Pauwi na galing sa school si Brie. Hindi na siya nag abalang magpasunod pa kay Mang Kanor dahil late na rin naman siya. Kaya naman nag taxi na lang siya.
Nakarating siya sa mansion. Pero nagtaka siya ng may isang kotse doon. Pumasok na lamang siya sa loob.
Pero habang papasok siya naririnig niya mula sa sala ang paguusap ni Lanche. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito.
"Hanggang ngayon masarap ka pa rin magluto."
Pag pasok niya sa kusina, nakita niya si Lauren at Lanche na masayang nagluluto. Nakaramdam siya ng selos.
Nakita niya kung gaanon alagaam at kasaya si Lanche habang tinuturuan si Lauren. Ni minsan hindi nila nagawa ang ganitong bagay. Kaya naman sobra siyang nasaktan ng makita ang posisyon ni Lanche at Lauren.
"Elle..." pag tawag ni Lanche sakaniya kaya naman umayos siya at umakyat sa taas.
"A-ah napadaan lang ako. Magbibihis na ako." sabi ni Brie at umakyat na sa taas. Hindi na siya nagawang habulin pa ni Lanche ng bigla siyang tumakbo paakyat.
After niyang magbihis, hindi siya bumaba kahit na gutom na siya kanina pa, nawala ang gutom niya ng makita sila Lanche.
Napaisip tuloy siya kung mahal ba talaga siya ni Lanche o panakip butas lang siya nito. Ito ang kinatatakutan niya. Na magkita si Lanche at Lauren. Dahil alam niya kung gaano kamahal ni Lanche si Lauren. Baka kung makita niya ito ay makipaghiwala ito sa kaniya.
Maya-maya lang ay may kumatok mula sa pinto. Si Lanche.
Nakita ni Lanche na nakatingin lang si Brie sa mga bituin sa kalangitan.Niyakap niya ito sa likod.
"I-im fine. Bakit mo iniwan ang bisita mo?" tanong ni Brie ng hindi tumitingin kay Lanche.
"Elle. I will explain everything. She's here because she wants to meet you." sabi niya na kinagulat naman ni Brie.
"M-meet me?" takang tanong niya.
"Yeah--"
"S-sino siya? Sino siya Lanche? " nagkunyari siyang hindi kilala si Lauren.
Nagpaliwanag si Lanche sa kaniya. Kaya andon si Lauren dahil gusto siya nitong makilala. Na tinuruan lamang niya si Lauren na magluto.Naliwanagan naman siya ng kaunti pero hindi mawawala ang takot sa dibdib niya na baka ma in love ulit si Lanche kay Lauren at iwanan siya.
Nagising siya ng maaga nf wala si Lanche sa mansion. Nasa airport daw ito. Since wala silang pasok, ngayon ang practice nila. Nagkita sila ni Chillet sa park malapit sa school.
"Hoy beshy! Tulala ka na naman!" sabi ni Chillet dahilan para bumalik siya sa reyalidad.
"Kanina pa ko nag kwe-kwento rito. Tapos hindi ka pala nakikinig?" sabi nito at umisnob sa kaniya. Nagsorry naman siya at nagsimulang makinig sa kwento ng kaibigan.
Maya-maya lang ay nagsimula na silang mag practice ng roleplay.
Siya kasi ang ginawang bida kaya naman marami ang POV niya. Balak pa siya gawing narrator subalit nag suggest si Chillet kaya naman ito ang naging narrator.
Kung noon ay inaapi siya, ngayon naman ay puring-puri sa kaniya ang lahat. hindi na rin naman siya ganon ka weird tulad noon. Marami na rin siyang kaibigan ngayon. Pero si Chillet parin ang maituturing na totoo sa kaniya. Dahil halos lahat ng babae ay si Meshua ang topic o hindi kaya si Lanche.
"Oo nga beshy! Till now hindi mo pa sinasabi pangalan ng asawa mo!" sabi ni Chillet na nakanguso.
"Bawal nga beshy hahahah" sabi nito.
"Pero kay Klea sinabi mo! Ang daya!" sabi nito.
"Huh?" nagtatakang tanong niya.
"Liam daw ang pangalan. Totoo ba yon?" sabi niya.
Humaglapak siya ng tawa. Hindi niya mapigil ang sarili.
"Saan niya naman nakuha ang balitang yan?" natatawang tanong ni Brie.
"Aba'y ewan ko! Ano nga ba? Liam nga ba?" sabi ni Chillet na sobrang na excite.
"Ang gwapo naman pala! Bagay sa kaniya. Halatang macho!" sabi ni Chillet habang kinikilig.
Tumawa na lang si Brie. Hindi niya akalain na maniniwala si Klea sa sinabi niya.
Flashback
Palabas na ng cr si Brie ng marinig ang boses ni Klea at mga kaibigan nito.
"Nakakacurious talaga eh! Nag search na ko at hanggang ngayon wala pa rin talaga!"
"Edi sundan natin siya! Para malaman natin." sabi ni Klea.
Naramdaman niya ang mga paang sumusunod sa kaniya sa likod ng cr.
Nagpanggap naman siyang mayvtumawag sa kaniya kaya naman ay sinagot niya ito na parang kausap si Lanche.
"Hello Liam? Ah oo andito ako sa field. Oo na. I love you too." sabi nito na parang totoo.
End Flashback.
At ngayon maski si Chillet ay naniwalana Liam nga ang pangalan ni Lanche. Gusto niya mang sabihin kaso bawal dahil magagalit si Lanche.
Natapos ang practice nila ng Pauwi na sana siya. Wala naman si Lanche ngayon kaya naisipan niyang dumaan sa shop nila. Mula ng tumigil siya mag work, tumigil na rin si Chillet.
Papasok na sila sa shop para sana umorder ng mapansin niya ang isang kotse. Mukhang familiar iyon kaya naman pinauna niya na si Chillet at nagfshilan siyang mag ccr lang.
Sinundan niya ang kotseng iyom sa parking. Nakita niyang bumaba si Lauren an binati ng ibang staff. Sinundan niya iyon at pumasok sa loob ng shop.
Hinintay niyang makaupo ito bago siya pasimpleng pumasok. Ngunit pagpasok niya ay nabiglas siya ng makita kung sino ang kausap nito.Masaya silang nagkwe-kwentuhan habang magkadikit sila. Nakita niya kung paano titigan ni Lanche si Lauren habang inaalalayang tumayo mula sa sahig.
"Brie? Sabi ko na at ikaw iyan eh!" sabi ng isang staff dahilan oara mapatingin sila Lanche sa kaniya
Agad siyang lumabas at tumakbo.Hindi niya alam kung hinabol ba siya ni Lanche dahil hindi na siya lumingon pa. Sakto namang may taxi kaya sumakay siya kaagad. Hindi na siya nakapagpaalam pa kay Chillet kakamadali niya na baka mahabol siya ni Lanche.
Hindi siya umuwi sa mansion. Duniretso siya sa park.Gusto niya magpahangin sandali dahil ayaw niyang mag away sila ni Lanche.
Ilang ring ng cellphone niya at puro si Lanche iyon. Hindi niya sinagot ang phone kaya naman panay ang ring nito. Maski si Meshua.Naisip niyang umuwi sa bahay nila ngunit slam niyang pupunta roon si Lanche kaya naman tinawagan niya na lamang si Chillet. Aga na pumunta si Chillet sa park kahit na madilim na.
"Beshy!" pagtawag nito. Lumapit ito sa kaniya at umupo.
"Kanina ka pa hinahanap ng asawa mo. Ano ba ang nangyari?" tanong nito.
Ipinaliwanag niya ang lahat ng nakita niya kaya naman napaiyak siya ng hindi oras.
"Natatakot akong baka iwanan niya ako." sabi ni Brie habang pinapahid ang luha.
"Beshy, mahal ka ng asawa mo. Ikaw ba naniniwala ka sa nakita mo? Na magagawa niya iyon?" tanog ni Chillet.
Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan. Magagawa nga ba iyon ni Lanche sa kaniya? Na magagawa siyang iwanan nito?
"Besh, baka kailangan mong marinig ang side niya. Pakinggan mo muna siya" sabi ni Chillet habang hawak ang kamay nito.
"ELLE!" napalingon sila sa sumigaw. Nakita niya ang papalapit na si Lanche. Mahigpit siya nitong niyakap.
May point si Chillet Kailangan niyang paniwalaan si Lanche. Kailangan niyang tanggalin ang takot sa dibdib niya na iiwanan siya nito dahil naniniwala siyang mahal din siya ni Lanche. Na hindi nito magagawang iwanan siya.
Umuwi sila at nakinig sa lahat ng paliwanag ng asawa. Nagka-ayos naman sila dahil mali rin ang naisip niya sa nakita niya. Napatid ito kaya tinulungan niyang tumayo.Maaga siyang nagising, wala si Lanche sa tabi niya. Hindi niya namalayan na dito siya nakatulog sa kwarto ni Lanche. Bumangon siya at naghilamos.Bumaba siya ng maamoy niya ang mabangong adobo. Nakita niyang busy sa pagluluto si Lanche. Niyakap niya at patalikod."You're awake honey." sabi niya at hinalikan si Brie."Gusto ko rin matuto magluto." sabi niya.Tinuruan naman siya ni Lanche mag luto ngunit patapos na ito.Masaya silang kumain.Ilang oras ang lumipas
MONTHS PASSED.Sa loob ng ilang buwan na pagsasama ni Brie at Lanche, hindi niya akalain na lalo siyang mahuhulog sa asawa. Napagpasiyahan na rin niya na magsama sila sa iisang kwarto, kahit na hindi pa siya nagagalaw nito.Marami siyang natutunan sa lalaki sa loob ng maraming buwan. At ngayon, pauwi na sila galing sa batangas. Kailangan na nilang bumalik dahil maguumpisa na ng klase si Brie.At kailangan niya nang pumasok.Magkahawak sila ng kamay habang naidlip sandali si Brie.Hindi binitawan ni Lanche ang kamay niya.Ilang minuto ang lumipas ng magising si brie dahil sa bako-bakong daan.Minulat niya ang kamay niya. Ilamg sandali pa ay tinahak na nila ang daan patungong manila.Subalit
Ilang araw pa ang lumipas. Mula ng mawalan siya ang paningin niya ay madalas na niyang kasama si Lauren. Dahil ito lang ang kayang magpahinahon sa kaniya sa tuwaing magwawala siya."Hija, Ayokong nakikitang ganito si Lanche. Mula pa noon, kayo na talaga ang nagmamahalan hindi ba? Bakit hindi niyo ipagpatuloy iyon?" sabi ng mommy ni Lanche."Tita sorry po, pero kasal na siya. Gustuhin ko man but I can't. She love his wife," sabi ni Lauren."I know you still love him. "Hindi umimik si Lauren at nanatiling tahimik. Buong magdamag siyang nag isip. Gusto niyang mapasaya si Lanche. Pero alam niya na mahal ni Lanche ang asawa. Kahit na alam niya rin na may nararamdaman pa ito sa kaniya. Ngunit wala siyang balak sirain ang relasyon ng dalawa.
Someone' s POVNakatingin ako sa isang babaeng nasa kwarto ko ngayon. May mga galos at pasa pa rin ang kaniyang katawan. Pati na ang ilang parte ng kaniyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Nakita ko lang siya na palutang-lutang noong nag camping kami. Nagmadali kaming umuwi dahil kailangan ko siyang dalhin sa hospital.Tinitigan ko ang kaniyang mukha.And I can't deny na napakaganda nito. Ilang minuto ang lumipas ng gumalaw ang kaniyang kamay. Kasunod niyon ang pagdilat ng kaniyang mga mata."Miss?" tanong ko sa kaniya habang hinihintay ang pagresponse niya.Dumilat-dilat lang siya bago ako nilingon. Tumingin siya ng may pagtataka sa akin."Are you okay?" tanong ko s
Maaga siyang nagising dahil na rin sa hindi siya makatulog kagabi. Maaga siyang pumasok,hinatid siya ni Vinz sa hotel. Masaya naman siyang sinalubong ni Kyla."Shishi mabuti at andito ka na!" sabi niya.Dumiretso sila sa reception. Inilagay siya bilang receptionist ngayon araw dahil marami ang mga tourista na bibisita sa mga beach resort ngayon."Shishi! Ayan siya!" nagulat siya ng ituro ng kaibigan ang isang lalaki. Ito ang lalaking tinulungan niya kahapon."Yang gwapong yan! Siya si captain Claveria. Ang anak ng may ari ng hotel na ito. Sayang lang at bulag siya dahil naaksidente siya. Pero balita ko ay aalis na siya sa sabado papuntang states para sa operation," sabi ni Kyla kay Brie na nakatitig sa lalaki na papalapit sa kaniya.
Ngayon ang uwi ni Lanche galing sa America. Ilang buwan din ang lumipas bago siya bumalik sa Pinas."Good morning sir," nakayukong sabi ng mga maid. Dumiretso na lamang sila. Dumiretso siya sa kwarto ni Brie. Ang sabi ni Meshua, may maganda siyang balita sa kaniya. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Meshua maski isang text ay wala ito."Babe. Halika na sa baba?" aya sa kaniya ni Lauren. Tumingin lang siya dito bago siya sumunod.Pagkababa niya, isang welcome party ang nadatnan niya. Masaya man siya dahil successful ang operation niya, subalit may malaking kulang naman na hanggang ngayonbay hinahanap niya. Si Brie.Hindi sinabi ni Meshua ang tungkol sa asawa. At hanggang ngayon ay umaasa siya na makikita niya ito.
Ilang araw ang lumipas at umiwas na si Brie kay Vinz dahil sa nangyari.May hinala siya na ay tinatago sa kaniya si Vinz kaya mas lalo siyang naging alerto.Hindi parin tumigil si Lanche sa pagsusuyo kay Brie. Pilit niya itong tinataboy palayo. Hanggang sa isang araw, hindi niya inaasahan ang lahat."Elle please. Makinig ka muna sa akin." Pagmamakaawa ni Lanche kay Brie. Gya noon, andito siya sa labas ng bahay ni Vinz."Lanche umalis ka na please lang," sabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya pa pinapakinggan ang paliwanag ng lalaki. At hindi pa rin siya nagpapakita sa pamilya niya."Bakit ba ang kulit mo? Ayaw mong tantanan ang girlfriend ko?" sabi ni ng kalalabas na si Vinz.
Weeks passed.Tahimik na naglalakad sa gilid ng daan si Brie. Naalala niya yung unang pagkikita nila ni Lanche. Muntik pa siyang sagasaan nito.Mabigat ang mga paghinga niya habang hawak ang isang folder. Habang tumatagal, pabigat nang pabigat ang pakiramdam niya. Hindi na niya napigilan pa ang luhang kanina pa gusto pumatak sa pisngi niya.Nakarating siya sa labas ng apartment. Tahimik at walang tao dito. Umupo siya sa labas niyon. Habang hawak-hawak niya ang isang folder na puti. Hindi niya maiwasang hindi umiyak. Napakabigat ng dibdib niya. Hindi niya matanggap ang lahat.Naisip niyang kuhain ang ilang importanteng gamit niya sa mansion ni Lanche. Sinalubong siya ng mga katulong. Mabuti na lamang at wala si Lanche dito. Umakyat siya sa kwarto niya