Nakatingin siya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Ito ang araw na magbabago ang buhay niya. Ito ang simula ng pagbabago ng lahat.Batid niya na ilang sandali na lamang ay pupunta na dito ang driver na naka assign sa kaniya. Hindi niya pa rin nakikita si Lanche. Hindi ito umuwi kagabi o maski kanina. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang pinaplano nito. Tanging si Meshua ang nagpaliwanag ng lahat.
Huminga siya ng malalim, upang maalis ang nararamdamang kaba mula sa kaniyang dibdib. Hindi rin siya mapakali. Kaya naman maya-maya siya umiinom ng tubig. Madalas siya makaranas ng heart palpitation kaya kailangan niyang pakalmahin ang sarili.
Muli niyang inayos ang sarili ng pumasok ang nag m-make up sa kaniya. Kahit nawala namang makakakita rito. Sinabi niya rin kay Meshua na inimbitahan niya ang kaibigan at laking gulat niya ng pumayagsi Lanche.
Sinimulan na siyang make up-an ng babae. Ilang oras na lamang ay maguumpisa na anh kasal niya. Gaya ng pinili niya, ito ang suot niyang design. Ang moon set. She loves Moon,noong bata pa siya, pangarap niya maglakbay sa buwan. Nakakatawa man isipin pero hindi pa rin naalis sa kaniya iyon.Alam niyang imposible siya maging astronaut, kaya naman pagmamasdan na lamang niya ang buwan mula sa eroplano.
"Madame okay na po ba iyan?"
Dumilat siya at dahan-dahang humarap sa salamin.Namangha siya sa itsura niya. Nagmukha siyang mayaman tignan at desente.Iba talaga ang nagagawa ng make up.Ngumiti na lamang siya sa makeup artist.
Maya-maya lamang ay sinundo na siya ng driver para ihatid sa simbahan.Ilang oras ang lumipas subalit hindi pa rin sila nakakarating. Hindi niya batid kung saan iyon kaya naman nanahimik na lamang siya. Tumingin siya sa labas at kita niya ang malinis na daan. Sobrang ganda non habang may mga lagas na bulaklak ng puno sa gilid nito. Namangha siya sa ganda ng lugar. Maya-maya lamang ay huminto sila sa isang gate.
"Madame andito na po tayo"
Napalingon naman siya at nagtaka. Dahil isang malaking gate lamang ang nandon. Sobrang tago ng lugar na iyon. Kaya naman my lungkot siyang naramdaman.Ganon ba talaga kawalang gana si Lanche na pakasalan siya? At sa ganitong lugar pa talaga para walang makaalam?
Inalalayan siya ng driver pababa. Pumasok sila sa gate. May isang malaking espasyo doon. Subalit walang tao. Nang lumiko sila, ganon na lamang ang gulat niya ng may mga tao. At nakita niya ang tatay niya na naghihinta sa pintuan ng venue. Pati na rin si Chillet na grabe ang ngiti.
Hindi niya kilala ang ibang nandito pero nakita niya ang ilang VIP costumer ng shop nila. Pati na ang manager nila.At laking gulat niya ng makita ang mga kapatid niya sa gawing kanan na nakangiti sa kaniya.Nakaupo na ang lahat at nakatingin sa kaniya
"Ang ganda mo beshy! Ikaw na!" sabi nito sa kaniya habang niyakap siya.
May malaking katanungan sa isip niya. Kung bakit may mga ibang tao dit.Ang buong akala niya at pito lang silang makakaalam nito.Pero mali siya dahil may mga tao.
"Congratulation anak."
Malungkot na sabi ng papa niya sa kaniya.Batid niya na nakokonsensya ito sa ginawang pangbabayad-utang sa kaniya.Subalit hindi naman niya ito matitiis kaya ngumiti siya at niyakap ito.
"Okay lang po ako pa. Basta ligtas kayo." Sabi niya habang nakangiti sa ama.
"Maraming salamat anak. Patawarin mo ako."
Niyakap na lamang niya ito. Maya-maya lang ay tumunog na ang piano.Ngayon lamang niya napansin ang paligid. Mula rito ay tanaw mo ang magkabilang bundok.Kita mo rin ang paglubog ng araw.Ang ganda ng tanawin dito lalo na't malinisat sariwang hangin ang malalanghap mo. Sa baba naman, makikita mo ang mga building.Napakagandang tanawin. Sadya siyang namagha sa lugar na ito.Naglakad siya habang nasa likod niya ang kaibigan at nakakapit siya sa tatay niya. Mula rito, tanaw niya si Lanche sa unahan na naka suit katabi si Meshua. Seryoso lang itong nakatingin habang nakangiti si Meshua.
Ilang hakbang pa ay nakarating siya sa gitn. Nakaharap siya ngayon sa nakatulalang si Lanche. Hindi niya alam kung bakit parang wala ito sa sarili. Siguro ay hindi pa ito handa na pakasalan siya. Ngumiti na lamang siya ng mapait sa kaibigan at sa tatay niya ng kuhain ni Lanche ang kamay niya.
Nagmisa ang pari, pero parang wala na rin siya sa sarili niyaNag dadalawang isip ba si Lanche na pakasalan siya? Kung kailan handa na siyang mahalin ito? Ganito a ang magiging sitwasyon niya.
"Miss De Villa?"
Napalingon siya ng tawagin ang apelyido niya ng pari Bago lumingon kay Lanche na nagtatakang nakatitig sa kaniya.
"I-I Do Father." Sabi niya habang nauutal na yumuko. Sa sobrang pag iisip niya ay hindi niya namalayan na tinatanong na siya ng pari. Patay siya panigurado kay Lanche nito.
"Okay May I announce that you are husband and wife.You may kiss the bride" sabi ng father.
Napanganga siya sa sinabi nito.Nawala sa isip niya ang scene na ganito. Pero mas lalo siyang nabigla ng hilahin siya ni Lanche at hinalikan. Nakatitig siya dito habang magkadikit ang labi nila.Seryoso itong nakatingin sa kaniya.Parang tumigil ang mundo niya sa ginawa ng lalaki. Marahan lang ang halik nito pero ramdam mo ang sinseridad.
Narinig niya ang malakas na palakpakan ng mga bisita.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang nakatingin sa mga mata ni Lanche. Ilang minuto nagtagal ang ganong posisyon nila.Kaya naman ay nang humiwalay ito mula sa labi niya ay napatahimik siya. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Hindi niya expected na hahalikan siya ng ganon ni Lanche. Dahil masyado itong naging busy sa trabaho kaya hindi na niya ito nakita.
"Are you with me?"
Nagbalik siya sa reyalidad ng magsaita ito.Magkayakap pa rin sila. Kahit na anong ingay ng mga tao tila ba ay wala silang marinig at tanging sila lang ang tao sa buong venue.
"O-oo Hehehe" palusot niyasa lalaki. Ngunit tumango na lamang ito bilang pag-sang ayon. Nagulat na lamang si Brie ng buhatin siya ni Lanche kaya naman todokilig ang ibang mga kababaihan sa ginawa ng lalaki. Ibinaba na lamang siya nitonang makarating sila sa kotse.
"Saan tayo pupunta?" tanong nia.
"We're already married. What do you think?"balik na tanong ng lalaki sa kaniya.
Bigla naman siyang kinabahan.Hindi pa siya handa ibigay ang pagkababae niya. Hindi pa siya handa sa bagay na ganito.
"P-pero--"
"What?" Hinihintay ni Lanche na sumagot ito. Subalit bahagyang natakot si Brie kaya hindi na siya nakasagot pa.
Nagpatuloy siya sa pag drive hanggang sa makarating sa lugar na iyon.Habang nababa si Brie sa kotse ay hindi niya maitago ang kabang nararamdaman niya. Natatakot siya, hindi niya batid kung ano ang magaganap ngayong gabi. Subalit tama si Lanche.Kasal na sila, kaya wala siyang lusot doon. Masyado pa siyang bata sa edad na dise-nwebe.
Nandito sila sa isang rest house. Nakita niya ito kanina bago sila pumunta dito ng driver."S-sayo yan?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Lanche. Hinila lamang siya ng lalaki,subalit dahil mahaba ang gown niya, binuhat na lamang siya ni Lanche. Hindinniya maiwasang hindi mapatingin dito. Lalo na at malapit ito sa kaniya. Napakagwapo niya lalo na sa malapitan, kaya hindi na siya nagtataka kung ma in love si Lauren dito."You'll free to stare at me whole night." sabi niya habang naka tuon ang paningin sa daan.Bahagya siyang umiwas ng tingin. Hindi niya napansin na nakatingin sa kaniya si Lanche.Hindi niya rin ito maiwasan isipin.Isa na siyang Claveria. Hindi na siya isang ordinaryong babae ngayon, dahil nakadikit na ang apelyido ni Lanche sa pangalan niya. Isa na siyang Mrs. Claveria. Pumasok sila sa pinto. Sadyang maganda ito kumpara sa mansion. Hindi man kasing laki ng mansion pero nakakarelax. Tanaw mo
Ilang araw ang lumipas, masayang namamasyal ang sila Brie at Lanche sa benguet. Hindi nila napansin na habang natagal ay lalo silang nahuhulog sa isa't-isa.Nag stay sila sa benguet ng ilang linggo pa. Pauwi na sila ng Manila ng puno ng masayang ala-ala. Balik sa normal ang lahat ng makabalik sila. Maagang umalis si Lanche. Ngayon lamang niya napagtanto na isa itong Piloto. Captain siya ng airlines. Kaya naman lalo siyang naging proud dito. Habang si Meshua naman ay isang First Officer at malapit na mag senior officer.Dahil tapos na ang weekend,naghanda na siya para pumasok. Kailangan niyang pumasok kahit kinausap na ni Lanche ang mga prof at dean ng school nila. Marami pa siyang itsi-tsismis kay Chillet.Nang makarating sila sa parking lot ay sobrang daming student na nakakalat sa labas kaya naman nah
Ilang minuto pa ang lumipas ng mag-umpisa ang klase nila. Maayos naman siyang nakapagaral. Kahit na naninibago siya dahil hindi siya sanay sa ganito.Hanggang sa natapos ang ilang subject niya.Pumasok sila sa Cafeteria, gaya kanina. Tahimik ring kumakain ang mga ito at walang ni isang nagsalita ng masama sa kaniya.Mag oorder na sana siya kaso naaalala niyang wala na siyang pera.Kaya tinignan siya ng nagtataka ni Chillet."Beshy? Tara na! Don't tell me na wala kang baon?" sabi ni Chillet.Ngumiti naman siya. Actually, fifty pesos na lang ang pera niya. Juice lang ang maibibila niya rito. Hindi naman siya nag baon ng pagkain.Nagulat siya ng hilahin siya ni Chillet sa isang sulok.
Pauwi na galing sa school si Brie. Hindi na siya nag abalang magpasunod pa kay Mang Kanor dahil late na rin naman siya. Kaya naman nag taxi na lang siya.Nakarating siya sa mansion. Pero nagtaka siya ng may isang kotse doon. Pumasok na lamang siya sa loob.Pero habang papasok siya naririnig niya mula sa sala ang paguusap ni Lanche. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito."Hanggang ngayon masarap ka pa rin magluto."Pag pasok niya sa kusina, nakita niya si Lauren at Lanche na masayang nagluluto. Nakaramdam siya ng selos.Nakita niya kung gaanon alagaam at kasaya si Lanche habang tinuturuan si Lauren. Ni minsan hindi nila nagawa ang ganitong bagay. Kaya naman sobra siyang na
Umuwi sila at nakinig sa lahat ng paliwanag ng asawa. Nagka-ayos naman sila dahil mali rin ang naisip niya sa nakita niya. Napatid ito kaya tinulungan niyang tumayo.Maaga siyang nagising, wala si Lanche sa tabi niya. Hindi niya namalayan na dito siya nakatulog sa kwarto ni Lanche. Bumangon siya at naghilamos.Bumaba siya ng maamoy niya ang mabangong adobo. Nakita niyang busy sa pagluluto si Lanche. Niyakap niya at patalikod."You're awake honey." sabi niya at hinalikan si Brie."Gusto ko rin matuto magluto." sabi niya.Tinuruan naman siya ni Lanche mag luto ngunit patapos na ito.Masaya silang kumain.Ilang oras ang lumipas
MONTHS PASSED.Sa loob ng ilang buwan na pagsasama ni Brie at Lanche, hindi niya akalain na lalo siyang mahuhulog sa asawa. Napagpasiyahan na rin niya na magsama sila sa iisang kwarto, kahit na hindi pa siya nagagalaw nito.Marami siyang natutunan sa lalaki sa loob ng maraming buwan. At ngayon, pauwi na sila galing sa batangas. Kailangan na nilang bumalik dahil maguumpisa na ng klase si Brie.At kailangan niya nang pumasok.Magkahawak sila ng kamay habang naidlip sandali si Brie.Hindi binitawan ni Lanche ang kamay niya.Ilang minuto ang lumipas ng magising si brie dahil sa bako-bakong daan.Minulat niya ang kamay niya. Ilamg sandali pa ay tinahak na nila ang daan patungong manila.Subalit
Ilang araw pa ang lumipas. Mula ng mawalan siya ang paningin niya ay madalas na niyang kasama si Lauren. Dahil ito lang ang kayang magpahinahon sa kaniya sa tuwaing magwawala siya."Hija, Ayokong nakikitang ganito si Lanche. Mula pa noon, kayo na talaga ang nagmamahalan hindi ba? Bakit hindi niyo ipagpatuloy iyon?" sabi ng mommy ni Lanche."Tita sorry po, pero kasal na siya. Gustuhin ko man but I can't. She love his wife," sabi ni Lauren."I know you still love him. "Hindi umimik si Lauren at nanatiling tahimik. Buong magdamag siyang nag isip. Gusto niyang mapasaya si Lanche. Pero alam niya na mahal ni Lanche ang asawa. Kahit na alam niya rin na may nararamdaman pa ito sa kaniya. Ngunit wala siyang balak sirain ang relasyon ng dalawa.
Someone' s POVNakatingin ako sa isang babaeng nasa kwarto ko ngayon. May mga galos at pasa pa rin ang kaniyang katawan. Pati na ang ilang parte ng kaniyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Nakita ko lang siya na palutang-lutang noong nag camping kami. Nagmadali kaming umuwi dahil kailangan ko siyang dalhin sa hospital.Tinitigan ko ang kaniyang mukha.And I can't deny na napakaganda nito. Ilang minuto ang lumipas ng gumalaw ang kaniyang kamay. Kasunod niyon ang pagdilat ng kaniyang mga mata."Miss?" tanong ko sa kaniya habang hinihintay ang pagresponse niya.Dumilat-dilat lang siya bago ako nilingon. Tumingin siya ng may pagtataka sa akin."Are you okay?" tanong ko s