Share

Chapter 08

Buong araw ng klase ay tanging sa harapan lang nakapukos ang mga mata ni Gracie. Kahit nakatingin siya sa whiteboard ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Maya kahapon.

"He likes you, Gracie!" Iyan ang mga katagang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan.

Marahan niyang hinawakan ang sintido at pumikit. Hinilot niya nang paikot ang gilid ng noo.

"He likes you, Gracie!" Pero parang tinutukso pa siya dahil kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin itong sumasagi sa kanyang isipan.

Kaya naman ay galit niyang hinampas ang desk at napatayo. "Damn it, stop!"

Sumunod niyon ay isang malalim na katahimikan. Unti-unti niyang minulat ang mga mata. Sumalubong ang masamang tingin ng guro at lahat ng mga classmates niya ay nakatingin sa kanya.

Kinagat niya pang-ibabang labi. Lihim niyang binatukan ang sarili. Why did she do that? Buti na lang at hindi nasira ang mesa na hinampas niya.

Nagbaba siya ng tingin. Nakita niyang nakatingin rin si Maya sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Are you okay?" wika nito.

"Gracie, kung hindi mo gustong makinig sa klase ko, ikaw ang lumabas!" galit na sabi ng guro.

Huminga siya nang malalim. Wala.na siyang mukhang ihaharap pa kay David. She embarrassed herself. She's an idiot.

"Sorry!" mahina niyang wika at naglakad na palabas.

"Serves her right! Walang respeto!" rinig niyang bulong ni Trixie nang mapadaan siya sa pwesto nito.

Hindi na lang niya iyon pinansin at nagtuloy-tuloy na. Sumakay siya sa elevator at nagpunta sa rooftop. May isang sirang couch sa gilid kaya doon siya naupo. Alas kwatro na ng hapon kaya hindi na masyadong masakit ang araw. Hindi pa naman siya makakauwi dahil susunduin sila ni Bruce tuwing alas cinco at kailangan pang tapusin ni Maya ang panghuling klase.

Humiga siya kahit masakit sa likod dahil sa sirang spring ng couch at inunan niya ang mga braso. Tinitigan niya ang langit. Pinuno niya ang baga ng sariwang hangin.

"Rayleigh scattering," usal niya. Nang ma-curious siya kung bakit nagbabago ang kulay nito at hindi lamang sky blue ay iyon ang nahanap niyang sagot.

Napangiti siya. God is very creative. Nakahinga siya nang maluwag. Kahit papaano ay nawaglit sa isip niya iyon.

Hindi niya namalayang nakatulog na siya. Kung hindi pa niya naramdamang may pumapatak na tubig sa mukha niya ay hindi pa siya magigising.

Agad siyang nagmulat ng mga mata at bumangon. Tiningnan niya ang paligid. Walang kahit isang poste ng ilaw ang rooftop. Tuluyan nang lumubog ang araw. Kaunti lang ang nakikita niyang mga bituin. Natatabunan siguro ng ulap.

Naramdaman niyan may dalawang taong nakamasid sa kanya. Ang isa ay nakapwesto sa malayong sulok at tahimik na nakasandal sa railing. Si Bruce na hindi siguro gustong istorbohin ang pagpahinga niya.

Ang isa naman ay hindi niya alam kung bakit ito nandito. Nasa paanan ito ng couch at nakatalikod sa kanya. Nakatingin ito sa sa baba.

"David," tawag niya rito. Lumingon ito sa kanya. "What are you doing here? Umuulan!"

Dinampot nito ang payong na nakasandal sa armrest ng couch. Lumapit ito sa kanya at binuksan nito iyon.

"That's what I was about to ask. Hinanap ka ni Maya pero hindi ka niya nakita."

Napataas ang kilay niya. Ang drama naman ni Maya. She's sure that that brat can sense where she is. She's cooking something. Hindi siya sumagot at hinintay na itong magpatuloy.

"Then there's one place na hindi na pinupuntahan ng lahat—ang rooftop. Naisip kong gusto mong mapag-isa kaya naman nagpunta ako rito. Nadatnan kitang tulog at ayaw kitang gisingin."

Tumikhim siya. "T-Thanks, that's so nice of you!"

"Yeah, no biggie. What are seatmates for, right?"

And there. She got the answer. David likes her as her seatmate. She pinched her side. Kung ano-ano kasi ang pinag-iisip niya at ginagatungan pa ni Maya.

"You're like this with Trixie? She's your seatmate before." Huli na para bawiin ang sinabi pero iniwas niya ang mga mata rito. Para kasing masama ang pagkakasabi niya. Wala siyang nagawa kundi panindigan ang naunang sinabi. "N-No wonder that girl is so into you. You're kind."

He chukled. "Are you jealous?"

Napabuga siya ng hangin pagkatapos ay awkward na natawa. Nag-init ang mga pisngi niya at bumilis ang tibok ng puso niya. "Of course not. That's not what I meant. What I just wanted to say is—"

His chuckle turn ito a genuine laugh. "I understand. No need to get worked up. I'm just teasing you."

Tiningala niya ito para makita ang mukha nitong tumatawa. Dahil gabi na at wala masyadong bituin, hindi niya naaninag ang mukha nito. Siguro mas gumagwapo ito kapag tumatawa. Sayang nga lang at hindi niya makikita.

"What's the matter?" tanong nito.

"N-Nothing—"

"You know what? You're not really a good liar."

"I know. Kaya huwag mo na akong tanungin."

"If that's what you want. Tara na. Bumaba na tayo bago pa mas lumakas ang ulan."

Nagsimula na silang maglakad. Inakbayan siya nito at hinapit. "We only have one umbrella." wika nito kahit hindi naman siya nagtanong.

Langhap niya ang bango nito at naririnig rin niya ang tibok ng puso nito pati ang ritmo ng paghinga nito. His muscles are so firm like he was born in the gym working out. Damn this heightened senses!

Lumingon siya sa kinaroroonan ni Bruce. Wala na ito. Pagkarating nila sa main gate ay nasa van na ito at nakaupo sa driver's seat.

"Saan na iyong sundo mo?" wika niya nang makitang ang van lang nila ang tanging sasakyan na naka-park sa labas ng gate.

"I guess it's your turn na ihatid ako."

Nanlaki ang mga mata niya. "Are you serious?" Akmang napaatras siya pero pinigilan nito iyon at mas isiniksik pa siya sa gilid nito.

"Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo. Ayos lang naman sa akin kung maglalakad ako pauwi kahit gabi na at sa gitna pa ng bagyo."

Nakahinga siya nang maluwag. Tumango siya. "Sige. Una na ako." Binuksan niya ang pinto ng van upang makasakay na.

Nabigla siya nang hinawakan siya nito sa braso. "You don't really understand human nature, do you? What I said was the opposite of my intention."

"I don't understand why humans are subject to lie. Kung anong gusto ninyo ayaw n'yo pang sabihin. Sakay na!"

Nauna siyang sumakay at umusog siya upang bigyan ito ng espasyo. Tiniklop nito ang basang payong at inilagay sa paanan nila.

"Bruce, punta muna tayo sa bahay nila. Ihahatid natin ang taong 'to."

Binigay nito ang address nito at nagsimula nang magmaneho si Bruce. Sampung minuto lang ang layo ng bahay nito sa kanila.

When they get there, hindi niya mapigilang mapahanga. She can't even look what's inside because of the high and sturdy walls. Ang gate ng mga ito ay mga guard post.

"Ang yaman mo pala," komento niya.

He chuckled. "Not my money but my parents'."

Akmang bababa siya ng van ngunit pinigilan siya nito. "Hindi na kailangan. Thank you!" wika nito at tuluyan nang isinara ang pinto.

"I don't like him!" wika ni Bruce.

Natawa siya. "Why?"

"He's too handsome!" naiiling na wika nito at nagsimula nang magmaneho.

Pagkarating nila ng bahay ay nadatnan nila si Maya sa sala na nakahiga sa couch at nanonood ng tv.

Agad niyang nilapitan ito. "Hey, what was that all about not being able to find me?"

Umayos ito ng upo. Kinuha nito ang unan at niyakap. Nakangiti ito s kanya na parang aso.

"Did you enjoy?"

"Enjoy what?" kunot-noo niyang sabi. Maya's being vague right now. "What do you mean?"

"I'm sorry, Gracie. Gusto ko lang talaga na maging kaibigan kayo ni David. He likes you!"

"Ayan ka na naman. Of course he likes me. He likes all of us. Stop putting malice on everything he did."

"Parang may iba..."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Stop it, Maya. It ain't fun. Ang gagawin ko lang rito ay kumbinsihin ang kuya kong umuwi na. At ang gagawin ninyo rito ay ang protektahan ako pero hindi naman talaga kailangan iyon dahil kaya kong protektahan ang sarili ko. That's it. Kung ayaw ninyong tumulong sa akin, mas mabuti pang umuwi na lang kayo."

"Okay! I'm sorry," wika nito.

Hindi niya sinagot iyon. Tumayo siya at umakyat na sa kwarto niya. Kinakailangan niyang mag-shower para mahimasmasan ang galit niya. Nagsuot siya ng pajamas at nahiga na sa kama.

Dinampot niya ang box ng cellphone na nasa bedside table. Hindi pa niya nagagamit iyon simula noong binili niya ito noong isang araw. Tinitigan niya iyon sandali pero muli ring ibinalik dahil wala pa naman siyang balak gamitin.

She lay on her belly and buried her face on the pillow. Kahit papaano ay nagsisi siya kung bakit niya sinigawan si Maya kanina. Kahit ayaw niyang umamin ay totoo namang nag-enjoy siya kasama si David kanina.

She likes to talk to him and she enjoys every minute of it. Kaya siguro ganoon na lang ang pagka-protective ni Trixie sa fiance nito. The girl is lucky. David's truly a gem.

Ayaw naman niyang makagulo sa mga ito kaya bukas na bukas din ay kukumbinsihin ulit niya ang kuya niya na umuwi na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status