Share

Chapter 04

Tahimik lang silang sumusunod kay David habang papunta sa magiging room nila. Pinindot nito ang number 6 nang nasa elevator na sila. Si Maya, as always, hindi mapakali kung sobrang tahimik.

"Have we met?" tanong nito sa lalaki.

Palihim niya itong siniko. Ano na naman bang plano nitong babaeng 'to?

Lumingon si David sa kanila habang nakakunot ang noo. Tiningnan nitong mabuti ang mga mukha nila. Napataas ang isang kilay niya. For a human, he sure is intimidating.

"That's what I was thinking but it's imposible," tugon nito.

Nang marinig niya ang boses nito ay sumang-ayon siya kay Maya. Pamilyar nga ito sa kanya.

"Oh, ikaw iyong tumawag ng ambulansya noong Biyernes ng gabi, hindi ba?" masiglang wika nito.

"Really? Ikaw iyong nasagasaan?" tanong nito sa kaibigan niya. Nanlaki ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala.

Umiling si Maya at itinuro siya. "It's her."

"Are you okay? How are you now?" Nilipat nito ang atensyon sa kanya. His light brown eyes seems so worried about her.

Bahagya siyang nailang kaya napaatras siya. He was the first human to ask about her well-being. Hindi siya sanay sa ganoon.

Bago pa siya makasagot ay huminto na ang elevator at bumukas iyon. Nasa harapan nila ang isang magandang babae na naka off-shoulder blouse at mini-skirt. Nakatingin ito sa kanya at kay David. Dumilim ang mukha nito at sinamaan siya ng tingin.

Lumabas na sila sa elevator. "Hi, David!" bati ng babae.

"Oh, Trixie.." tugon nito. "Where are you going?"

"I was about to go after you in the principal's office. Baka kasi may mga babaeng umaaligid sa iyo without knowing that we're engaged," wika nito na masama pa rin ang pagkakatitig sa kanya.

"Oooh, feisty!" bulong ni Maya. Mahina lang iyon pero sapat na upang marinig ng lahat.

"What are you implying?" tanong ng babae kay Maya na halatang nalipat ang atensyon nito mula sa kanya.

"C'mon, Trix! Stop it. Let's go," wika ni David at nauna na.

Sumunod si Trixie rito at inilingkis ang braso nito sa braso ni David. Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod na rin sa dalawa.

"Class, let's welcome your new classmates," wika ni Kuya Gavin niya nang makarating na sila sa classroom.

Tiningnan niya ang kabuuan. Hindi masyadong crowded dahil tantiya niya ay may humigit-kumulang na dalawamoung studyante ang nandito. 

Makahulugang ngumiti ito sa kanila. "The one on the left is Gracie and the other one is Maya. My Grace, sit beside David, I'm sure you knew him already. He's one of the top students in this class by the way. Maya, sit behind my Grace."

"But Sir Gavin—" angal ni Trixie na noo'y nakaupo katabi ni David.

"What, dear Trixie? Do you have anything else to say?" wika ng kuya niua at nginitian ito nang matamis.

Natulala si Trixie habang dahan-dahan umiling. "W-Wala po," wika nito at nagkukumahog na lumipat sa bakanteng upuan sa harapan.

Kulang na lang ay masapo niya ang noo. Gavin was a handsome charmer at kahit hindi ito gumamit ng hypnotism ay paniguradong masusunod ang kagustuhan nito sa kahit sino mang tao.

Wala siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ni David. Tahimik lang itong nakaupo sa at nakatingin sa harap.

"Ang gwapo talaga ni Sir, ano?" rinig niyang sabi ng babae sa katabi nito sa harap niya.

Her brother handled Mathematics which amazed her because they didn't even take classes in Hell. Saan kaya natuto ang kuya niya?

"Bakit hindi ka nagti-take notes?" tanong ni David sa kalagitnaan ng discussion.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi na kailangan. Hindi naman ako interesado diyan."

Hindi na ito muling nagsalita. Humikab siya sa kawalan ng magawa kaya nagpasya siyang matulog na lang. Ginawa niyang unan ang mga braso.

Ilang minuto lamang ay naramdaman niyang may nambato ng maliit na bagay sa ulo niya.

"Aray!" angal niya. Napilitan siyang umupo nang tuwid. "Sino iyon?"

Natawa naman ang mga walang kwentang tao.

"My Gracie, you better listen," wika ng kuya niya. Takip ng whiteboard marker pala ang ibinato nito sa kanya.

Sumimangot siya at sinamaan ito ng tingin. But he just grinned and threw a wink at her.

"Here..." walang ganang sabi ni David habang nilapag sa harap niya ang isang ballpen at papel.

"Anong gagawin ko rito?" takang tanong niya rito.

"Whatever you want," wika nito.

Natapos na ang klase pero wala pa rin siyang naisulat sa papel na binigay ni David. Wala pang klase sa susunod na oras kaya lumabas ang lahat ng kanyang mga kaklase maliban kay Maya, Trixie at dalawa pang kaibigan nito.

Ang kuya niya ay nandoon pa rin sa room at nagliligpit ng mga gamit nito.

Lalapitan na sana niya ang kuya niya nang may mahigpit na humawak sa braso niya at pinigilan siya.

"Not so fast, hooker," wika ni Trixie. Nasa likod nito ang dalawang kaibigan nito na puno ng kolorete sa mukha.

What? Is this some kind of cliché things in school just like what she had seen on movies?

"I'm not a hooker," wika niya. Piniksi niya ang braso upang mabitiwan nito.

Ipinagkuros nito ang mga braso sa dibdib. "Stay away from my fiancé."

"David? I can't. We're seatmates," wika niya.

Isang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Agad na pumagitna sa kanila si Maya pero hinila niya ito.

"What was that for?" tanong niya. It doesn't sting a bit pero alam niyang ang sampal ay ginagawa kung may kasalanan ka. So far, in her knowledge, wala pa siyang atraso rito.

"That's for being a hooker. You can go to hell," wika nito.

"Hey!" saway ng Kuya Gavin niya. Lumapit na ito sa kanila. "Trixie, hindi ko papalampasin itong ginawa mo. Umalis na kayo," galit na wika nito. Padabog na umalis sina Trixie at ang mga kaibigan niya. Hinawakan ni Gavin ang magkabilang-balikat niya. "Are you okay, my Grace?" tanong nito na bakas ang pag-alala sa mukha.

Tumango siya. "Let's go home. Please?"

"Iiwan ko muna kayo upang makapag-usap nang maayos," wika ni Maya at lumabas na ng classroom. "I'll deal with Trixie."

Huminga nang malalim ang kuya niya. "I'm sorry I let that happen, my Grace."

"Okay lang ako. Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Umuwi na tayo, Kuya Gavin." Kulang na lang ay lumupasay siya ng iyak sa harap nito pero alam niyang matigas rin ang damdamin nito.

"I've risked a lot to get here, Gracie. Promise, babalik rin ako. May gusto lang akong gawin dito."

"Ano iyon?"

Nag-isip ito kung sasabihin ba nito sa kanya o hindi. "I'm sorry. It's a secret. Gusto kong sabihin pero natatakot ako na baka hindi mo maintindihan. Kaya please, my Grace... dumito na muna tayo. It's not going to take long. One day magugulat ka na lang na ako na mismo ang magyayang umuwi."

She made a face. "I told mom and dad na hindi ako uuwi hanggang hindi kita kasama. Kung mananatili ka rito, ganoon din ako."

Hindi sumagot ang kuya niya. Bumalik ito sa mesa nito at may kinuha na maliit na parisukat na plastic. Pagkatapos ay humakbang uli ito papunta sa kinaroonan niya.

"Here," wika nito at inilahad ang bagay na iyon sa kanya.

Tinanggap niya iyon. "What's this?"

"A credit card. It's a substitute of cash. Humans use this to pay whatever things they desire. You can use this while you're here."

"Is this a bribe?" tanong niya.

Gavin grinned. "Sort of?"

Mahina niya itong sinuntok sa dibdib. "You're evil."

He laughed. "Well, technically, we are."

Tinabig niya ang kamay nito nang akmang guluhin nito ang buhok niya. Pero inilag nito kaya nagulo pa rin nito ang buhok niya.

"Stop it, Kuya!" saway niya at lumayo rito. Inayos niya ang pagkakatali ng buhok.

Naiiling na lumabas ang kuya niya sa classroom habang humalakhak. Naiwan siyang nakatitig sa credit card na iyon.

Hmmn, ano kayang magandang gawin sa bagay na ito?

"Hey!" wika ni Maya na kakapasok lang.

"Anong ginawa mo kay Trixie?" tanong niya.

"Wala! Hindi ko na naabutan. Si David ang nakita ko. Sabi ko sa kanya na bantayan niya ang fiancee niya."

"Walang kaso sa akin 'yon! But I really wanted to wring her fragile neck hanggang sa hindi na siya makapagsalita. Puro kasi kabobohan ang lumalabas sa bibig ng babaeng iyon, eh. Nakakairita!"

Natawa si Maya. "That's the Grace I know."

Wala na siyang magawa kung hindi ang itawa na rin lang ang gigil.

"By the way, anong sabi ng kuya mo? Uuwi na ba tayo mamaya? Bukas? Kailan?"

She pursed her lips and inserted the card between her index and middle finger. Itinaas niya ito para makita ni Maya.

"What's that?"

"A bribe. Wala pang balak umuwi si Kuya. It's a credit card at magagamit raw ito aside from cash kung may gusto tayong bilhin."

"And what do you want to do with that?"

Napangiti siya. "Let's bunk classes. Mag-shopping tayo. Tutal, isang klase rin naman ang hinahandle ni Kuya at tapos na iyon kanina. Saka ayokong makita ngayon ang babaeng 'yon!"

Ngumiti ito. "C'mon, let's call Bruce."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status