ang pera sa kaniyang kamay.Hindi na siya nasabihan ni Sharon na hindi niya kailangan magmadali. Sa sandaling iyon, tumunog ang kaniyang telepono."Hello? R
Magbasa pa
Kabanata 3
Madilim ang ekspresyon ni Simon Zachary. "Huwag ka nang mag-abala. Bilang magulang dapat palagi mong binabantayan ang anak mo.""Tama iyon, ang mga damit na isinusuot ni President Zachary ay custom-made, sa tingin mo kaya mong bayaran iyon?" ang assistant ng lalaki na si Franky Zimmer ay nakatayo sa likod nito habang mahina siyang pinagagalitan. Siya kanina ang sumigaw sa kaniyang anak.Tiningnan niya nang masama si Sharon. "Wala siyang takot! wala pang nakalalapit na babae kay President Zachary kahit kailan!""Hindi ba't pantalon lang naman iyon? kaya kong bayaran iyon!" Nagsalita si Sebastian na hawak-hawak ng kaniyang ina. Hindi niya kayang hayaan na lamang na makita ang kaniyang ina na tiisin ang kahihiyan ngayong siya naman ang dahilan ng problema.Tiningnan ni Simon ang batang lalaki. Kumunot ang kaniyang noo dahil pamilyar sa kaniya ang bata.Umismid si Franky. "Sige bata ka, paano mo babayaran ito?"Kinuha ni Sebastian ang kaniyang piggy bank na nasa kaniyang dilaw na bag
Magbasa pa
Kabanata 4
"Ikaw bata ka, hindi nga kilala ng mom mo ang dad mo. Tigilan mo na ang pag-iisip sa tatay mo. Hindi naman na masiyadong masama kasi may ninang ka, diba?" Tinapi niya ang ulo ng maliit na bata. "Ayaw mo ba talaga sa akin?""I don't care. Sinabi na ni Mummy na isasama niya ako hanapin ang tatay ko habang nagbabakasyon kami!" Nakasimangot pa rin ang bata.Habang tinitingnan niya ang mataba at cute na ekspresyon nito, hindi mapigilan ni Riley na halikan ang mukha nito. "Napakalambot naman ata ng muscles mo sa mukha?"Namutla naman si Sebastian. "Mommy.. she.. she molested me!"Pinalaki mag-isa ni Sharon ang kaniyang anak kaya bihira itong mahawakan ng ibang tao. Kaya palaging nakaasa sa kaniya ang anak at dumidistansya palagisa iba."Isang halik lang at pangmomolestya agad?" Tumawa si Riley.Tumawa rin si Sharon bago niya 'iniligtas' ang kaniyang anak mula sa mga kamay ng kaniyang best friend. "Takot lang siya sa mga hindi niya kilala. Magiging okay din siya kapag nakasama ka na niy
Magbasa pa
Kabanata 5
Pumasok si Simon sa opisina ng presidente habang nakasunod sa likuran niya si Franky."President Zachary, nakuha ko na ang impormasyon tungkol sa babaeng pinapahanap niyo," sabi ni Franky.Umupo lamang si Simon. Kumunot kaunti ang kaniyang noo nang marinig ito. "Sabihin mo."Mayroong inilabas na investigation report si Franky. "Ang pangalan ng babae ay Sharon. Limang taon na ang nakalilipas, umalis siya sa Northern City at nagpunta sa M Country upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.. Noong nakaraang taon, pinarangalan siya para sa mga international interior design. Ang nakakabigla ay... nag-apply siya rito sa kumpanya natin bilang isang designer."Sinara ni Simon ang kaniyang mga labi at hindi nagsalita. "Ibig sabihin ako na ngayon ang superior niya?"Limang taon na ang nakalilipas, umalis siya sa Northern City.Naalala niya ang gabing iyon limang taon na ang nakalilipas. Kababalik lamang niya mula sa ibang bansa at handa ng pamunuan ang pamilya Zachary. Sa hand-over ceremony,
Magbasa pa
Kabanata 6
Nang marinig ang boses ni Howard, natulala si Sharon. Napuno ng mga alaala ng kasal niya ng araw na iyon ang kaniyang isipan. Ang kalupitan at kawalang tiwala ni Howard sa kanya ay labis na nakapag dismaya kay Sharon.Naglagay si Howard ng isang tambak na dokumento sa office desk. Pagkababa ng kaniyang tingin, nakita niya ang babaeng nakaupo.Sumama nang labis ang kaniyang ekspresyon, lumiit ang itim ng kaniyang mga mata. "Ikaw.. Sharon?!" Labis siyang nagulat sa presenya niya. "Bumalik na siya?"Hindi nagsalita si Sharon. Bagkus, si Simon ang nagsalita, na nakaupo sa executive chair, at pinapanood naiintrigang pinapanood silang dalawa. "Ano ang problema? kilala niyo ang isa't-isa?""Hindi!" Parang walang pagdadalawang-isip na sagot ni Sharon.Nanatiling tahimik si Howard ng ilang sandali bago malamig na tumwa. "Oo, hindi nga namin kilala ang isa't-sa. Ang Sharon na kilala ko ay matagal ng patay."Tuluyang ng tumingala si Sharon at tiningnan siya nang masama. Nagpalitan sila ng
Magbasa pa
Kabanata 7
Natapos din ang abalang araw sa trabaho, umuwi na si Sharon. Nakaramdam siya ng kaunting pagod.Mas maagang natapos si Riley sa trabaho kaysa kay Sharon, kaya't tumulong siya at sinundo si Sebastian mula sa kindergarten."Nakauwi kana? ayos ba ang unang araw mo sa trabaho?" tanong ni Riley.Tiningnan siya ni Sharon. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang pamilya Zachary ang may-ari ng Central Corporation?""Ibig sabihin nakita mo si Simon? kumusta? gwapo siya diba?"Masama siyang tiningnan ni Sharon. "Ano naman ang kinalaman ng pagiging gwapo niya sa akin? tito siya ni Howard!""Eh ano naman! hindi lahat nakakapasok sa Central Corporation. Dapat maging masaya ka ngayong natanggap ka at huwag na intindihan kung kaninong tito siya. Natatakot ka bang tutulungan niya si Howard at guluhin ka?"Kumunot ang noo ni Sharon. Hindi siya natatakot dahil doon. Hindi lamang talaga nita gusto na magkaroon ng relasyon sa kahit sino mula sa pamilya Zachary.Sa sandaling iyon, lumabas si Sebastia
Magbasa pa
Kabanata 8
Bumalik sa sarili si Sharon. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, at namumula ang mga tainga. Mabilis siyang yumuko at kinagat ang kaniyang mga labi. Naiinis siya.Nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso si Simon nang makita ang reaksyon nito. Muli, naamoy niya ang bagong nagmumula sa katawan nito na matagal na niyang gustong maamoy ulit.Nag-iba ang pagtitig niya rito at naging mapanuri.Hindi na katulad ng dati ang eksena nilang dalawa. Sa isang iglap, mayroong mga yabag na papalapit sa kanila."Shar, nakuha mo na ba ang mga gamot?" Si Riley at Sebastian ay kanina pa naghihintay sa ward, kaya nagdesisyon si Riley na hanapin si Sharon nang mapansin na natatagalan ito.Pinigilan ni Sharon ang emosyong namumuo sa kaloob-looban niya. 'Masama ito, paano ko nakalimutan ang anak ko?""Oo, nakuha ko na. Kumusta si Sebastian?""Medyo mabuti na siya, pero sabi ng dokto ay kailangan niya pa ring uminom ng gamot." Tiningnan ni Riley ang matangkad at seryosong lalaki sa tabi niya. Kuminang an
Magbasa pa
Kabanata 9
"Tito, nalaman kong hinimatay raw si lolo. Kumusta na siya ngayon?" Mabilis na tanong ni Howard pagkatapos makapasok.Nalaman niya mula sa mga nurses na nandito si Simon sa ward na ito. Kaya nagmadali siyang nagpunta sa ward nang hindi tinitingnan kung sino ang mga tao sa loob.Inilipat ni Simon ang kaniyang tingin at kalmadong sinabi,"Katulad pa rin ng dati. Inaasikaso na siya ng doktor."Nakilala na rin ni Howard ang mga tao sa loob ng ward, hindi siya makapaniwala. 'Bakit si Sharon nanaman?'Kaagad na nagsalita si Riley nang hindi nagdadalawang-isip, "Sino nagpapasok sa iyo?" Labas!"Kinagat ni Sharon ang kanyang mga labi ngunit hindi nagsalita. Umupo siya sa gilid ng kama at tiningnan lamang ang kaniyang anak. Hindi man lamang niya sinulyapan si Howard.Nakita ni Howard ang bata, at natulala siya. 'Bakit kamukha ng batang iyan.... ang tito ko?!"Kaagad niyang tiningnan ang kaniyang tito. 'Anak ba siya ni tito?"'Hindi. Kahit kailan ay wala pang nakalapit na babae kay tito.
Magbasa pa
Kabanata 10
Hindi inaasahan ni Sharon na mayroong iniwan sa kaniya ang kaniyang ama. Limang taon na ang nakalilipas, nagmamadali siyang umalis. Pagkatapos magpaalam sa kaniyang ama sa sementeryo, kaagad siyang umalis ng Northern City bilang hindi na siya tanggap sa lugar na iyon."Sige po, tatawagan ko kayo bukas kung ganoon."Kailangan pang asikasuhin ni Doctor Collins ang ibang pasyente. Kaya umalis rin siya pagkatapos ibigay ang kaniyang contact number.Kinabukasan, sinigurado ni Sharon na maayos na ang tiyan ng bata pagkatapos niyang uminom ng gamot. Doon lamang niya ito hinatid sa kindergarten at nagtungo sa trabaho.Pagkarating niya sa kumpanya, nakatawag siya ng tawag mula sa opisina ng secretary. Pinapatawag siya sa opisina ng presidente nais siyang makita ni President Zachary.Hindi nagtagal, narating ni Sharon ang opisina ng presidente. Nakatayo si Simon sa isang bintanang mula kisame hanggang sahig ang laki. Mayroon itong kausap sa telepono. Nang makita ang pagdating niya, iginaya
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status