Share

CHAPTER 11

Umuwi sila at nakinig sa lahat ng paliwanag ng asawa. Nagka-ayos naman sila dahil mali rin ang naisip niya sa nakita niya. Napatid ito kaya tinulungan niyang tumayo.

Maaga siyang nagising, wala si Lanche sa tabi niya. Hindi niya namalayan na dito siya nakatulog sa kwarto ni Lanche. Bumangon siya at naghilamos. 

Bumaba siya ng maamoy niya ang mabangong adobo. Nakita niyang busy sa pagluluto si Lanche. Niyakap niya at patalikod. 

"You're awake honey." sabi niya at hinalikan si Brie.

"Gusto ko rin matuto magluto." sabi niya.

Tinuruan naman siya ni Lanche mag luto ngunit patapos na ito.Masaya silang kumain.

Ilang oras ang lumipas ay nagpaalam si Lanche na aalis siya at may ka meeting na pupuntahan.

Dahil hindi natuloy ang bondig nila ni Chillet kahapon, inaya niya ito mag milktea sa shop. 

Alas kwatro ng umalis siya sa mansion at dumiretso sa shop.Sinalubong siya ng mga staff na katrabaho niya noon. Naghintay siya sa isang table sa dulo. Mas masayadoon umupo dahil hindi masiyadong matao. Maya-maya dumating si Chillet. 

Nagkwentuhan lang sila tungkol sa nangyari kahapon. Subalit hindi niya

inaasahan na sa pangalawang pagkakataon, makikita niya si Lanche at Lauren dito.

Magkasma ito at nakakapit pa kay Lanche. Hindi niya napigil ang sarili at lumapit siya sa table nito na di kalayuan.

"Wow! Ka meeting pala?" sabi ni Brie. Lumingon naman sila at laking gulat ni Lanche ng makita si Brie na nakatayo habang naka cross arm sa harap nila.

"Elle. Are you following me?" tanog ni Lanche na mas lalog nagpatawa kay Brie.

"Ka meeting?! Ilang beses ako naniwala sayo Dine! Tapos lolokohin mo ako?" sabi ni Brie tumayo naman si Lanche para magpaliwanag.

"May ka meeting kami. Elle--"

"Tapos ano? Bibilugin mo naman ang ulo ko? " sabi ni Brie at pekeng tumaw.

"Elle stop please? Wag ka mag iskandalo." sabi ni Lanche at akmang hahatakin si Brie ngunit hindi siya nagpatinag.

"At ikaw! May asawa na siya! At isa ka na lang na ex! Ano pa bang kailangan mo sa asawa ko?!"

"Elle please stop." pigil ni Lanche.

"Nilalandi mo ba ang asawa ko?" tanong ni Brie na lalog nagbigay tensyon sa lahat.

Tumayo si Lauren at muling magsasalita ng magsalita si Brie.

"Well, magdadahilan ka na naman? Na gusto mo akong makilala! Pero pasimple mong nilalandi ang asawa ko!"

"ELKE STOP! Hindi niya ko nilalandi okay? Lauren I'm so sorry." sabi ni Lanche habang tinapik si Lauren at hinila si Brie palabas papuntang parking lot.

"What the hell are you doing Elle!Bakit mo ginawa kay Lauren yon!"

"Oh bakit?! Hindi ba sabi mo may ka meeting ka--"

"yeah. We are waiting our client!"

"Mahal mo pa ba siya?" naiiyak na sabi ni Brie.

"What? Don't change the topic! Napahiya si Lauren dahil sa ginawa mo!" 

"Mahal mo pa ba si Lauren?!" ulit niya.

"Ano bang klaseng tanong yan Elle?

"Im asking you!"

"Hindi pa ba sapat na pinahiya mo yung tao? At kailangan mo pang gawin yan?!" sabi ni Lanche. Halatang gakit na ito sa tono niya.

"DO YOU LOVE HER?!" tanong ni Brie.

Hindi sumagot si Lanche. Dahilan para matigil si Brie. Bagsak ang balikat niyang tumalikod.

"I lover her--"

Hindi na niya pinakinggan pa ang sasabihin ng lalaki at tumakbo na ito. 

Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero gusto niyang makalayo. 

Bakit kailangan pang magsinungaling

ni Lanche sa kaniya.

Sobra siyang nasasaktan, narinig na niya ang gusto niyang marinig sa lalaki. Na mahal din nito ang ex girlfriend niya. Hinayaan lang niya na tumulo ang luha niya. Nasa gitna siya ng highway.Wala siyang paki kung pinagtitinginan siya ng mga ito.

Maya-maya pa ay naramdaman niya ang isang tao na umupo sa tabi niya.Lumingon siya ng makita kung sino ito.

"L-lauren? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Brie hindi siya makapaniwala na nakaupo ito sa tabi niya.

"I just want to say something. Hindi ko nilalandi si Lanche. At wala akong balak sirain kayo. " sabi nito. 

"Ang lahat ng nakita mo ay para rin sayo yon. Kaya sana maniwala ka sa lahat ng sasabihin ni Lanche sayo. you're so lucky na ikaw ang pinakasalan niya." mapait itong ngumiti.

"You're so lucky na mahal na mahal ka niya. Unlike me."

Hindi siya kumibo at hinayaang magkwento si Lauren.

"Nawala siya sa akin dahil mas pinili ko ang career over him. Ma pride akong tao. kaya sana huwag mong hayaang magaya ka sa amin noon. Ingatan mo siya Brie." sabi ni Lauren.

"Bakit mo sinasabi to?Ikaw ang mahal niya," sabi ni Brie bago punasan ang luha.

"Listen to him first. Before you judge him. Kung mahal niya ko, hindi ka niya papakasalan." Ngumiti si Lauren bago tumayo at naglakad.

"Sorry..." yan ang lumabas sa bibig ni Brie bago siya makita ni Lanche.

"H-hon!" niyakap siya nito. Galing na mismo kay Lauren.

"I love her as my ex." yan ang unang bungad ni Lanche ng makarating sila sa Mansion.Hindi kumibo si Brie. Naalala niya ang sinabi ni Lauren

"You're so lucky na ikaw ang pinakasalan niya."

Maswerte nga siya dahil nakilala niya si Lanche at dumating ito sa buhay niya.

"You're so lucky na mahal na mahal ka niya. Unlike me."

Kaya naman nakinig siya sa lahat ng sinabi ni Lanche. 

"Mahal na mahal kita Elle,"  sabi nito at hinalikan siya. 

Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang labi ni Lanche na dumapo sa labi niya. Ramdam niya ang sinseridad nito.

"Mahal na mahal kita," sabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita Dine. Mahal na mahal,," sagot ni Brie sa kaniya at binigyan siya ng isang halik.

Ngayon ay naamin na niya sa kaniyang sarili na mahal na nfa niya si Lanche, kahit na hindi maganda ang una nilang pagkikita. Ngayon ay panatag na ang loob niya na mahal din siya nito, at wala nang dahilan  pa para maging paranoid siya. Hindi man niya sabihin ay al niya na sa sarili na mahal na mahal niya ang asawa.

Ngumiti siya bago humarap sa asawa. Ngayon ay isa na talaga siyang Claveria. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status