Lihim na pagkatao

Lihim na pagkatao

By:  bon bernardo  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
1 rating
11Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Mark Lester De lima,ang natatanging personalidad sa likod ng di mapapantayang katungkulan at kayamanan.Ngunit pilit na itinatago sa karamihan at pinananatiling mababang personalidad.Palaging inaapi,kinukutya at pinagtatawanan ng karamihan,paano niya ihahayag sa lahat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan kung walang naniniwala sa kanyang kakayahan lalo na ang kanyang katayuan sa buhay.Tuklasin ang kanyang mga hakbang kung paano niya mapapanatili ang kanyang matibay na katayuan at pagpapalawig ng kanyang kayamanan upang sakupin ang maraming lugar sa ilalim ng kanyang kapangyarihan at pamumuno ng hindi inilalantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.Sa kabila ng maraming pagsubok at makakaharap na maimpluwensiyang karakter,anong mga hakbang ang kanyang gagawin?

View More
Lihim na pagkatao Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Rosalinda Barrios
next chapter please
2022-11-06 06:06:29
0
11 Chapters
chapter 1
Sa bahay ng pamilya Ruiz,tatlong babae ang nakaupo sa sofa.Nagpapakita ng kaakit akit na ganda ang mga ito,na kahit na sinuman ang titingin sa kanila hindi maiiwasang hindi mabighani sa mga ito.Isa sa mga ito ay si Jasmine na nasa edad na 21,ang asawa ni Lester na pinaka may maamong mukha sa tatlong kababaihan na nakaupo sa sofa.Kasama nito ang kanyang nakababatang kapatid na kasalukuyang nag aaral sa sekondarya na si Ella.Bagamat nasa murang edad hindi mapagkakamalang high school student lang ito dahil sa katangkaran at hubog na ng husto ang katawan ni Ella.Ang isa naman ay ang kanyang ina na si Liza,bagamat nasa edad na 50's hindi pa rin kumukupas ang taglay nitong kagandahan dahil sa pag iingat nito sa kanyang pangangatawan at lalong lalo na sa kanyang mukha na wala kang mababakas na kulubot na sanhi ng katandaan.Kapag magkakasama ang tatlo mapagkakamalan silang magkakapatid na hindi gaanong nalalayo ang mga edad.Tatlong taon nang kasal sina Lester at Jasmine,ngunit hindi man la
Read more
chapter 2
Nang matapos ito sa mga gawaing bahay agad naman itong umalis at tumungo sa merkado gamit ang kanyang lumang motorsiklo na parati niyang ginagamit sa tuwing umaalis ng bahay.Habang kasalukuyang nagmamaneho patungo sa merkado may isang itim na mercedes benz ang tumigil sa kanyang harapan at mabilis na ibinaba ang tinted sa likurang bintana at isang matandang lalaki na nasa edad na 60's ang kasalukuyang nakatingin sa kanya habang dumadaan siya sa harap nito.Agad naman siyang napatigil ng mapagtanto nitong parang pamilyar sa kanya ang matandang ito.Nagkasalubong ang kanilang tingin at ang lalaki sa loob ng sasakyan ay agad namang bumaba at tumungo sa kanya.Yumuko ito sa harap nya at sinabing,"Young Master! Sa wakas nahanap ka na rin namin!Sa loob ng tatlong taon hindi kami tumigil sa paglilibot upang makita ka! Umaasang darating ang araw na masusumpungan din namin ang ganitong pagkakataon na ikaw ay masasalubong namin!Ang tagal nang panahon mula ng huli kitang makita!"
Read more
chapter 3
Napangisi si Lester at nagwika,"Alam na alam mo pa rin ang paborito kong kape" sabay tawa naman ni Bogart at nagwika ng, "Makakalimutan ko ba naman ang bagay na madalas nating inumin sa tuwing may mga mahahalagang bagay tayong pinaguusapan lalo na kapag tungkol ito sa kumpanya na dati mong pinamamahalaan.Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang iyong pamumuno sa naghaharing kumpanya sa buong bansa.Natatakot lang ako sa kasalukuyan nitong kalagayan sa ngayon,unti unti itong bumabagsak sa pamumuno ng iyong tiyuhin na si Romeo.Natuklasan ng iyong lolo na si Don Arsenio na lihim itong pinagnanakawan ng iyong tiyo.At ang malala ay may hinala kami na unti unting pinapahina ang iyong lolo sa pamamagitan ng gamot na hinahalo sa kanyang pagkain at inumin upang tuluyang mapasakamay ng iyong tito Romeo ang kumpanya bago pa man mabunyag ang pagnanakaw nito sa inyong kumpanya."Napatulala na lang si Lester ng hindi namamalayan,at hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Bogart.
Read more
chapter4
Napayuko na lang si Lester nang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang lolo at ng kumpanyang pinagsikapang itatag ng kanyang lolo Arsenio.Labis na kalungkutan ang kanyang nadarama at namumutawi sa kanyang puso.Bagamat siya ay napatalsik alam niya sa kanyang sarili na kailangan niyang kumilos upang tulungan ang kanyang lolo,sapagkat ito ay pinagtutulungan ng kanyang ikalawang anak at pamilya nito.Itinaas niya ang kanyang ulo at tumitig ng diretso sa mga mata ni Bogart at malumanay na sinabi,"Ano ang magagawa ko?,sa kasalukuyan kong katayuan wala akong kakayahan upang panghawakan ang ganitong suliranin.""Young master kaya ka minamadaling ipahanap ng Old master Arsenio upang makipagtulungan sa mga hakbang na kailangang gawin habang hindi pa huli ang lahat.Ipinaparating niya rin ang kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad sa kanyang mga naging desisyon.Inaamin niya na nalason lamang ang kanyang isipan ng ikalawang Master at bawat miyembro ng pamilya nito upang
Read more
chapter 5
Lumipas ang maghapon at natapos ni Lester ang kanyang mga nakatakdang gawain. Kasalukuyan namang kumakain ng hapunan ang buong pamilya. Sa parihaba na habang kainan,sa kabisera nakaupo ang padre de pamilya na si Dan,ang ama nina Jasmine at Ella. At sa kabilang dulo ay ang ina nilang si Liza,magkatabi naman sa gilid ng lamesa ang mag-asawang sina Lester at Jasmine.At sa tapat nila ay si Ella. Hindi na nag aksaya pa ng oras si Lester upang samantalahin ang pagkakataon na simulan ang usapan. "Mayroon po akong nais ipagbigay alam sa inyo, kanina habang ako ay patungo sa merkado isang matalik na kaibigan ang aking nakasalubong. Nais niya akong makasama sa kanyang kasalukuyang proyekto bilang kanyang katiwala sa kanyang pinangangasiwaang proyekto hindi kalayuan. Naisip ko na siguro ay panahon na upang ako ay magtrabaho. Hinihingi ko ang inyong tugon at pahintulot ukol sa nasabing bagay." Napakunot naman ng noo ang kanyang biyenan na babae na si Liza at marahas na sinabi," Aba'y dapat lang
Read more
chapter 6
4:00 pm nang dumating sila sa Bulacan sa Ruiz Mansion. Sa malawak na parking area makikita ang mga iba't ibang uri ng sasakyan na nakaparada dito. Kung titignan ang mga magagarang sasakyan na ito,malalaman mo kaagad ang mga katauyan sa buhay ng mga nagmamay ari nito. Halos mapuno ang malawak na paradahan na animo'y isa itong bentahan ng mga high end at dekalidad na kotse. Nakabukas ang pangunahing entrada ng mansiyon,sa magkabilang gilid magarang ilaw na nagsisikinagan ang maliliit na bumbilya na parang mga bituin sa kalangitan. Sa ibabang bahagi namumukadkad ang mga sariwang bulaklak na may kulay puti at at pulang rosas. Pagkababa nila ng sasakyan agad naman silang naglakad papasok sa pangunahing entrada patungo sa malawak nitong hardin na napuno ng mga bilog na lamesa na may eleganteng dekurasyon sa bawat isa dito. At sa dulong bahagi makikita ang isang mahabang lamesa,sa gitna nito ang isang magara at may kalakihan na upuan na animo'y isang trono ng hari na makikita mo sa mga pelik
Read more
chapter 7
Ilang sandali pa ang nakalipas,tumayong muli si Senior Travis at muling hinawakan ang mikropono at nagsalita. "Ngayong gabi pormal kong itininatalaga bilang susunod na mamumuno sa Skylark corporation ang aking panganay na apo na si Dominic. Muli namang nagbigay ng palakpak ang mga panauhin kabilang na ang kanilang pamilya sa pahayag ni Senior Travis. Tulad ng inaasahan,matagal na nilang alam ang plano na ito ng matanda. Alam ng karamihan na sa kabila ng katigasan ng ulo at may pagka suwail itong si Dominic,siya pa rin ang pavoritong apo ni Senior Travis. Madalas itong pinapanigan sa lahat ng oras at laging ipinagtatanggol sa kabila ng mga kamalian nito. Agad namang tumayo sa kanyang kinauupuan si Dominic at lumapit sa kanyang lolo at taos pusong nagpasalamat,kahit na matagal na niya alam ito,mas mainanam pa rin ang pormal na ipahayag ito ng kanyang lolo sa harap ng nakararami. "Maraming sa iyong buong pagtitiwala sa aking kakayahan na mapatakbo ng mahusay ang ating iniingatang kumpan
Read more
chapter 8
Sa tahanan nila Jasmine,balisa siyang umupo at sumandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata na tila ba malalim ang iniisip. Lumapit si Liza at tumayo sa kanyang harapan.Nagsimula na itong magtatalak, "Ayan ang matagal ko nang sinasabi sayo,kung ikaw ba naman ay nag asawa ng lalaking may kakayahan sa buhay,may pakinabang at may maayos na pagkatao hindi natin sasapitin ang ganitong sitwasyon. Kita mo ang asawa mong walang pakinabang,tatlong taon nang palamunin,walang hanapbuhay at walang kakayahan. Sa palagay mo may maitutulong ba sa atin yan?may magagawa ba yang bastardo na yan?ewan ko sayo Jasmine." Si Lester na nakaupo sa kabilang bahagi ng sofa ay walang imik na nakatingin sa kanyang biyenan na babe na tila ba isang tuod. Agad naman umakyat ng kanyang silid si Liza at nagpahinga. Binalingan ng tingin ni Lester si Jasmine at mahinahong sinabi, "Hon huwag mong isipin ang mga bagay na yun,kaya mo malagpasan lahay ng yan dahil sa taglay mong talino at husay sa trabaho. Hindi kita paba
Read more
chapter 9
Kinabukasan maagang gumising si Lester upang maghanda ng agahan ng kanyang pamilya at naglinis ng ilang parte ng bahay bago umalis at tumungo sa Batangas,kung saan kasalukuyang namamalagi ang kanyang lolo na si Don Arsenio. Tinawagan niya si Bogart upang magkita na lang sila sa isang lugar.At ganoon nga ang naganap ayon sa kanilang plano,habang sila ay nasa biyahe sa lalawigan ng Cavite kung saan makikita ang ilang mga realty properties ng mga Madrigal. Malungkot niyang pinagmamasdan ang mga proyekto na kanyang nagawa sa ilalim ng kanyang pamamahala sa El Grande.Hindi niya lubos maisip na mawawala lamang ito na parang bula at mapapasakamay ng mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan ang lahat ng kanyang pinaghirapang maitatag. Gayundin naman sa Batangas dahil madaraanan din nila ang ilan sa kanilang mga Resort. Nagbalik sa kanyang isipan ang mga nakaraan niyang plano na mai-develop ang lalawigan na ito kasunod ng kanyang mga proyekto sa Cavite na tila ba hindi na rin nalalayo sa
Read more
chapter 10
Dali dali naman siya pinaupo ni Lester at sinabihang wag na alalahanin ang mga nakaraang hidwaan at hindi pagkakaunawaan. Naparito siya upang personal na madalaw ang matanda at dumako sa ilang mahalagang talakayin. Pinangunahan na ng matandang Arsenio ang usapin, "Apo,ikaw na lang ang maaasahan ko sa mga bagay na ito.Sa Manila hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Ngayon kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.Ayaw kong masayang at mapunta lang sa karumal dumal na tao ang akin at iyong pinaghirapan. ikaw lang ang natatanging benepisyaryo ng buong deposito at may karapatan sa World bank at wala nang iba.Kung dati ay kung sino ang CEO ng kupanya ay siyang may kapangyarihan para dito,ngayon ay hindi na.Lihin akong nakipag ugnayan sa tulong ni Bogart upang maipabago at maiwasto lahat ng nakalahad sa testamento. Simula noong magkaroon na kami ng hinala sa pagpapainom nila sa akin ng lason upang manghina ang aking katawan at tuluyang maging lantang gulay,naisaa
Read more
DMCA.com Protection Status