Share

Chapter 06

Masiglang hinawakan ni Grace ang braso ni Peter. "I never thought I would see you again!"

Nasa cafeteria sila at nakaupo sa isa sa mga mesa doon. Si Maya ang um-order ng makakain nila.

Napangiti ito sa kanya pero nag-iwas ng mga mata. Hinawakan nito ang kamay niya at inalis sa pagkakahawak sa braso nito.

"What's wrong?" nag-alalang wika niya.

"Do you realize that firstly... I'm trying to conceal what I really am. Secondly, you know so much about me but I don't even know your name."

She pursed her lips and nodded. "I apologize for the late introduction. But here," inilahad niya ang kanang kamay rito, "my name is Gracie."

Tinanggap naman nito iyon at nakipagkamay. "N-Nice to meet you."

"Don't worry, I'm not going to tell everyone that you're 'hmm'," she gave him a meaningful look, "and I don't really know everyone here. Kaka-transfer ko lang rito kahapon!"

Nakahinga ito nang maluwag. "Thank, God! I really thought you were that chitty-chat-chat cheerleader on a typical high school drama."

She giggled. "I don't really know much about high school stereotypes."

"Who's that hot guy on your left that is six tables away from us?" tanong nito. "Kanina pa siya nakatitig sa iyo."

Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin ang tinutukoy nito. Then her eyes landed on David's. He was woth his friends. She smiled nd waved at him. Tumango naman ito sa kanya at nag-iwas na ng tingin. "That's my seatmate. He gives me an everyday supply of pen and paper. You didn't saw him in class?"

"Talaga? Kaklase pala natin siya. Hindi ko siya nakita. Abala ang mga mata ko sa pagtitig sa homeroom teacher natin," wika nito. Pinagsalikop nito ang mga palad at tumingala. "Sobrang gwapo talaga ni Sir. I really hope he's into me," he said and heaved a dreamy sigh.

"You mean my brother?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata nito at napatingin ulit sa kanya. "What? Ano bang ginawa mo sa past life mo at napapaligiran ka ng mga gwapong lalaki."

Natawa siya. Gusto niyang sabihin na hindi totoo ang past life and such but she respects everyone's beliefs. "Then you're also here. One of my 'gwapo' friends."

He acted like he was about to puke. "That's a bit offensive, though," wika nito at natawa. "Pero mukhang palaging na akong bibisita sa bahay ninyo."

Napangiwi siya. "Kung si Kuya ang pakay mo, sorry to disappoint you pero hindi kami magkasama sa iisang bubong. He has another house."

"Akala ko pa naman makikita ko na siya tuwing weekend! Pero bakit hindi kayo magkasama? May asawa na ba siya?"

Umiling siya. "Nauna kasi siyang pumunta rito at maski ako ay hindi pa rin nakabisita sa bahay niya. Our parents sent me here para iuwi na siya."

"Aww! Naglayas pala ang kuya mo!"

Natawa na lang siya sa sinabi nito. Natigil ang pag-uusap nila nang lumapit si Trixie sa kanila. Umupo ito sa upuang nasa harap niya at ang dalawang kaibigan nito ay nasa likod habang nakakuros ang mga braso sa dibdib.

"Can we talk?" wika nito sa kanya. Tiningnan nito si Peter at nginitian. "I would like to talk to her in private."

Tiningnan niya si Peter. "Give us a moment. You can go to Maya. She's still on the line to get food."

"Sure," wika nito.

Nang makaalis si Peter ay agad hinampas ni Trixie ang mesa. She leaned to her and grabbed her hair behind her ear. Napadaing siya sa sakit.

"What are you doing?" wika niya.

Binigyan siya nito ng masamang tingin at unti-unting inilapit ang bibig nito sa tainga niya. "Stay. Away. From. David. Hooker! Akala mo hindi ko nakita at nalaman ang nangyari sa inyo ni David kaninang umaga? You flirted with him!"

"Hey, I relly did not do anything."

Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakasabunot nito sa buhok niya. "Liar. Walang kinakausap si David na babae maliban sa akin. Pero nang dumating ka rito ay parang ginayuman mo na siya. You're a witch."

She snapped. That's it. Hindi niya na mapigilan ang inis niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang palapulsuhan ng kamay nitong nakakapit sa buhok niya. Tumayo siya nang dahan-dahan. Naramdaman naman niyang unti-unting lumuwag ang pagkakakapit niyon pero hindi pa siya na nakontento. Binaon niya ang kanyang kuko rito at tiningnan niya ito sa mga mata.

"I don't lie, girl. That's the most common cause of humans to go to hell because everytime you do a small lie, it adds up and it'll get big until your soul can no longer get back up. You'll be stuck forever in hell."

Piniksi nito ang braso dahilan nang pagkabitaw niya rito. Hinimas nito ang nasaktang parte ng kamay. "Now, you're threatening me!"

"Threatening is for the weak. I am only stating the truth. Now, kung ang problema mo ay ang unstable relationship ninyo ni David, huwag ako ang kausapin mo," sagot niya at tinaasan ito ng kilay.

"Trixie! That's enough!" dumadagundong na boses ni David ang nagpatigil sa staring contest nila.

Awtomatiko silang napatingin rito. Magkasalubong ang mga kilay nito at nag-iigting ang panga nitong naglakad papalapit sa kanila. Nakita rin niya sa peripheral view niya sina Maya at Peter na may dala-dalang tig-iisang tray ng pagkain.

"Aba! Bakit ba ako ang pinipigilan mo rito. Can't you see? Muntik na niyang baliin ang kamay ko."

"That's absurd. Nakita ko rin kung paano mo siya sinabunutan. Pwede ba, Trixie? Can't you be a little more mature?" sagot ni David.

"Ouch!" rinig niya komento ni Maya. Napatingin siya rito para sana senyasan na huwag nang palalain ang sitwasyon pero sinalubong lang siya ng isang kindat nito. Wala siyang nagawa kundi ang mapairap.

Unti-unti na ring dumadami ang mga estudyante na nanonood sa kanila. At mukhang napansin rin ni Trixie iyon. Kaya naman inis itong umalis at nilagpasan si David na binangga pa nito ang balikat ng lalaki.

"Are you okay?" wika ni David.

"I'm fine. Sundan mo na si Trixie at mukhang masama rin ang loob niyon sa iyo," wika niya at matipid na ngumiti.

Bumuntong-hininga si David at nagtagis ang mga bagang. "That brat!" wika nito at umalis na rin.

"Okay, humans! The show is over. Go back to your businesses now! Shoo!" pagpapaalis ni Maya sa mga nanonood.

Nang sila na lang tatlo ang nasa mesa nila ay saka pa siya napaupo. "I really don't like Trixie," wika niya at kumuha ng isang sandwich.

"I also can't wait to meet her in hell! Makakatikim siya sa akin," pagalit na wika ni Maya na inisang lagok ang napakalamig na juice.

"Girls, bakit ba bukambibig ninyo lagi ang Hell na iyan?" tanong ni Peter.

"We're from there," wika niya.

"Hay naku! You always don't tell me the truth. Kumain na nga lang tayo."

Kinahapunan ay sinundo na sila ni Bruce pagkatapos ng klase pero nagulat siya nang pagbukas niya ng pinto sa van ay nandoon na ang kuya niya.

"Hi!" bati niya rito. "Nagbago na ba ang isip mo? Balak mo ng umuwi?"

Ngumiti ito at huminga nang malalim. He tapped the space beside him. "Hop in. We'll talk first."

Sumakay naman siya. Napansin niyang wala si Bruce at Maya sa loob. Probably giving them space.

"It seems serious. Ano bang pag-usapan natin?"

"Narinig ko ang nangyari sa inyo ni Trixie kanina sa cafeteria."

She pursed her lips at nagkibit-balikat. "Oh, that?"

"My Grace, I would really appreciate if you should and must not involve in fights like that one earlier."

"It's not my fault, brother."

"I know pero sana iniwasan mo iyon. Mayayaman at makapangyarihan ang pamilya ng mga estudyante rito, Gracie!"

"More than us?" Napataas ang kilay niya. Siguro naman wala ng mas makakalamang pa sa kanila.

"Not more than us pero..."

"Stop, kuya. I know what you mean. Pero sana huwag mo akong sisihin sa bagay na iyon. I make no mistakes. Blame that measly human. And I partly blame you dahil ikaw ang nag-utos na uupo ako sa tabi ni David."

Akma siyang aalis at bababa na ng van pero hinawakan nito ang braso niya. "I'm sorry. I didn't mean it."

Napaismid siya. "Tell that to mom and dad. Nandito lang naman ako para ibalik ka pero anong ginawa mo? Wala ka pang balak umalis sa makasalanang mundong ito. Tapos ako ang sisisihin mo sa lahat ng nangyari. Shame on you!" Piniksi niya ang kamay upang mabitiwan nito at bumaba na sa sasasakyan.

Hindi niya makita sina Maya at Bruce sa labas kaya nagpasya na lamang siyang maglakad na lang. Tutal, medyo malapit lang naman ang bahay nila.

Mabigat ang kanyang mga hakbang dala na rin ng galit na nararamdaman niya. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay napansin niyang bumagal ang takbo ng mga kotseng nasa kalsada, huminto sa pagsayaw ang mga kahoy at ang mga ibon na lumilipad sa ere ay hindi na rin gumagalaw.

"Mukhang may dumating," wika niya sa sarili.

Tiningnan niya ang paligid. Hindi nga siya nagkamali. Isang lalaki na nakasuot ng puting roba na parang damit ng sinaunang tao sa Greece. May gold plate itong suot sa leeg, kamay, at paa. Nakangiti ito sa kanya. Nakabukas ang mga kamay nito na parang nag-aaya ng yakap.

"Uncle Gabriel," wika niya at ngumiti rin dito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status