Share

Chapter 07

"Hello, my favourite niece!" nakangiting bati ni Uncle Gabriel kay Gracie nang makalapit na ito sa kanya.

"Uncle Gab, if I remind you, I'm your only niece," wika niya at lumabi.

Natawa ito nang malakas at ginulo ang buhok niya. "What's the matter? I've felt your anger from above."

Humalukipkip siya. "Kuya is being a stubborn, hard headed brat. Pinapauwi na siya nina mom and dad pero hindi pa rin niya gustong umuwi."

"Hmm... I saw it in Gavin. He's the type of divinity that likes to explore the world's desires. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi mo pa mapipilit ngayon na umuwi ang kuya mo."

"But Dad needed him..."

"Lucifer managed Hell on his own before he made a family, Gracie. Therefore, his reason is void. Gusto lang talaga niyang makita ang pamilya niya na buo at ligtas sa anumang kapahamakang dala ng mundong ito."

"I never thought Dad has it..." Her dad is being corny. "Siya pa nga ang nagkumbinsi sa akin na pupuntahan ko si Kuya rito."

"At ngayong nandito ka na rin, pinakiusapan niya akong bantayan kayong dalawa. Well, I can't say it's bothering me dahil gusto ko rin naman kayong bantayan."

"Napaka-dramatic naman ni Daddy," wika niya.

"That's Lucifer. Anyway, I just came to visit you. I'll also visit Gavin one of these days."

Yumakap siya rito. "Thanks, Uncle Gab." Nang dahil rito ay gumaan ang pakiramdam niya. She had seen it through pictures and videos because he can't go personally to Hell to visit them. Pero kahit unang pagkakataon na makita niya ito sa personal ay agad silang nag-click

Nang mawala na ito sa paningin niya ay muling bumalik ang oras sa dati nitong takbo. 

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Malapit na ring lumubog ang araw. Saan nga ba sina Maya at Bruce? She waa about to cross the street pero nagulat siya nang may isang kotse ang huminto sa tapat niya.

Ibinaba ng sakay nito ang bintana at nagulat siya nang makita si David na nasa likuran nakaupo.

"Hey!" bati niya sa rito.

Nagtataka siya kung bakit palagi na lang seryoso ang mukha nito tuwing may kausap. Wala ba sa bokabolaryo nito ang pagngiti nang totoo?

"Need a ride?" tanong nito.

"Huwag na, David. Hindi na kailangan. Malapit lang naman bahay namin dito."

Nagkibit-balikat ito. "Okay!" He was about to close the window but she stopped him.

"Wait!"

"Why?"

She pursed her lips and leaned over. "Have you seen Maya?"

Sandali itong nag-isip at saka dahan-dahang umiling. "Nope! I haven't seen her," wika nito at iniwas ang mga mata sa kanya.

She squinted her eyes. "You're lying although I don't get it why would you do that."

"Fine! Sinabihan ko siya na ako na ang bahalang maghatid sa iyo pauwi. Pambawi sa nangyari sa iyo kanina."

Natigilan siya. Huminga siya nang malalim at ipinagkuros ang mga kamay sa dibdib. Tiningnan niya ang di-kalayuan ng kalsada. May isang pamilyar na van ang naka-park. That's probably them.

"Really, you don't have to do that!" wika niya.

"I'm not forcing you. And do you live in the same house?"

"Yes, we live together with Bruce."

Tiningnan niyang muli ang pamilyar na van. Her hunch was proven correct when she saw Bruce's hand waving at her outside the window. Napailing siya.

"Who's Bruce?"

"Our friend. Now, can you scoot there?" wika niya.

His lips curved upward. Binuksan nito ang pinto ng kotse pagkatapos ay umusog sa gilid para bigyan siya ng espasyo. Sumakay siya at isinarang muli ang pinto.

"Hello po!" bati niya sa driver ni David. He was a middle aged man with black and white stubbles around his face.

Tiningnan siya nito sa rearview mirror. Ngumiti ito. "Magandang araw sa iyo."

"Let me get this straight. So you live with Maya and a dude named Bruce? Kayong tatlo lang? Kaano-ano mo si Bruce?"

Isinandal niya ang ulo sa sandalan. Tiningnan niya ang bubong ng kotse. Wala siyang alam kung anong klaseng kotse ito pero sa hitsura pa lang, sigurado siyang it is worth millions.

"This thing is expensive!" wika niya na sinadyang hindi sagutin ang sunod-sunod na tanong nito.

Narinig niya ang paghingang malalim nito.

"Saan tayo, hija?" wika ng driver.

Sinabi niya ang eksaktong address niya at nagsimula na itong magmaneho.

"Sir, parang may sumusunod sa atin!" wikang muli ng driver.

Sabay nan silang napalingon sa likod. She grunted when she their van.

"Don't worry. I know that car. It's ours."

"Why are they following?" tanon ni David.

Nagkibit-balikat siya. "I guess... they don't trust you."

Hindi ito makapaniwalang tiningnan siya. "What?"

"They're my friends. They don't just hand me to some random human that offers them to give me a ride."

Isinuklay nito ang mga daliri sa buhok. "Stop talking like you're a different specie. And I'm not random. I'm your seatmate."

Napataas ang kilay niya. "Yeah! And I know you for more or less 48 hours."

"And what about that guy named Peter? It seemed like you trusted him very much!"

"Nagkita na po kami before I transferred. So, technically I know him more than you."

"Whatever!" pikon nitong sabi. Isinandal nito ang ulo at ibinaling sa bintana. Nakatingin ito sa labas.

"Are you mad?" tanong niya maya-maya.

Hindi ito sumagot bagkos ay mas siniksik pa nitong lalo ang sarili sa gilid.

"I can say that Trixie really likes you. Why wouldn't you appreciate it?" tanong niya rito. Ilang sandali siyang naghintay pero wala siyang nakuhang sagot para rito kaya naman nagpatuloy siya. "She's beautiful, smart and strong. She knows what she likes and she has the determination to protect it. Like you."

Lumingon ito sa kanya at tinitigan siya. Gusto niyang mag-iwas ng paningin pero mas gusto niyang pagmasdan ang mga mata nito. He's beautiful.

"You really are naive, aren't you? I don't like her and I will never be. She's obsessed with me," he said with conviction.

Hindi na siya nakasagot pa rito dahil inihinto na ng driver ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.

"Nandito na tayo, hija," wika nito at nilingon sila.

Ngumiti siya rito at nagpasalamat. Bumaba na siya ng kotse at ganoon din si David. Nakatingin ito sa bahay nila.

"Nice house," komento nito.

Nagkibit-balikat siya. "Thanks!"

Hinarap siya nito. Ngumiti siya at inilahad ang kanang kamay. Tiningnan nito iyon at kumunot ang noo. "What for?"

"A handshake." Siya na mismo ang umabot sa palad nito at nakipagkamay. "Gusto kong magpasalamat at sana ito na ang huling beses na gagawin mo ito." Naalala niya ang sinabi ng kuya niya kanina. Malungkot siyang ngumiti rito. "I don't want to cause more trouble. I'm sure kapag malaman ni Trixie itong ginawa mo, I don't know what she'll do to me." Binitawan na niya ang kamay nito pero humigpit ang hawak nito sa palad niya. Kaya napatingin siya rito.

"I'm not doing anything wrong and you're not causing me harm. And I'm sorry about Trixie. Don't worry, I won't let that happen to you again," seryoso nitong sabi.

Hinila niya ang kamay para mabitiwan nito. Nagtagumpay naman siya. "I don't need protection from a human, David. There's much more to me than what you see now."

"And I would like to know all of it, Gracie. I want to know you more."

Napataas ang kilay niya. Ang tsismoso naman nito. Sandali siyang nag-isip at nagkibit-balikat. Hindi na niya ito sinagot at kumaway na lamang sa driver nitong nakadungaw. Kumaway rin ito sa kanya. 

"I'll get going!" Hindi na niya hinintay ang sagot nito at pumasok na ng bahay. Hindi niya isinara nang tuluyan ang pinto para masilip niha kung ano ang ginagawa nito.

Sandaling tinitigan muna ni David ang bahay saka naiiling itong pumasok ng kotse.

Maya-maya ay kaharap na niya sina Maya at Bruce sa sala.

"Never do that again!" wika niya rito.

Nakayuko si Maya habang nakangiwi. Si Bruce naman ay nakasandal sa couch at nilalaro ang hunter knife nito. Tahimik lang itong nakikinig sa kanya.

"Kapag malaman ni Trixie ang ginawang paghatid sa akin ni David, siguradong hindi lang sabunot ang gagawin sa akin. Nagalit si Kuya Gavin dahil sa gulo na ginawa ko kanina sa cafeteria at ayokong isipin na ang babaeng iyon ay ng ugat kung bakit hindi kami magkaayos ng kuya ko."

Dumilim ang mukha ni Bruce na tumitig sa kanya. "What if we'll just kill her, Gracie? I'm sure she'll go to hell!"

Dinampot niya ang maliit na unan na kanyang sinandalan at ibinato niya rito. Hindi ito umilag.

"That's a stupid idea," wika niya. "We can't kill humans. That's the only rule we have to follow for us to stay here."

"We just want you to be friends with David. Seatmate mo siya at nakita kong palagi ka niyang binibigyan ng ballpen at papel. Most of our classmates aren't that friendly. They have their own cliques," paliwanag ni Maya.

"Hindi na kailangan, Maya. Sapat na si Peter. Isa pa, hindi naman tayo magtatagal rito. Kapag nakadesisyon na si Kuya Gavin na umuwi na, uuwi na agad tayo."

"Peter is... well he's Peter pero iba si David. He likes you, Gracie!" sagot ni Maya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status