Share

Chapter 17

Linggo ng tanghali at naghahanda na ang lahat para sa kanilang pag-alis. Tiniyak muna ni Gavin na nakaalis na ang lahat ng mga estudyante at maayos na nasundo na ng kani-kanilang driver.

Nasa kwarto pa sila Gracie at Maya. Naghihintay sila sa hudyat ng kuya niya para makaalis na rin.

Nagtinginan sila nang may kumatok. Agad na binuksan iyon ni Maya. Iniluwa noon sina David at Peter.

Lihim siyang napangiti. Balita niya'y iisa ang kwarto ng mga ito. Ano kayang pinag-usapan ng dalawa?

"Pasok muna kayo," imbita ni Maya. "Hindi pa naman nag-text si Kuya Gavin na dumating na si Bruce."

Hindi tumanggi ang mga ito at agad na inilapag ang mga gamit sa sahig.

"Balik naman tayo sa realidad sa Lunes," wika ni Peter at nahiga sa bakanteng kama.

"Kaya nga! Nakakaaliw ang mga activity," ani Maya.

Nagkasalubong naman ang paningin nila ni David. Binigyan ni

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status