Share

CHAPTER 2

Masaya siyang nakangiti habang nakatanaw sa counter ng shop nila.Hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman niya.

"Besh tawag ka ni Ma'am," sabi ng kaibigan niyang kasama niya rin dito.

Mabilis naman niyang iniwan ang ginagawa at pumunta sa manager nila.May hawak itong cup na nasa tray.

"Brie, ikaw muna ang mag hatid ito sa table number eight,"sabi niya.

Inabot niya ang isang tray, binasa niya ang nakasulat sa cup.

'VIP Mr. Claveria'

Bigla naman siyang namutla ng mabasa ang nakasulat sa cup. Ito ang VIP na sinasabi nila. Kaya naman tinanaw niya ang naka upo sa number 8 na table. Nakita niya ang lalaking naka formal attire.

Dahan-dahan siyang lumapit dito dahil kinakabahan siya.Nang makalapit, dahan-dahan niyang inilapag ang cup. 

"Good day sir this is--"

Pero nabigla siya ng makita ang mukha ng lalaki. Nakatingin ito sa kaniya ng seryoso. Tila ba hinihintay na magsalita siya. Subalit parang walang nalabas sa bibig niya ni isang salita.

Siya! Siya yong lalaking nakabunggo sa kaniya kahapon. Bumalik siya sa reyalidad at umayos.

"Y-your order sir," pagpapatuloy niya bago siya dahan-dahang umalis.

Pero hindi pa siya nakakalayo nang magsalita ito.

"Next time, stop day dreaming."

Lumingon siya para makita ang lalaki pero bahagya lang itong umiinom. Bumalik siya sa counter habang tinatanaw ang lalaki. Nakatanaw lang ito sa labas habang nakatulala. ba malalim ang iniisip nito.

Itinuon niya na lamang ang atensyon sa nga costumer. Ilang oras lang ang lumipas, muli siyang tumingin sa table number eight subalit wala na don ang lalaki. Parang sumama ang pakiramdam niya.

Hindi niya rin batid kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Ni ang pangalan nito hindi niya alam.

Tanging ang apelyido nito ang naalala niya.

'Claveria'

Apelyido palang tunog mayaman na.

Pilit niyang inalis sa isip niya ang lalaki. Natapos ang trabaho niya, pauwi na siya. Mabuti na lang at binigyan siya ng pamasahe ng Kaibigan niya kaya hindi na siya maglalakad ngayon. Gabi na rin at delikado na sa daan.

Nang makaalis na ang jeep, bahagya siyang naidlip. Pagod na pagod siya ngayong araw. Mabuti na lang at wala siyang gaanong assignment na gagawin kaya makakapgpahinga siya ng mahaba.

Hindi niya alintana ang ingay ng paligid, sa sobrang pagod.

Subalit hindi nagtagal, nagising siya.Hindi niya alam kung asan siya. Madilim ang paligid niya, pero mas lalo siyang nagulat ng makitang nasa tabi niya ang lalaki habang nakangiti ito. Hindi ordinaryong ngiti, dahil nakakatakot ito.

Bago niya napagtanto na may nakatutok na baril sa leeg ulo niya.

"Miss!"

Sa hindi maintinidihan, mabilis siyang napamulat ng mata. Bumungad sa kaniya ang jeep na walang tao. Luminga siya sa paligid at nakita na andito na sila terminal. 

Mabilis naman siyang bumaba bago naglakad pauwi.

Kakaibang panaginip. Anong ibig sabihin non?

Yan ang ilang katanungang nabuo sa utak niya. Ni hindi niya mawari kung bakit ganon ang panaginip niya.

Hindi niya napansin na nakauwi na pala siya ng bahay nila. Tahimik na ito at patay na ang ilaw.Tanging nakabukas na lamang ang sa kusina.May susi naman siya kaya makakapasok pa rin siya kahit tulog na ang mga ito.

Hindi na siya nag abalang kumain pa at nagbihis na ng damit bago humiga.

Ilang minuto pa lang na nakapikit ang mata niya, nang biglang may narinig siyang kalabog mula sa baba.

"CARDO! LUMABAS KA DIYAN!" sigaw ng boses ng lalaki sa labas ng gate nila.

Naramdaman niya rin na tumayo ang ama niya at bumaba bago siya sumunod.Sumilip sila mula sa pinto habang ang ama niya ay lumabas at binuksan ang gate.

Nabalot siya ng takot ng makita ang mga kalalakihan na nakaitim.May mga baril itong dala kaya mas lalo siyang natakot.

"B-boss!" tila natatakot na tanong ng ama niya.Hindi niya kilala ang mga ito kaya hindi niya alam kung anong gagawin niya.

"Pinapasabi ni Boss yung sa utang mo Cardo.Hindi ba talaga magbabayad?!" hinigit nito ang ama niya ng isang lalaking maskulado ang katawan.

"M-magbabayad ako boss, pero hindi pa ngayon dahil wala pa akong trabaho," sagot ng ama niya.

Pero binigyan ito ng isang suntok sa sikmura ng lalaki,dahilan para mapatakbo siya sa ama.

"Tama na po!" pagpigil niya sa kanila.

"Bibigyan kita ng tatlong araw. At kung hindi mo pa mabayarana ang kalahating milyon na utang mo, alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo," sabi nito bago sila umalis.

"K-kalahating milyon?" nabinging ulit niya. Kalahating milyon ang utang ng tatay niya. At hindi niya alam kung saan iyon kukuhain sa loob ng tatlong araw lang?

Kahit ang bahay nila hindi sapat na ipangbayad yon.

Hindi niya rin alam kung saan iginastos ng ama ang ganong kalaking halaga.Dahil hindi nila nakita iyon o nardaman man lang.

Hindi na rin siya nag abalang tanungin pa ang tatay niya tungkol sa bagay na iyon dahil alam niyang isusumbat lang iyon sa kaniya.

Buong magdamag siyang hindi nakatulog dahil don.May tatlong araw sila para mabayaran ang mga laalking yon. Subalit alam niya sa sarili na hinding-hindi nila kayang ipunin yon,kahit buong taon pa.

"Hoy besh! Kanina ka pa nakatulala! Don't tell me iniisip mo na naman si Mysterious guy?"

Nagbalik siya sa reyalidad ng magsalita ang kaibigan niya.Nandito na pala siya sa school at hindi niya namalayan iyon dahil sa kakaisip ng problema.

Hindi niya napigilang hindi mag kwento sa kaibigan.Mabilis naman itong nag react.

"Besh pasensya ka na taaga ah, yan lang atira sa sweldo ko," bago nito inabot ang limang libong piso.Ngumiti siya at nagpasalamat.

Hindi niya alam kug saankukuhain ang 493,000 pesos.Pero susubukan niya at gagawin niya ang lahat mabawsan lang ang utang nila.

Nagikot pa siya sa pwede niyang utangan, hindi naman siya nabigo dahil nakalikom siya ng kinse mil. Sobrang laki pa at wala pa sa kalahati ang nakokoleta niya.Hindi niya rin alam kung paano sila kakain dahil lahat ng pera niya ay inilagay niya na rito.Habang naglalakad pauwi, hindi niya napigilang hindi umiyak.

Naalala niya ang ina niyang pumanaw.Siguro, kung hindi ito namatay, ay masaya sila ngayon.Hindi ganito kahirap ang buhay nila.

Pagod na siya, hindi na rin niya naasikaso ang dapat niyang ipasa sa school.Sobrang laki ng problema niya na halos lumuha na lang siya ng dugo.

Nakauwi siya ng tahimik, hindi na rin siya kumain dahil wala rin silang ulam.Huminga siya ng malalim bago binuksan ang wallet niya. 

Labing pitong libong piso ang perang naipon niya, sobrang laki pa ng kulang para kahit makalahati man lang sila.

Nagising siya ng maaga, maaga na rin siyang pumasok sa school. Gaya kahapon, hindi siya nakapag focus dahil sa problema niya. Nasa panganib sila ngayon. Hindi niya alam kung ano pang dapay niyang gawin. Dahil habang natagal, lalong nanganganib ang buhay nila. Bukas ang deadline ng utang nila, at kailangang mabayaran na iyon. Pero saan siya kukuha ng pera pang bayad? 

Gayong gipit na gipit na talaga siya.

Naisip niya ang mga kapatid niya. Naawa siya rito, isa lang ang paraan para hindi matuloy ang banta ng mga ito. Magmamakaawa na lang siguro siya sa mga ito.

Pero nagulat siya ng pagkababa ng ng jeep ay may humarang sa kaniyang mga lalaki.Hindi niya kilala ang mga ito dahil nakatakip ito ng mask na itim.

Pilit siya nitong pinapasama subalit nakatakbo siya.Narinig niya ang pag habol sa kaniya ng mga ito kaya nang may makita siyang tao ay mabilis siyang humingi ng tulong.

"ALE! TULONG PO!"natatakot na sabi niya. Pero huli na ng makita niya ang mga lalaki na papalapit sa kinaroroonan nila.

"Sumama ka samin," sabi ng isang lalaking may hawak ng baril.

"Ayoko!" sigaw niya habang gait na tumingin sa mga ito.

Pero nagulay siya ng higitin nito ang babae at tinutukan ng baril.Nagmaawa ang babae subalit hindi siya pinakinggan ng mga lalaki.

"Sumama ka samin para walang masaktan!"sigaw nito habang nakatutok sa babae ang baril.

Naawa siya sa babae kaya naman labas sa kalooban siyang sumama sa mga ito.Hindi pa sila nakakalayo, muli siyang nakaisip ng paraan para makaalis. 

Mabilis siyang tumakbo.Subalit hindi oa siya nakakalayo ay nahabol siya nito.Hinawakan siya sa braso ng dalawang lalaki.

"wag ka na makulit!Para di ka masaktan!" sigaw nito at naramdaman niya ang pagsakit ng simura niya ng suntukin siya nito. Unti-unting nagdilim ang panigin niya bago siya nawalan ng malay.

Nagising siya sa mga hagalpak ng tawa.Muli niyang iminulat ang mata niya.Inilibot niya ang paningin niya at nakita niya ang silid.

Hindi ito ang bahay nila.Dahil maganda at malaki ito.Malambot rin ang kama ng hinihigaan niya.

Bumangon siya subalit nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa kaniya ang hubog ng katawan ng isang lalaki. Hindi niya ito maaninag dahil sa madilim ang kwarto. Tanging ilaw lang sa labas ang nakabukas kaya naaninag niya ang hubog ng katawan nito. Nakasuot ito ng formal attire. 

Lumapit ito kaya naman natigilan siya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Naamoy niya ang pabango nito habang papalapit sa kaniya.

Umupo ito para maging kapantay siya, at doon niya pa lang naaninag kung sino ang taong ito. Nagulat siya ng makita ang mata nito.Lumapit pa ito ng mas malapit bago bumulong sa tenga niya.

"You can't scape here."

Ang boses na yon ang nagpatunay na totoo ang hinala niya. Kita niya ang mga mata nitong seryosong nakatingin sa kaniya.

Napalunok siya, ang lalaking muntik na siyang mabangga at ang lalaking ito ay iisa!Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng lalaki.

Bigla niyang naalala ang panaginip niya. Kung paano siya tutukan ng baril ng lalaki habang nakangiti ito. At ngayon, nakikita niya ito mismo.Hindi isang panaginip! Kundi totoong-totoo! Mas lalong nadagdagan ang takot niya. 

"A-anong kailangan mo?" nauutal na tanong niya ng tumayo ang lalaki at muking lumingon sa kaniya.

Pero imbes na sagutin siya nagulat siya ng bigla itong ngumisi at lumabas ng silid. Dahilan para lalo siyang mangamba.

Bigla niyang naalala ang mga kapatid niya, kailangan niyang makauwi sa bahay nila dahil baka binalikan na ito ng mga armadong lalaking iyon.

Nakaisip agad siya ng paraan para makalabas dito ng hindi nahahalata ng mga tao. Sumilip siya sa bintana. Nagdadalawang isip siya kung tatalon ba siya.

Lumingon siya at nakita niya ang kumot at bed sheet kaya nakaisip agad siya ng paraan.Delikado man, kailangan niyang makaalis dito.Huminga siya ng malalimnbago siya dahan-dahang bumabas at kumapit sa bedsheet.

Pero nagtagumpay siyang makababa ng ligtas.Kaya hindi niya na sinayang pa ang pagkakataon para akyatin ang bakod.Pero narinig niya na ang sigawan ng kalalakihan habang nakatingin sa kaniya.

Mabilis siyang tumakbo at nakarating sa highway. Nakita niya ang papalapit na sasakyan kaya mabikis niya itong ipinara.Nakahinga siya ng maluwag ng makasakay siya dito at makalayo sa mga humahabol sa kaniya.

"Maraming salamat--"

Hindi pa niya natutuloy ang sasabihin ng makita ang may ari ng kotse.Walang iba kundi ang lalaking iyon!

Seryoso lang itong tumingin sa kaniya habang nakahinto ang sasakyan. Pababa na siya ng hawakan siya nhlg lalaki pero nabilis niya itong itinulak palayo kaya nakalabas siya ng sasakyan nito.

Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makalapit sa gate ng village. Nakalabas naman siya at mabilis na pumara ng jeep na paparating.

Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang kotse nito na lumihis ng daan.Napatingin siya sa relo niya.Alas diyes na pala ng gabi.Kaya kaunti na lang ang tao. Bigla niyang naisip ang mga kapatid.Sigurado siyang hinihintay na siya nito.

Hindi niya namalayan na andito na siya sa terminal.Halos tumakbo na siya para lang makauwi sa bahay nila.Kailangan nilang makaalis. Dahil delikado ang buhay nila. 

Pero hindi pa siya nakakarating sa bahay nila ng makita ang tatay niya sa di kalayuan.Tila ba hinihintay siya nito.

"Brie!?"gulat na tanong nito.

"Tay! "niyakap niya ito ng mahigpit.Mabuti na lang at walang nangyari dito.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong nito sa kaniya na ipinagtaka niya rin.

"A-asan po sila Becky at Nicole tay?" tanong niya habang hinihintay na sumagot ang ama.

Akmang maglalakad na siya ng pigilan siya nito. Na lalong ipinagtaka niya.

Pero hindi pa siya nakakapagsalita ng muli itong nagsalita.

"Patawarin mo ako anak," yan ang sinabi ng tatay niya na lalong nagpagulo ng isip niya.

"Para saan tay?" tanong niya rito.Hindi ito nagsalita at yumuko na lamang.

Napatingin siya sa sasakyang huminto sa harap nila.Namumukhaan niya ang sasakyang ito.Bumaba ang nasa loob ng sasakyan at ang kasunod na kotse din nito.

Nakita niya ang lalaki na papalapit sa kanila kasama ang mga kalalakihan na nagbanta sa buhay nila.

"A-anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong niya at masamang tumingin sa lalaki.

"A-anak..." tumingin siya sa ama ng may pagtataka. Hindi rin niya batid kung bakit kasama nito ang mga lalaking yon. Pati na rin ang inaasta ng tatay niya.

Pero nagulat siya ng hawakan siya ng mga lalaki sa braso. siya sa tatay niya na walang nagawa kundi ang tignan lang siya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya tinutulungan ng ama.

"T-tay?" naiiyak na sabi niya.

Hindi ito kumibo at tumingin lang sa malayo.Kaya napadako ang tingin niya sa lalaki na seryosong nakatingin sa kaniya.

"You father did'nt tell you?" tanong nito pero bakas sa mukha nito na seryoso habang nakatingin sa kaniya.

"Ang alin?" naguguluhang tanong niya habang nagpalipat-lipat ng tingin sa ama at sa lalaki.

"Were have agreement. You're mine now as his payment."

Parang binawian siya ng hininga ng marinig ang sinabi ng lalaki.Tumingin siya sa ama na bahagyang nakayuko.

"T-tay? Nagsisinungaling siya diba?" naiiyak na sabi nito.

Tumingin ito sa kaniya na animo'y hindi alam ang sasabihin.Mas lalong bumagsak ang balikat niya ng makita ang reaksyon ng ama.Alam niyang totoo ang sinasabi ng lalaki.

"A-anak patawarin mo ako, hindi ko gusto ito.Pero ito lang ang alam kong makakabuti sa atin," sabi nito na umiiyak na rin.

"T-tay ayoko po!" mabilis siyang tumakbo patungo sa ama subalit pinigilan siya nito.

"Anak sumama ka na sa kaniya," sabi nito bago lumakad palayo.

"Tay! Ayoko po! Tay!" Sumisigaw siya habang nagpupumiglas sa mga lalaki.

Ngunit palayo ng palayo ang kaniyang ama. Hindi nito pinapakinggan ang pag tawag niya.Patuloy lang itong lumakad pauwi sa kanila.

"Tay! Ayoko dito!Tay!" muling pag sigaw niya, subalit lumiko na ito sa isang iskinita kaya hindi na niya nakita pa ito.

Kasabay non ang pag hatak sa kaniya ng mga lalaki papunta sa kotse ng amo nila.Sapilitan siyang ipinasok doon. 

Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa niya.Hindi niya lubos akalain na magagawa iyon ng ama niya sa kaniya. Na siya ang gagawin nitong pambayad sa utang nila. Na magagawa nitong ibenta ang sariling anak.

Umiyak lang siya ng umiyak habang nakatingin sa labas. Kahit magpumiglas siya at magpulit na lumabas ay hindi niya ito kakayanin.

"We're here."

Nagbalik siya sa reyalidad ng magsalita ang lalaki. Napansin niyang andito na sila sa mansion nito. Masama ang loob niyang bumaba. Ayaw niyang tumira dito kahit na sobrang ganda at laki nito.

Ngunit wala na siyang magagawa pa.

Pumasok siya sa loob ng mansion. Oo amaganda ang bahay na ito pero mas gugustuhin niyang tumira parin sa bahay nila basta kasama niya lamang ang pamilya niya.

"Just eat this."

Hindi siya umimik sa lalaki.Ni tumingin ay hindi niya ginawa. Hindi siya komportable.Muli niyang naalala ang sinabi nito kanina,na siya ang bayad sa utang ng tatay niya.Isa lang ang ibig sabihin non. Pag aari na siya nito.Nagulat siya ng umupo ito sa tabi niya at seryosong tumingin sa kaniya.

"Tomorrow, we will prepare our wedding. Wether you like it or not," sabi nito habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Masama siyang tumingin dito. Hindi niya akalain na sa itsura nito ay may tinatago pala itong kasamaan. Hindi niya pa nga ito kilala ng lubusan.

"Masaya ka ba?Masaya ka ba na may tinatapakan kang tao?!" sigaw niya at tumayo. Subalit walang reaction ang lalaki na tumingin sa kaniya.

"We have an agreement. He need to follow that." sabi nito na seryosong tumingin ulit sa kaniya.

"Ang sama mo! Hindi ko lubos akalain na ganiyan ang ugali mo! Sa kabila ng maamo mong mukha ay demonyo ka pala!"

Pero lalo siyang nagulat ng higitin siya nito at isinandal sa pader. Hinawakan nito ang mukha niya kaya naman pinilit niyang magpumiglas pero hindi niya kaya. Sadyang malakas ito.

"You don't know me yet. Just shut fuck your mouth! Or I'll gonna kill you!" Ramdam niya ang galit na tono nito. Bago siya binitawan nito kaya dahan-dahan siyang sumalampak sa sahig.

Akala niya ay tapos na ito subalit bigla na lamang siya binuhat at umakyat sila sa taas. Naglakad ito at pumasok sa isang pinto.

Ito yung silid kanina kung saan siya nagising. Nakita niya ang loob ng kwarto dahil binuksan nito ang ilaw. Ibinagsak siya nito sa kama.

"Change your clothe now," sabi nito at lumabas ng silid.

Natulala siya habang malakas nitong isinara ang pinto.Hindi niya maintindihan ang inasal nito.Kanina lang ay galit pero bigla din itong naging anghel.

Tumayo siya at nagmasid sa paligid. Maganda ang kwarto na ito.

Malawak.

Malaki pa ata ito sa buong bahay nila. Kulang grey ang kulay ng kwarto pati na rin ang mga gamit.

Namangha siya sa ganda at linis nito.Matagal niya ring pinangarap na magkaroon ng ganito noon. Pero hindi sa ganitong paraan.

Naiinis siya sa sarili, wala man lang siyang nagawa para makatakas at makita ang mga kapatid nito.

Maya-maya pa ay may kumatok na sa labas ng kwarto.Nag-ayos naman siya at umupo.

Bumungad sa kaniya ang isang babaeng.Sa pagkakaalam niya isa tong yaya dahil sa uniform nito.May dala itong tray na may plato at mangkok.

"Ma'am Brie, Kumain na po muna kayo."Sabi nito sa kaniya.

Inilapag nito ang tray sa lamesa bago lumabas. Hindi niya akalain na may mga katulong dito. Sinulyapan niya ang laman ng tray. May kanin dito at ulam. May juice na ring kasama. 

"May fiesta ba?" tanong ito sa hangin habang binubuksan ang mga mangkok at plato.

Tuwing fiesta lang sa bayan siya nakakatikim ng mga ito. Pero dito mukhang araw-araw fiesta.

Kanina pa kumakalam ang sikmura niya pero pinilit niyang huwag pansinin ito.Baka kung ano pa ang isipin ng lalaking iyon.O baka may lason ito.

Pero nagulat siya ng may nakadikit sa tray na isang papel.

"Just eat this!"

Napataas ang kilay niya ng mabasa iyon. Para bang nahulaan agad nito ang nasa isip niya. Dahil hindi niya rin matiis ang kumakalam na sikmura, napilitan siyang kainin iyon. Pero naisip niya ang pamilya niya, kung may kinakain ba ito ngayon. O kung nakapaghapunan na ba ang mga ito.

Nagpatuloy na lamang siya kumain. Kailangan niyang matulog dahil may pasok pa bukas.

Pero paano nga pala siya papasok? Kung hindi siya maaring lumabas dito? Muli na namang bumagsak ang balikat niya. Kailangan na niyang sanayin ang sarili sa mga bagay na nagbago. Dahil simula sa araw na ito, lahat ay magbabago na. Hindi na siya makakapag-aral. Hindi niya na matutupad ang kagustuhan niya maging flight attendant. Hindi niya na matutupad ang lahat.

Mabibigo na siya sa mga ipinangako niya sa ina. Mahalaga ang pangarap niya, pero mas mahalaga ang pamilya niya. Hindi noya rin alam kung anong klaseng tao ang lalaking iyon. Kung ano nga ba at sino nga ba talaga ito. 

Noon masigla siyang nag-iimagine kung ano ang buhay mayaman. Iyon ang naging daan para tahakin niya ang pagkokolehiyo kahit na pinapatigil na siya noon ng kaniyang ama. Mabuti na lamang at tinulungan siya ni Chillet na magtrabaho sa shop nila. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status